Actions

Work Header

singko y media sa kyusi

Chapter 1

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

Kim Sunoo — Lorenzo
Lee Heeseung — TBA

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo



“Loreign, gisingin mo na ang kuya mo. Naku, malelate kamo sya.” dinig ko kaagad ang boses ni Mama sa baba. Tinignan ko ang sarili sa salamin at nang makitang mukha na itong presentable ay saka ko kinuha ang perfume sa gilid ng kama upang ipaligo ito sa katawan. Mabuti na lang ay maaga akong nagising at nakaligo kaagad. Ayoko na rin kasing magpatanghali dahil traffic palagi sa Maynila. Manggagaling pa ako sa Cavite kaya naman kailangan ko maghanda ng maaga kahit tanghali pa ang pasok ko. Nakaramdam ako ng yabag papalapit sa kwarto ko, marahil si Loreign. “Kuya? Gising ka na raw baka mahuli ka.” katok ni Loreign sa pinto. Hindi na ako sumagot, sa halip ay kinuha ko na lang ang bag na nakapatong sa kama ko at saka lumabas at pumanhik pababa.

Naabutan ko ang mama at si Loreign na kumakain sabay. Nakauniporme na rin si Loreign at handa na sa pagpasok. Humalik ako sa pisngi nilang dalawa at saka kumuha ng tinapay at nilagyan ng spread. Nagtataka namang tumingin si Mama saakin dahil sa pagmamadali ko. “Maaga ba ang pasok mo ngayon?” tanong ni Mama.

Natawa naman ako at umiling. “Traffic ma. Agahan ko na lang,” saad ko at saka humalik sa ulo nya bago umalis. Paglabas ko ay agad ko ring binuksan ang tinapay na baon at nilabas sa plastic upang makain. 8:45 na, kung susumahin ay makakarating ako sa bus station ng 9:00 am dahil halos nasa sampung minuto lang rin naman ang byahe papuntang bayan, sana lang talaga ay hindi traffic dito saamin kung hindi ay late nanaman ako. Maya maya lang rin ay nakasakay na ako sa jeep. Kakaunti palang ang nakasakay dahil maaga aga pa rin naman. Halos puro estudyante rin at mga papasok sa trabaho ang nakasakay ko. Naupo ako sa malapit sa babaan dahil malapit lang rin naman ako, isa pa, wala ako sa mood magabot ng bayad ng mga tao.

Pagbaba ko sa bus stop ay naupo muna ako dahil wala pa raw ang bus at limang minuto pa. Kinuha ko muna ang earphone sa loob ng bag ko at sinalpak. Nakikinig lang ako sa tugtog habang ginagala ang paningin. Hindi naman ako ganoon katagal naghintay dahil wala pang limang minuto ay dumating na rin ang bus. Hindi naman siksikan ang tao kaya madali rin akong nakasakay. Naupo ako sa tabi ng bintana sa bandang gitna. Nagbayad na rin ako sa konduktor para sa ganoon, hindi maabala ang pagtulog. Nasa higit isang oras rin kasi ang byahe ko. Hindi naman ako nahirapan sa pagtulog dahil maya maya lang ay nakaidlip rin ako. Nagising lang ako sa ingay ng tao, siksikan na pala ang bus. Marami rami rin ang tao ngayon dahil lunes nga at karamihan ay may pasok. 

Tahimik lang akong nanonood sa bintana dahil maya maya lang rin ay bababa na ako. Medyo may kaingayan na rin ang bus dahil siksikan, nagsisimula na ring uminit sa loob. Hay, buhay. Sino ba naman kasing matinong tao ang mag-aaral sa Maynila kahit taga-south sya? Uwian pa. Umiling nalang ako at saka tinago ang earphone sa loob ng bag ko, kinuha ko rin ang panyo ko sa bulsa at saka pinunasan ang pawis na tumatagaktak sa noo ko. 

“Te, tubig? Ilan? Kinse lang.”

Isang boses ang nangibabaw sa loob ng sinasakyan ko. Speaking of, kinuha ko ang bag para kuhanin ang tubig na baon dahil sa uhaw. Alas diyes na rin kasi noong mga oras na ‘to kaya sobrang init. Shit. Agad akong napapikit sa inis ng matantong naiwan ko ang tumbler ko sa pagmamadali. Hindi naman Friday the 13th ngayon pero kanina pa ako minamalas.

Sinilip ko ang mamang nagtitinda ng tubig. Nakatalikod ito sa gawi ko dahil may bumibili pa sa unahan. Hinintay ko na humarap ito saakin saka tinawag.

Wow. 

Paano ko ba ieexplain ‘to? Hindi siguro maipinta ang mukha ko ngayon sa gulat nang magtama ang mata namin. Parang kinain ng pusa ang dila ko dahil maging pagsasalita ay hindi ko magawa. May hitsura ang taong nagaalok ng tubig sa bus na ‘to. Moreno, matangos ang ilong at may bilugang mga mata. Ngumunguso rin ang labi nito sa tuwing nagsasalita sya. Kitang kita ang tulis ng adams apple nya na napapaligiran ngayon ng pawis dahil sa init ng panahon.

Pinanood ko kung paano nya punasan ang mukha gamit ang good morning towel na sya ring isinakbit sa batok nya. Ngiting ngiti ito sa bawat bumibili. Nakaputing t-shirt ito at pantalon. Basang basa na rin ang buhok dahil sa pawis pero hindi ’yon alintana dahil nagmumukha lang syang bago ligo rito.

“Kinse nay,” sagot nya sa isang matandang bumibili ng tubig. Pinapanood ko lang sya na nakasandal sa isang upuan habang nakatayo. Ang tikas ng kanyang tayo at pagbalanse ng katawan habang may dala dalang isang malaking buslo na naglalaman ng malalamig na tubig at iba pang inumin ay nagbibigay ng lakas ng dating sakanya. Sa unang tingin ay hindi mo aakalain na nagtitinda ‘to ng tubig sa initan dahil sa kinis ng katawan. Papasa nga na modelo ang isang ‘to. Bumalik ako sa ulirat ng mapansin na papalapit sya saakin. Ano ba, Lorenzo. Mukha na siguro akong baliw ngayon dahil hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Naiirita na rin siguro ang katabi ko dahil ang likot likot ko.

“Kuys, tubig?”

Kumuha ako ng barya sa wallet ko. Tangina, nasaan ba ‘yon. Bwisit. Bakit ko kasi nakalimutan yung tubigan ko, edi sana hindi ako nagpapanic ng ganito. “Isa.” sagot ko nang hindi tumitingin sakanya kahit ramdam ko ang paninitig nya. Iginala ko ang mata habang kinukuha nya ang tubig sa pinakailalim na parte, marahil ang pinakamalamig. “Malaki boss?” tanong nya. Tumango na lang ako at tumingin sa basket na dala nya. Kahit anong gawin mo, huwag na huwag kang titingin sakanya Lorenzo. Bakit ba kasi ang tagal nito kumuha. Hindi ko na alam kung saan idadako ang mata kaya naman sinubukan kong silipin ang mukha nya.

He has a sharp jaw, newly shaved beard, may isang piercing rin ito sa kaliwang tenga at sa labi na ngayon ko lang napansin. “Boss oh,” sunod sunod ang lunok ko ng humarap sya saakin. Inabot ko ang benteng papel. Habang kumukuha sya ng panukli ay binababa ko ang facemask na suot suot at saka uminom ng tubig. Hindi pa rin kasi ako sanay lumabas ng walang face mask. Hindi na dahil sa virus kung hindi dahil sa insecurities ko. Ganoon na lang rin siguro ang uhaw ko dahil tuloy tuloy ang lagok ko sa tubig, sobrang lamig nga nito dahil tumutulo pa ito.

“Sukli mo boss,” tumingin ako sa lalaking nagtitinda ng tubig at nakita ko ang pagangat ng tingin nya. I saw how his face stopped when he saw me. Tumagal rin ang tingin nya kaya hindi ko na nakayanan at ako na ang umiwas ng tingin. Hinablot ko na rin ang sukli.

“Piyu!” sigaw ng konduktor kaya naman ay agaran akong tumayo kahit hindi pa nakakaalis ang lalaki sa harap ko.

“Excuse me,” saad ko at saka nagmadaling bumaba. Huwag kang titingin pabalik sa bus, Lorenzo. Para kang tanga. Halos murahin ko na ang sarili ko dahil hindi ko rin alam anong nangyayari sakin. Ni hindi ko alam kung normal bang mangyari saakin ‘yon. Nang hindi ko mapigilan ay tumingin ako pabalik sa bus, nakita ko sya sa bintana na nakatayo sa pintuan at nakahawak sa bakal nito.

I saw him, the guy holding a basket of water, staring directly into my eyes. Iniwas nya ang tingin at saka ngumiti sa driver. Inalis ko na rin ang tingin ko at saka nagsimulang maglakad palayo. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang magtaka at mag-isip sa nangyari. I know to myself na hindi ako straight, naaattract ako sa parehong gender, nagkakagusto ako sa lalaki.

Pero ngayon.. ngayon ko lang naramdaman lahat. That was the first time na pakiramdam ko ay may nakatingin sa buong pagkatao ko, may nanunuri sa mga mata ko at may tumatakbo sa loob ng dibdib ko sa bilis ng tibok nito. Out of all people, Lorenzo. Sa taong mababa pa ang tsansa na makita mo ulit? Ang tanga, tangina. Nang makarating ako sa piyu ay balisa pa rin ako. Kalma, Lorenzo. Kalma. Hindi ka inlove. You’re just probably craving for attention that’s why. Paulit ulit kong pinipikit ang mata para makalimutan ang ngiti ng lalaking ‘yon ngunit paulit ulit lang din itong lumalabas sa utak ko. Maging ang boses nya, ring na rinig ko pa rin. Nababaliw na ata ako.

“Huy, Lorenz! Okay ka lang?” nagulat ako sa isang boses na tumawag saakin kaya napadilat ang mata ko. Si Kia pala, kaibigan ko. Kanina pa kasi kami magkausap na magkikita pero nauna pa rin ako kahit sya ‘tong taga dito.

“Oo. Late ka nanaman.” sagot ko sakanya. Tumawa naman sya at saka isinakbit ang braso saakin. Sinuot ko na ang bag ko at saka kami sabay na pumasok. Tama Lorenz, ibaling mo sa iba ang atensyon mo para hindi mo sya maisip. Naniniwala akong nagwapuhan lang ako sakanya at hindi ko sya gusto. Tama, kaya mag-aaral ako at hindi ko sya iisipin. 

Natapos ang buong araw na occupied ang utak ko. Salamat na rin kay Kianna dahil kahit papaano ay nakalimutan ko ang lalaking 'yon. Tawa lang ako ng tawa hanggang matapos ang klase dahil sa mga kwento nya, minsan ay tinitignan na sya ng ibang tao dahil sobrang lakas ng tawa nya. Masasabi ko na maswerte ako kay Kia bilang kaibigan ko dahil sya lang talaga ang nakakaintindi saakin. Marami naman akong kaibigan, pero iba pa rin si Kianna. She's my rock. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sya sa buhay ko. She's more than a bestfriend. She's more like a sister to me.

"Pero hindi nga? Sasali ka talaga sa org?" Tanong nya habang kumakain kami ng fishball sa labas. Kumuha ako ng sauce at isinalin sa cup ko na may kwek-kwek. "Kuya dalawa pong buko." saad ko sabay ngiti sa nagtitinda saka hinarap ang nagtatanong na Kianna. "Oo nga. Paulit ulit naman 'to." ani ko sabay tawa. Parang baliw kasi. Nakaapat na yatang tanong 'to magmula noong sabihin ko sakanya kanina sa vacant. 

"Gago. I'm so proud of you. Nakakatuwa naman," saad ni Kia. Natawa naman ako kasi sobrang babaw nya talaga, onting bagay ay naiiyak kaagad sya. I find it sweet though. Having a friend who's happy for your small wins. "Hala si oa naman. Kala mo sya nagluwal!" hirit nya kaya naman natawa kami pareho. 

Natapos ang araw ko ng matiwasay. Hinintay ko na makasakay si Kia sa jeep bago ako nagpunta sa terminal. Walking distance naman 'yon kaya nilakad ko nalang. Habang naglalakad ay hawak hawak ko ang librong pinahiram ni Kia kanina. Mahilig kasi talagang magbasa 'yon, nahawa lang ako. Nakakaenjoy naman kahit papaano. Medyo madilim na rin sa daan pero marami pa rin ang tao. Alas syete na kasi ng gabi. Kanina pang alas singko ng hapon kami nadismiss pero dahil nga hindi ko namalayan ang oras habang kausap si Kia ay ginabi na rin ako sa daan.

Abala ako sa paglalakad habang nagbabasa kaya naman hindi ko na namalayan na medyo konti na lang ang tao sa nilalakaran ko. Binilisan ko na lang ang pagtawid sa Overpass dahil anong oras na rin. Nagsisimula na rin akong kabahan dahil pakiramdam ko ay may sumusunod na dalawang pares ng mata saakin. Hindi ko iyon pinansin at mas binilisan nalang sa paglalakad kahit tahip tahip na ng kaba ang nararamdaman ko. 

Naghanap kaagad ako ng mataong lugar ngunit kung minamalas ka naman talaga. Malayo layo pa at naaaninag na ng peripheral view ko ang lalaki sa likod ko. Nanatili akong kalmado at agad naghanap ng kung ano mang proteksyon na dala ko. Naramdaman ko kaagad ang ballpen sa bulsa ko. Habang binibilisan ko ang lakad ko ay pinapakiramdaman ko rin ang paglapit nya.

Tangina.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana ngayong araw dahil sa dinami dami ng pwedeng mahingian ng tulong, sa dami daming pwedeng makitang tao at sa laki ng Maynilang 'to..

Binalik nya 'ko sayo.

Nakita ko nanaman ang lalaking nagtitinda ng tubig sa bus na nasakyan ko kanina. Nakatayo at nakasandal sya sa railings ng tulay sa dulo, sa harap ko. May hawak syang sigarilyo at nakatingin saakin. Pansin ko na nagulat rin sya pero nagawa nyang ibalik sa normal ang ekspresyon ng mukha nya ng maikling panahon. Hindi ko inalis ang tingin sakanya kahit ramdam ko pa rin ang lalaking sumusunod saakin. Iniwas nya ang tingin saakin at tinapon ang maliit na yosi sa lapag saka ito niyapakan.

Naglakad sya papalapit saakin. Ganoon na lang ang gulat ko ng hawakan nya ang buhok ko at ginulo 'yon. "Musta pasok? Bakit amoy alak ka? Gagi nag-inom ka pa yata, sumbong kita." kumunot ang noo ko. Anong sinasabi nya? Wala akong tatay. Tumingin sya saakin at ngumiti. Ang gwapo.

I cleared my throat before speaking. "Ayos lang k-kuya. Nakakapagod.." saad ko at saka tumawa pakunwari. Binilisan na namin ang lakad at ilang sandali lang rin ay wala na ang lalaking sumusunod saakin sa likod. 

Patuloy lang kami sa paglalakad. Hindi sya nagsasalita kaya naman hindi ko alam kung paano sya pasasalamatan, tahimik lang kasi sya na naglalakad habang nakahawak sa magkabilang dulo ng panyong nakasakbit sa batok nya. Paminsan minsan ay ginagalaw nya rin ang leeg nya para patunugin 'to. Sobrang lakas ng tunog ng mga buto nya, ganon siguro sya kapagod. Napapansin ko rin ang paglayo nya ng bahagya o hindi kaya mabilis lang talaga sya maglakad? Ah, basta. Kinulbit ko sya ng marahan, lumingon naman ito saakin at umawang ang labi. Naghihintay sa sasabihin ko.

"Ah, t-thank you pala. Thank you sa pagligtas kanina, anong pwede kong gawin para makabawi?" tanong ko sakanya na nag-iiwas pa rin ng tingin dahil hindi nya inaalis ang titig saakin. Tumawa sya ng mahina. "Sus, wala 'yon. Kahit naman siguro sino nasa pwesto ko kanina, gagawin rin. Angas nga eh, hindi ka nagpanic. Nakakabilib." sagot nya. 

"I was about t-to.. wala kasi akong makitang tao kanina. Hindi ko alam kanino hihingi ng tulong.." sagot ko at marahang ngumiti. Napansin ko na ngumiti rin sya at nag-iwas ng tingin. 

"Sakit. Hindi ba 'ko tao?" tanong nya kaya naman ay nanlaki ang mata ko. Naoffend ba sya? Pero hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. "No, no, n-no.. I mean w-wala kasi kanina.. hindi kita naaninag.." nagpapanic ko na sagot. Tumawa sya at saka naglakad muli kaya naman sumunod ako sakanya.

"Kuya pa nga," bulong nya, sapat na para marinig ko.

"Ano?" tanong ko. Umiling naman sya at saka ngumiti. Palangiti talaga sya. Kanina kasi habang nagyoyosi sya ay masyadong madilim ang ekspresyon ng mukha nya kaya hindi ko inexpect na ganito sya. "Ah, saan ka pala?" tanong ko dahil pareho kami ng daan na tinatahak.

"Ihahatid ka, saan ka ba?" nagulat naman ako sa sagot nya kaya agad kong hinila ang braso nya. Tumingin pa sya roon at saka nag-iwas. "S-sorry.. pero ah, hindi na kailangan. Sobra sobra na yung ginawa mo. K-kaya ko na papunta doon, isa pa malapit na rin naman yung terminal." sagot ko. Pinagkrus naman nya ang braso nya at nagsalita. "Maraming masasamang loob sa panahon ngayon, lalo na ngayon at nasa Maynila ka pa. Tsaka may bibilhin rin ako doon malapit sa terminal," sagot nya at naglakad muli kaya hindi na ako nakasagot. Nakakatawa lang na pilit kong iniiwasan isipin sya kanina pero ngayon ay kasama ko syang naglalakad papuntang terminal.

"Saan ang uwi mo?" tanong nya, binabasag ang katahimikan naming dalawa. "Ah, Cavite." sagot ko. Tumango naman sya dito.

"Layo pa. Gusto mo siguro talaga mag-aral dito 'no?" tanong nya. 

"Oo. Pangarap ko na 'to, bata palang ako eh." 

Ilang sandali rin ay nanahimik ulit ang pagitan naming dalawa. Ang awkward. Nahihiya rin kasi ako sakanya at sa tingin ko napapansin nya 'yon. Nang makarating kami sa terminal ay humarap na sya saakin. Doon ko lang napansin ang mata nya. Hazel brown.

"Ingat ka." paalam nya kaya naman tumungo ako at ngumiti. 

"Salamat ulit, k-kuya. Sana po ay makabawi ako sainyo sa susunod." sagot ko dahil totoo naman. Mabait sya. Tumawa sya at ginulo ulit ang buhok ko.

"Wag mo na isipin 'yon. Tsaka ang laki ng Maynila oh. Imposibleng makita mo ulit ako," saad nya at saka ngumiti. Somehow, those words hurt me.

