Work Text:
Maaraw. Maaraw pero may hangin na pumapawi sa init, kung kaya naman pinili ni Klay Infantes na umupo muna sa harapan ng kanyang college building upang masayang pagmasdan ang mga tanawin mula sa kinauupuan niya.
It was a stressful couple of weeks. Naninibago siya sa mga bagay-bagay, pero di niya maintindihan kung bakit. Hanging out like this, she found, was a good way to relax a bit before going to her next class.
Nag-e-enjoy siya sa kanyang pagmamasid when she suddenly felt it out of the blue.
Eyes.
May nakatingin sa kanya.
Hindi nakakatakot ang pakiramdam niya, though. Hindi naman parang stalker ang dating. In fact, the gaze felt warm and familiar. Warm like a comforting blanket that made her feel safe and cared for and loved.
She looked around para tignan kung may nagmamasid sa kanya, pero wala naman siyang nakita. But still, the feeling remained. Hanggang sa may napansin siyang gumalaw sa tabi ng puno sa may di kalayuan.
May lalaking nakatalikod doon at lumalakad papalayo. Naka-sumbrero. Parang naka-Amerikana. Old school ang peg, pero ang porma pa rin ng dating. Hmmm... Para saang class kaya yung presentation niya?
May nag-uudyok sa kanya na sundan ang lalaki. Hindi niya mawari kung bakit niya kailangang makita ito ng harapan, pero ang pakiramdam niya ay kailangan niyang gawin. Susundan na sana niya ng biglang tumunog ang kanyang cell phone.
"Klay!" -- sigaw ng kaibigan niya sa telepono -- "Nasaan ka na? Ma-la-late ka na! Bilisan mo, pag naunahan ka ni Sir dito, patay ka!"
Napatili si Klay sa sinambit ng kaibigan, dali-daling tumayo sa kanyang kinauupuan, at kumaripas papunta sa kanyang classroom. Sa pagkakataong ito, nakalimutan na niya ang lahat sa takot na baka bumagsak siya sa susunod niyang subject because of excessive tardiness.
However, the same man she was wondering about did not forget. In fact, upon hearing her shriek, he quickly turned around to find her running towards the building.
He knew that voice. He knew that run. And he definitely knew that face and form.
His cold, hard eyes suddenly softened slightly, allowing a bit of hope to shine through it like the light of a firefly during a dark, dreary night.
"Binibining Klay" -- pabulong na sinabi niya sa kanyang sarili na parang isang dasal na pinaparating sa Maykapal--
"Talagang ikaw na ba ito? Sa wakas ba ay nahanap na kita?"

FidelxKlay4Eva (Guest) Sun 18 Dec 2022 09:21AM UTC
Comment Actions
Fandomhoppingtrash Sun 18 Dec 2022 01:37PM UTC
Comment Actions