Chapter 1
Summary:
The One where TEN meets KUN for the first time.
Chapter Text
Nung 12 years old si Ten, sinama siya ng Mama niya para manuod ng solo concert ni Yixing Zhang. Nagta tantrums pa siya kasi ayaw naman niya talagang sumama, mas gusto niya pang maglaro ng basketball o di kaya naman ay makipag laro sa mga pusa niya. Pero dahil nagkaroon ng last minute emergency yung supposedly kasama ni Mama dapat sa concert, kaya siya nalang ang sinama ng Mama niya, sayang daw kasi yung ticket.
Pagpasok nila ng Mama niya sa venue, namangha si Ten sa dami ng taong nasa loob ng coliseum. Everyone is vibrating with excitement, may mga hawak silang pailaw sa kamay. Ang dami palang fans ni Yixing Zhang, punong puno yung venue.
Sabi ni Mama, fan daw siya ni Yixing Zhang for 11 years na. Wow, that’s almost Ten’s whole life. Kaya naman nung nag simula yung concert halos mangiyak ngiyak yung Mama niya nung lumabas si Yixing Zhang sa stage. All eyes on him, lahat ng mga tao sinisigaw ang pangalan niya. Nabalot ng kulay purple ang buong venue mula sa pailaw ng mga tao.
Akala ni Ten, mabo bored siya pero nung nag simulang kumanta at sumayaw si Yixing Zhang, hindi na niya naalis ang tingin niya dito, sobrang galing niya lalo na sa pag sayaw. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit hinahangaan ng Mama niya ang idol na to.
Pagkatapos ng concert, isa lang ang nasa isip ni Ten, gusto niyang maging kagaya ni Yixing Zhang. Gusto niyang maging idol. Gusto niyang kumanta, sumayaw, mag perform sa stage at palakpakan ng maraming tao.
Nung nalaman ng Mama niya iyon, binigyan siya ng buong suporta at inenroll agad siya nito sa isang dance academy.
Makalipas ang anim na taon, nabalitaan nila na magsasagawa daw ng auditions ang Chromosome Entertainment – ang kumpanya ni Yixing Zhang – para sa kauna unahan nilang bubuoin na boy group. According sa schedule, merong audition na gaganapin malapit sa lugar nila. Eto na ang pagkakataon niya!
Nung araw ng audition, walang bahid ng kaba si Ten. Confident siyang makakapasa siya, syempre 12 years old palang siya nagt training na siya sa dance academy part time after school and then full time every school break. He's determined and has a goal in mind, to become an idol.
Auditionee no. 95th sya. Maraming tao, ang haba ng pila. Habang nag aantay siya ng turn niya, napa tingin siya sa katabi niya, kay auditionee no. 96th na naka tungo, parang inaantok na. Hindi naman sa nanghuhusga siya pero mukhang nakapang bahay? Parang hindi pupunta sa audition? Naka puting tshirt na gusot gusot pa, denim shorts at slippers. Tapos nangangamoy hotdog galing dun sa puting plastic na hawak niya. Mag aaudition din ba to o napadaan lang?
But then, inangat ni auditionee no. 96th yung ulo niya mula sa pagkaka tungo, then he ran his hand through his hair like a shampoo commercial model, napatingin si Ten sa kanyang mukha. Ang pogi! Ten's heart skip a beat woah woah woah he's so beautiful like an angel.
Alam ni Ten na it's rude to stare but he can’t help it. Hindi siya kinakabahan sa audition pero bakit nagwawala ang puso niya ngayon? Kalma, self, andito ka para mag audition hindi para lumandi!
Mukhang nagutom si 96th, kumuha siya sa puting plastic na dala niya ng honey butter chips. Ang dami niyang baong pagkain mukhang nag grocery pa before pumunta dito. Yung totoo, papunta ata to si picnic hindi sa audition?
Obvious ata talaga ang pag titig niya sa magandang mukha ni 96th kaya naman hindi siya naka ilag nang mahuli siya nito na naka tingin.
Inalok siya bigla ng honey butter chips. Akala niya siguro ay nakatingin siya sa kinakain nito. Kumuha naman si Ten, unang sign ng karupukan niya. In the first place, di naman siya mahilig sa chips!
"Bakit ka may dalang hotdog?" Tanong niya habang ngumunguya, tinuro niya ung plastic na hawak ni 96th. Nangangamoy na yung hotdog, kanina pa sila dito so malamang defrosted na kaya siguro nangangamoy.
"Ah kasi galing lang ako sa grocery kanina tapos may lumapit sakin kung gusto ko daw mag audition ayun." Nagkibit balikat si 96th.
So tama nga yung hinala niya na napadaan lang si 96th? Ilang linggong pinaghandaan ni Ten ang audition niya para dito tapos si 96th napadaan lang?
"Ayos ah, ang spontaneous mo naman." Ten says to 96th looking so amused at his spontaneity. He's so interesting and he seems kinda fun to talk to. Kaya nagpa kilala si Ten,
"Ako nga pala si Ten."
Nilahad ni Ten yung kamay niya,
"Kun."
Nakipag shakehands si Kun sa kanya habang naka ngiti. Muntik nang mapa hawak si Ten sa dibdib niya, oh lord may dimple siya.
"Nice meeting you, Kun." Ngumiti si Ten pabalik sa kanya.
Introvert si Ten at hindi siya kumportableng maunang mag strike ng conversation sa mga taong hindi niya ka close, kaya hindi niya alam kung bakit hindi niya mapigil ang sarili na ipagpatuloy at pahabain pa ang usapan nila ngayon.
"By the way, alam mo ba na dating idol yung CEO ng Chromosome Ent?" tanong niya kay Kun.
Umiling si Kun. Hindi daw niya alam at hindi niya kilala kung sino si Yixing Zhang.
Sa haba ng oras ng pagaantay nila, ang dami na nilang napag kwentuhan. Tungkol sa mahilig sila pareho sa pusa, yung passion nila sa music, na kwento pa ni Kun na marami siyang hobbies from magic to skydiving. Nakaka tuwa na hindi siya nauubusan ng kwento, magka edad sila ni Kun pero parang ang dami nang interesting experiences ni Kun kumpara sa kanya na all these years ay naka focus lang sa school – bahay – dance academy. Habang nagkkwentuhan sila ni Kun, napansin ni Ten na may mga anggulo na magka hawig si Kun at Yixing Zhang, naka dagdag pa na pareho silang may dimple sa pisngi.
Masayang kausap si Kun kaya hindi nila namalayan ang oras hanggang sa tinawag na si Ten. Turn na niya para sa auditon. As expected, the audition went by smoothly naka kuha siya ng tatlong yes mula sa judge panel.
Masaya siyang naka pasa siya pero naging doble ang saya niya nung nalaman niyang nakapasa din si Kun sa next round. Nag palitan sila ng phone number kanina at ngayon may excuse na siya para makita ulit si Kun. He can’t wait for the next round of auditions!
Tuwang tuwa ang Mama niya nung nalaman na nakapasa siya sa auditions. Kinwento niya din sa Mama niya na meron siyang nakilalang auditionee na hawig ni Yixing Zhang habang kumakain sila ng Master Kong braised beef noodles with Yixing Zhang on the cover of the packaging. Sa sobrang fan ng Mama niya, lahat ata ng product endorsement ni Yixing Zhang meron sila sa bahay.
“Ma, may nakilala ako sa audition na hawig ni Yixing Zhang,” Pabiro pa siyang nag tanong, “Baka anak niya po yun ah? Kunyari lang na nag aaudition?”
Tumawa yung Mama niya sabay pisil sa pisngi niya, “Ikaw talaga, marami kang kalokohan. Wala pang asawa at anak si Yixing Zhang!”
Are you sure, Mama?
Chapter 2
Summary:
The One where TEN tries to KUNtrol himself not to fall for his attractive roommate.
Notes:
parallel to TDT's chapter 4 – this time told in Ten's POV
(See the end of the chapter for more notes.)