"Nothing is impossible. Sige na po, papanhik na ako sa bus. Ingat po kayo." paalam ko sakanya. Kita ko ang pagod sa mukha nya pero kahit ganoon ay pinipilit nya pa rin ang sarili na ngumiti at maging presentable sa kaharap nya. Hindi ko alam kung saan sya nakatira, ano ang buhay nya o kahit ang pangalan nya pero alam ko na mabuti sya. "Sana po ay magkita tayo ulit," huling saad ko bago umalis. Nakita ko pa ang ngiti nya bago ako tumalikod.

Hindi pa man nakakalayo sa paglalakad ay narinig ko ang munting bulong nya.

"Sana nga." 

Notes:

hi po! hehe this is written by chapter so series sha,,, huhu pls expect typo/grammar/spelling errors :D ayun lang! mahal ko kayooo! <3
ps. lately naiinsecure ako sa mga aus ko so i stopped writing for awhile, especially socmed aus :( but i guess i'm back huhu c u sa chapter two !!

Chapter 2

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

KSN - Lorenzo Vienei
LHS - ?

pls listen to Saan by Maki while reading this chapter, tnx !!

- typo & grammatical errors ahead.

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

Week had passed since that incident happened. Isang linggo matapos ko makilala ang lalaki sa bus na eventually, tutulong sa akin sa bingit ng kapahamakan. Nakakatawa nga dahil may pagkakataon naman kami na magtanong tungkol sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa isa't isa pero dahil nga nahihiya ako at mukha namang hindi sya interesado ay hindi na namin napag-usapan 'yon. 

Tama nga sya. Mahihirapan akong hanapin sya sa laki ng Maynila kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makita sya. Kasalukuyan akong nasa piyu ngayon at pinapanood ang mga kaklase ko na magdebate sa harapan. May klase nga pala kami.. ngunit ang utak ko ay masyadong lumilipad. Hindi na rin pala ako nagkwento kay na Mama at sa kapatid ko sa nangyari sa akin noong nakaraang linggo. Maging ang kaibigan ko na si Kia ay hindi ko na sinabihan. Ayoko rin kasing mag-alala sila. 

"For your next performance task. This will be done by pair. Sa inyo ko na ibibigay ang pagkakataon na humanap ng partner dahil baka magreklamo rin kayo sa akin. I will send the details later on your groupchat. Good bye, class." Paalam ni Sir Lubren kaya naman ay nagpaalam na kami. Nakita ko agad ang mukha ni Kia mula sa harap ng klase. Hindi kasi kami magkatabi kaya naman kinakailangan nya pang tumayo para mapuntahan ako sa likod.

"Loreeeeenz," isang tining ng boses ang umalingawngaw sa loob ng buong kwarto. Tumingin ang iba naming kaklase dahil sa ingay nya kaya naman nag peace-sign nalang sya. Agad syang umangkla sa aking braso kaya naman natawa na lang ako sa asta nya. Kahapon lang kasi ay magkasama kami. "May partner ka na ba?" Tanong ni Kia sabay higa sa braso ko. "Wala pa," sagot ko dahil totoo naman. Well, kahit naman sabihin ko iyon ay alam kong si Kia pa rin ang magiging kapartner ko sa task na 'to. Wala naman kasing ibang tao ang nagtangka o may gustong makipagpartner sa akin dahil hindi pa kami nagkakaroon ng mga interaksyon.

Palagi ko naririnig kay Kia na natatakot raw sila saakin o hindi naman kaya ay nahihiya. Pareho ko ay nahihiya rin ako sa mga kaklase ko.. hindi ko naman kayang pilitin na bigla nalang magbukas ng conversation sa kanila. Maaaring magawa ko ang bagay na iyon pero kakailanganin ko ng mahaba habang paghahanda at lakas ng loob. Hindi ko alam, hindi ko kaya. 

Gusto ko rin naman ang ideya na si Kia ang maging partner dahil bukod sa convenient sa akin dahil kilala ko na ang tao at magiging kumportable ako sa daloy ng task na ginagawa namin ay masipag at matalino rin naman si Kia. Pareho kaming honor student kaya naman masaya ako na palagi kaming magkagrupo o hindi naman kaya ay partners. "Tayo na partner ah?" tanong ni Kia. Nakapout pa sya habang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang matawa at guluhin ang buhok nya. "Oo. Palagi naman diba?" sagot ko sa kanya.

Umayos sya ng upo at pinagkrus ang mga braso. "Nagsasawa ka na ba sa akin Lorenzo?" pagmamaldita nya. Tinaas ko rin ang kilay ko sa kanya bilang sagot kaya naman nagulat sya. "Attitude!" usal nya kaya natawa kami pareho. Mabilis natapos ang araw. Pagtapos ng klase ay niyaya ako ni Kia na subukan ang bagong tayo na coffee shop nila malapit sa Commonwealth. Opening daw ngayon kaya naman pagtapos na pagtapos ng klase ay lumarga kaagad kami papunta roon. Habang papunta roon ay hindi ko maiwasan tumingin sa paligid.

Nagbabakasakaling makita kahit ang bakas nya.

Ilang araw rin kasi akong hindi makatulog magmula noon. Kita ko ang pagod sa mata nya kahit hindi mo ito tignan ng matagal. Ikaw ba naman ang magtrabaho mula umaga hanggang gabi, dala dala ang bigat ng buslong naglalaman ng mga inumin, yosi at mga kendi. Hindi lang ang init at siksikang tao ang makakalaban mo ngunit pati ang pagod mo. Tinulungan nya pa ako noong gabing iyon kahit mukhang nagpapahinga na sya. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng guilt kaya gusto ko syang makita. Kahit bumili lang ng maraming paninda sa mga dala nya dahil paniguradong hindi naman nya tatanggapin ang kahit na ano.

Ilang sandali ko lang naman sya nakilala pero alam ko agad na mabuti syang tao. Kahit sa maliit na kilos na 'yon, basta makabawi lang ako sa kanya.

"Huy kanina ka pa tulala. Okay ka lang? Pwede naman wag na tumuloy, baka pagod ka rin beh." ani Kia. Kanina nya pa siguro ako tinatawag ngunit hindi ako tumitingin. Umiling ako sa kanya at saka sumagot. "Okay lang, nakakaantok kasi yung tugtog ni kuya sa jeep. Medyo inantok ako." tawa ko. 

"Baliktad ka talaga. Parang niyayanig na nga buong pagkatao ko sa lakas ng tugtog tapos ikaw inaantok? Mga trip mo talaga," umiling si Kia kaya naman ay natawa na rin ako. Mabilis lang ang naging byahe kaya naman maya maya lang din ay nakababa na kami. Palubog na ang araw nang makababa kami. Naglalakad na kami patungo sa coffee shop nila.

Hindi ako pamilyar sa lugar dahil hindi pa naman ako napapadpad dito. Isa pa ay first year college pa lang ako kaya hindi pa ako pamilyar dito sa Maynila. Hindi naman kami masyadong gumagala ni Kia pagkakatapos ng klase dahil nga kailangan ko rin makauwi ng Cavite dahil inaantay ng mama ang paguwi ko. "Ayan na, Mommy!" sigaw ni Kia sabay kaway sa isang magandang babae. Ngumiti sya sa amin sa malayo kaya medyo napanatag ang loob ko, mukha kasi syang mabait kagaya ni Kia. 

Humalik sa pisngi si Kia sa kanyang Mommy bago umakbay. Nagmano naman ako bilang respeto. "Hello po Ma'am." bati ko. Abot langit ang ngiti nya sabay tingin ng nakakaloko kay Kia. Patay.

"Mommy.. no! We're just bestfriends! Promise!" pagtanggi agad ni Kia kaya naman napakamot ako ng batok sa hiya. "Good taste anak ha. Ano ang pangalan mo iho?" ngiti saakin ni Mrs. Ramirez

"Lorenzo Vienei po, Ma'am. Classmate and bestfriend po ni Kia." pakilala ko sabay tungo. Hinawakan nya ang ulo ko saka ngumiti. "Mukhang naturuan ka ni Kianna ng sasabihin ha, by the way you can call me Tita or Tita Giselle, anak." sagot ni Mrs. Ramirez

"Mommy, I swear friends lang po kami ni Lorenz. Don't tease him na po please." Kianna said, pouting.

Tita Giselle laughed. "I'm just kidding anak. Sige na pumasok na kayo at nasa loob si Daddy mo. Nak, Lorenz.. if you want anything just tell Kia ha? Kia, asikasuhin mo ang kaibigan mo. Susunduin ko lang ang mga Tita mo." paalam ni Tita Giselle kaya naman tumungo na lang ako bilang sagot.

We entered the coffee shop. Maganda ito at maaliwalas rin sa loob. Kitang kita ang mga minimalist frame na nakadisplay sa dingding. Marmol na puti at khaki ang tema ng kanilang kapehan. Nakilala ko na rin ang tatay ni Kia at pareho ni Tita Giselle ay mabait rin ito. Sinabihan nya rin ako na huwag na raw kaming magbayad, nakakahiya nga dahil kabubukas lang ng shop ay libre kaagad ang inumin ko. Sabi naman nya ay itinayo nila ang shop na ito dahil mahilig ang buong pamilya nila sa kape kaya huwag ko na raw iyon isipin. Nagpasalamat na lang ako bilang bayad sa kanila.

Nakahanap na kami ni Kianna ng upuan. Dumating na rin ang drinks namin na ang Kuya pala ni Kia ang barista. Umorder ako ng vanilla coffee dahil hindi naman ako masyadong mahilig dito habang si Kia ay ang kulay berde na inumin. Matcha raw ang pangalan.

"Tapos ayon, nag-aaway sila sa gilid ko kanina kaya nainis ako! Paano ba naman, pinag-gigitnaan nila ako! Like pwede ba humanap kayo ng ibang lugar kung saan mag-aaway hindi sa loob ng classroom. So cheap!" reklamo ni Kianna sa dalawa naming kaklase. Tumawa ako dahil halata pa rin sa kanyang mukha ang inis. "Tikman mo 'to dali, masarap to!" pagaalok ni Kianna. Alam ko rin naman na hindi ako makakatanggi kaya naman ay sumimsim na lang rin ako.

Muntik ko na ibuga ang inumin ngunit ayoko naman dahil nasa harap si Tito pati ang kapatid nya. Paano kasi lasang damo.

"Ah m-masarap.." sagot ko saka pilit na ngumiti kahit pait na pait na ang panglasa ko. Kianna laughed histerically. "Mema mo!" saad nya kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Paiyak ka na nga oh! Mapait?" tanong ni Kia. Tumingin muna ako sa harap upang tignan kung nakatingin ang Daddy at Kuya nya. Nang makitang hindi ito nakatingin ay tumango ako sa kanya kaya lalo syang tumawa. Halos nakahawak na nga sya sa panga nya dahil tawang tawa sya. Itong babae na 'to talaga.

"Ano lasa?" tanong nya habang hawak hawak ang tiyan, mas kalmado na kumpara kanina.

"Lasang d-damo.." bulong ko sa kanya kaya naman natawa nanaman sya. Nahawa naman ako kaya buong paglabas namin ay para kaming tanga kakatawa. Hanggang paghatid nya sa akin sa sakayan ay binubuksan nya ang topic na 'yon. Hindi talaga sya makamove-on. 

Habang nasa byahe papunta sa terminal ay nilabas ko muna ang cellphone ko upang maghatid ng chat sa kapatid ko. Naging maingat at alerto rin ako mula noon. Tinitignan ko na ang bawat tao sa paligid at mahigpit na rin ang hawak sa sariling bag. Maigi na sigurong maging maingat upang malayo sa kapahamakan. Inilalabas ko lang rin ang cellphone tuwing magsesend ng message sa kapatid ko o di kaya kay Mama ngunit pagkatapos ay itatago na 'to.

Alas sais impunto ay nakarating ako sa terminal. Hindi na ako naghintay dahil ang bus na naabutan ko ay paalis na rin. Pagsakay ko ay nag-abang lang kami ng tatlong pasahero ay lumarga na rin ang bus. Mabigat pa rin ang dibdib dahil hindi ko nanaman sya nakita. Sobrang laki talaga ng Maynila. Ni anino nya ay hindi ko nakita, ilang araw na rin akong nagmamasid sa bawat bus na sinasakyan ngunit hindi ko rin naman sya nakikita.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagtulog dahil malayo layo pa rin naman ang byahe. Sakto rin na ang upuan ko ay nasa tabi ng bintana sa may dulo, may kalamigan rin ang aircon kaya naman madali akong nakatulog. Maaga rin kasi ang gising ko palagi kaya hindi ako hirap makatulog.

Ilang minuto palang ay bagsak na ako. Hindi ko na matandaan ang mga nangyari pero gumising sa akin ang boses ng isang lalaki. "Tubig! Chicharon!" 

Hindi ko alam pero agad akong napabalikwas sa narinig. Hinanap ko agad ang boses kung saan iyon nagmula. 

Nakatalikod ang lalaki, nakasuot ng itim na t-shirt at pantalon na maong. Nakasumbrelo rin ito at may tuwalyang nakalaylay sa bulsa ng pantalon. Kumabog ang dibdib ko. 

Parang nangyari na ang lahat ng 'to. Deja vu ika nga nila.

Ilang minuto rin syang nakatalikod at nakahawak sa bakal ng bus sa itaas. Lumunok ako at saktong tatawagin na ang lalaking nakatayo sa harapan upang bumili ng tubig ay humarap ito.

Ganoon na lang din ang pagkadismaya ko nang makitang ibang tao 'yon. Kumawala ang isang buntong hininga sa akin dahil sa ideya na hindi sya makita. Malaki nga talaga ang Maynila.

Baka tama sya. Baka imposible nga na makita ko ulit sya. Ipadala na lang sana ng Diyos ang pasasalamat ko sa kanya sa ibang paraan, dagsain sana sya ng maraming bumibili. Bumalik ako sa bintana at pinanood ang bawat lugar na madadaanan. Kahit pangalan ay hindi ko alam sa kanya, tanging ang mukha nya lang na may lip piercing at tuwalyang nakasakbit sa batok ang natatandaan ko. 

Nakauwi ako sa amin noong gabing iyon. Pinilit kong matulog kahit sobrang gulo ng utak ko kakaisip sa kanya. Posible pala 'yon.

Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising. Parehong routine, maliligo at aalis. Sasakay papuntang unibersidad, mag-aaral at makikipagkwentuhan. Wala namang bago, palagi naman ganoon ang nangyayari sa araw ko. Huling araw na pala 'to ng pasok ko ngayong linggo dahil online class na kami sa dalawang magkasunod na araw. 

Andaming nangyari ng araw na 'yon. Hindi pa nga sana ako papasok dahil may lagnat ang nanay. Hindi naman pupwedeng lumiban ang kapatid ko sa klase dahil may quiz sila samantalang kami naman ay ganoon rin sa major subject. Balak ko na nga ipaubaya 'yon ngunit nagalit si mama dahil kaya naman raw nya at isa pa, uuwi rin ng alas dos ang kapatid ko kaya kahit labag sa loob ay pumasok ako.

Pagdating naman sa room ay ibinalik na ang scores ng unang performance task namin. Mababa ang grupo namin dahil puro pag-aaway ang inatupag ng dalawang kagrupo namin kung kaya naman ay hindi naging maganda ang kinalabasan nito. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ayoko ng groupwork. Maraming estudyante ang nasa kolehiyo na pero hindi pa rin ganoon umasta. 

Sira ang araw ko. Isa na yata ito sa pinakapangit na araw ko kaya naman noong maaga kaming naidismiss ay nagmadali kaagad ako. Nagpaalam ako kay Kianna na mauuna na dahil may sakit ang mama, naintindihan naman nya kaya pinauna na ako. Habang nasa daan ay naiwan ko pa ang tumbler ko sa room kaya naman pupungas pungas ako paglabas ng university.

Alas dos na at nandito pa rin ako, nag-aabang ng jeep papuntang terminal. Sobrang init at nakalimutan ko pang magdala ng payong kaya naman tiniis ko ang init na 'to kahit masakit sa balat. Lahat ng jeep ay punuan, medyo traffic nga rin kaya ang iba ay naglalakad na. Nang mapansing wala akong tsansa na sumakay ay nilakad ko na lang rin kahit mainit. Habang tinatahak ang daan ay nasira at bumuka ang sapatos ko. Nakakainis!

Naupo ako sa isang waiting shed. Hindi naman ako iyaking tao pero nagsabay sabay kasi ngayon kaya kahit nakabuka na sapatos ay iniiyakan ko. Mukha na siguro akong tanga sa mukha ng ibang tao dahil nakaupo ako sa waiting shed habang hinuhubad ang sapatos ko. Nasa Manila pa ako kaya naman hindi ko alam kung uuwi ba akong ganito dahil sobrang laki rin ng bukas ng swelas nya o bibili ng tsinelas. Sobrang malas ng araw na 'to. Imbis na nakauwi na ako at pinagluluto ang nanay ng sabaw ay nandito ako sa kalagitnaan ng kalsada at nag-aayos ng sapatos. Nakakaasar.

"Ngayon ka pa talaga sumabay. Bwisit na buhay 'to. Hindi naman kita pwedeng itapon na lang basta, bakit kasi nasira ka! Bwisit! Bwisit!" saad ko habang sumisinghot. Tuloy tuloy na rin kasi ang luha ko dala ng frustration. Gusto ko rin namang magpatuloy na at huwag na sayangin ang oras sa pagiyak iyak pero kasi sobrang init ngayon, hindi ko alam kung saan pa ako makakahanap ng bilihan ng tsinelas. Kung ilalakad ko naman ito ay lalong masisira. Hinayaan ko muna ang sariling magmukmok at umiyak roon.

"Hindi sasagot 'yan sayo," isang pamilyar ng boses ang nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin. Gulat na gulat, bumungad saakin ang mukha ng taong hinanap ko ng buong linggo.

Nakasuot sya ng sandong puti at denim na jeans. Maging ang good morning towel na dala dala ay nakasakbit sa kanyang leeg. Pinunasan nya ang butil butil na pawis sa noo at saka ibinaba ang dala dalang basket sa tabi ko.

"Patingin nga ako," saad nya habang yumuyuko at kinukuha ang sapatos ko sa ibaba. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil paniguradong basang basa ang mukha ko ng luha at pawis. Mukha siguro akong dugyot sa paningin nya samantalang sya na pawis kanina ay mukha pa ring presentable.

Pinunasan ko ang mukha gamit ang scarf na nasa bulsa at pinanood lang sya na nakatayo at tinitignan ang nakabukang sapatos. "Dito ka lang, hintayin mo ko." paalam nya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko dahil mainit. Tinignan ko naman ang lugar at wala namang shop rito maliban sa isang laiit na tindahan sa gilid ng kalsada. 

He laughed. "Hindi ko dedekwatin 'tong sapatos mo. Kuha ka muna dyan ng tubig at kendi, dito lang ako." saad nya at saka tinuro ang tindahang maliit pagkatpos ay kumuha ng barya sa lagayan nya ng pera. Hindi ko naman sya inaakusahan na nanakawin nya. Tumango na lang ako dahil sa hiya. Sya na nga 'tong tumutulong saakin ay baka isipin nya pa na ganoon ang tingin ko sa kanya.