Chapter Text
To: Kun
Anong paborito mong number sa electric fan?
Shit! Muntik ng maihagis ni Ten yung phone niya. Nabuhayan siya bigla. Di niya dapat isesend yung text na yun. Tinype niya lang yun as a joke kasi wala na siyang maisip na topic at ayaw niya pang matapos ang usapan nila sa text kaso na pindot niya yung send ng hindi sinasadya kasi inaantok na siya.
Pero ngayon, gising na gising na ang diwa niya.
Pinalo palo ni Ten ang ulo niya gamit ang kanyang cat plushie. Overthink malala! Baka isipin ni Kun na wala siyang kwentang kausap? Anong paboritong number sa electric fan? Anong klaseng tanong yun? Stupid! That's so cringe!!!
While Ten is in the middle of berating himself, biglang tumunog yung notification ng phone niya.
Pikit ang isang mata niyang sinilip kung si Kun ba yung nag reply sakanya.
Si Kun nga!
Binuksan niya agad yung message para basahin.
From: Kun
Number 3 para intense at gusto ko yung nakatutok lang sakin at hindi na lilingon sa iba 😌
Higit sa tatlong beses binasa ni Ten yung reply ni Kun. Hindi siya makapaniwalang nag reply si Kun sa walang kwenta niyang tanong. He's grinning so wide that his cheeks hurt. What is this? Kinikilig ba siya sa reply ng kaibigan tungkol sa paboritong number sa electric fan?
Ten started typing his reply, ako favorite ko number 1 gusto ko maging number 1 ka sa buhay ko. —then he immediately pressed delete sabay tapik sa sariling pisngi.
He's supposed to be sleeping now so his mind and body is in the best condition for his first day of training in Chromosome Entertainment tomorrow. Pero eto siya, katext parin si Kun and it's almost midnight na, na parang akala mo hindi sila magkikita bukas.
To: Kun
goodnight, Kun! Sana naka number 3 ang electric fan mo ngayon para maging masarap ang tulog mo diyan hahaha
see you tmrw!
From: Kun
HAHAHA
goodnight din!
see you!
Pareho silang naka pasa ni Kun hanggang sa final auditions although hindi sila nagkasabay ng schedule nung final auditions dahil si Ten ay napunta sa pangalawang araw na sched while si Kun ay sa pangatlong araw. Kaya bukas ang pangalawang pagkakataon na magkikita sila muli, pagkatapos ng limang buwan.
They kept in touch in those five months at dahil nga masayang ka kwentuhan at hindi nauubusan ng interesting stories si Kun, ang dami na niyang nalaman tungkol sa bagong kaibigan. Sa bawat kwento ni Kun, bukambibig niya din yung best friend niya, every interesting story ni Kun andun yung best friend niyang si Doyoung.
Sumali si Kun sa children's school play ng Wizards of Oz bilang si The Cowardly Lion? andun si BFF Doyoung as The Tin Man.
Kun learned how to do magic tricks for fun? Kasama niya si BFF Doyoung habang nagpa practice.
Nag skydiving for the first time si Kun? Kasama niya si BFF Doyoung. Pareho silang kumuha ng skydiving certificate.
Hindi kilala ni Ten si Doyoung pero dahil sa mga kwento ni Kun, parang kilala na niya din.
Nag goodnight na siya kay Kun pero di pa siya maka tulog, kaya inopen niya yung IG account niya para silipin ang profile ni Kun. He likes scrolling Kun's feed. He takes good pictures and he arranges his feed in an aesthetic way. Nabanggit din ni Kun sakanya na he likes photography.
Ang daming talent ni Kun, he's just so interesting that it makes Ten want to get to know him better.
The Chromosome Entertainment Group’s headquarters is a compound situated in the city. May tatlong building sa compound, una yung dormitory ng mga trainees, pangalawa, yung auditorium kung saan ginganap ang company-wide gathering, auditions at other big events at yung pangatlo, yung pinaka malaking building sa buong compound, ang main building kung saan nag ooffice ang CEO at mga empleyado ng CEG. Sa main building din located ang training rooms and facilities.
Maraming curious sa magiging trainee program ng CEG kasi ito ang unang beses nilang tatanggap ng trainees. Puro established soloists kasi ang mga artists nila. Yixing Zhang, the CEO has a respectable reputation on the entertainment industry. So the anticipation for the company’s first boy group is high.
Binasa ni Ten yung dorm announcement letter na binigay sakanya nung staff pagka pasok niya sa dormitory building. The letter contains the details and rules of living in the dormitory. Dalawang trainee per room which means magkakaroon siya ng roommate, they will be provided three meals a day for free sa cafeteria sa main building, bibigyan sila ng prescribed diet regimen at workout routine, may curfew, no pets allowed, no smoking, no drinking of alcoholic beverages inside the dormitory, all trainees are expected to be punctual and attend their training as scheduled. There will be appropriate punishment kapag lumabag sa rules.
Hinatid siya nung staff sa room assignment niya at binigy sakanya yung susi.
Room 271.
For all of 10 minutes after opening the dorm announcement letter, Ten is ecstatic. He’s 18 years old now and absolutely craving independence. He’ll be away from home for the first time!
Kumatok muna siya bago pumasok just in case andun na yung roommate niya. Nung walang nag respond sa kanya binuksan na niya yung pinto. Baka wala pa yung roommate niya sa kwarto.
And then his enthusiasm shattered and his heart sank when he opened the door.
Pag pasok niya ng kwarto, uminit agad ang ulo ni Ten. The room is so messy!
Ang daming kalat. Naka hambalang ang maletang bukas, may mga kung ano anong gamit ang nasa sahig at kama ng roommate niya, parang binagyo ang kwarto. Sa katunayan ang nanatili lang na maayos ay yung isang kama. Yung magiging kama niya.
Napakamot si Ten sa ulo,
Ayaw niya ng kalat! Hindi siya nakakapag isip ng maayos pag makalat ang kwarto. Ayaw niya ng makalat na roommate. Pwede pa kayang magpa lipat sa ibang kwarto?
Naka pamewang si Ten habang tinitingnan ang buong kwarto. Hindi siya mapakali parang nangangati ang kamay niya, gusto niyang ayusin yung mga kalat at linisin ang buong kwarto kaso baka magalit yung roommate niya pag ginalaw niya yung mga gamit.
Ten sighs, first day palang sa dorm naiinis na siya.
Inilapag niya yung mga gamit niya sa side ng kama niya. He'll have to deal with his roommate later. For now, magaayos nalang muna siya ng sarili niyang gamit.
Habang nagva vacuum si Ten ng kama niya gamit ang kanyang portable vacuum cleaner na dinala niya mula sa bahay nila, biglang bumukas yung pinto.
Lumingon siya sa may pinto para tingnan kung sino ang pumasok,
"Oh my god, Ten!" Masayang bungad ng roommate niya sa kanya. "Ikaw pala ang roommate ko? Nice!"
"Uy Kun! Oo, kakarating ko lang." Masyadong nakakahawa yung ngiti ni Kun kaya napangiti na rin si Ten. Parang kanina lang ay inis na inis siya dahil makalat ang room.
Si Kun ang roommate niya? So ibig sabihin kay Kun ang mga kalat sa kabilang side ng kwarto? Siguro tama nga ang kasabihan, nobody is perfect.
"Kanina pa ko dumating pero lumabas ulit ako, pumunta kami ng Dad ko sa convenience store para bumili ng snacks. He’s being dramatic, nagaalala siya baka magutom daw ako.” Kun laughs. “First time kasi namin magkakalayo." Dumiretso ng upo si Kun sa kama ni Ten.
Gusto sanang pagsabihan ni Ten si Kun na 'wag kang umupo sa kama ko, kaka lagay ko lang ng bedsheets at kaka vacuum ko lang niyan!'
Pero ano pa bang magagawa niya kundi mag smile and nod nalang. Wala narin namang ibang mauupuan sa room dahil puro kalat nga ng gamit ni Kun.
"Eto oh binilhan niya ko ng madaming snacks. Share nalang tayo." Nilapag ni Kun yung dala niyang paper bag sa kama ni Ten tapos inalis niya yung mga laman. So ngayon naka kalat sa kama ni Ten yung mga packs chips, crackers at cookies.
Humigpit ang hawak ni Ten sa portable vacuum cleaner niya. Sitting pretty si Kun sa bagong palit niyang bedsheets tapos nagkalat pa. Ni hindi pa nga nakaka upo man lang si Ten sa sarili niyang kama dahil busy siya sa pagaayos kanina.
Kumuha si Kun ng isang pack ng cookies, bubuksan palang niya pero pinigilan siya ni Ten. He's almost at his limit. Konting konti nalang baka mag snap na siya. Yung thought palang na baka may mga malaglag na crumbs ng pagkain sa kama niya, naiinis na siya.
"Kun, gusto mo tulungan kita ayusin yung gamit mo?" Ten laughs awkwardly, "Para hindi naman mukhang masikip kwarto natin."
Tumingin si Kun sa side ng bed niya. "Ay wag na nakaka hiya naman. Ako na magaayos sorry sa kalat sige ayusin ko pala muna mga gamit ko."
Vinacuum ulit ni Ten for the second time yung kama niya pagka alis ni Kun. Nauna siyang matapos mag ayos ng gamit kaya nag pphone nalang siya habang palihim niyang pinapanuod si Kun mag ayos ng sariling gamit.
Kailangan lang pala ni Kun ng konting push para mag linis. Ten is watching him with amusement. The way Kun unconsciously pouts whenever he's confused kung saan niya ilalagay yung mga gamit niya, the way Kun smiled softly when he found out that his Dad secretly sneaked a picture frame on his luggage with a photo of Kun when he was still a kid with his Dad hugging him; His Dad even left a sticky note at the back of the picture frame expressing his love and encouragement for Kun making Kun tear up for a bit.
"Pagod na akooo." Humiga si Kun sa sahig at nag curl up na parang pusa.
Cute.
Sa wakas tapos na si Kun mag ayos. Malinis at maaliwas na yung kwarto nila.
"Ang init." Reklamo ni Kun habang nagpapahid ng pawis niya sa mukha gamit yung suot niyang t-shirt.
Bukas yung aircon pero naiinitan si Kun? Tumayo si Ten tapos binuksan niya yung electric fan, inilagay niya sa number 3 at itinapat kay Kun.
Kun burst into a giggle. Napa isip pa si Ten kung may nakakatawa ba sa ginawa niya? But then he remembers their topic last night and he immediately turns red from embarrassment.
"Tawang tawa ka diyan." Binato ni Ten ng plushie si Kun habang naka ngiti. "Wag kang humiga sa sahig, baka magka sakit ka."
"Only child ako so hindi ako sanay na may kasama sa kwarto but I think this will be fun, we'll be like brothers!" Kun exclaims, then he stands up and goes to his closet to change his shirt.
brothers?
so brother zoned siya… baka straight si Kun? Ito na siguro yung sign na itigil na niya ngayon palang kung ano man itong nararamdaman niyang attraction para kay Kun. Tama, para wala na ring distraction sa training. It’s better to extinguish the spark this early before this feeling ignites into a full blown flame.
Tumalikod si Kun sakanya na parang nahihiya ito bigla na mag hubad at magpalit ng shirt sa harap niya. Hindi nalang binigyan ng meaning ni Ten kasi kakasabi lang ni Kun na hindi siya sanay na may kasama siyang roommate sa kwarto, nahihiya lang siya siguro talaga.
Ten's eyes raked Kun's back down to his slim waist then he averts his gaze. Stop staring! Napailing siya. Mali ito, kakasabi lang niya kanina na pipigilan niya kung ano mang attraction na nararamdaman niya. The last thing he wants is maging uncomfortable si Kun at maging awkward sila sa isa't isa. Mahirap na lalo pa at roommates sila.
Before that day ends, pinatawag silang mga trainees for orientation. Ang sabi nung staff, out of 150 auditionees na pumasa sa preliminaries, 14 lang sila na pumasa sa final auditions at 12 lang yung tumuloy at pumirma bilang trainee.
Sa kanilang 12, 6 lang yung mapipili bilang unang magde debut na magiging kabilang sa kaunahang boygroup ng Chromosome Entertainment Group. Yung mga hindi mapipili will go back to training.
The competition will be intense but Ten vows he'll not be deterred. He'll definitely make sure to debut on that first 6.
He eyes Kun from his side, Kun has the same determined look. Looks like everyone in this room is competitive. This will be tough for sure.
First official day of training. Everyone is gathered in the training room. The 12 trainees and the 3 mentors – Coach Jongdae, Coach Jongin, and Coach Minseok. The coaches will guide and asses them while CEO Zhang whom they will call PD Zhang will grade every test. The grade will be according to their monthly performance.
Nagk kwentuhan pa casually silang mga trainees and the coaches to break the ice, nagsh share yung mga coaches ng kanilang mga kwento nung trainees pala sila. Medyo maingay yung room pero natahimik lahat nung biglang pumasok yung isang lalaking mukhang intimidating, naka beige coat, black turtle neck. Tunog palang ng yapak niya mula sa louboutin niyang sapatos, mapapa tingin ka na sa kanya.
He still clearly remembers that day when his mom brought him to watch his concert. That day he realized that he wanted to be an idol and now, after 6 years, Yixing Zhang will be one of his mentors. This feels surreal.
Although parang iba yung aura ni Yixing Zhang ngayon compare to the last time he saw him. When Yixing Zhang is performing on stage as an idol, he’s expressive, his aura is charismatic and he’s all smiles when he interacts with his fans. Charismatic parin siya ngayon but right now he has an aura of a person who can command a room without saying a word. He’s smiling but his smile doesn’t reach his eyes. He looks strict and intimidating.
Kahit yung mga coaches biglang napa tigil sa paguusap nung pumasok siya sa room.
Nagpabalik balik yung tingin ni Ten kay PD Zhang at kay Kun. May mga anggulo talaga na may pagkaka hawig sila.
“Hmm…Parang medyo hawig kayo?” bulong ni Ten kay Kun.
“I think hindi naman?” Sagot ni Kun sakanya. “Baka dahil pareho lang kaming may dimple?”
“Anyway, PD Zhang is good looking so you should be flattered na hawig mo siya.” Ten nudges him playfully.
“Alam kong pogi ako no.” Pabirong sagot ni Kun habang naka Mr. Pogi pose.
“Ay binabawi ko na pala.” Ten waves his hand dismissively. Tapos inirapan siya ni Kun habang naka nguso. Ang sarap niya palang asarin, his reaction is so funny and cute at the same time.
PD Zhang raises his hand and presses his index finger in his mouth. That gesture alone immediately shuts down the murmurs in the room. Everyone’s attention is on PD Zhang in the front.
“Hello trainees, I’m Yixing Zhang. You may call me PD Zhang.” Kumaway si PD Zhang with a smile on his face but again, the smile didn’t reach his eyes. Nagsimula siyang magpa kilala.
“Hello po, PD Zhang.” Enthusiastic na sagot ng mga trainees pabalik sakanya.
“Para sa mga hindi nakaka kilala sakin, naging trainee din ako for 2 years bago ako nag debut bilang music artist. Miyembro ako ng SKY kasama si Coach Jongin na andito kasama natin ngayon na magiging mentor niyo din. 18 years na ako sa music industry so marami akong maibabahagi na wisdom and experience sainyo para maka tulong sainyong mga magsisimula palang. And I’ll be glad to share that.”