Tinignan ko ang basket na dala dala nya. May ilang kaha ng sigarilyong nakabukas doon, tatlong uri ng kendi at sa isang basket ay mga inumin, mukhang malamig pa rin dahil nasa styro 'to. Hindi ko maiwasan humanga dahil kahit nasa initan ay ginagawa nya 'to. 

Maya maya lang rin ay bumalik sya hawak hawak ang sapatos at maliit na shoe glue. Naupo sya sa tabi ko at pinanood ko sya na dikitan ang sapatos ko. Pinagmasdan ko lang sya, pinanood ko kung gaano sya katutok sa paglalagay ng dikit sa sapatos ko. Pinanood ko kung gaanong magsalubong ang kilay nya habang ginagawa ito. Paano gumalaw ang kamay nya para punasan ang pawis sa noo. Paano gumalaw ang adams apple. Literal na sya lang ang pinagmamasdan ko.

Nang matapos ay umayos sya ng pagkakaupo at ipinatong ang shoe glue sa upuan saka diniinan ang dikit ng sapatos ko. Hinihipan-hipan nya pa ito habang pinipisil ang unahan ng sapatos.

"Mamaya mo na suotin, hindi pa yan tuyo." saad nya kaya naman tumango ako. Nilagay nya ang sapatos ko sa gilid ng waiting shed kung saan ay natatamaan ito ng araw. Pagkatapos noon ay bumalik sya sa pwesto ko at kumuha ng tubig para iabot sa akin. 

Umiling naman ako at nagsalita. "Ayos lang," saad ko sa kanya. Sinarado nya ang basket at kinuha ang kamay ko.

"Malinis yan," ani nya. Bakit ba sya ganyan? Wala naman akong sinasabi. Alam ko naman na maganda ang intensyon nya pero parang ang akala nya ay dudang duda ako sa mga ginagawa nya. Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng barya upang bayaran sya ngunit tumawa lang sya at umiling. "Wag na." saad nya ngunit ako naman ang may lakas ng loob kuhanin ang kamay nya upang ilagay ang kinse pesos doon.

Hindi naman na sya nakipagtalo at nilagay na iyon sa kahon. "Bakit pala umiiyak ka?" tanong nya. Nakalimutan ko na nakita nya pala akong naiyak kanina kaya naman namuo nanaman ang hiya sa katawan ko. "Huwag mo na itanggi. Naiyak ka kanina," ngisi nya.

"Nagsabay sabay lang. Napuno, umiyak." sagot ko. Tumango sya at tumingin sa mga sasakyan na dumadaan. Kung kanina ay traffic, ngayon naman ay sobrang luwag ng daan. "Ayos yan. Tama yung ginawa mo," ani nya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. Kinuha nya ang tuwalya at saka iyon pinaikot upang magpaypay. "Tama lang na umiyak ka. Hirap non kung iipunin mo lang. Mas mabigat." seryoso nyang saad.

Doon ko napagtanto na tama nga siguro ang ginawa ko. Hindi nya pinaramdam saakin na hindi valid ang nararamdaman ko sa pagiyak sa simpleng sapatos kahit na mas mabigat pa siguro ang dinadala nyang mga problema o mga problema ng taong nadadaanan ko. Bagkus pinaramdam nya sakin na ayos ang umiyak dahil mas bibigat ito kung hahayaan ko lang. Nanatili akong tahimik dahil sa sinabi nya. Bumalik lang ako sa ulirat nang maalala na hindi ko pa nga pala alam ang pangalan nya.

"Nga pala, dalawang beses na tayong nagkikita pero hindi ko pa rin alam ang p-pangalan mo. Pwede ko bang malaman?" tanong ko. Nakatingin lang sya saakin habang nakangiti. Probably amazed because of his facial expression. "Paano kung hindi?" tanong nya sa akin. Gulat naman ang gumuhit sa mukha ko bago iyon napalitan ng inis dahil sa pagkapahiya.

Tumawa sya at saka nilaro ang tuwalyang dala. "Biro lang." muli nyang isinakbit ang tuwalya sa kanyang leeg at saka nagpunas ng kamay sa pantalon. Inamoy nya pa iyon bago nilahad ang kamay sa harap ko. "Vince." pakilala nya.

Vince.

Ang ganda ng pangalan nya.

Tinanggap ko ang kamay nya at naramdaman na may pagkamatigas ito. Dahil siguro sa araw araw na pagbubuhat ng mabibigat na buslo. "Lorenzo.  Lorenz nalang." pakilala ko. Tumango tango naman sya.

"Nice to meet you. Wow, english." saad nya at saka mahinang tumawa kaya naman natawa rin ako. Binalikan nya muli ang sapatos ko sa initan at kinuha iyon.

"Huwag mo muna isuot at mainit init pa." ani nya at saka ipinatong iyon sa tabi ko. Kinuha nya rin ang shoeglue sa tabi nito at inabot sa akin. "Kapag nasira, dikitan mo nalang ulit. Pero hindi na yan matatanggal, binulungan ko na kanina na kumapit ng mabuti eh." saad ni Vince kaya naman napairap ako at tumawa. Thirty minutes din kaming nag-usap. Ang iba ay tungkol sa Maynila at kung gaano ito katraffc, ang iba naman ay sa mga tao rito.

"Hindi na nga kita nakita. Malaki pala talaga ang Maynila no?" pagkukwento ko. Vince nodded. "Oo naman. Maraming pasikot sikot dito, kaya nung sinabi ko na imposibleng mahanap mo ko eh totoo 'yon." 

"Pero nakita kita?" ani ko. He laughed. "Nakita kita nung biyernes." kaswal na sabi nya. Nagulat naman ako dahil paano nya ako nakita kinabukasan nang ihatid nya ako paterminal?

"Anong sabi mo?" tanong ko dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.

"Nakita kita noong biyernes. Sa bus. Nagtinda ako ng tubig roon tapos nakita kitang natutulog kaya hindi ako nag-ingay." mahinang tawa nya. "Mukhang pagod ka eh. Pagod ka siguro ano?" tanong nya.

Hindi ko alam ang mararamdaman dahil hindi naman ako malalim makatulog. Kaya nga noong may nagtindang tubig kahapon sa bus ay napamulat agad ako dahil lightsleeper ako. Pero ang malaman na hindi sya nag-ingay o sumigaw manlang habang nag-aalok upang hindi makaabala sa pagtulog ay hindi ko alam ang mararamdaman. 

"D-dapat ay ginising mo ako. Wala akong tubig noong araw na 'yon." saad ko kahit na ang totoo ay gusto ko lang naman bumili sa kanya upang makabawi.

"Magbabaon ka ng tubig. Sobrang init ng panahon ngayon," ngiti nya. Nanatili akong tahimik. Imbis na makabawi ay parang nadagdagan pa ang utang ko sa kanya. Hindi ko naman alam kung paano makakabawi. Siguro ay magluluto ako sa susunod at iaabot sa kanya pero hindi ko naman alam saan sya makikita.

"May eksaktong lugar ba kung saan ka p-pumupwesto?" tanong ko. Bakas ang gulat at lito sa mukha nya pero desperado na talaga ako. Ilang beses nya na akong tinulungan, baka ito na ang senyales na ibalik ko naman ang kabutihan nya.

"Bakit?" tanong nya.

"W-wala lang. Naisip ko lang kasi medyo malaki nga ang Maynila." nagpeke pa ako ng tawa para hindi masyadong halata.

"Iba iba eh, minsan kasi ay kung saan maraming tao ay doon ako bumababa. Sumasabay lang din ako sa andar ng bus kaya kung saan abutin bahala na." sagot nya kaya naman ay para akong nanlumo. "Pero madalas ako sa terminal na sinasakyan mo. Nandoon siguro ako ng mga oras tuwing alas singko hanggang alas sais. Isang oras rin."

Parang nabuhayan naman ako roon at itinanim sa isipan ang lugar at oras kung paano sya makikkita o mahahanap. Ngumiti nalang ako at tumango. Kinuha nya ang sapatos at pinakiramdaman kung mainit pa 'yon. Nang mapansing hindi na mainit ay inilapag nya iyon sa akin. "Suot mo na. Hindi na mainit." saad nya kaya naman ngumiti ako.

"Thank you." ani ko. Tumango sya at nagpunas ng pawis sa noo.

Inayos nya na ang mga bitbit at saka tumayo. Nag-ayos na rin ako ng gamit at napagpasyahang sumakay na rin.

"Ah, Lorenz pwede palang magtanong kung anong oras na?" tanong nya. Tumingin naman ako sa relo saka nagsalita. "5:30" sagot ko.

Tumango na lang si Vince at saka binitbit ang kahon ng mga sigarilyo at kendi. "Alas singko y media na pala." 

"Hmm teka, di ba sabi mo mga five nandoon ka na sa terminal?" tanong ko dahil baka mamaya ay niloloko nya lang pala ako.

"Oo nga. Papunta na sana ako kaso nakita kitang naiyak." sagot nya kaya naman nanahimik ako.

Sabay kaming sumakay ni Vince sa jeep papuntang terminal. Nagpumilit pa nga sya ng bayad naming dalawa pero sinabi ko na ako na lang at tanggapin nya na lang yon bilang bayad ko sa shoeglue at pagtulong nya sakin kanina. Sya kasi ang bumili ng shoeglue dahil kinuha nya pa yon sa rack nya. Hindi naman sya nakipagtalo na at hinayaan na lang nya. Nang may sumakay na matanda ay tumayo sya sa pagkakaupo at inalayan ang matanda pataas. Nagtataka pa nga ako dahil sikip na naman sa pwesto pero sabi nya sa driver ay doon na lang raw sya uupo sa akyatan ng jeep dahil sa terminal lang rin naman daw ang baba nya.

Ilang beses nya akong napahanga noong oras na 'yon. Nang makarating sa terminal ay hinintay nya ako makababa. "Oh paano, ingat ka ulit." paalam nya. Tumango naman ako at nagpasalamat.

"Wala 'yon. Ingat ka." bati nya kaya naman ay umakyat na ako sa bus. Sinilip ko sya sa bintana at nakitang nakatingin sya sa akin at mabilis na tumango bilang paalam. Ngumiti naman ako sa kanya. Umalis na ang bus na sinasakyan ko. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan matuwa dahil kahit papaano ay alam ko na ang pangalan nya at nagkita ulit kami. 

Habang nasa byahe ay hinanap ko ang earphone ko upang makinig sana ng music habang nasa byahe. Kinapa ko ang loob ng bag ngunit hindi ko iyon mahanap, sunod kong kinapa sa bulsa ng bag dahil doon ko lagi iyon nilalagay nang maramdaman ang mga kendi.

Kinuha ko iyon. Wala akong natatandaan na bumili ako o meron ako nito sa bag dahil naglinis ako ng bag kahapon. Isa lang ang pumasok sa isip ko nang makita ang tatlong pirasong max candy sa bag. Si Vince.

Masaya akong umuwi ng araw na 'yon at hindi makapaghintay na mag-lunes na ulit upang magdala ng pagkain sa kanya. 

Ang sabi nya ay isang oras lang sya nasa terminal. 4:30 pa ang dismissal ko palagi kaya naman kung susumahin ay makakarating ako sa terminal sa pagitan ng alas singko at alas sais.

Alas singko y media.

Notes:

heluu xori na late huhu nagvisit kc kami sa cemetery but anywayyyys, sana pinakinggan nyo yung reco hwhahaah gawa me playlist for them soon xD ANO PALA- NABABASA KO COMMENTS NYO GUYS HUHU THANKS A LOT NAKAKAMOTIVATE MAGSULAT, LALO NA FOR SOMEONE NA NAWAWALAN NG INTEREST IN WRITING STORIES AGAIN HDHHSASHAHSA ILY GUYS.. :( ayun lang hapi reading!!

ps. comments and qrts are highly appreciated, c u sa chapter threeeee <3

Chapter 3

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

KSN - Lorenzo Vienei
LHS - Vince Maceda

hello five thirty peeps! chapter three naaa xD thank u sa mga comments and feedbacks, sobrang nakakawarm ng heart huhu !!

- typo & grammatical errors ahead.

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

➛ hello everyone! before mag-start, i alr created a playlist for vince and lorenzo, you can listen to it on spotify huehue check nyo nalang 'to 🎶

 

Lorenzo

-

Totoo nga na kapag hinihintay mo ang araw ay saka ito lalong bumabagal. Sabado pa lang ngayon at noong miyerkules ko pa huling nakita si Vince. Tatlong araw pagtapos ako masiraan ng sapatos sa gitna ng kamaynilaan, tatlong araw matapos syang bumili ng shoeglue at idikit sa aking sapatos, tatlong araw pagtapos kong malaman ang pangalan nya. Ang tagal ng araw.

"Nak, ano ang gusto nyong ulam?" tanong ni Mama. Narinig ko naman sumagot ang aking bunsong kapatid na si Loreign. Kasalukuyan akong nakaharap sa laptop ko para gawin ang sinimulan na by pair na assesment namin ni Kia kahit na pagtapos pa ng midterm ang pasahan nito. Ayoko lang na may iisipin pa ako pagtapos ng exam, ganoon rin naman si Kia kaya ayos rin sa kanya ang gumawa ng mas maaga. 

Sinara ko ang laptop pagkatapos namin mapagusapan ang plano at saka nahiga. Sunday na bukas, ano kaya ang magandang lutuin para sa kanya? Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa gilid ng kama at nagsimulang magsearch ng mga lutong ulam. Adobo kaya? Kaso hindi ako gaano bihasa sa pagluluto noon, minsan ay matabang ngunit madalas ay maalat. Suntok sa buwan pa kung maperfect ko iyon sa pagluluto. Naisip ko rin ang sinigang ngunit masyadong hassle naman sa akin kung magbibitbit ako ng sabaw magmula Cavite hanggang Maynila, hindi rin naman ito masarap kapag lumamig na ang sabaw. Inabot rin ako ng ilang minuto sa pag-iisip kaya naman bumaba muna ako dahil hinahanap ako ni Mama. Mamaya ko na lamang iisipin upang makabili rin ng rekado bukas sa palengke.

Naabutan ko ang kapatid ko na nakaharap sa tumpok ng libro. Naupo ako sa isang upuan upang panoorin ang ginagawa nya. Grade 9 palang ito, third year high school. Paulit ulit lamang ang ginagawa ko sa bahay simula noong huwebes. Kung hindi papanoorin ang kapatid ko na gumagawa ng school works nya ay pupuntahan ko naman ang Mama sa kusina upang panoorin itong magluto. Wala pa rin naman akong kailangan gawin na school works dahil tinatapos ko na ito ng maaga kaya most of the time, nakatunganga lang talaga ako rito sa bahay. 

"Kuya, makikiabot nga ng paminta dyan sa itaas," pakiusap ni Mama. Pinapanood ko kasi syang magluto dahil wala naman akong ginagawa. Hindi naman na bago saakin ang panoorin si Mama tuwing nagluluto sya dahil sa panonood rin sa kanya ay natututo akong magluto. Ayos din daw na matuto habang maaga pa para hindi mabigla sa mundo. Noong una ay natatawa pa nga ako pero noong pumasok ako sa kolehiyo ay tama nga sya. 

Inabot ko ang paminta kay Mama. Nagluluto pala sya ng nilagang baboy para sa tanghalian namin. Marunong naman na akong magluto nito pero dahil nga mahirap ay hindi ko na naulit pa.

Mabilis lumipas ang araw. Kasalukuyan akong nasa palengke at nagtitingin ng mga rekado sa lulutuin kong pininyahang manok para kay Vince bukas. Ano pa ba ang kulang? May manok, pinya at bell pepper na. Maging ang ibang rekado ay kumpleto na rin. Nagdiretso ako sa sakayan ng tricycle upang makauwi na dahil mukha namang wala na ring kulang. Marunong naman akong magluto ng pininyahang manok, kahit papaano ay masarap naman ito kaya malakas ang loob ko na magugustuhan nya ito.

"Magkano po kuya?" tanong ko nang makarating ang sinasakyan sa harap ng bayan. Inabot ko ang singkwentang buo at pumasok na sa loob ng bahay. Mamayang gabi ko na ito iluluto dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Balak ko na ipainit na lang bukas ng umaga kahit na alam ko namang hindi nya rin ito agad makakain dahil hindi ko sya naaabutan ng ganoon kaaga, pwera nalang kung swertehin at maabutan ko ulit sya sa bus na sinasakyan ko. 

Paguwi sa bahay ay inilagay ko muna sa ref ang manok na binili at nagpalit ng damit sa kwarto. Pinawisan rin kasi ako, mahirap na at baka matuyuan ako ng pawis. Naabutan ko ang kapatid ko na kalalabas lang rin ng kwarto na nag-uunat pa kaya naman ay pinisil ko ang pisngi nya. "Ayan, puyat pa. Hindi ka tuloy nakasama sa simba kanina." Pangaral ko na nginusuan nya naman. Batang 'to talaga.

"Eh hindi nyo ako ginising eh, sasama naman ako kahit inaantok ako hehe." sagot nya kaya naman natawa na lang ako. Sinabi ko rin naman kasi kay nanay na huwag na lang gisingin si Loreign dahil naabutan ko itong gumagawa pa ng proyekto sa school nang magising ako kagabi para uminom ng tubig sa ibaba.

Nagdiretso na ako sa labas upang puntahan ang aso naming si Molly. Agad nyang iwinagwag ang kanyang buntot nang makita ako. Kinuha ko ang kanyang kainan at saka ito nilagyan ng pagkain. "Gutom ka na? Ang baho mo na, Molly!" pang-aasar ko kahit alam ko naman na hindi ito sasagot sa akin. Pinanood ko itong kumain at ubusin ang pagkain na hinanda ko sa kanya. Simot na simot nga ito kaya naman hindi ko maiwasang matuwa at hagurin ang mabalbon nyang katawan. "Very good palagi," saad ko at saka ito pinatakan ng halik sa ulo.

Mabilis tumakbo ang oras dahil naririto na ako sa kusina at nagsisimula na rin mag-ayos ng lulutuin. Nalinis ko na rin ang mga kubyertos at kutsilyong gagamitin para tuloy tuloy ako dahil matutulog na ako pagkatapos nito. Maaga rin kasi ang pasok ko bukas kaya hindi ako pwedeng magpuyat. "Kuya ano 'yan? Baon mo bukas?" Nagulat ako sa boses na narinig mula sa likod ko. Si Loreign pala.

"Ah oo. M-may kamahalan rin kasi ang pagkain doon. Parang ginto," saad ko dahil totoo naman. Medyo marami ang iluluto ko dahil marami raming rekado ang nabili ko. Nakakapagipon rin kasi ako sa allowance na binibigay ni Mama kaya hindi na ako nanghingi sa kanya. Kasya pa ito bilang baon ko at pang-ulam nila Mama at Loreign sa umaga. 

Nagsimula na ako sa pagluluto, inaantok na nga ako pero kailangan ko pang magreview dahil may quiz nanaman kami bukas. Habang nakaupo sa mesa dahil hinihintay ang pag-iga ng niluluto ay nagbabasa ako ng reviewer. Siguradong pagpasok sa kwarto ay bagsak ako nito dahil ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng antok. Nang makitang sumusulak na ang niluluto ay tumayo na ako para tikman iyon.