Pinag daop ni PD Zhang yung palad niya, “So, the rule is that we’ll grade you A, B, C, D and F according to your performance. If you get an A that means you did an excellent job, If you get F then it means you need more practice and you need to try harder. Remember, your training years are important as this will be your foundation. It’s a tough world out there. So work hard, work hard and work even harder! Because the harder you work, the luckier you are!”
“Ok now let’s start grading performances.” Naglakad si PD Zhang sa pinaka gitna na parte sa harapan. Habang nanatili sa side yung tatlong coach. “Show me what you got.”
Almost everyone gasps pero ibahin nyo si Ten.
Ten is born ready.
PD Zhang and the other mentors may look intimidating but this does not faze him. Sanay siyang mag perform sa harap ng maraming tao on school events and dance competitions.
“Rule Number One, you kids gotta be prepared always.” Sagot ni PD Zhang. Napansin niya siguro yung gulat na bakas sa mukha nilang mga trainees.
Tumango tango si Ten sa sinabi ni PD Zhang, he agrees. Bring it on.
“Any volunteer?” Iginala ni PD Zhang yung tingin niya.
Gustong mag volunteer agad ni Ten pero ayaw niyang mag mukhang mayabang o over confident kaya nag antay muna siya kung may mag vo volunteer bang iba sa mga kapwa trainee niya. Pero nanatiling tahimik lahat at obvious sa karamihan na nakatungo o umiiwas ng eye contact kay PD Zhang.
Since walang gumagalaw ay nag take na ng initiative si Ten, itinaas niya ang kamay niya. Napansin agad siya ni PD Zhang.
PD Zhang looks delighted nung nakitang may nag volunteer, binasa niya yung nasa name tag at tinawag niya si Ten para pumunta sa harapan. “Our first volunteer, Ten! Come here in the front.”
Pinapili ni Coach Jongin si Ten ng gusto niyang genre ng sayaw, Ten is confident sa hiphop or jazz so yun ang sinagot niya kay Coach Jongin. Coach Jongin plays a random jazz music, in a span of 5 seconds upon hearing the music Ten was able to immerse himself in dancing along with the music. Hindi sa lahat ng bagay confident siya but when it comes to dancing, this is the talent he’s certainly most confident and proud of. He can express himself well through the smooth and sharp movement of his body. Habang sumasayaw siya sa harap, nag tama yung tingin nila ni Kun for a split second, he saw how Kun’s lips are parted in amazement while watching him. Ten smiled for a bit when he saw that.
He ends the dance with a graceful bow. Nanantiling naka tayo si Ten sa harap habang pinapalakpakan siya ng mga tao. He feels confident while dancing but he still feels shy after, when the audience are applauding him.
“B.”
Binigyan siya ng B grade ni PD Zhang. Not bad for the first day. There’s always room for improvement. Besides, this is an impromptu test so he thinks he did well. He’ll make sure to get an A next performance evaluation.
Nag pasalamat si Ten kay PD Zhang at bumalik na siya sa upuan niya. Pagkatapos niyang sumayaw may nag volunteer na isa pang trainee, si Sicheng. Magaling din siyang sumayaw pero magkaiba ang dance style nila. Pareho silang naka kuha ng B mula kay PD Zhang.
Pagkatapos ng dalawang volunteer, iginala muli ni PD Zhang ang tingin niya. Mukhang hindi pa siya satistfied at gusto pang mag tawag ng magiimpromptu performance sa harap. Tumigil ang tingin ni PD Zhang sa may direksyon nila Ten, tiningnan ni Ten yung mga katabi niya halos lahat naka tungo or paiwas ang tingin. Siya lang ata ang nakaharap kay PD Zhang.
"You."
Akala ni Ten siya ang tinuturo ni PD Zhang but then PD Zhang points exactly in Kun’s direction then he waves his hand upward, "Kun, come here in the front." he beckons for Kun to stand up and come in the front.
Yung paraan ng pagtawag ni PD Zhang kay Kun, kahit sino ata kakabahan dun. Tipong manginginig ang binti mo habang tumatayo.
Everyone is looking at Kun expecting him to go in the front.
Pag punta ni Kun sa harap, lahat naka tingin sakanya.
There's just something about seeing Kun and PD Zhang side by side. Especially when they pursed their lips at the same time causing the dimple on their cheek to pop out. It was so synchronized that almost everyone has the same thought on their mind,
What in the conspiracy theory is this?
Para silang mag ama?
Sabi ni Kun he’s aiming for the Main Vocal role but his dancing is not that bad. Actually, Kun’s dancing is better than Ten expected. Although may konting sablay lang kasi halatang kinakabahan siya. Sino ba naman ang hindi kakabahan when PD Zhang is assesing him like a hawk. Mas naka focus ang mata niya kay Kun kumpara sa paraan ng pag eevaluate niya kay Ten at Sicheng. It’s like he’s expecting Kun to perform better.
"F." PD Zhang says bluntly.
PD Zhang gave Kun an F.
Ten gasps, he did not expect that PD Zhang will be this harsh . First day of training palang and he’s being strict agad. Mukhang mataas ang standards niya.
“C’mon PD Zhang don’t terrorize the kids on their first day.” Coach Jongdae lightly jokes,
“You lack balance." PD Zhang gives his comments to Kun, "First of all, you should know your angles in dancing, Every movement should be accurate.” Hinawakan ni PD Zhang yung balikat Kun at pinaharap dun sa malawak na salamin sa pader.
Nakaharap pareho si PD Zhang at si Kun sa salamin. Ten wonders kung nakikita ba nung dalawa yung nakikita ng lahat. The fact that they resemble each other.
“Chin Up.” Inangat ni PD Zhang yung baba ni Kun at inayos ang balikat niya for his posture. “Your skills in dancing are not yet great enough, if you want to be an excellent dancer, you need more practice. I hope you keep trying."
“Practice in front of the mirror, find your best angle in dancing, your body will remember it. Let me show you an example, I’ll slow it down."
Tinanggal ni PD Zhang yung beige coat niya at nag demo siya ng freestyle, he looks so cool dancing, it was sharp and immaculate, walang mintis sa bawat galaw. Ten is excited to learn from him. Mukhang marami siyang matutunan kay PD Zhang bilang may first hand experience si PD Zhang as an idol and an all around performer.
“Did you kids pay attention at how I swung may arms, the way I executed the moves? That’s balance .” Inemphasize ni PD Zhang yung word na balance na parang gusto niyang itatak sa utak ng mga trainees na kailangan nila yun. “I know that’s my best angle in dancing and my body remembers it because I practiced hard. Consistent practice is important. Do you understand what I’m saying here, kids?”
“Yes, PD Zhang.”
“Your hard work today determines how high you’ll stand in the future and where you stand will determine the kind of scenery you’ll see.” PD Zhang’s last words of wisdom today before giving the floor to Coach Jongin.
Pagkatapos ng training nila that day, nagpaiwan pa si Ten, Kun at iba pang mga kapwa trainee nila sa training room para makapag practice pa. Halos isang oras din silang nag extend hanggang sa nagyaya si Hendery na pumunta sa cafeteria kasi nagugutom na siya.
Lumabas na sila ng practice room maliban kay Kun, nagpaiwan siya. Magpa practice pa daw siya ng konti.
Habang kumakain si Ten, Hendery at Yangyang sa cafeteria, lumilipad ang isip ni Ten kay Kun nagaalala siya sa kaibigan kasi baka naapektuhan siya nung grade na binigay sakanya ni PD Zhang. Sana naman hindi siya na discourage.
Binalikan niya si Kun sa training room pagkatapos nila kumain pero pag dating niya dun patay na ang ilaw. Kaya dumiretso na siya ng uwi sa dorm sa pagbabakasakaling bumalik na din sa Kun kwarto pero pag dating niya sa kwarto nila, wala si Kun doon. Nasaan na kaya siya? Baka maabutan siya ng curfew?
Itetext niya palang sana si Kun nang biglang bumakas ang pinto ng kwarto nila. Pumasok si Kun na may hawak na dalawang paper bag.