"Reign?" tawag ko sa kapatid. Gising pa rin kasi dahil wala naman raw silang pasok kinabukasan. "Po?" sigaw ni Loreign galing sa sala. 

"Pumarine ka nga muna at tikman mo ito," saad ko at saka kumuha ng bagong serving spoon. Maya maya lang din naman ay nagtungo na si Loreign sa kusina dala dala ang yarn at bakal na kanyang iniikot. Crochet raw ang tawag doon.

"Ang sarap kuya. The best ka talaga magluto ng Pininyahan, wag lang pag-uusapan ang adobo." saad nya. Nagulat naman ako at hindi agad nakapagsalita dahil tumakbo na sya paitaas habang tumatawa. Loko talaga 'yon. Totoo naman iyon dahil hindi talaga masarap ang adobo ko, tuwing nagrerequest nga sya ay kay Mama nya ipinapaluto dahil wala raw syang tiwala saakin.

Nagligpit na ako ng pinag-gamitan at nailagay ko na rin ang ulam sa ref. Napalamig ko na rin naman 'to kahit papaano. Naglinis rin muna ako ng katawan bago nahiga, wala pang ilang minuto ay bumagsak na ang talukap ng mata ko. Pagod nga talaga ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, kulang pa rin ang tulog ko pero ayos lang. Bumaba ako sa kusina upang initin ang ulam doon. Binuksan ko na rin ang tubig sa cr para naman tuloy tuloy na ang pagligo ko mamaya. Habang pinapainit ang ulam ay umiinom ako ng kape at nakatingin sa bintana. Maaga ang pasok ko ngayon kumpara ng ibang mga araw. Alas syete ay dapat nasa piyu na ako dahil may quiz nga kami sa first suibject. Hay, buhay.

Nang matapos kong initin ay inilagay ko na ito sa tupperware. May kalakihan ito kaya naman marami akong nailagay na ulam, napangiti ako dahil tiyak na magugustuhan ito ni Vince. Sana.

Nagdiretso na ako sa pagligo at pagbihis. Mabilis naman akong kumilos kaya wala pang 4:30 ay nasa terminal na ako. Sumakay kaagad ako sa bus na nakita at pumwesto sa harapan para hindi na ako mahirapan sa pagbaba. Habang nasa byahe ay iba iba ang nararamdaman ko. Kinakabahan, masaya pero laman ang pagkasabik na maibigay ang ulam na hinanda sa taong tumulong saakin.

Hindi ba't sobrang sarap magbalik ng kabutihan?

"San ka toy?" tanong ng konduktor. Iniabot ko naman ang isang daang buo para magbayad. "Kyusi po," sagot ko.

Nakatulog rin pala ako sa byahe dahil mahaba haba naman iyon. Hindi rin inabot ng isang oras dahil hindi naman gaano traffic pag-umaga. Narating ko ang unibersidad ng saktong alas singko y media. Nakita ko agad ang mukha ni Kianna, nakabusangot itong nakatingin sa akin habang sinasalubong ako sa daan. "Antok pa ko." nguso nya.

Pinisil ko ang ilong nya para naman magising sya kahit papaano. Hinampas nya ang braso ko dahil medyo humigpit pala ang pagpisil ko kaya namula ito. "Aray ko! Bwisit ka talaga." ani nya. 

Pumasok na kami sa loob at wala namang masyadong nangyari sa araw namin bukod sa sandamakmak na activities, long quiz at performance task. Napagpasyahan rin namin ni Kia na simulan na ang interview na kakailanganin sa by pair naming assesment dahil maaga ang dismissal namin ngayon. "Huy nagugutom na ko hindi tama 'to, hindi ba muna tayo kakain?" saad ni Kia nang makalabas kami sa Piyu. Puro pagkain talaga ang nasa utak ng isang 'to. Napailing nalang ako at saka sya inakbayan. Habang nasa daan ay nakita ko ang pamilyar na mukha sa kalsada. 

Gaya ng una naming pagkikita ay nakaplain white shirt at maong jeans ito. Naroroon pa rin ang kanyang tuwalya sa leeg at piercing sa labi. Nakatayo sya malapit sa gate ng Piyu hawak hawak ang basket ng yosi at kendi. Hindi nya dala ang buslo ng mga inumin kaya naman madali lang sa kanyang ang paghawak ng maliit na kahong iyon. "Vince!" tawag ko sa kanya. Lumingon sya sa akin pero ganoon na lang rin ang gulat ko nang umasta syang hindi nya ako nakita at nagdire-diretso sa paglalakad.

"Huy, sinong Vince?" tanong ni Kia, narinig yata ako. Pinanood ko si Vince anudin ng mga tao. Hindi ako pupwedeng magkamali dahil kita ko pa sa mukha nya ang gulat nang makita ako. Ano kaya ang problema. Binalikan ko sa alaala ang mga nangyari noong huli naming pagkikita. Hinatid nya ako sa terminal at binigyan ng tatlong piraso ng kending max kaya ganoon na lang din ang pagtataka ko sa inasta nya.

Nakita nya kaya ako? O baka hindi nya ako namukhaan. Hindi ko alam. Ang balak ko pa naman ay pupuntahan sya sa lugar kung saan sya nakatayo at iaabot ang pagkaing hinanda ko pero hindi.. hindi iyon nangyari dahil nang makita nya ako ay lumayo sya na para bang ibang tao ang tinatawag ko at hindi sya.

"W-wala. Kamukha lang pala." ngiti ko kay Kianna kahit mayroon saakin ang nasaktan kahit papaano dahil sa inasal nya. Hindi naman iyon pinaniwalaan ni Kia dahil bakas pa rin sa mukha nya ang duda kaya naman ginulo ko ang buhok nya. "Nakapili ka na kung saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya.

Mabuti na lang rin ay nakuha ko ang loob nya at hinayaan na lang ang nangyari. Masaya si Kia habang nilalandas ang chicken wings na gusto nyang kainan samantalang ako ay lumilipad pa rin ang isip sa nangyari kanina. Gusto kong mainis o magalit manlang pero mayroon sa akin ang naiinis rin sa sarili dahil baka naiirita na sya sa presensya ko o di kaya naman ay nakukulitan na sa akin. Hindi ko alam.

"Gutom na talaga ako, feeling ko marami akong makakain dito shet." saad ni Kianna. Tumawa naman ako dahil halata nga sa kanya na kanina pa sya gutom. Hindi rin kasi sya kumain ng lunch dahil ang sabi nya ay wala raw sya sa mood. 

"Ako baka konti lang. Kumain kasi ako kanina," ani ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at maganang ikinawit ang kanyang braso sa braso ko. "Huy nakita ko ulam mo kanina, mukhang masarap hehe. Meron pa?" tanong nya. Inaalok ko kasi sya kanina ng baon na pininyahang manok pero ang sabi nya ay wala raw syang gana kaya naman ay kinain ko na ito. Ang isang tupperware naman ay naglalaman ng ulam na ibibigay ko kay Vince.

Nagdalawang isip tuloy ako kung ibibigay ko ba kay Kianna o itatabi para kay Vince. Hay, bahala na nga.

Pagtapos kumain ay nagdiretso kami sa National Museum. Tunay ngang marami kang makikita dito dahil napakagaganda ng mga nakadisplay na obra. "Picture mo ako dito please," saad ni Kia sabay abot ng kanyang cellphone. Kinuhanan ko sya ng litrato sa iba't ibang anggulo. Medyo may kaingayan rin si Kia kaya pinagtitinginan kami ng tao.

"Whoa grabe nakakapagod. Andami nating ginawa!" reklamo nya at saka naupo sa isang bleachers. Tumawa naman ako sa kanya at inilabas ang papel na kakailanganin namin sa interview at hinarap iyon sa kanya. "Andami nating nagawa pero ito hindi," 

Kianna laughed. Kung ano pa nga naman ang totoong agenda namin ay hindi namin nagawa dahil mas minabuti namin ang kumain at gumala. Ayos lang naman, maaga pa rin naman. Inubos namin ang oras sa pagkukwentuhan at pagtatawanan nang mapansing papalubog na ang araw. Tinignan ko ang relo at napansing alas singko na pala. Marahil ay nandoon na si Vince sa terminal.

"Uuwi ka na ba?" tanong ni Kia. Tumayo naman ako at saka nag-unat. "Gusto mo na ba ko umuwi?" tanong ko na may halong pang-aasar. Medyo clingy talaga si Kianna, ganoon daw talaga sya sa mga taong kumportable syang kasama. Mapapatunayan ko naman iyon dahil hindi sya umaalis sa yakap ng daddy nya noong minsang bumisita kami sa coffee shop nila. "Ayoko pa nga! Kung pwede lang ibubulsa na kita, hay. Gusto ko talaga ng younger brother." Kia said.

Isang taon ang tanda nya sa akin kaya lagi nyang sinasabi na gumamit raw ako ng ate sa kanya pero hindi ko iyon ginagawa dahil nakakailang na ito kung ngayon ko pa gagamitin. Isa pa ay mas mukha naman akong matanda sa kanya dahil baby face sya. "May kapatid ka naman ah," ani ko. Pinagkrus nya ang kanyang braso at saka nagsalita. "Oo pero busy na sila Kuya sa mga families nila. Tsaka gusto ko ng younger brother para naman may susunod rin sa akin no? Lagi kaya akong sumusunod kayna Kuya. Nakakasawa na, para naman bago." 

Napailing na lang ako sa request nya. Umabot ng alas sais ang pagkukwentuhan namin. Hindi na ako nag-atubiling habulin si Vince sa terminal dahil gaya nga ng sabi ko.. baka nakukulitan na sya sa akin. Bumaba ako sa jeep na sinakyan nang marating ang terminal. Wala pa raw bus roon at thirty minutes pa. Nilinga ko ang paligid at walang Vince na nakita. Baka nga nagtatago na sya sa akin. Ang kulit ko rin naman kasi.

Naupo muna ako sa mga upuan at saka inilabas ang phone. Maingat pa rin sa pag-gamit upang hindi ito makuha o manakaw. Ilang minuto pa ang nagdaan ngunit wala pa rin ang bus. "Iho madedelay raw ng mga 20 minutes." saad ng cashier doon sa terminal kaya naman bumalik na ulit ako sa pagkakaupo. Balak ko sanang abalahin ang sarili nang marinig ko ang isang lalaking magsalita. Mukhang tambay sya dito lagi dahil kilala na sya ng lahat.

"Vince! Hindi ka pa uuwi? Kanina ka pa dyan ah," saad nya kaya naman sinundan ko ang direksyon na kanyang tinitignan. Nakita ko si Vince na nakasandal sa gilid ng poste malapit sa paresan. Ganoon pa rin ang suot nya gaya ng kaninang makita ko sya kaya alam ko na sya talaga iyon. Ginagalaw nya rin ang leeg nya upang patunugin ito habang nakalambitin ang dalawang kamay sa good morning towel na palaging nakasakbit sa kanyang leeg. 

Tumingin sya sa gawi ko at agad nag-iwas ng tingin. Ilanag sandali pa ako nag-isip bago sya nilapitan. Ibibigay ko lang ang ulam. Ibibigay ko lang pagkatapos ay hindi na ako ulit lalapit sa kanya.

Binuksan ko ang bag na dala at saka nagtungo sa kanya. Pinapanood nya lang ako habang unti unting lumalapit sa pwesto nya. Nilahad ko ang tupperware na dala dala. Hinihingi pa nga iyon ni Kia pero ang sabi ko ay may pagbibigyan ako noon at ipagluluto ko na lang sya. Mabuti naman ay hindi na sya nagtanong pagkatapos.

"Hello," bati nya. Paano nya ako nagagawang batiin gayong hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin kanina? Ah, erase erase. Hindi naman sya obligadong kausapin ako. Naiintindihan ko rin dahil bakit nga ba sya makikipagusap kung gayong nagtatrabaho sya? Sasayangin nya lang ang oras sa pakikipagusap imbis na nailako at naibenta nya ang kanyang mga tinda.

"Hi. Ulam nga pala para s-sayo.. hindi ko alam sa kung paanong paraan ako makakabawi kasi m-mukha namang wala kang balak tanggapin ang kung ano kaya sana kahit ito matanggap mo.." sunod sunod na saad ko. Hindi ko pa rin sya kayang tignan dahil nahihiya ako. Naiinis rin ako sa sarili ko dahil naiinis ako sa hindi nya pagpansin sa akin kanina. Nag-angat ako ng tingin dahil hindi sya nagsasalita at hindi nya kinukuha ang tupperware.

Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko kung paano sya magpigil ng ngiti habang halata sa mga mata ang pagod dahil sa pungay nito. "Yon. Tumingin rin." maikling saad nya kaya naman nagtaka ako. Bago pa ako makapagsalita ay kinuha nya ang tupperware sa kamay ko pati na rin ang palapulsuhan ko. Ginaya nya ako papunta sa paresan malapit sa terminal.

"Aling Myrna, dalawang pares ho. Makikihiram na rin ng isang plato. Dalawang softdrinks rin. Salamat ho," saad nya sa tindera. Tumingin sya sa akin na ngayon ay nakaupo sa harap ko. "Kumakain ka ba ng pares? Sorry yan lang malilibre ko sayo," ani nya at saka nahihiyang nagkamot ng batok. Kumakain ako ng pares, paborito namin iyon ni Loreign dahil malasa ang laman noon lalo na kapag may kasama itong fried rice.

"Kumakain a-ako pero hindi naman na k-kailangan.." nahihiya kong saad. Umiling sya at mahinang tumawa. 

"Sige na. Sagot ko 'to. Medyo malaki laki rin ang kita ko ngayon, pagsaluhan tuloy natin yung dala mo. Ano ba 'to?" tanong nya habang sinisilip ang laman ng tupperware. Pinagmasdan ko sya habang binubuksan nya iyon. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kanya. 

"Pininyahang manok," sagot ko. Para namang may kung anong nabuhay sa kanya nang marinig iyon. "Sakto, paborito ko iyon. Damihan mo ang kain ah, malakas ako dito kay Aling Myrna." saad nya na nakapagpatawa naman sa ale. Napansin ko rin na kilala sya ng halos lahat ng tao rito, ganon siguro sya kabait na tao. 

"Ah, sabi nung isang lalaki kanina... kanina ka pa daw dito? Nagtinda ka ba dito?" tanong ko. Sandali naman syang natigilan bago binawi ang ngiti. "Hindi, boundary na ako kanina pang alas dos." sagot nya. Kung natatandaan ko ay alas dos ko sya nakita kanina sa labas ng gate. Ibig sabihin ba noon ay ubos na ang paninda nya? Bakit nandito pa rin sya ng ganitong oras.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko dahil may ideya ng pumapasok sa utak ko pero hinintay ko na sa kanya nalang magmula. "Ah ayon. Kakain kasi ako ng pares dito kay Aling Myrna. Sobrang sarap kasi ng pares dito." pabiro nyang saad saka mahinang tumawa. Tumango na lang ako ngunit narinig ko naman ang boses ni Aling Myrna.

"Naku wag ka maniwala dyan! Kanina pang alas kwatro yan nandito. Nakatambay lang, paminsan minsan ay tumitingin pa sa mga pasaherong nababa sa jeep na papunta dito sa terminal." saad ni Aling Myrna. Nanatili akong tahimik sa narinig. Ayokong isipin na nagpunta sya dito dahil alam nya na alam ko ang oras ng dalaw nya rito. Umubo ng mahina si Vince saka inabot ang pares sa akin.

"Aling Myrna talaga minsan may pagkamadaldal. Oh, kain ka muna." kinuha nya ang kutsara at mabilis na pinunasan ng tissue saka ito inabot sa akin. Marami akong gustong itanong. Marami akong gustong malaman tungkol sa kanya pero hindi pa siguro ito yung tamang pagkakataon. 

Kumain kami ng tahimik, ni wala saming dalawa ang nagsasalita. "Kanin ka pa? Kain ka pa." alok nya ngunit umiling ako. Busog na rin kasi ako sa kinain namin ni Kia kanina. Nang matapos ay nakita ko syang nag-abot ng isang daang buo kay Aling Myrna. Napailing ako dahil ang balak ko nga ay bigyan sya ng ulam upang hindi nya na para problemahin ang kakainin pero ngayon ay heto at gumastos sya para sa kinain naming dalawa. Pilit ko pang sinasabi na mag-kkb kami pero pinipilit nya na ayos lang at hindi naman daw 'yon sobrang mahal.

"Hay nabusog ako. Nabusog ka?" tanong ni Vince. Pansin ko na bahagya syang lumalayo sa tuwing mapapansin nya na malapit kami sa isa't isa. 

"Bakit ka lumalayo? Wala naman akong sakit," biro ko. Tumawa lang sya saka nagpunas ng pawis sa noo.

"Amoy araw ako, baka dumikit sayo." nahihiya nyang saad. Hindi ko alam na marami pa pala akong hindi alam kay Vince. Masaya at masarap siguro maging kaibigan ang isang 'to. Mabuti kasi sya at mapagmalasakit, nakikita ko naman iyon sa mga nagdaang araw.

Hawak hawak nya pa rin ang tupperware nang bumalik kami sa terminal. Nandoon na pala ang bus.

"Ah salamat pala dito Lorenz. Ang sarap haha, nakarami ako ng kain. Salamat sobra." ngiti nya habang inaabot ang tupperware. Ngumiti naman ako pabalik dahil walang wala ang pininyahang manok na iyon sa tulong na nagawa nya sa akin dito sa Maynila. "Salamat rin sa pares."

Aaabutin ko na sana iyon sa kamay nya ngunit bigla nya itong binawi. Nakita kong nagseryoso ang ekspresyon ng mukha nya na mukhang may narealize sa sinabi nya.

"Uhm, hindi ko na pala muna isasauli. Lilinisin ko na muna." saad nya. 

"Ano ka ba. Ayos lang kahit ako na." sagot ko, natatawa na.

Inilagay nya sa likod ang tupperware at umiling sa akin. Napansin ko ang paglunok nya kasabay ng paggalaw ng mga labi.

"Sige na. Isasauli ko sayo promise. Hayaan mo akong linisin muna pwede?" kita ko ang sinseridad sa mga mata nya kaya naman ay wala akong nagawa kung hindi tumango na lang. Ngumiti sya sa akin na para bang nagtagumpay sya kaya naman ay napailing ako.

"Sige na. Aakyat na ko. Ingat ka, Vince." paalam ko na sya naman tinanguan nito. "Mag-iingat ka," paalam nya.

"Bukas na lang ulit." pahabol nya kaya naman ay nagulat ako. Ulit? Makikita ko sya ulit bukas? Hindi ko alam pero may natuwa sa akin noong narinig iyon. Siguro ay dahil nararamdaman ko na tinatanggap nya na ako bilang kaibigan nya. Ngumiti lang sya ulit sa akin, mas malaki kumpara noong mga nauna.

"Oo. Isasauli ko pa 'to di ba? Kaya bukas ulit." pinal na saad nya habang nakangiti.

Hanggang makauwi ay dala dala ko ang ngiti na iyon nang makarating sa Cavite.

Magkikita ulit kami.

Bukas, sa kyusi.