Bakit ganun, ang fresh pa din ni Kun kahit galing sa practice? Mukhang amoy baby powder? Parang ang sarap i-baby- oops awat na awat na, tama na yan. Na didistract na naman siya.
“Ten, nakita ko to sa locker ko oh. Nakatanggap ka din ba?” Inilapag ni Kun yung dalawang paper bag sa maliit nilang lamesa sa kwarto. Inalis niya yung mga laman. Yung isang paper bag, may dalawang food container. Sa isang food container may laman na freshly cut fruits tapos yung isang food container naman may laman na sweet potato. Inalis niya din yung laman nung isa pang paper bag, may small box ng pain relief patches.
“Hindi eh, may naka lagay bang note kung kanino galing?”
Bago pumunta sa cafeteria kanina, dumaan sila Ten, Hendery at Yangyang sa locker room. Wala naman siyang natanggap na kagaya nung kay Kun, mukhang wala ding natanggap si Hendery at Yangyang dahil wala naman silang nabanggit.
“Wala eh, actually akala ko nga galing sayo. Ikaw palang naman ang kaibigan ko dito.” sagot ni Kun sakanya.
Salamat nalang din talaga din dun sa kung sino mang nag bigay ng pain relief patches kay Kun dahil nakinabang din siya.
Napaisip si Ten, baka may secret admirer si Kun? He’s honestly not sure why the thought of that sends a churning feeling in the pit of his stomach. Like he’s uncomfortable just thinking about the possibility that someone likes Kun. When he has absolutely no right to feel this way. Sure he had a little crush on his friend when they first met, Kun is undeniably attractive but then again, nanggaling na kay Kun na they’ll be like brothers so whatever this churning feeling is should be controlled.
He imposed a rule on himself:
Rule No. 1: No distractions, focus on the training.
Rule No 2: Don’t make a move on your roommate. Don’t let your small crush on him distract you. For all we know, he might be straight.
‘Meow meow’
“Narinig mo yun?” Ten hears a sound of a purring cat.
Tumango tango si Kun, “Oo, parang may pusa?”
They followed the sound of the cat purring and it led them to their window. Binuksan nila yung bintana at paglingon nila sa labas, there’s a stray cat loitering in the ledge.
Sabi sa dorm rules, no pets allowed. Ten is initially conflicted kung anong gagawin, kung papa pasukin ba nila sa kwarto yung stray cat pero mas nanaig ang pagiging cat lover niya, ang pagiging cat lover nila ni Kun kaya pinapasok nila yung pusa sa loob.
Malambing yung pusa sakanila pareho. This feels natural, comfortable, domestic – they look like they’re cat dads. Nakaupo sila sa sahig habang nakasiksik yung pusa sa gitna nila habang sinusubuan ni Kun ng bite sized na sweet potato. Since pina pasok at pinakain niya yung pusa, Ten is pretty sure na babalik ulit dito sa kwarto nila yung stray cat. As much as they want to adopt the cat, bawal, according sa dorm rules. Ito pa nga lang na pinapasok nila sa loob lumalabag na sila sa rule.
First day pa lang ng training may nalabag na silang rule sa dorm.
May lalabagin din kaya si Ten sa self imposed rule niya?
Notes:
Sinong nag bigay ng food at pain relief patches kay Kun? Kung nabasa niyo yung TDT I think you would have an idea who :)
Chapter 3
Summary:
The One where TEN is KUNcerned about his roommate.
Notes:
parallel to TDT's chapter 6
cw:
bullying
fat shaming
Lucas (a/n: I don’t support him in any way)
Whump
Chapter Text
Every morning is like a torture.
Hindi dahil sa ayaw niya pang bumangon dahil gusto niya pang mag extend ng tulog.
Hind din dahil sa masakit pa ang katawan niya dahil sa mga nakaraang araw na training at gusto niya na lang sana humiga buong araw.
Walang wala etong mga to sa klase ng torture na nararamdaman ni Ten sa araw araw. 30 days na siyang tino torture.
Isang buwan na silang nagt training. Isang buwan na rin silang mag roommates ni Kun. In a span of 30 days, they developed a certain routine inside their room. Every morning, nauunang gumising si Kun, by the time na magising na si Ten tapos na mag shower si Kun. Yung amoy ng fresh from the shower Kun – talo pa yung alarm ni Ten sa pagpapa gising sa kanya.
Amoy fresh, amoy baby powder. Parang ang sarap makipag lambingan sa kanya, ang sarap niyang i-baby.
Kapag naamoy na niya yun, gising na siya. Instant mulat ang mata niya. Gising na rin ang diwa niya na nag papaalala sakanya na bawal ang mga iniisip niya.
They're like brothers daw according kay Kun pero napapa 'bro, I can't' nalang si Ten.
Paano ba naman kasi hindi siya magigising ang diwa, bukod sa amoy, dagdag pa na minsan naka boxers lang si Kun pag labas ng banyo sa kwarto nila kundi man naka boxers, naka tapis lang ng tuwalya sa lower body niya. Parang awa, hirap na hirap na si Ten. Kaya pumipikit nalang siya hanggang sa makapag bihis na si Kun.
May mga araw na trip niyang asarin si Kun pag umaga kaya nagtutulog tulugan siya hanggang gisingin siya ni Kun. Gusto kasi ni Kun na palagi silang sabay pumunta sa cafeteria para mag almusal.
Katulad ngayon, nagtutulog tulugan siya. Kanina pa siya gising, naamoy na niya yung fresh from the shower amoy baby powder Kun which means in a few minutes gigisingin na siya ni Kun.
"Ten."
And there it is. Like clockwork.
"Ten, gising na~"
Lalong lumakas yung amoy ng fresh from the shower amoy baby powder Kun which means naka tayo na si Kun malapit sa kama niya.
Naramdaman niya na umupo si Kun sa kama niya."Ten Lee! Gising na! Ten~" Inaalog alog nito yung braso niya
Kapag narinig na ni Ten na sinabi ni Kun yung full name niya, imumulat na niya yung mata niya.
"Abala ka naman sa tulog. Maaga pa." Humikab si Ten. Acting lang since hindi naman na talaga siya inaantok gusto niya lang talagang mang asar.
"10 minutes snooze." sabay pindot sa ilong ni Kun na para siyang alarm clock na pinindot ang snooze button.
Kun pouted in annoyance but he still looks cute. Ten thinks Kun is not aware how cute he is. Eto yun, yung rason kung bakit gustong gusto niyang inaasar si Kun. Ang cute kasi ng mga reaksyon niya.
Sa loob ng 30 days may mga bagay siyang na discover tungkol kay Kun. It's absolutely endearing to hear him talk about his dad, they seem to have a close relationship may one time pa na naka loud speaker si Kun while on a phone call with his dad tapos pagpasok ni Ten ng kwarto, narinig niya na tinawag na 'baobao' ng dad nya si Kun bago daliang inalis ni Kun sa loudspeaker yung phone niya.
Kun is also openly affectionate. He often puts an arm on his shoulder casually, they sometimes hug pa nga kaya naman again napapa 'bro I can't' nalang minsan si Ten mahirap magpigil ng feelings kung ganito yung object of affection mo.
But then makikita niya na ganun din si Kun mga kapwa nila trainees na naging kaibigan niya. He treats everyone with kindness, he treats his close friends like his brothers. Actually hindi narin siya magtataka kung may iba pang nagkaka crush kay Kun, he's very charming and a social butterfly. Siya yung tipo na quintessential crush ng bayan sa school.
Kaya nire release nalang niya yung pent up feelings niya sa pag sayaw at pang aasar kay Kun.
"Ten~ Tara na." Inalog alog ulit ni Kun yung braso niya.
Hindi parin siya pinapansin ni Ten kaya naman biglang inihiga ni Kun yung upper body sa upper body ni Ten, dinaganan siya at sinisiko siko siya, kinukulit siya na gumising na.
"Kun, get off~" Ten wiggles under Kun, maingat din siya kasi baka kung saan mapa hawak ang kamay niya.
damn it bro I can't – Kun's amoy fresh from the shower amoy baby powder is rubbing all over him. Bumalikwas si Ten at tinulak niya si Kun,
"Eto na gigising na pooo" Tumayo siya mula sa kama at dumiretso sa banyo.
Humarap siya sa salamin, there's a tent forming in his shorts shit tinigasan siya dahil sa ginawa ni Kun, fuck this hormones.
Hawak na niya, naka baba na yung shorts niya. Reresolbahan niya palang sana itong problema niya pero biglang kumatok yung root cause ng problema. Torture talaga ito.
‘bro I can't please stop’
Bumuntong hinga si Ten bago mag salita, "bakit?"
"Nakalimutan mo yung towel mo?" sagot ni Kun sa kabilang side ng pinto.
Itinaas ni Ten yung boxer shorts niya at binuksan ng kaunti yung pinto, yung sapat na space lang para magkasya ang kamay. Mahirap na baka makita pa ni Kun yung tent niya sa baba.
"Akin na." Inilabas ni Ten yung kamay niya para iabot sakanya yung towel.
Naramdaman na niya sa dulo ng daliri niya yung towel…
"Ay wait hindi kasya – " narinig niyang sabi ni Kun. Bago pa siya makapag react ay biglang tinulak ni Kun yung pinto at bumukas ito.
Exposing Ten in his full glory.
They both jolted out of surprise. Si Ten nagulat dahil feeling niya na expose siya. Wala siyang suot na pang itaas tapos may tent siya sa baba tapos si Kun naman naka awang ang bibig habang naka focus ang tingin niya sa tattoo ni Ten sa dibdib. Ngayon lang siya nakita ni Kun na walang pang itaas kaya siguro nagulat siya na may tattoo pala si Ten. Nagpapasalamat nalang siya na sa dibdib niya naka tingin si Kun, hindi sa baba.
Buti nalang pala talaga itinaas niya yung boxer shorts niya kanina.
Kaya bago pa bumaba yung tingin ni Kun, kinuha na niya agad yung towel sa kamay nito sabay sara ng pinto.
for the love of god, it's like there's a new form of torture every day.
Pagka labas ni Ten sa banyo, hanggang sa makapag almusal sila hindi nila pinag usapan kung ano yung nangyari kanina. Parang nag patay malisya nalang sila pareho. Buti nalang din at preoccupied sila sa foreign language class nila sa umaga tapos sa hapon naman yung first vocal assessment sila.
Ten is pretty confident sa first vocal assessment nila. They were divided into 2 people per unit and he got partnered up with Yangyang. Nung una, skeptical pa siya since hindi siya sigurado kung magkakasundo sila ni Yangyang, may pagka perfectionist at competitive kasi siya. He was quite worried at first kasi baka mag clash sila ni Yangyang pero everything went well smoothly habang nagp practice sila. They hit if off quickly, they even hung out alot after practice.
Nung inasses sila ng mga coaches at ni PD Zhang, Ten got an A and Yangyang got a B. Naka kuha pa ng compliment si Ten mula kay PD Zhang. Sabi ni PD Zhang, he's impressed dahil Ten is not only good at dancing but he got excellent vocals as well!
After nila magperform ni Yangyang, si Kun at Dejun ang sumunod.
Maraming beses ng narinig ni Ten kumanta si Kun. Sa training room, sa kwarto nila, minsan naririnig niya rin yung pag kanta ni Kun habang nagsh shower – Kun's voice is beautiful, no doubt – but at this moment, hearing Kun singing like his entire existence was pain like he's yearning for someone, the sweetest voice filled to the brim with sorrow – it's like it reached into the deepest part of Ten's soul, a place he barely knew existed.
“Hard to call it a memory
Cause I’ll never get you off my mind
In time, it all keeps calling me back
Back to you again”
He's so immersed in Kun's voice to the point na hanggang matapos sila ni Dejun kumanta, boses parin ni Kun yung naririnig niya sa utak niya. Ni hindi na rin siya nag pay attention sa assesment ng mga coaches kay Kun at Dejun, it’s like he tuned out. Bumalik lang ulit siya sa hwisyo nung nakita niya na biglang ngumiti si Kun. Looks like Coach Jongdae complimented him.
Pakiramdam tuloy ni Ten para siyang nagkaroon ng rollercoaster of emotions. He felt like he got his heart broken into pieces by Kun’s painfully beautiful voice and then those pieces are pieced back together again when he saw Kun smiling.
Ten has heard many songs, and many voices throughout his life. He even sings himself. But he admits even his own voice could not compare to Kun’s. He’s like an angel. He’s even wearing a white outfit today, fitting his angelic aura. He looks ethereal, how beautiful.
Of all the things he likes about Kun, listening to his heavenly singing voice and his smile will probably be his favorite.
Kun didn't know but that day, he gained a fan. (He’ll eventually find out months after)
Ten's mind is practically chanting 'Please give him an A, please give him an A.'
“...and B for Kun.”
Nawala yung lawak ng ngiti ni Kun pagka sabi ni PD Zhang ng assesment sakanya. PD Zhang gave Dejun an A tapos B kay Kun. Kun still tried his best to smile but it was evident that he was quite disappointed
Kun’s heart sank and Ten’s heart sank with him.
Alam ng lahat na mataas ang standards ni PD Zhang pero parang masyado naman ata siyang strict pag dating kay Kun?
“Asan si Kun?” tanong ni Ten kay Sicheng.
Lumingon lingon si Ten sa paligid. Kakatapos lang ng assesment nilang lahat. Palabas na lahat sa training room for their break time, yung iba pabalik na sa dorm, yung iba pa punta sa cafeteria.
Ang bilis ni Kun lumabas ng training room, ni hindi man lang siya napansin ni Ten.
“Baka nauna na sa cafeteria?” sagot ni Sicheng sakanya.
“Ah baka nga.” Tumango tango si Ten. “Punta akong cafeteria din muna, gutom na ko eh.”
“Ten, wait!” Narinig niyang tinatawag siya ni Dejun nung pa pasok na siya sa cafeteria. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito sa likod niya, nag jog si Dejun papunta sa tabi niya at sabay sila pumasok sa cafeteria. “Ang bilis mo naman maglakad. Nagmamadali ka ba?”
Pagpasok nila ng cafeteria nakita niya agad si Kun na kumakain mag isa sa table.
“Ay kaya pala, nagmamadali.” Siniko siya ni Dejun at ngumiti ito ng mapangasar. “Ayaw maiwang mag isa si Kun. Ang clingy ayiee.”
Hindi nalang pinansin ni Ten ang pangaasar ni Dejun dahil lalo siya nitong aasarin kapag sumagot siya.
Gusto lang naman niyang samahang kumain si Kun. Si Kun din naman gusto laging sabay silang kumain lalo na kapag breakfast bago pumunta sa training. Clingy na ba yun?
Kumuha sila ng pagkain sa counter at naglakad papunta sa table kung saan nakaupo si Kun na mukhang malalim ang iniisip.
“Kun, tabi kami sayo. Ok lang ba?” Nagtanong muna si Ten bago ilapag yung tray. Just in case gusto ni Kun mapag isa.
“Uy Ten, Dejun.” Ngumiti si Kun kanilang dalawa. “Oo naman.”
Umupo si Ten sa tabi ni Kun, si Dejun naman ay umupo sa harap niya.
“I’m sorry Kun, sa tingin ko pareho nating deserve ng A. Di bale pag naging partner ulit tayo next time mag tulungan ulit tayo.” sabi ni Dejun kay Kun.
Ten places an arm on his shoulders and gives him a consoling squeeze, “You did good, Kun. I’m sure you did your best! Don’t be so hard on yourself. Maybe PD Zhang is pushing you because he has high expectations for you.”
Kun smiles meekly, “Thanks guys.”