Notes:

hiiii, huhu sorry now lang nadrooop >< may inasikaso pa kasi me nung umaga but anyways !! happy reading everyonneee, baby steps muna tayooo emi xD

ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

Chapter 4

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

KSN - Lorenzo Vienei
LHS - Vince Maceda

hello five thirty peeps! chapter four na tayooo xD thank u sa mga comments and feedbacks, sobrang nakakawarm ng heart huhu !!

- typo & grammatical errors ahead.

(cw // mention of blood)

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

"Kia? Oo, pasensya ka na ah. Pakisabi na lang na hindi muna ako makakapasok. Dinala namin ang Mama sa ospital kaninang umaga eh." saad ko kay Kianna sa kabilang linya. Tumawag kasi sya sa akin. hinanahanap kung nasaan na raw ba ako. Hindi rin naman ako nakapagpaalam na liliban ako sa klase dahil sinugod namin sa ospital ang Mama kaninang madaling araw. Paguwi ko kahapon galing sa Maynila ay naabutan ko ang Mama na himas himas ang dibdib, naramdaman ko kaaagad na may kakaiba kaya sinabi ko na magpatingin na kami sa doktor ngunit pinagpasawalang bahala nya iyon dahil masama lang raw ang pakiramdam nya at iinom na lang ng halamang gamot.

Pumasok na ako sa kwarto ng gabing iyon upang makapaglinis ng katawan at makatulog na rin dahil medyo napagod nga ako. Naalala ko nanaman ang nangyari bago ako umuwi ng Cavite. Hindi mawala sa utak ko ang mga nahihiyang ngiti ni Vince sa tuwing dumadampi ang braso nya sa braso ko, sa kung paano sya lumalayo dahil raw maghapon syang nakabilad sa araw, kung paano nya punasan ang mga kubyertos bago 'yon iabot sa akin. 

Hindi ko rin alam kung paanong umabot kami sa ganoong sitwasyon. Isang beses ay sumakay lang ako sa isang bus papuntang diliman at ngayon ay nakakasabay ko na syang kumain. Nakakapanibago pero hindi ko mahanap yung mali. Parang ayos lang naman, parang wala namang mali.

Nang matapos ako sa paglilinis ng katawan ay lumabas na rin ako ng banyo at nahiga. Sinubukan ko nga pa lang hanapin ang facebook ni Vince pero hindi ko naman nagawa dahil tanging ang pangalan nya lang ang alam ko, kahit ang apelyido o kung saan sya nakatira ay hindi ko alam. Marami pa akong dapat malaman, marami pa namang oras. Ang importamte ngayon ay nakahanap ako ng bagong kaibigan sa Maynila bukod kay Kia.

Hindi rin naman nagtagal ay kusa na ring bumagsak ang talukap ng mata ko sa antok. Hindi pa man nakaka-apat na oras ang tulog ay isang malakas na katok ang narinig ko sa aking pinto kasabay ng mga sigaw ni Loreign. "Kuya! Kuya gising ka.. si Mama.. dugo.." rinig ko na ang pangangatal sa boses ni Loreign kaya naman napabalikwas na ako. Binuksan ko kaagad ang pinto ng kwarto at naabutan si Loreign na umiiyak.

"Kuya si Mama.." hikbi ni Loreign. Imbis na magtanong ay nagtungo na lang ako sa kwarto nila. Doon ko nakita si Mama na nakaupo at umuubo, may kaunti ring dugo sa kanyang panyo. Lumapit agad ako at saka hinagod ang likod nya. Hindi matigil ang pag-ubo ni Mama kaya naman tinawag ko si Loreign na kasalukuyang nakatayo sa pintuan at pinapanood kami. "Dito ka lang. Huwag mo iiwan si Mama. Kukuha lang ako ng tricycle." saad ko at tumango naman sya saka lumapit sa aming ina.

Habang papalabas ng bahay ay hindi ko rin maiwasang matakot para sa nanay namin. Ilang buwan nya na rin kasing iniinda ang ubo nya ngunit sa tuwing sasabihan namin ni Loreign na magpacheck up ay sasabihin nyang dala lang raw iyon ng lamig. "Kuya! Kuya! Sa hospital po sa bayan, saglit lang ho." sigaw ko sa dumaang tricycle. Sumakay na rin ako sa kanya pabalik sa bahay upang masundo si Loreign pati ang Mama.

"Loreign i-lock mo ang bahay, siguraduhin mong nakapatay at nakakandado ang lahat. Isasakay lang namin ang nanay, sumunod ka na." utos ko na sya namang tinanguan nito. Habang inaalalayan ko ang nanay sa pagbaba ay bumubulong ako ng kung ano rito, pampalakas ng loob. "Papagamot natin 'yan, nay." bulong ko sabay halik sa gilid ng kanyang noo. Gagawin ko ang lahat para sa Mama. Lahat.

Nang makarating kami sa hospital ay ipinasok agad si Mama sa emergency room dahil hindi matigil ang kanyang pag-ubo, ganoon rin ang mga dugong lumalabas sa kada ubo nya. Nakaupo si Loreign sa labas ng emergency room, kita ko ang panginginig nya kaya naman ay lumapit ako sa kanya at yumakap. "Kuya, okay lang naman s-si Mama diba?" utal na saad nya. Tumango ako sa kanya upang pagaanin ang loob kahit ako mismo ay hindi sigurado kung ayos ba ang Mama.

Habang nasa labas ay tinawag ko na yata ang lahat ng mga santo at pinagdasal na sana ay ayos lang ang ina ko sa loob ng kwartong iyon. Si Loreign naman ay nakatulog na sa hita ko dahil alas tres na rin nung gisingin nya ako. Hindi na muna ako papasok. Maihahabol ko naman ang lahat kung sakali. Nang lumabas ang doktor ay marahan kong tinapik ang pisngi ni Loreign na sya naman gumising. Tumayo ako at lumapit sa doktor, ramdam ko pa rin ang kaba hanggang paglalakad. 

"Family member ng pasyente?" tanong ni Doc kaya naman ay marahan akong tumango. Gumilid muna kami upang hindi marinig ni Loreign, ako na siguro ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Halos manlumo ako ng marinig ang sinabi ng doktor sa akin. May TB ang mama. Lahat ng pagkahilo, pananakit ng dibdib at malalang pagubo ay sintomas na pala. Pinauwi ko muna si Loreign dahil kailangan nyang pumasok samantalang ako naman ay pumasok sa loob ng kwarto ng Mama upang tignan ang kalagayan nito.

Nakasuot ako ng surgical mask dahil ito ang suhestyon ng doktor. Nakita ko agad ang mukha ng Mama.. kasalukuyan syang natutulog. Naupo kaagad ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya. Nakaupo lang ako roon habang tuloy tuloy ang agos ng luha, nagdadasal ng taimtim upang gumaling kaagad ang Mama at makayanan ang treatment.

Hindi kailanman pumasok sa utak ko ang mapunta sa sitwasyong ito dahil malusog naman ang pangangatawan ni Mama. Ni hindi ko pa rin nasasabi kay Loreign dahil ayokong may isipin sya sa klase nya, siguro ay mamaya, paguwi nya ay sasabihin ko. Huminga ako ng malalim bago hinalikan ang kamay ni Mama. "Pagaling ka Ma. Mahal na mahal ka namin ni Loreign."

Isang araw lang din naman ay pinalabas na ang Mama sa hospital at pwede na raw umuwi basta kailangan lang sundin ang nireseta at treatment na ipinaliwanag ng doktor. "Pasensya na nak, umabsent ka pa tuloy." saad ni Mama kaya naman umiling agad ako sa kanya. "Ma naman."

Nasasaktan ako dahil ayaw nyang ipaalaga ang sarili nya sa akin, sa amin ni Loreign. Hindi namin sya pababayaan at lalong hindi namin sya iiwan. Mabilis ang naging takbo ng araw. Miyerkules na pala ngayon at naisipan kong pumasok na dahil dalawang araw rin akong absent. "Ma, yung gamot huwag mo kakalimutan. Pauwi na rin si Loreign dahil maaga raw ang uwi nya ngayong araw. Itetext ko rin sya dahil baka makalimutan nyo," bilin ko habang inaayos ang mga gamot nya. Hinawakan nya naman ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Kaya ko na 'yan anak, sige na pumasok ka na at baka malate ka pa." saad ni Mama. Hindi ko maiwasang mag-alala pero alam ko naman na kayang kaya nya 'to. Nakaya nya nga kaming buhayin dalawa ni Loreign na sya lang mag-isa.. walang wala sa kanya ito. Hindi ko na napigilan ang sarili at yumakap sa kanya. Hindi ako nagsalita pero sapat na iyon para iparamdam na mahal na mahal ko sya.

"Ingat nak," paalam ni Mama. Ngumiti ako at saka lumabas. Habang nasa byahe papuntang terminal ay nagmessage na ako kay Kianna na papasok ako. Tuwang tuwa naman sya dahil namiss nya raw ako. Napangiti na lang ako dahil sobrang swerte ko nga talaga na may kaibigan akong kagaya ni Kia. Nang makasakay sa bus ay itinago ko muna ang cellphone ko at tumingin na lang muna sa mga nadadaanan. 

Pumasok sa isipan ko si Vince. Kamusta kaya sya? Naalala ko na dapat ay magkikita kami ng martes ngunit dahil nga sa nangyari ay hindi ako nakapasok. Huwebes na ngayon at hindi ko alam kung makikita ko ba sya dahil wala naman kaming kontak sa isa't isa. Swertehan na lang kung magkasalubong ang landas namin. 

Ipinikit ko ang mata ko dahil sa antok ngunit hindi naman ako makatulog. Hindi naman maingay at mas lalong hindi naman masikip. Hindi ko din alam kung bakit kanina ko pa ipinipikit ang mga mata ay hindi pa rin ako inaantok gayong onting pikit ko lang ay nakakatulog na agad ako.

Kinuha ko ang earphone sa bag upang makinig na lang ngunit hindi ko naman mahanap. Abala ako sa pagkalkal ng bag ko nang may kumulbit sa akin.

Nag-angat ako ng tingin kaya naman nagulat ako nang makita si Vince na nakangiti sa akin nang bahagya habang nakatayo. Bagong ligo 'to dahil basa pa ang buhok. Nakasuot sya ng itim na t-shirt na kupas habang nakamaong na pantalon, may konting butas pa ito sa may tuhod. Ngunit hindi kagaya ng dati ay wala syang bimpo na dala ngayon. Ibinaba nya ang basket na dala sa lapag at saka nagpunas ng kamay.

"Kamusta?" tanong nya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman dahil nabigla ako sa presensya nya. Hindi kasi sya lagi dito sa umaga kaya naman nagulat talaga ako nang makita sya sa harap ko. "Hindi kita nakita ng dalawang araw ah," ani nya saka nahihiyang ngumiti. 

"Maupo ka muna." saad ko at saka minwestra ang tabi ko dahil wala naman akong katabi roon. Dalawahan lang rin kasi ang upuan sa bus at sakto naman na wala akong katabi noong mga oras na 'yon.

"Hindi na, ayos lang ako dito. Kamusta pala?" tanong nya. Bakas sa mukha nya ang hiya at pagaalinlangan. Iniisip ba nya na hindi ako kumportable na nag-uusap kami o nagkakasalubong? Ganoon ba ang nasa isip nya?

"Hindi ako pumasok ng dalawang araw eh. Nasa hospital ako.." saad ko at tipid na ngumiti. Naalala ko nanaman kasi ang lagay ng Mama kaya hindi ko maiwasan ang malungkot. Nang magtama ang mata namin ni Vince ay napalitan ang kaninang ekspresyon na nahihiya at napalitan ng pag-aalala. "Ah hindi ako. Yung Mama ko.. hindi na muna ako pumasok para may magbantay." paliwanag ko.

Napansin ko na sinusuri nya ang mukha ko. "Kamusta sya? Ayos ka lang?" tanong nya. Ayos lang naman ako, gaya nga ng sabi ko kanina ay malakas ang tiwala ko sa Diyos at sa Mama na kaya nya iyon malagpasan. 

"Mhm, start na ng treatment nya. Okay lang ako, salamat. Ikaw kamusta?" tanong ko. Sumandal sya sa upuan habang nakatayo. "Ayos lang rin, bukod sa bagong ligo wala naman masyadong nangyari," ngiti nya. Ngumiti ako pabalik dahil kita sa kanya na masaya sya. Deserve nya naman iyon.. ang maging masaya. Sa kabila ng kabutihan nya sa lahat ay maging ang kasiyahan na lang sana ang kapalit noon.

"Dito pala ang pwesto mo ngayon?" tanong ko. Para namang may nasabi akong kung ano dahil natigilan sya ng sandali. Pinaglaruan nya ang kanyang kamay at saka nagsalita.

"Ang totoo nyan ay pangalawang araw ko na rito sa terminal nyo," nahihiyang saad nya sabay tumawa ng mahina. "Noong kinabukasan kasi.. pagtapos kitang ihatid sa terminal pauwing Cavite ay hindi na kita nakita. Di ba sabi ko isasauli ko pa ang tupperware mo? Ang kaso eh.. hindi naman kita nakita noong araw na 'yon. Nakita ko rin yung babaeng kasama mo sa Diliman noon kaso mag-isa lang sya eh. Hindi ako makatulog kasi baka.. baka hindi ka kumportable na kinakausap kita kaya kinabukasan nagpunta kaagad ako sa terminal nyo. Balak ko sanang humingi ng tawad kaso kagaya noong mga nauna ay hindi rin kita nakita.."

"Nagpunta rin ako sa terminal sa kyusi para sana abangan ka kung sakali mang pumasok ka noong mga araw na 'yon kaso lumubog na ang araw.. hindi na naman kita nakita." ani nya at saka marahang tumawa habang nakayuko. Hindi ko maiwasang malungkot dahil ganoon pala ang tumatakbo sa utak nya. Ni hindi ko naman naramdaman sa kanya iyon noong mga oras na magkasama kami kaya hindi ko maintindihan bakit ganoon ang naisip nya.

"Bakit mo naman naisip ang bagay na 'yun?" tanong ko sa kanya. Kita ko ang paglunok nya at nagangat ng tingin sa akin. "Yun kasi ang madalas maramdaman ng t-tao sakin. Ayoko lang na pati ikaw.. ganoon din ang maramdaman." nahihiyang saad nya.

May kumirot sa dibdib ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. Hindi ko pa sya masyadong kilala dahil hindi pa naman ganoon kalalim ang mga pag-uusap namin pero ramdam ko na agad ang bigat na dinadala nya. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kanya, hindi ko maiwasang mainis na may mga taong mabilis manghusga kahit wala namang ginagawa ang tao sa kanila. Paano nila nakakayanan ang mga bagay na iyon? Hindi ko masikmura.

"Akala ko nga ay nabahuan ka sakin noong gabing iyon dahil babad ako magmula umaga hanggang hapon sa initan. Hindi ko naman magawang maligo agad dahil mapapasma akokaya naman ay ipinapaligo ko nalang ang pulbos at nagpapalit ng damit." usal nya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya kaya naman ay tuloy tuloy ang pag-iling ko habang nakatingin sa kanya. Tumawa pa sya ng marahan, magsasalita na sana ako ngunit nagsalita muli sya. "Alam kong hindi ka naman ganoon. Sobrang bait mo nga e," ani Vince saka ngumiti.

Natapos ang paguusap namin ng bumaba ako sa Diliman. Naiwan sya sa bus at ako naman ay nagdiretso na sa FEU para pumasok. Habang nasa klase ay hindi ko maiwasang ngumiti dahil kahit papaano ay nakakapagsabi na si Vince ng gusto nyang sabihin. Masikreto kasi sya eh, hindi ko pa sya gaano kilala pero parang halos ay tinatago nya. Lahat kinikimkim nya magisa. 

Nakangiti lang ako buong araw dahil sabi nya ay pupunta raw sya sa terminal mamaya kaya naman ay makikita ko ulit sya. Bukod kasi kay Kianna ay sya lang din ang tinuturing ko na kaibigan dito sa Maynila. Naikwento ko nga sa kanya si Kianna kanina, ang sabi ko pa ay sana magmeet rin sila. Pareho pa naman silang mabait kaso naman ay iniwasan nya lang ang topic. Hindi pa siguro sya handa na makipagusap sa mga tao kahit na palakaibigan sya.

"Parang ang saya saya mo ngayong araw ah, ano 'yan? Ikaw ah hindi ka nagkukwento." usal ni Kia nang mapansin ang pagngiti ko. Umiling lang ako sa kanya dahil wala naman talaga pero hindi nya iyon pinaniwalaan kaya naman isinali ko sa usapan ang interview na gagawin namin upang madivert naman sa iba ang attention nya. "Bale ang target audience natin ay public people? Commuters at vendors sa Maynila, ganoon ba?" tanong ko nang marinig ang proposal nya tungkol sa by pair naming assesment. Tumango naman sya.. agad kong naalala si Vince. Pwede siguro sya.

"May kilala ako.." ani ko. Mukhang nagulat pa si Kia sa narinig, mukhang hindi inaasahan na sakin maririnig ang mga katagang iyon. Bigla namang pumasok sa utak ko ang itsura ni Vince kanina sa bus habang nagkukwento. Nagaalinlangan, may agam-agam at nahihiya. "Ah wala pala. Ikaw ba may kilala ka?" tanong ko sa kanya. Bigo naman syang naupo nang marinig ang sinabi ko.

Baka hindi pa kumportable si Vince kaya itatanong ko muna. 

Nagpaalam na ako kay Kianna na mauuna na ako pauwi pagkadismiss sa amin. Sumakay kaagad ako ng jeep patungo sa terminal. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Nawala lang iyon nang marinig ang usapan ng dalawang babae.

"Hawakan mo maigi ang bag mo, naku mahirap na sa panahon ngayon." saad ng babaeng kulot ang buhok sabay tingin sa isang ale na nakaupo sa tabi ko at may dala dalang basket ng yakult, natitinda yata sya ng bultuhan. 

"Oo nga. Ngayon pa? Mukha lang silang nakakaawa pero jusko, makikita mo na lang ang bag mo butas na!" bulong ng kausap nya. Mukhang hindi nga ito bulong dahil may kalakasan at mukhang naririnig rin ni nanay. Alam kong napansin nya na sya ang pinaguusapan dahil nakita kong marahan syang tumungo. Hindi ko masikmura ang istura ni Nanay dahil parang sobrang baba ng tingin nya sa sarili nya nang marinig ang dalawang babae. Medyo magulo rin kasi ang buhok ni Nanay at medyo marumi rin ang damit dala ng usok ng Maynila.

Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang wallet. "Nay, magkano po sa yakult?" tanong ko. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti.

"Singkwenta ang isang pack anak, kinse ang isang piraso.." saad nya. Inabot ko ang singkwentang buo sa kanya. "Isang pack po, nay." saad ko.

Bago sya bumaba ng jeep ay nagpasalamat sya sa akin kaya tanging ngiti na lang rin ang naiganti ko. Tumahimik rin ang dalawang babae, naisip siguro nila na marangal na nagtatrabaho ang aleng iyon at hindi kagaya ng nasa isip nila.