Pansin ni Ten na parang walang masyadong gana si Kun ngayon. Buti nalang at kasama nila si Dejun sa table dahil isa pa itong hindi nauubusan ng kwento kaya kahit papano nakakawala ng pagod sa training kasi nakaka tuwa siyang kausap.
Sumalyap sa kabilang table si Dejun, "ang pogi talaga ni Hendery, nakakapang hina." he sighs dreamily.
Sabay na lumingon sa kabilang table sa Kun at Ten. Nakita nila na kumakain sa kabilang table si Hendery at Yangyang, nagk kwentuhan sila and they are laughing at something, may pinapakita si Yangyang kay Hendery sa phone niya.
Sabay din na bumalik ang tingin ni Kun at Ten kay Dejun na ngayon ay may takip na tray ang gilid ng mukha na parang nahihiya sya at hinaharangan niya yung view ng side ng table nila Hendery.
Pinanlakihan ni Dejun ng mata si Kun at Ten, "Sabay pa talaga kayo tumingin, masyado kayong pa obvious."
Sumimpleng lumingon uli si Kun ng dahan sa kabilang table. Bago bumalik ang tingin kay Dejun na naka harang parin ang tray sa view ng table nila Hendery. "Uy nakatingin dito si Hendery. Ikaw ata tinitingnan."
Binaba ni Dejun yung tray, “Talaga?” mabilis na sagot ni Dejun kay Kun.
Parang lumiwanag bigla yung expression sa mukha nya sabay lumingon ulit sa table nila Hendery na akala mo may slow-mo effect. Naputol ang moment dahil as it turns out ay hindi naman talaga naka tingin sakanya. Nakatingin parin si Hendery sa phone ni Yangyang, mukhang may pinapanuod parin sila na something na nakakatawa. Nawala ang ngiti sa mukha ni Dejun at inirapan niya si Kun.
Nagka tinginan si Kun at Ten at pareho silang natawa sa reaksyon ni Dejun. He looks dissapointed dahil naloko siya ni Kun at hindi naman pala naka tingin si Hendery sakanya.
Gumanti lang siguro ng asar si Kun dahil madalas kasi silang inaasar ni Dejun na para daw silang mag jowa ni Kun kung gumalaw. Hindi nalang pinapansin masyado ni Ten ang mga pang aasar niya o minsan ay nakikisakay nalang siya sa mga biro. Mabuti nalang at hindi na awkward si Kun, seems like hindi nya lang din binibigyan ng malisya or hindi lang big deal sakanya.
“Maya yan saken.” Dejun muttered habang naka tingin parin kay Hendery. Mahina yung pagka sabi niya pero narinig ni Kun at Ten.
“Ha?”
“Ha?”
Sabay na tanong ni Kun at Ten. Pareho silang na confused, mukha silang may question mark sa mukha. Anong ibig sabihin ni Dejun?
Gusto sana nila itanong kung anong ibig niyang sabihin pero biglang may sumigaw ng:
“Fat Kun!”
Si Lucas. Tinatawag na naman niyang 'Fat Kun' si Kun. Sa totoo lang ay naiirita na si Ten tuwing naririnig niya yung boses ni Lucas. Ang hilig manlait at pumuna sa ibang tao akala mo naman ang perpekto niya. May mga ilang beses din na nale late siya sa practice kaya napapagalitan siya ng mga coach, isa pang strike niya siguradong ipapatawag na siya ni PD Zhang for a disciplinary action.
May isang beses na pinag sabihan ni Kun si Lucas nung napansin niya na nags slack off sa practice. Nung mga nakaraang linggo kasi ay hinati sa dalawang team ang mga trainees sa dance training, Team A at Team B. Si Ten ang naging leader sa Team A habang sa Team B naman ay si Kun. Naikwento sakanya ni Kun na Kun told Lucas straightforwardly na he’ll bring the team down dahil bukod sa late na nga siya sa practice, patamad tamad pa at parang walang energy. Nagkakaroon lang siya ng energy kapag andun yung mga coaches sa training room. Kun initially felt bad about it, napa isip pa siya kung harsh ba o kung mali ba na pinagsabihan siya niya si Lucas ng ganon but Ten told him na tama lang yung ginawa niya.
The downside is, Lucas has been terrorizing Kun ever since that incident. Insulting him, calling him names at isa na dun yung pag tawag niya ng ‘Fat Kun’ kay Kun. Madalas ay hindi nalang pinapansin ni Kun. Bilib nga si Ten sa haba ng pasensya ni Kun pero ngayon ay mukhang masasagad na dahil kahit hindi nila pinapansin ay patuloy parin ito sa pag tawag kay Kun.
“Fat Kun!”
Inulit ulit ni Lucas yung pag tawag kay Kun mula sa kabilang table kasi hindi siya pinansin ni Kun. Patuloy lang si Kun, Ten at Dejun sa pag kain.
Kulang na naman siya sa pansin palibhasa siya lang ang naka kuha ng F kanina sa vocal assesment. Buti nalang at hindi nadamay si Hendery na partner niya.
Dahil hindi nakuha ni Lucas yung atenyon na gusto niya, tumayo siya at lumapit sa table nila. Susubo palang si Ten ng kanin pero kinuha ni Lucas yung rice bowl at tinaob sa table.
“What the fuck.” Ten curses. “Can you just leave us alone please?”
"Wag ka ngang manggulo, Lucas. Kumakain kami dito eh." Dagdag pa ni Dejun.
Kinuyom ni Ten yung kamao niya pero hinawakan ni Kun ang kamay niya. Biglang natigilan si Ten dahil ito ang unang beses na hinawakan ni Kun ang kamay niya.
“Pwede bang wag kang mag sayang ng pagkain?” Tiningnan ni Kun si Lucas ng masama.
“Ooh fat Kun cares about little Ten?”
To further provoke them, kumuha si Lucas ng kanin mula dun sa itinaob niya at ipinahid niya sa mukha ni Kun.
Sumsubra na talaga to, nauubos na ang pasensya ni Ten. Napa tayo siya sa upuan at hinarap niya si Lucas. Wala siyang pakialam kahit mas matangkad ito sakanya. Hindi na napigilan ni Ten ang kanyang sarili parang may bumubulong sa instinct niya na protektahan si Kun.
Napa tayo din si Hendery sa kabilang table. This time totoong naka tingin na siya kay Dejun with a concerned look on his face, parang ready na sumugod just in case magka sakitan.
Itutulak palang ni Ten si Lucas palayo kay Kun pero hinarangan ni Kun ang braso niya. Lucas made a pig face and snorting noises and the next thing he knew, sinapak na ni Kun si Lucas sa mukha at gumanti pabalik si Lucas. Hinawakan ni Ten ang bewang ni Kun para awatin yung away habang si Lucas naman ay hawak ni Hendery parehong nagpupumiglas yung dalawa.
Natigil lang yung gulo nung dumating si Coach Minseok,
“Nandito kayo para mag training hindi para sayangin ang oras niyo sa pag aaway! Break is over! Everyone go back to the training room except for Kun and Lucas!” Pag saway ni Coach Minseok sakanila habang naka pamewang.
Pakatapos ng last session ng training nila for the day ay dumiretso na si Ten sa dorm. Nagyayaya pa nga sana si Yangyang na lumabas dahil may ilang oras pa naman bago mag curfew pero hindi na siya sumama kasi nag aalala siya kay Kun. Nakita niya kasi na dumugo yung gilid ng labi niya dahil sa suntok kanina. Gusto sana niyang samahan sa clinic pero pinabalik na sila agad sa training room at naiwan si Kun at Lucas.
On the way na siya sa room siya sa room 271, sa room nila ni Kun nang may marinig siyang parang tunog ng pusa na nanggaling sa end ng hallway malapit sa room 288.
Baka may stray cat na naman na naka pasok? Sinundan ni Ten yung tunog at palakas ng palakas yung tunog habang papalapit siya sa may fire exit.