Pagkababa ko sa jeep ay tumingin agad ako sa relo upang tignan kung anong oras na. Sakto naman dahil alas singko palang pala at marahil papunta pa lang si Vince. Sa malayo pa lang ay tanaw ko na agad si Vince. Nakagray na t-shirt na ito hindi kagaya kanina na itim. Pinanood ko sya habang hawak hawak nya ang styro ng inumin at isang malaking kahon sa balikat nya. Paminsan minsan ay tumitigil sya para pagbentahan ang ibang mga pasahero na bumibili ng yosi o di kaya tubig sa kanya. Pinanood ko lang sya habang ginagawa nya iyon.

Hanga.

Palagi na lang hanga ang nararamdaman ko sa tuwing pinapanood itong kumayod at magtinda ng kung ano ano.

Busy siguro sya kaya hindi nya nalamayan na nasa likod nya ako. Marahan ko syang kinulbit kaya naman ay tumingin sya sa likod nya, nagulat pa sya at bahagyang lumayo nang makita ako. "Uy, andyan ka na pala. Layo ka onti, baka amoy pawis ako hehe." ani nya. Lagi nyang sinasabi iyon pero ang totoo naman ay hindi. Hindi sya amoy araw o mabaho. Amoy na amoy pa rin ang downy sa katawan nya.

"Nga pala, upo ka muna dyan ah. Uubusin ko lang 'to, isang kaha na lang tapos ilang piraso na lang rin yung mga inumin. Upo ka muna tapos kain tayo ng kwek-kwek doon." ngiti nya kaya naman ay ngumiti ako pabalik at saka naupo sa gilid. Pinanood ko lang sya habang pumapasok sya sa bawat bus at kinukulit ang mga pasahero na bumili na. Minsan pa ay narinig ko sya na nagsabing "Ayaw nyo? Tapon ko 'to sige." kaya naman hindi ko maiwasang matawa.

Thirty minutes din nang makabalik sya sa pwesto ko. Ibinaba nya ang kahon pati ang basket sa upuan at saka kinuha ang good morning towel sa kanyang bulsa. "Dala mo pala," saad ko. Mukha namang nagtaka sya sa sinabi ko.

"Ang alin?" tanong nya kaya itinuro ko ang bimpo na pinangpupunas nya sa noo nya. "Hindi ko kasi nakita kanina noong umaga." saad ko. Tinignan nya iyon at saka nagpigil ng ngiti.

"Ah. Nasa bulsa ko kanina." sagot nya kaya naman tumango na lang ako. "Tara kwek-kwek tayo?" tanong nya. Inayos ko ang gamit ko at sinuot ang bag. Medyo malapit lang rin naman ang turo turo na pinuntahan namin mula sa terminal kaya mabilis rin kaming makakabalik mamaya. "Kuha ka na. Ako magbabayad." saad nya kaya naman ay umangal ako.

"Ako na. Ikaw na nanlibre noong kumain tayo ng pares di ba?" sagot ko. Inabutan nya ako ng cup at stick. "Hindi naman sobrang mahal non, kahit 'tong kwek-kwek.. hindi naman mahal." sagot nya kaya naman ay nagsalita muli ako.

"Okay kung ayaw mo talaga. KKB na lang, basta huwag mo na bayaran yung sakin. Sabi mo nga hindi sobrang mahal." angil ko. Mukha namang tuwang tuwa sya doon dahil nakatingin talaga sya.

"Okay sige," mahinang sagot nya at saka iiling-iling na ngumiti. "Tikman mo itong combo ng sauce na 'to. Masarap." saad nya kaya naman ay ginawa ko rin. Masarap nga, naghahalo ang asim at tamis.

Abala kami sa pagkain nang may lumapit saamin na limang bata. "Kuya Vince! Libre!" saad ng mga iyon. Kumakain pa sya ng kwek-kwek pero dumukot na sya sa pantalon nya.

"Boss bigyan mo nga 'tong lima, tagsasampung piso sila." ani Vince saka inabot ang bayad sa tindero. Pinanood ko lang sya na makipagasaran sa mga bata. Minsan ay nakikingiti ako dahil natatawa ako sa pinaguusapan nila. "Ehem panulak, ehem!" parinig nung isang bata. Tinulak naman sya ni Vince ng bahagya.

"Luh, bakit mo po ko tinulak." reklamo ni Chukoy. Tumawa si Vince at nagsalita. "Ay akala ko sabi mo patulak." sagot nya. Maglalabas na sana ng pera si Vince ngunit naalala ko ang yakult na binili ko kanina sa ale. 

"Sandali. Nainom ba kayo ng yakult?" tanong ko. Pansin kong tumigil si Vince sa ginagawa at nanood sa akin. Tumango naman ang lahat ng bata sa akin. "Hindi pa nga po kami nakakatikim nyan eh. Mahal siguro 'yan boss?" ani Chukoy. Kinuha ko ang isang pack ng yakult sa bag at saktong lima 'yon, sakto sa kanila.

"Oh eto oh." abot ko. Agad nilang pinagkaguluhan iyon, lumapit sa akin ang pinakamaliit na batang babae at marahan akong tinapik sa hita. Naupo ako para pantayan sya, natuwa naman ako ng inabot nya sa akin ang isang pirasong yakult kaya naman binuksan ko iyon. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakatitig lang sa akin si Vince. Nang mapansin na nakatingin ako ay nag-iwas sya ng tingin at kunwaring umubo.

"Hoy, magpasalamat kayo sa Kuya Lorenz nyo," pangaral nya sa lima kaya naman ay nagpasalamat sila. Ngumiti na lang ako dahil hindi naman na kailangan. Hanggang pagbalik ay nagpapasalamat pa rin sya sa akin. Nakwento nya rin na wala raw mga magulang ang mga iyon at sa kalye lang natutulog. Gusto man daw nyang ampunin ay hindi sya papayagan ng pinanunuluyan nya dahil sabit lang rin daw sya doon kaya minsan kapag may kita.. binibigyan nya.

"Lorenz.." tawag ni Vince.

"Hmm?" 

"Nakalimutan ko ulit yung tupperware.." nahihiyang saad nya. Tumawa na lang ako dahil hindi naman ako magagalit kung hindi nya iyon maisosoli kaagad. "Bukas, isasauli ko na." 

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Okay. Dito ba ulit?" tanong ko sa kanya. 

"Oo. Dito ulit." usal nya. Hindi ko maiwasang matuwa sa narinig. Ibig sabihin noon ay magkikita ulit kami bukas. Bago pumanhik pataas sa bus ay naalala ko na hindi ko alam ang Facebook account nya. "Ay, Vince.." tawag ko. Tinaas naman nya ang dalawa nyang kilay at bahagyang binuka ang bibig. "Bakit?"

"May facebook account ka ba?" tanong ko kahit medyo nahihiya. Mukha namang hindi sya mapakali kaya nagsalita muli ako. "Ayos lang kung hindi ka kumportable," pagpapatuloy ko.

"Hindi naman sa ganoon.. kaso kasi wala akong cellphone. May epbi ako pero hindi naman ako palagi nakakapunta sa computer shop dahil maaga silang nagsasara." ani nya sabay nahihiyang kumamot sa batok. Tumango naman ako dahil naiitindihan ko sya. Magsasalita na sana ako ngunit nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Ayos ba na kahit text na lang? Kung ayaw mo.. okay lang din naman." tanong nya kaya naman napangiti ako ng bahagya.

Kinuha ko ang cellphone ko at inilagay sa contacts pagkatapos ay inabot iyon sa kanya. "Oh, ilagay mo ang number mo." saad ko. Mukhang nagulat pa sya pero itinype nya rin naman pagkatapos ay ibinalik ito sa akin. May kinuha sya sa bulsa nya, nakita ko ang di-pindot na cellphone.

"Pangit ang cellphone ko pero pwede ko rin bang makuha ang sayo?" tanong nya. Hindi na ako sumagot at kinuha na lang ang cellphone nya upang ilagay ang number ko. "Ayan. Ikaw na lang maglagay ng pangalan ko kasi baka may kapareho sa contacts mo. Ako nalang din maglalagay ng sayo." saad ko. Ngumiti sya sa akin ng bahagya.

"Salamat." usal ni Vince kaya naman sumagot ako ng wala 'yon. Paalis na ang bus kaya naman ay kinakailangan ko na pumanhik pataas sa bus. "Ingat ka. Hawakan mo ng mabuti ang bag mo." paalam nya.

"Ikaw rin, salamat ulit." usal ko pabalik na tinanguan at nginitian nya na lang. Nang makasakay ay nakita ko sya sa bintana, nakatingin pa rin sa akin at paminsan minsan ay nangiti. Kita pa rin ang pagod sa mata nya ngunit hindi nya iyon pinaramdam ng kasama nya ako. Hindi sya nawala sa pwesto nya hanggang sa makaalis ang bus.

Matutulog sana ako sa byahe nang tumunog ang cellphone ko.

Nakatanggap ako ng isang text message galing kay Vince.

 

From Vince:

Ingat ka. Ipagdadasal ko ang nanay mo. Bukas ulit :)

Notes:

hellooo !! maraming maraming thank you sa warm message and ngls nyo last night !! thank u for loving lorenz and vince ><

ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

happy reading, five thirty babies!

Chapter 5

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

vince & lorenz

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

 

From Vince:

Gud am.

 

Napangiti ako nang bumungad sa akin pagkagising ang isang text message galing kay Vince. Tinignan ko kung anong oras sya nagpadala ng mensahe at nakitang alas tres ito. Gising na sya ng mga ganoong oras? Tinignan ko ang orasan at nakitang alas singko na. Nag-isip ako ng irereply sa kanya, mabuti na lang din ay may load ako kung hindi ay mamaya pa ako makakareply.

 

To Vince:

Good morning. :) Aga mo ah?

 

Pagkasend ng text message ay bumaba na ako para makapaghanda na papasok. Tulog pa ang kapatid ko dahil wala naman syang pasok ngayon. Pagkababa ay nagluto na ako ng umagahan para naman paggising nila ay kakain na lang sila. Nagbukas ako ng tocino, hotdog at itlog. Nagluto rin ako ng sinangag galing sa kanin na natira namin kagabi, medyo naparami rin kasi ang saing ni Loreign. Habang nagluluto ay nagipon na ako ng tubig para dire-diretso na rin ang pagligo ko.

Ibabalik ko na sana ang natirang ulam sa ref nang maalala ko si Vince. Kinuha ko kaagad ang cellphone at kaagad naghatid ng text sa kanya. Sana lang ay hawak nya ito para mabasa nya.

 

To Vince:

Saan ka kaya nakapwesto mga 9 am?

 

Kahit na hindi pa ako nakakasigurado kung makikita ko sya ay pinagluto ko sya ng umagahan. Kung hindi man nya mabasa ang text ko ay sana naman maabutan ko sya sa terminal o hindi naman kaya sa bus. Naligo na ako at nagbihis, inabot rin ako ng isang oras sa paghahanda. Hindi ko na ginising ang Mama at si Loreign nang umalis ako upang hindi masira ang tulog nila. Nagiwan na lang ako ng chat kay Loreign upang sabihin na nakapasok na ako. Naihanda ko na rin naman ang gamot ng Mama sa lamesa para naman hindi nya ito makalimutan pagkatapos nyang kumain.

Habang nasa jeep papuntang terminal ay maya't maya ko ring sinisilip ang cellphone, umaasa na nakapagreply na si Vince sa mensahe ko pero wala pa rin. Siguro ay hindi nya talaga iyon ginagamit tuwing naglalako sya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mayroon na kaming mode of communication. Ni hindi ko nga inasahan na aabot kami sa ganitong punto.

Parang noong isang araw lang ay pinapanood ko sya sa isang bus papuntang Diliman, nakatayo at nagtitinda ng mineral water pagkatapos ngayon ay inaabangan ko na ang reply nya. Hindi ako nakakaramdaman ng pagkailang kailanman.. siguro dahil hindi naman nya pinaparamdam na lumalagpas sya sa linya o 'di kaya ay sumosobra na. Bagkus, ipinaparamdam nya na malinis ang intensyon nya at likas na sa kanya ang pagiging palakaibigan.

Nang makarating sa terminal ay sumakay agad ako, balak ko rin sanang umidlip muna dahil gabi na masyado ng nakauwi ako at hindi aagad ako nakatulog dahil tinulungan ko pa ang kapatid ko. Pagkasakay na pagkasakay ay kinuha ko agad ang earphones sa bag at sinalpak sa aking tenga. Madali lang din ay nakatulog ako, ganoon nga siguro ako kaantok dahil kaunting pikit lang ay bagsak na agad ako.

Nagising ako sa sinag ng araw sa bintana ng bus. Kinusot ko pa ang mata ko dahil mukhang napasarap yata ang tulog ko, medyo malapit na rin pala ako sa terminal kaya naman ay nag-ayos muna ako ng bag ko. Habang tinatago ang earphone sa loob ng bag ay narinig ko ang konduktor sa unahan. Nasa bandang gitna kasi ako kaya rinig ko kahit papaano ang boses ng konduktor, may kalakasan rin kasi ang boses nya.

"Saan ang baba mo Vince?" napukaw noon ang atensyon. Hindi na rin naman ako masyadong nagulat nang makita si Vince sa pintuan ng bus habang nakahawak sa bakal. Nakasuot sya ng itim na t-shirt ngunit hindi gaya noong mga naunang araw ay nakatokong na maong na lang sya ngayon. Nakasuot rin sya ng sumbrelo at naroroon pa rin ang good morning towel sa leeg nya. Ngumiti sya sa akin nang makita ako kaya naman ay ngumiti ako pabalik. "Sa terminal. Doon ako bababa," sagot nya sa konduktor na kausap.

Itinaas nya ang cellphone nya saka ito iwinagayway sa hangin. Nakita ko kung paanong umarko ang labi nya ng mga salitang 'tignan mo'

Kinuha ko agad ang cellphone at saka dinungaw ang phone. Nagulat naman ako ng makita ang sandamakmak nya na text messages.

 

From Vince

Message 1: Hello paalis kana? Ingat ka

Message 2: d2 ako terminal cubao hahaha ang init. Bakit pala?

Message 3: Papasok ka na cguro. Ingat ka. Mamaya nalang ulit hapon.

 

Marami pa iyon ngunit hindi ko na inisa-isa pa dahil nagtipa kaagad ako ng sasabihin sa kanya. 

 

To Vince:

Bakit andito ka? Akala ko sa cubao ka?

 

Narinig kong tumunog ang cellphone nya, kasabay noon ay ang pagpipigil nya ng ngiti. Inaasar pa nga sya ng konduktor at tinatanong kung sino ang nagtext, kagat kagat pa kasi nya ang sariling labi at paminsan minsan ay umiiling pa. Pinanood ko sya habang nagpipindot sa sarili nyang cellphone. Agad kong naalala ang hinandang umagahan, ganoon na lang rin ang tuwa nang mapagtantong maibibigay ko pala sa kanya ngayon 'to.

Maya maya lang rin ay lumitaw na naman ang pangalan nya sa cellphone ko. Marahil ay nakapagreply na ito sa text ko.

 

From Vince:

Wala lang haha. Mxta tulog mo?

 

Hindi ko maiwasan mapangiti sa typings nya. Naaalala ko kasi ang sarili ko kapag gusto ko mang-asar sa online o hindi naman kaya ay tinatamad magtype. Hindi na ako nakapagreply dahil nakarating na kami sa terminal. Nauna syang bumaba kaya naman nang makababa ako ay sinalubong nya agad ako.

 

"Kamusta tulog mo?" bungad nya nang makalapit. "Hello. Ayos lang, medyo napasarap nga." saad ko saka mahinang tumawa. Nakita ko syang bahagyang napangiti doon. Nasabi ko na ba? Ang gwapo nya. Totoo. Kahit lumilitaw ang pagiging tisoy nya paminsan minsan ay kitang kita pa rin ang morenong kutis at bilugang mga mata. Idagdag mo pa ang kurba ng labi nya sa tuwing nagpipigil sya ng ngiti. Maging ang tangos ng ilang at tulis ng lalagukan ay hindi papahuli kapag tumingin sa kanya.

Para bang balanseng balanse ng Diyos kung paano likhain si Vince. Gamay na gamay kung paano ito hulmahin, plakadong plakado kung paano ito gawin.

"Ayos ka lang? Puyat ka ba?" tanong ni Vince nang mapansin na hindi ako nagsasalita. Nawala siguro ako sa wisyo habang kinakausap nya ako. "Ah oo eh pero nakatulog naman ako sa bus kahit papano..." ani ko. "Nga pala, may ibibigay ako sayo." 

Ipinatong ko ang bag sa isang upuan at inilabas ang isang dilaw na tupperware upang ibigay sa kanya ang umagahan na hinanda ko. "Oh, medyo napadami kasi luto ko kanina kaya naisipan ko na bigyan ka." halatang nagulat pa sya nang ilahad ko ang kamay ko. 

Umiling si Vince. "Ayos lang. Hindi pa naman ako gutom, ibaon mo na lang 'yan." saad nya saka ito tinutulak pabalik sa akin. Kumunot ang noo ko sa inis. Hindi naman ako madaling mainis kapag natatanggihan pero kapag pagkain na ang usapan, iba na 'yon. Ayoko kasing pinagpapasa-pasahan ito.

"Sige na. May baon din akong akin. Kapag hindi mo kinuha sige ka, magtatampo ako sayo.." saad ko. Nakita ko ang paglunok nya sabay kuha sa tupperware. "Galing mo manakot." bulong nya ngunit sapat na para marinig ko.

"Ano?"

"Wala. Sabi ko isasauli ko na lang din ito mamaya kasabay noong naunang isang tupperware." sambit nya sabay ngiti. Ngumiti naman ako pabalik dahil nagtagumpay ako. "Hindi ba nagagalit ang mama mo?" tanong ni Vince kaya naman ay kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong sa kanya. Tumawa sya at inilagay ang pagkain na iyon sa loob ng kahon na lagi nyang dala. "Dalawang beses ka ng nawawalan ng tupperware eh." saad nya kaya naman ay napairap ako ng bahagya. Maingat si Mama sa gamit pero hindi naman sa puntong kagagalitan nya kami ni Loreign kapag nalaman nya na nawala o hindi naman kaya ay naiwan ang tupperware at payong sa isang lugar. 

"Ewan ko sayo. Kumain ka na lang dyan, sasakay na ko." saad ko. Tumango naman sya at inilapag ang kahon at basket na dala dala sa isang upuan at saka naunang maglakad sa akin. "Teka. Lugaw tayo?" tanong ni Vince. Tinignan ko ang oras at maaga pa naman kaya tumango ako. "Wag ka mag-alala mabilis lang tayo," usal nya.

Nang makarating kami sa lugawan ay nagpaalam sya saglit. "Dyan ka lang ah. Bibili lang ako pandesal sa harap. Ate, dalawang lugaw po. Pakitanong nalang sa kanya anong toppings gusto nya." saad ni Vince sa tindera. Hindi ko maiwasang umiling at matawa sa kanya dahil may kalakasan talaga ang boses nya paminsan-minsan lalo na kapag naglalako sya. Kapag kausap naman nya ako ay may pagkamalumanay ito, parang hindi makabasag pinggan, ganoon.

Pagkabalik nya ay handa na ang lugaw namin pareho. Nilapag nya na rin ang pandesal na nabili. "Ay wait. Kuha lang ako ng kutsara." paalam ko at saka tumayo. Pagkakuha ay bumalik na rin sa pwesto namin. Naabutan ko sya doon na nagtitimpla na ng kung ano ano sa lugaw nya. Inabot ko sa kanya ang kutsara nya. Ganoon na lang din naman ang gulat ko nang punasan nya ito ng tissue sabay abot pabalik sa akin. Ang kutsarang hawak ko ang kinuha nya at saka ito ang ginamit. 

"Sana maubos ko agad ang paninda ko," biglang usal nya. Tutal naman ay nabuksan na rin ang tungkol sa kanya kaya naman ay nagtanong na ako. "Anong oras ka lagi nakakaubos?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya saakin at nag-isip. "Madalas ay alas kwatro pero kapag matumal inaabot ako ng alas diyes. Noong nakita kita sa tulay, yung may sumusunod sayo.. matumal noon kaya alas diyes na ako nakaubos." sagot nya.

Agad namang pumasok sa utak ko ang mukha nya noong gabing iyon. Kaya pala mukhang pagod na pagod sya noon, lupaypay ang mata at panay galaw ng leeg upang mapatunog ito.

"Magkano naman kinikita mo?" tanong ko. Hindi sya sumagot kaya naman ay hinayaan ko na lang. Nang matapos kumain ay hinatid nya ulit ako sa terminal. "Lorenz sige na," pangungulit nya dahil ako ang nagbayad ng kinain naming lugaw. "Ako 'tong nag-aya tapos ikaw ang nagbayad. Kahit KKB, Lorenz?" saad nya. 

"Hindi na. Kapalit na lang yan nung tulong mo sa akin noon." sagot ko. Kumunot ang noo nya at saka nagsalita. "Lagi mo nalang binabanggit 'yon. Parang sobrang ganda ng ginawa ko eh kahit sino namang tao gagawin 'yon." reklamo nya. 

"Malelate na pala ako. Papasok na ako." ani ko sabay tawa. Narinig ko ang buntong hininga nya bago nagsalita.

"Tara, isasakay kita." 

Nang maisakay ako ni Vince sa isang jeep ay nakarating na rin ako kaagad sa Piyu. Habang sinasalubong si Kianna ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano ako ihabilin ni Vince sa driver, kilala nya raw kasi iyon. "Boy, baba mo na lang sa Diliman dyan sa Piyu. Oh eto na bayad nyan, huwag mo na tanggapin ang bayad ah." eksaktong mga katagang sinabi ni Vince sa harap ko. Aangal pa nga ako dahil umaga palang at eto, gumagastos na sya sa dapat na gastusin ko pero hindi naman sya nakipagtalo. 

Nang subukan kong magbayad sa driver ay hindi nya ito kinuha at sinabing bayad na nga. Siguro ay kay Vince ko na lang iaabot mamaya dahil magkikita naman kami. Napangiti ako sa naisip..

Magkikita ulit kami.

"Huy! Magtatampo na talaga ako sayo. Ilang beses na kitang naabutan na nangiti mag-isa dyan. Dapat ba akong magtampo o matakot?" bungad ni Kia nang makasalubong ako. Hindi ko kasi napansin na nasa harap ko na sya. Pumasok na kami sa klase at hindi gaya ng mga nauna, marami kaming gagawin ngayon. Pareho kaming nakaharap ni Kia ngayon sa laptop at kasalukuyang nakatambay sa library. Gumagawa kasi kami ng proposals.

"Bibili ako sa canteen. May gusto ka?" tanong ni Kia at dahil busog pa ako ay umiling ako. Nagpatuloy ako sa ginagawa pagkatapos nyang umalis. Dalawa kasi ang ginagawa namin, isang proposal at isang essay. Pinagpatuloy ko na muna ang essay dahil by pair naman itong proposal. Habang gumagawa ay nakareceive ako ng isang text message galing kay Vince.

 

From Vince:

Hello. Naubos qo na yung bigay mo. Masarap. Salamat lorenz :)

 

Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi na ako nagreply at pinagpatuloy na ang ginagawa dahil baka wala na akong matapos dito. Isa pa, magkikita rin naman kami mamaya. 

Natapos ang klase namin hanggang alas kwatro. Pumasok kasi yung isang prof namin na kadalasan ay absent kaya naman alas kwatro ang dismissal. Kasalukuyan kaming nasa jeep ni Kia dahil gusto nya raw akong ihatid sa terminal, hinayaan ko na lang din dahil mukha namang hindi ako mananalo sa kanya. Habang nasa byahe ay ramdam ko ang saya ko sa hindi malamang dahilan.

"Gusto ko talaga kamo magpunta sa Cavite kaso hindi ako marunong magcommute," kwento ni Kia. Tumawa naman ako dahil totoo 'yon. Minsang sinubukan nyang magpunta sa amin dahil nababagot sya sa bahay ay kamuntikan pa syang maligaw. Mabuti na lang ay may dala syang cellphone at madali nya akong nakontak noon kaya agad ko rin syang nasundo. "Hmm what if isama mo ako sa inyo ngayon tapos mag-grab ako pauwi?" suhestyon nya na agad naman akong umiling.

Hindi magandang ideya yon lalo na at gabi na panigurado ang uwi nya, mag-isa pa sya at babae pa. Sobrang nakakatakot na sa panahon ngayon. "Hindi. Kung gusto mo pumunta, kapag maaga hindi ngayon na gabi." pangaral ko kaya naman natawa sya.

Maya maya lang ay nakababa na kami sa terminal. Nasilayan ko agad si Vince na prenteng nakaupo sa mga bench at nakatakip ang good morning towel sa mata. "Vince." tawag ko. Kita ko ang lito sa mukha ni Kia pero hindi naman sya nagtanong.

"Yugyugin mo 'toy. Kanina pa yan tulog dyan hindi ka nyan maririnig." rinig kong saad sakin ng isang lalaki sa gilid. Kahit labag sa loob ay ginising ko sya, kitang kita ko kung paano sya ngumiti nang makita ako.

"Uy," saad nya at saka umayos ng upo. "Kanina ka pa-" naputol ang sinasabi nya nang makita si Kia sa likod ko.

Ang kaninang ngiti ay nawala nang makita nyang may kasama ako. "Ah.. wala na p-po palang tubig. Ngayon ko lang nakita." saad ni Vince sa amin. Halos ngayon ko lang rin ito nakitang nauutal at hindi mapakali.

"Okay ka lang?" tanong ko. Halata ko na nalilito na si Kia saamin pero hindi ko na muna sya inintindi. Pinanood ko si Vince na mabilis nagliligpit ng kahon at basket. "Juls una na ako. Wala rin n-naman akong tinda na..." mabilis na saad ni Vince. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kanya. "Boss.. una na h-ho ako." sa akin naman sya ngayon nagpaalam. 

Uumpisahan ko sa hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong sasabihin noong mga oras na 'yon dahil masyado akong nagulat sa inasal nya. Hindi ko alam kung paano ko sya pinanood na unti-unting lumalayo habang hawak hawak ang basket. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan sagutin ang mga tanong ni Kia kagaya ng "sino sya?" "kaibigan ko ba?" "close kami?

Hindi ko talaga alam.

Dahil kung alam ko ay hindi rin ako nagdadalawang isip ngayon kung kaibigan ko na ba talaga sya o ako lang ang nagpaniwala sa sarili ko noon. Umuwi ako sa Cavite nang masama ang loob sa hindi malamang dahilan. Pinipilit ang sarili na magkaroon ng inis kay Vince ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako naiinis. Lamang sa akin yung tampo.

Walang imik akong pumasok sa bahay at nahiga. Mukhang napansin rin 'yon ni Mama at Loreign dahil nakita ko rin na nagtinginan sila. Pinatay ko muna ang cellphone ko at nahiga. Nakatitig lang sa kisame at iniisip ang nangyari kanina. Hindi ko maiwasan magalit sa sarili dahil may ideya naman na ako na hindi sya kumportable sa ibang tao pero ayun at ginawa ko pa rin. Pumasok nanaman sa utak ko ang itsura ni Vince habang taranta sya sa pagliligpit ng gamit at pag-alis. Nauutal utal pa ito sa pagsasalita na hindi naman karaniwan sa kanya.

"Ah ang tanga ko." inis na bulong sa sarili at saka sinubsob ang mukha sa unan. Siguro ay galit sya sa akin ngayon. Hindi ko naman masisi pero ayos lang naman kung magtampo ako di ba? Ayos nga ba?

Patuloy lang ako sa pag-iisip hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay sabado, walang pasok kaya naman minabuti ko na lumayo muna sa internet kahit papaano. Maaga akong gumising para samahan ang mama na mag-jogging. Paguwi namin ay tinulungan ko rin sya sa paghahanda ng ulam. 

Wala rin naman ako masyadong ginagawa kaya naman pinaliguan ko na rin ang aso namin. Pagbalik ko sa kwarto ay nagulat ako sa napakadaming text messages galing kay Vince.

 

From Vince:

Lorenzo

 

Una palang iyon pero grabe na ang kaba na inabot ko sa simpleng banggit nya ng pangalan ko. Huminga muna ako ng malalim bago tinignan ang mga sumunod nya na text message.

 

From Vince:

Sorry. Alam kong sobrang gago nung ginawa ko at hindi nun mabibigyang katwiran ng kahit na sino pero pasensya talaga. Gusto kong bumalik kahapon gusto ko magsorry sayo pero nakasakay ka na ng bus. Hindi ako nakatulog ng ayos kakaisip sa ginawa ko kahapon. Nahihiya ako, Lorenz. Nakakagalit kasi hindi ko alam kung nahihiya ba ako sa kaibigan mo o nahihiya ako sayo dahil may kakilala ka na kagaya ko.

 

Parang sinasaksak ang puso ko nang basahin ang mensahe ni Vince. Ganoon ba kababa ang tingin nya sa sarili nya? Na lahat ng tao ay ganoon din ang tingin sa kanya? Kung hindi nya lang alam ay mas mataas pa sa mga propesyonal, mga business man ang tingin ko sa kanya. Sa pagiging mabuting tao nya, sa pagiging totoo sa sarili, sa lahat. 

Hindi ko napansin na may luha na palang naglandas sa mga mata ko. Hindi ko inakala na kaya akong paluhain ng isang kaibigan. Ni hindi ko nga alam kung tinatanggap nya ba akong kaigan dahil sobrang baba ng tingin nya sa sarili nya. Parang poot na poot sya sa sarili nya na maski sariling pawis ay kinadidirian. Nagpunas ako ng luha at magtitipa na sana nang sasabihin kay Vince nang makatanggap ako ng mensahe galing sa kanya.

 

From Vince:

Pasensya na kung sinusubukan kong pumasok sa mundo mo. Pasensya rin kung hindi ko kaya iharap ang sarili ko sayo ng maayos. Pasensya sa lahat, Lorenz. Iaabot ko kay Aling Myrna ang mga lagayan ng pagkain na dinala mo. Mag-iiwan rin ako roon ng isang skyflakes at panulak araw araw para naman kahit papaano ay makabawi bawi ako sa ginawa ko sayo. Sorry, Lorenz. Hintayin mo sana ako.

Notes:

hello five thirty people, sorry hindi masyadong maayos may inaasikaso kasi ako. see u sa chapter six :)

ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

happy reading, five thirty babies!

Chapter 6

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

Characters:

 

KSN - Lorenzo Vienei
LHS - Vincent Maceda
HYJ - Kianna Ramirez
PSH - Geoff Santillan III
extra hwhahha - Adrian Quillano

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

First semester had passed. Anim na buwan na rin pala ang nakalipas nang magtungo ako sa Maynila at magdesisyon na mag-aral dito. Naging madali naman at napagtiisan naman ang unang simester dahil nga siguro ay freshman pa ako. "Uy, Lorenz. Di pa kayo kakain ni Kia?" tanong ni Geoff, kaklase ko na kalaunan ay naging kaibigan ko na rin.

Dalawang buwan na rin pala. Dalawang buwan na magmula noong huli kong makausap si Vince. Iniiwasan nya pa rin ako hanggang ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Pagkabasa ko ng huling mensahe nya ay tinawagan ko na sya agad ng diretso ngunit hindi nya ito sinasagot. Sinubukan ko ring magpadala ng mensahe ngunit kagaya noong mga una ay wala, hindi rin ako nakatanggap ng tugon sa kanya. 

Hinayaan ko sya noong araw na 'yon dahil baka nabigla lang sya o hindi naman kaya naguguluhan pa. Hindi ko maiwasang malungkot dahil akala ko ay nakahanap na ako ng kaibigan bukod kay Kianna pero hindi pa man nagsisimula ay tinapos nya na. Nagdesisyon na sya. Ayokong magalit dahil desisyon naman iyon kung tatanggapin nya ako bilang kaibigan. Kaso mukhang hindi.

Kinabukasan ay nagpadala ulit ako ng mensahe na tatawag ako dahil hindi ko maintindihan ang paghingi nya ng tawad sa pagpasok sa buhay ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi nyang hintayin ko sya. Hindi ko maintindihan lahat dahil hindi naman nya binibigyan ang sarili nya ng pagkakataon na ipaliwanag sakin ang lahat. Kaya paano ko malalaman gayong hindi naman sya nagsasabi?

Dalawang araw, tatlo, apat hanggang sa hindi ko na mabilang. Ubos na yata ang load ko kakadala ng text message sa kanya na kausapin ako kapag handa na sya pero wala. Sinusubukan ko syang hanapin at mahagilap sa terminal kung saan sya naglalagi ngunit parang bula ay bigla na lang sya nawala. Sinubukan kong tanungin ang mga tao roon.. ang tambay na si Kuya Igi pero hindi nya raw ito naaabutan dahil kung hindi maaga umalis ay umiiba ito ng ruta. Para bang may pinagtataguan.

Nagtanong rin ako sa mga bata. Sabi sakin ni Chukoy ay hindi raw nila ito nakikita, ilang araw na. Maski sila ay ramdam ko ang lungkot dahil isa si Vince sa tumayong kuya nila sa kamaynilaan kaya naman simula noon ay pinunan ko muna ang pagkawala ni Vince. Tuwing makakauwi ng maaga ay nagdidiretso ako sa kamuning upang mapuntahan sila at abutan ng kahit anong meron ako. Dahil paniguradong kung nandito si Vince ay hindi nya pababayaan ang mga ito.

Nagtutungo rin ako paminsan minsan kay Aling Myrna dahil minsan ay doon ko pinapakain sila Chukoy. Gaya ng pangako ni Vince ay tinupad nya nga na mag-iiwan sya palagi sa tindahan ni Aling Myrna ng isang pirasong biskwit at panulak upang malamnan ang tiyan ko sa umaga. Sinubukan ko magtanong kay Aling Myrna kung nakikita nya ba si Vince ngunit hindi raw. Naaabutan nya na lang raw ang isang skyflakes at tubig sa loob ng paresan nya. Hindi kasi ito sinasarado dahil malapit lang rin naman ang bahay nila Aling Myrna rito.

Ang isang linggo na pag-iwas nya ay umabot sa dalawa hanggang ngayon.. dalawang buwan. Posible pala ang mangulila sa isang taong isang buwan mo palang kilala pero ang laki na ng epekto sayo. Ginugol ko nalang ang sarili sa pag-aaral at pag-aalaga sa Mama dahil sa awa naman ng Diyos ay bumabalik na rin ang dating lakas ng Mama. Tumigil na rin pala ako sa kakapagpadala ng mensahe sa kanya dahil mukha namang hindi sya interesado sa mga iyon. Isa pa, baka hindi na rin iyon ang numero nya.

Sa loob ng dalawang buwan ay nakilala ko ang iba pa naming mga kaklase. Nahihiya pa ako noong mga una dahil nga hindi ko pa naman sila kailanman nakausap at tanging kilala lang sila sa mukha. Marami kasi kami group activities noong mga nakaraan kaya naman nakilala ko sila Geoff at Adrian. Kagaya ni Kia ay sobrang kalog rin ni Geoff, maingay rin ito kaya naman kapag magkakasama kami ay pinagtitinginan kami sa lakas ng tawa nila ni Kia. Si Adrian naman ay kabaliktaran ng dalawa, sobrang tahimik nito. Hindi ko masasabing kagaya ko ito dahil kahit na tahimik ito ay napakasuplado. Pag may pagkakataon o 'di kaya maririnig sya na hindi nya magugustuhan ay basta basta itong sasabat. Sobrang talino rin kasi.

Kasalukuyan kong pinapanood magtalo si Kia at Geoff. Hindi na nga kami nagulat dahil araw araw naman silang ganyan magmula ng mabuo ang tropahan namin. Nakakatawa nga isipin dahil hindi ko kailanman inisip na magkakasundo sundo kami. Si Kianna kasi ay maingay pero mabait ito sa lahat. Si Geoff naman ay maingay na maloko samantalang si Adrian ay tahimik na suplado. Ako? Hindi ko alam, parang buhay lang.

"Can you two please shut up? I want to study." pagsusuplado ni Adrian. Tumahimik naman ang dalawa at nagsisisihan pa. Nang hindi na nakatingin si Adrian ay binelatan ito ni Kia.

"Hala pre, adi. Inaasar ka netong babaeng 'to." sumbong ni Geoff na parang bata. Umiling na lang ako dahil hindi naman na sya pinansin ni Adi at gaya nga nung sinabi nya ay nag-aral nga ito. Tahimik lang ako sa pagkain ng pack lunch ko nang yumakap si Kia sa akin. "Buti pa si Lorenz tahimik lang. Sana yung isa din dyan!" parinig ni Kia kay Geoff.

Hindi ako nagsalita at pinanood lang si Geoff na hilahin ako sa pagkakayakap ni Kia. "Rerenz wag ka nga tatabi dyan. May bacteria yan." pangaasar pabalik ni Geoff saka ako kinulong sa bisig nya. Adi looked up. "Ang ingay nyo," masungit na saad nito at saka sinara ang librong binabasa bago tumayo.

Bago ito makaalis ay tumingin sya kay Geoff at nagsalita. "Get your hands off him." usal nya bago naglakad papalayo sa direksyon namin.

Naiwan kaming tatlo na tulala. "Ano yon?" tanong ni Kia na maski ako ay hindi ko masagot. Humagalpak si Geoff kaya naman pareho na kaming nagtataka ni Kia habang nakatingin sa kanya. "Hayop na 'yon sabi ko na! Asar sakin yon mamaya." tatawa-tawa nya pang saad na may iling pa. Ano ba ang sinasabi nya? Ano yung alam nya na.

"Hala huy. Totoo ba?" parang gulat na gulat na tanong ni Kia kay Geoff. Kung kanina ay magkaaway sila ngayon naman ay parang magkausap sila gamit ang utak. Hindi kasi sila nagsasalita at tumatango tango lang na parang aso si Geoff tapos si Kia naman ay gulat na gulat. "Ano ba kasing meron?" tanong ko nang hindi na makapagtimpi. Kia and Geoff just shrugged. Kahit na ang mga ngiti nila ay nakakaloko at nangaasar.