Pag silip niya sa may fire exit, muntik ng mabitawan ni Ten yung hawak niyang hydro flask,
Kumalas sa paghalik si Hendery kay Dejun, “Si Ten.” at ngumuso para ituro si Ten sa may likod ni Dejun.
“Shuttacayo akala ko may pusa? Kayo lang pala yan?” Natatawa si Ten habang umiiling iling. “Bawal yan!”
“Says who?” Sagot ni Dejun sakanya habang nakawak sa bewang ni Hendery. “Wala kaya sa dorm rules na sinabing ‘No Kissing’ duh try mo din kay Kun.”
“Baka na try na nila?” dagdag pa ni Hendery habang naka ngisi sila pareho ni Dejun.
Umiling si Ten, “Di kami ganun.”
Ang laki ng ngiti ni Dejun at Hendery sakanya, “Pero gusto mo?”
Ten waves his hand dismissively, “Bahala nga kayo diyan, balik na ko sa kwarto.”
Napapa pikit na si Ten sa antok pero nagising siya nang biglang bumukas yung pinto at pumasok si Kun na mukhang pagod na pagod.
“Kun!”
Lumapit si Ten sakanya at umupo sa tabi niya sa kama.
"Kumusta? Pinagalitan ka ba ni PD Zhang?"
"Parang hindi naman siya galit? More of disappointed siya tapos pinag sabihan niya ako, kinuha niya both yung side namin ni Lucas. Tapos ayun binigyan niya ako nito." Pinakita ni Kun yung mga laman ng paperbag kay Ten.
"Uy may ice pack. Kunan kita ng yelo sa cafeteria, teka lang wag kang gagalaw diyan."
Mukhang pagod si Kun kaya nag volunteer na si Ten na kuhanan siya ng yelo sa cafeteria. Bago siya pumunta sa cafeteria sa main building, lumabas muna siya saglit para pumunta sa malapit na McDo sa labas ng CEG headquarters since may time pa konting time pa bago mag curfew, binilhan niya si Kun ng Oreo McFlurry naalala niya kasi yung sinabi ni Kun last time na mahilig siya sa ice cream. Pag balik niya sa dorm muntik na siyang maabutan ng curfew. Pakiramdam ni Ten mukhang worth it naman yung effort niya dahil nakita niya ang tamis ng ngiti ni Kun with dimple nung inabot niya yung ice cream.
Kinuha ni Ten yung ice pack at inilagay niya yung mga ice cubes sa loob.
Tumabi si Ten kay Kun at nag indian sit din ito sa kama, magka harap sila.
"Lagyan kita nito ha para hindi lumala yung pasa mo sa mukha."
Magka edad sila Kun, mas matanda lang si Kun ng halos dalawang buwan sakanya pero sa training room, parang Kuya si Kun ng karamihan sa mga trainee lalo na yung mga mas bata sakanila. He’s kind to everyone and he has a certain calm attitude even when he’s facing difficulties. Most of the trainees also asks for his guidance kapag kailangan, he’s reliable and patient kaya siya yung madalas binoboto na leader kapag hinahati silang mga trainess by group.
It’s nice to see that Kun likes to look after the younger trainees and the other trainees rely on him but in Ten’s case, he wants to be that person Kun can rely on. Kahit bilang kaibigan lang. You take care of everyone but I want to take care of you. You can rely on me, I got you.
Nung una ay nagaalangan pa si Kun pero dahil mapilit si Ten ay eventually ay bumigay din siya at hinayaan niya si Ten na alagaan siya. Naka relax na si Kun habang kumakain ng ice cream at habang idina dampi ni Ten ang ice pack sa mukha niya.
Hinawi niya yung buhok ni Kun para maalis ang naka harang sa mukha niya. Damn, he’s so attractive talaga hindi mapigilan ni Ten ang damdamin niya.
It’s quite endearing to see Kun blush every time na hinihipan niya yung bruised area.
After a few minutes ay pinunasan ni Ten yung mukha ni Kun gamit ang towel.
"Ten mukha lang yung nabugbog sakin hindi buong katawan, kaya kong kumilos." Natatawang sabi ni Kun.
Pero patuloy lang si Ten sa pagaasikaso sakanya.
Kumuha si Ten ng isang band aid na bigay ni PD Zhang at dahan dahang niyang inilagay sa sugat ni Kun sa may kilay as gentle as he can. He can’t resist prodding a thumb on his cheek, that part of his cheek where his dimple appear everytime he smile.
His mind says bro I can’ t but his heart says damn bro I have feelings for you.
Ten can feel the heat of blush spread across his pale cheeks. His heart thumping. The feeling is strange like there are butterflies in his stomach. He wonders if Kun can feel it too.
Nung nilagay niya kanina yung band aid sa mukha ni Kun, hindi niya napansin yung print kasi masyado siyang naka focus sa mukha nito. Pero ngayong naka dikit na sa mukha ni Kun yung band aid napansin niya na bear yung print. Kinuha ni Ten yung box at tiningnan niya yung cover, Care bear. Ang cute naman ng bigay ni PD Zhang, parang pang bata.
Itinapat ni Ten sa mukha ni Kun yung box ng band aid na may care bear print.
“You look like a bear, KunKun.” Ten grins teasingly.
They usually banter playfully but this time, Kun did not retort. He even smiled when he heard the nickname, seems like he liked it.
They both lean closer to each other.
Ten swallows, the feeling of butterfly wings tickling the inside of his belly. His face is getting dangerously hot. For a second, he thought they would kiss but then no one was making the first move so they just both shyly turned away, both blushing.
Ten felt his heart stop, his own thoughts whirling around his head like a mini tornado as he attempted to comprehend the fact that there was a possibility that Kun might actually like him back.
Lumayo na siya kasi baka marinig pa ni Kun kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya.
"Just so you know, I would have punched Lucas for you." Ten says before standing up and going back to his own bed. And he meant it.
Kun murmured something that he didn’t catch dahil humiga na si Ten sa kama niya at nag takip ng kumot, kelangan niyang pakalmahin ang puso niya. Pareho sila ni Kun may takip na kumot sa mukha. Ten wonders what Kun is thinking.
Hindi pa iminumulat ni Ten ang mata niya, pero gising na siya.
Ah shit, here we go again.
Ayan yung amoy ng fresh from the shower, amoy baby powder Kun na talo pa yung alarm ni Ten sa pagpapa gising sa kanya.
Every morning is like a torture.
Pag mulat ng mata niya nakita niya agad si Kun yung nakita niya na parang ready nang pumunta sa kama niya para gisingin siya para makapag almusal na sila.
“Ten, gising na~” Kun says softly. It's just simple words, but they never managed to cease the effect on him. His heart soared and always, always made him smile.
Is it still torture if his heart is fluttering like crazy?
Bagong palit yung band aid ni Kun sa mukha, Kunkun bear and his band aid with bear prints. Cute.
And then his eyes darted to Kun's lips and he got reminded of how they almost kissed last night.
Oh god they almost kissed last night.
Naalala niya din tuloy yung sinabi ni Dejun, tama naman si Dejun, wala nga sa dorm rules ang ‘No Kissing’.
Next time, maybe?
DecBride on Chapter 1 Sat 29 Apr 2023 01:56AM UTC
Comment Actions
sulaybrainrot on Chapter 1 Sat 29 Apr 2023 02:31AM UTC
Comment Actions
ohm_nanon on Chapter 1 Sat 29 Apr 2023 03:47AM UTC
Comment Actions
jhengchie on Chapter 1 Sat 29 Apr 2023 11:30AM UTC
Comment Actions
sulaybrainrot on Chapter 2 Tue 02 May 2023 01:16PM UTC
Comment Actions
myeoshmilo on Chapter 2 Wed 17 May 2023 02:47AM UTC
Comment Actions
sulaybrainrot on Chapter 3 Sat 13 May 2023 02:27PM UTC
Comment Actions