Mabilis natapos ang araw sa loob ng Piyu. Nakita ko nalang ang sarili na nagpapahila kay Geoff at Kia na kumain sa unli wings. "Mabilis lang tayo, Rerenz. Promiseee!" panguuto ni Geoff. Tinignan ko ang relo at nakitang alas singko y media na. Sana lang talaga ay hindi ako gabihin dahil mahihirapan akong makasakay sa amin. 

"Oo na sige na. Order na tayo," pagpayag ko. Wala na rin naman akong magagawa dahil nakaupo na kami at tumitingin na si Kia at Geoff sa menu. "You commute?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Adrian na nasa tabi ko. Tumango ako at saka nagsalita. "Oo, Cavite pa ako eh."

"Yeah, nasabi mo nga. Isn't that too dangerous? You know.. going home late." Adi asked. 

"Hmm, hindi naman. Gustong gusto ko nga iyon dahil masarap ang bumyahe ng gabi. Lahat pagod, lahat tulog. Tahimik ang bus," sagot ko habang nakangisi. Tumango naman sya, magtatanong pa sana nang magsalita si Geoff. "Ate pwede pong papicture kami ng mga tropa ko?" usal ni Geoff kay Kianna at inabutan pa to ng camera kaya naman binatukan sya nito kaya natawa kami pareho ni Adi.

Ilang sandali lang ay dumating na ang order namin at nagsimula na ring kumain. Puno ng tawanan at asaran ang mesa habang kumakain. Minsan ay nakikisali si Adi ngunit hindi para makiasar kung hindi para umawat. Sya lang naman kasi ang may energy na awatin ang dalawa palagi, hindi naman nakikinig sa akin kaya most of the time ay pinapanood ko nalang. Mapapagod rin sila sabi ko nga.

"Saan ka sasakay, Kiatot?" tanong ni Geoff ng makalabas kami sa kinainan. Alas syete na pala, hindi na namin namalayan ang oras dahil tawa kami ng tawa hanggang sa paglalakad. "Bakit? Kapag sinabi ko ba tatahimik na yung bunganga mo?" tanong ni Kia na agad namang inaasar ni Geoff. Mukhang kailangan ko ng masanay sa kanila.

"Hatid natin si Lorenz." suhestyon ni Kia. Umiling naman ako dahil baka maging hassle pa iyon sa dalawa. "Huwag na." usal ko. 

"Oo nga no. Tara pre, hatid natin Rerenz." aya ni Geoff kay Adi at umakbay pa rito. Inaasahan ko na tatanggi si Adi at sasabihing marami pa syang gagawin kaya kailangan nya ng umuwi o hindi naman kaya ay mag-aaral pa sya para sa long quiz namin bukas pero hindi. "Okay." ang tanging sagot ni Adi. Ayun nanaman ang ngisi ng dalawa nang marinig ang sagot ni Adrian sa kanila.

Gaya nga ng napagkasunduan ay hinatid nila ako sa terminal. Tumambay pa sila doon dahil nadelay ang dating ng bus na hindi na naman bago para sa akin. Madalas kasi ang ubusan ng bus rito lalo na kapag gabi. Ang iba kasing driver ay boundary na kaya naman hindi na sila namamasada. "Gutom nanaman ako. Sana may magbigay sakin ng mini donuts." rinig kong saad ni Geoff. Sinapak sya ni Kia nang mahina at saka bumulong.

"Mahiya ka naman, bwisit ka." nang-gigigil na saad ni Kia. Paano ba naman ay may katabi si Kia sa upuan, mukhang nagaabang rin ng bus. May hawak itong mini donuts sa kamay kaya siguro nagparinig ng ganoon si Geoff. Nakakahiya talaga ang isang 'to.

"Why are you like that bro. Parang hindi ka namin pinapakain or what," Adi said. Mahina naman akong tumawa. Umirap lang si Geoff at saka bumalik sa pagcecellphone. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Geoff at Kia dahil hinahanap na raw sila. Humingi ako ng tawad dahil ginabi na sila kakahintay sa bus na sasakyan ko. "Sira, kami naman nag-insist. Medyo bad mood lang si Mommy kaya uuna na ako. Adi, si Lorenz ah." habilin ni Kia kaya naman umiling ako. Para namang isa akong batang alagain sa sinabi nya.

"Ako din pre. Hinahanap na ko ng utol ko eh. Ingat ka paguwi, Rerenz. Tol ikaw na bahala," paalam ni Geoff. Humarap ako kay Adi at nahuli syang nagpipigil ng ngiti. "Bakit?" tanong nya nang maningkit ang mata ko sa kanya.

"Why are you looking at me like that, Vienei." tawa ni Adi dahil hindi ako nagsasalita. "Okay okay, stop it na. You're so cute." saad nya kaya naman nagulat ako at nag-iwas ng tingin. Kumalabog din ang dibdib ko sa sinabi nya. Hindi.. hindi naman siguro.

Halos mapamura ako nang unti-unting marealize ang lahat. Yung sinabi nya kanina nang hilahin at yakapin ako ni Geoff. Yung pang-aasar at sikreto ng dalawa. Yung pag-iwan nila sakin ngayon kay Adi.

It all makes sense to me now. 

Hindi na muli ako makatingin kay Adi mula noon. Kinakausap ko pa rin naman sya sa tuwing kinakausap nya ako kaya siguro ayos na 'yon. Ayoko lang na baka tama nga ang hinala ko. Sana ay hindi. 

Nang makarating ang bus na sasakyan ay nagpaalam na ako kay Adi. He gave me a boyish smile before bidding his good bye. "Take care, Lorenz." paalam nya kaya naman ngumiti na lang ako ng tipid. Habang nasa bus ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Gusto ba ako ni Adi? Ayokong mapalagay sa iniisip ko dahil baka mamaya ay hindi naman totoo pagkatapos ay todo iwas ako.

Hanggang pauwi ay pilit kong inaalala kung ano bang mga naging paguusap namin ni Adi at lahat naman iyon ay kasama ang buong tropa. 

Pagkauwi ay binuksan ko ang Facebook account upang magsend ng message sa groupchat na nakauwi na ako. Tinignan ko rin ang mga tagged stories nila sa akin. Ang story ni Kia ay ang litrato naming apat sa kinainan habang may hawak hawak na tag-iisang manok. Si Geoff naman ay literal na pagkain lang.

Nagulat naman ako sa tagged photo sa akin ni Adi. Ako lang kasi 'yon. Naka-tag sila Kia at Geoff pero ang nasa litrato ay ang side profile ko habang nakangiti sa dalawa. Unti unti nanaman umakyat ang kaba sa katawan ko ng i-check ko ang comment section.

 

Kianna Macy Ramirez: san acu chean lodz

Geoff Santillan III: wow muntik na aq makita

 

At iba pang mga comments na nagtatanong kung sino raw ako. Ang iba ay nagtatanong kung kasintahan nya ba ako. Napasapo ako sa ulo dahil unti-unti nang pumapasok sa utak ko na baka nga gusto ako ni Adi.

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko maikwento kay Kianna dahil alam ko na gusto nya rin ang nangyayari ngayon. Alam ko na may alam sya at sinusuportahan nya si Adi. Ngunit paano ko sasabihin sa kanila na hindi ako kumportable sa ganoon? Paano ko sasabihin na hindi ako mapalagay kapag nakikita ko ang sarili ko sa post ng iba. Ayokong sabihin nila na maarte o 'di kaya ay nag-iinarte ako pero balisa talaga ako.

Kinuha ko ang cellphone at agad hinanap ang number ni Vince.

Isang buwan na rin mula noong tumigil ako sa pagpapadala ng mensahe sa numerong ito. Tunatak na talaga sa isip ko na baka nakablock ako o hindi kaya naman nagpalit na sya ng numero. Kaya naman kahit gustong gusto ko syang makausap ay hindi na ko nag-abala pa. Ayoko rin kasing mangulit.. ayokong nakakairita ng ibang tao.

Huminga ako ng malalim bago nagtipa ng sasabihin. Sa ganitong paraan, mas magiging madali sa akin ang maghayag at magkwento lalo na't alam ko na kung nag-uusap man kami ni Vince hanggang ngayon.. isa sya sa mga taong hindi ako huhusgahan. 

 

To Vince:

Hello. Kamusta ka? Dalawang buwan na din noong huling mag-usap tayo. Medyo nakakapagsisi nga na dinala ko sa terminal si Kia noong araw na iyon kasi kung hindi baka magkausap pa rin tayo hanggang ngayon diba? Sana maayos ang lagay mo, Vince. Pwede bang magkwento? Ang kapal siguro ng mukha ko pero wala na kasi akong mapaglabasan nito. Weird ba? May kaibigan kasi ako, hindi pa naman ganoon kami katagal nagkakasama pero mabait naman sya. Nitong mga nakaraang araw lang medyo napansin ko na may kakaiba, yung parang alam ng buong samahan na may gusto sya sayo kaya gumagalaw na sya. Nakita ko pa yung post nya na andoon yung picture ko, andami na rin nagtatanong at nang-aasar sa kanya sa comment section kung kami daw ba pero hindi naman sya nagrereply para i-deny o hindi nya binubura? Praning ba? Hindi ko kasi alam kung anong gagawin, hindi rin ako kumportable sa ganoon. Isa pa, ayokong masira yung pagkakaibigan namin. Siguro ay hahayaan ko nalang muna dahil baka ganoon talaga sya sa mga kaibigan nya. Ikaw ba? Kailan ka kaya magpapakita? Nga pala wala akong nakuhang skyflakes at tubig ngayong araw ah. Nakakapagtampo! jk haha. Ingat, Vince. Hihintayin kita :) 

 

Pinindot ko ang send button saka ito tinitigan. Kumpara kanina ay mas magaan ang nararamdaman ko. Yung pakiramdam na alam ko namang walang makakakita ng text ko pero pakiramdam ko ay nadinig ako. Pakiramdam ko ay pinakinggan ako.

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising kaya naman hindi na ako masyadong nakapag-ayos. Ni hindi ko nga alam kung mukha ba akong disente dahil wala na akong oras para mag-ayos pa. Alas nwebe y media na ay nasa Cavite pa rin ako, halos isang oras at kalahati rin ang biyahe kaya naman inaasahan ko na na makakarating ako sa Maynila ng Alas-onse.

Alas-onse y media ang pasok ko, kung traffic pa galing terminal papuntang Dilimin ay lagot talaga ako. Inis na inis ako habang nasa jeep papuntang terminal, kakaisip ko kay Adi kagabi ay napuyat ako kaya naman tanghali akong nagising ngayon. Ni hindi nga ako nakapagalmusal dahil pag-gising ko ay naligo na agad ako at umalis. Habang nasa byahe ay panay silip ko sa groupchat, kita ko ang mensahe nila Geoff na nasa Piyu na sila samantalang ako ay nandito pa rin sa Coastal. 

Nakita ko rin ang ilang mensahe ni Adi na nagtatanong kung nasaan na ako kaya mas lalo lang nadagdagan ang pagdududa ko. Pinatay ko na muna ang cellphone at hinayaan na lang sila. Kung minamalas ka nga naman talaga dahil sumabay pa ang traffic. Hindi naman rush hour pero bakit halos hindi na gumalaw ang bus na sinasakyan ko.

Nakaupo ako sa unahan ng bus malapit sa driver kaya naman kitang kita ko ang kahabaan ng traffic, maging ang pagbaba at pagsakay ng pasahero ay nakikita ko. Agad nagakyatan ang balahibo ko nang sumakay ang isang lalaki. He's wearing a black plain shirt, maong pants at bag na jansport. Nakasuot rin sya ng face mask na itim kaya naman hindi ko maaninag ang mukha nya pero malakas ang kutob ko.

Sa postura't pananamit pa lang. Sa buhok at lalagukan, maging ang mata na ngayon ay natatakpan ng mata. Hula ko ay si Vince 'yon.

Nagdire-diretso sya sa dulong parte at dahil nga wala ng upuan ay nakatayo ito. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya kahit alam kong onting sandali lang ay maaari akong maging emosyonal dito sa loob ng bus. Hindi sya tumitingin sa gawi ko kaya naman hindi ko makumpirma kung sya talaga iyon. Nang makarating sa isang building malapit sa Kalayaan ay lumapit ito sa unahan. Namamawis na ang kamay ko dahil malakas ang kutob ko na sya yon. Nahihiya lang akong lumapit dahil paano kung hindi pala? Paano kung namamalikmata lang ako dala ng pag-iisip sa kanya? Nakakahiya.

Kaya naman ng nagsalita sya. "Boss patabi dyan sa gilid." ay umakyat ang dugo sa katawan ko. Sigurado na ako! Si Vince iyon. Hinding hindi ko makakalimutan ang malumanay ngunit malalim nyang boses. Medyo mabilis syang nakababa.. susunod na sana ako pababa nang bigla namang sumara ang pinto ng bus.

"Iho ano ba? Bababa ka ba?" tanong ng driver. Doon ko napagtanto na baka hindi pa sya handang kausapin ako kaya minabuti ko na maupo na lang pabalik sa upuan ko. "Sa p-piyu po.."

May kung anong kumirot sa akin ng maisip ang bagay na yon. Yung pag-iisip na ayaw nya akong makausap o makita man lang ay masakit. Ano bang ginawa ko? Mas maiintindihan ko sana kung alam ko sa sarili ko na may kasalanan akong ginawa pero hindi. Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko ngunit paulit ulit rin akong nabibigo dahil wala akong mahanap na sagot.

Kalaunan, pumasok pa rin ako kahit medyo huli na ako ng trenta minutos. Nagtanong pa si Kia at Geoff kung bakit ako late pero hindi na ako muna ako sumagot dahil wala.. wala ako sa wisyo, maski gana.

Habang kumakain sila ay tulala lang ako kakaisip kay Vince kanina. Kumpara noong mga nauna ay nangayayat sya ng malala, mas lalo din lumabas ang pagkamoreno nya. Sobrang lapit ko na para makausap sya pero hindi ko pa rin nagawa kahit ang gusto ko lang naman ay malaman kung kamusta sya. Ang hirap hanapin ng mali kasi kung iisipin mo, wala namang mali sa aming dalawa. O baka dahil iyon lang ang nasa isip ko? Baka dahil hindi ko pa sya lubos na kilala kaya doon ako naniniwala sa ideyang iyon.

Ang hirap. Akala ko ay masakit na ang mawalan ng kaibigan pero mas masakit pala yung iwasan ng taong sinusubukan mo palang kaibiganin, sinusukuan ka na.

Napansin ko na kating kati na si Geoff magtanong kung ayos lang ako. Kanina pa rin kasi ako tahimik at hindi sumasali sa usapan nila. Nang matapos ang klase ay sumama lang ako ngunit hindi ako umiimik. Napansin naman siguro ni Kia na hindi ako okay kaya pinipigilan nya ang dalawa sa mga tanong. Sobrang swerte ko kay Kia. 

Hanggang matapos ang klase ay wala akong gana. Iniisip ko na siguro kung hindi ko nakita si Vince kanina ay ayos ako ngayong araw, tumatawa at nakikipagkwentuhan. Pero sa parehong dahilan, gusto ko rin makita kung kamusta sya. Kung ano na ba ang itsura nya o kung ano ba ang mga nagbago sa kanya.

Napansin ko ang onting pagbabago ng katawan nya dahil pumayat sya ngayon, may onti ring pagbabago sa buhok dahil humaba ito ng kaunti. 

Pero hindi siguro magbabago ang desisyon nya na iwasan ako.

Alam kong nakita nya ako kanina. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya, siguro naman ay mapapansin nya iyon hindi ba? Wala naman akong suot na salamin o hindi kaya salakot kaya walang rason upang hindi nya makita ng buo ang mukha ko. Marahil ay nakita nya, pinili nya lang talagang umiwas at hindi iyon pansinin.

Nang hindi na mapigilan ay nagtanong na si Adi. "Lorenz are you okay?" Hindi, Adi. Gusto ko iyon isagot sa kanila pero mas minabuti ko na lang na ngumiti. "Oo, medyo puyat lang kaya bangag." biro ko. Tumawa si Adi at Geoff doon pero hindi si Kia. Alam kong alam nya na kasinungalingan iyon. Oo puyat ako, pero kahit na ganoon ay hindi ko hinahayaan na makaapekto yon sa kung paano ko itrato ang isang tao. At sa ngayon, buong araw ko silang hindi pinansin.. hindi kasi ako okay.

Hanggang makauwi ay tahimik lang ako. Kinuha ko ang cellphone at nagsend ng pictures sa kapatid upang sabihin na pauwi na. Sinabihan pa ako nito na huwag ko raw ilabas ang aking cellphone sa daan lalo na't nasa Maynila kaya naman itinago ko na ito. Alas singko na pero wala pa rin akong ganang umuwi sa amin kaya naman iginala ko ang sarili ko sa seaside. Nagpunta na kami dito noon nila Kia pero ngayon lang ako magpupunta mag-isa. 

Nang makarating ay agad kong nilibang ang sarili sa paglubog ng araw. Pinanood ko kung paanong maghalo ang kulay puti at kulay pulang ulap. Pinanood ko kung paano humampas ang dagat sa mga bato. Ang sarap nilang pagmasdan, parang sobrang payapa ng buhay kung ganito lang ang makikita mo. Hindi mo kailangan mag-aral o magtrabaho, hindi mo kailangan magisip sa sasabihin ng iba, hindi mo kailangan maging malungkot.

Ang kailangan mo lang ay maging maganda. Kailangan mo lang ay maging kaaya-aya. Pinanood ko ang bawat batang nagsisitakbo sa gilid ng mga rides. Kinuha ko ang phone ko at saka nagsend ng litrato sa group chat namin na kaagad naman silang nagreply.

 

kia da great: sino kasama mo? bakit hindi mo ko sinama :<

rorenz: ako lang hahaha, biglaan lang din

geoff da giraffe: rerenz paki-confirm nga kung mapanghi ba talaga dyan?

adi wow: Who set my nickname again?

kia da great: si geoff gago yan e

adi wow: Fuck you, Geo.

adi wow: You're alone, Lorenz?

rorenz: uy haha oo, tinamad pa umuwi eh :D

adi wow: Coming.

rorenz: hala 

geoff da giraffe: shet lodi talaga

kia da great: manahimik ka pwede?

 

Hindi ko alam kung paanong sa isang send ng litratong iyon ay naririto na si Adi sa tabi ko. Bumili sya ng chocolate ice-cream at inabot ito sa akin. "Thank you," saad ko. Naupo kami sa seaside habang pinapanood ang ikot ng Ferris Wheel. Minsan ay napapangiti ako sa mga nakasakay dahil sobrang sweet siguro nyan sa taas kasama ang taong gusto mo. Palagi ko kasi 'yon nakikita sa social media. Ang romantic lang.

"You're smiling. Sakay tayo?" aya ni Adi ngunit umiling ako. May takot rin kasi ako sa matataas kaya hindi ako pumayag. Inubos lang namin ang panonood sa mga tao at nag-aya sya na subukan raw namin ang mga arcade games doon. Una nyang sinubukan ang basketball. Kapag kasi nashoot mo ang dalawang bolang iyon sa net ay maaari kang manalo ng higante na teady bear kaya naman sinubukan nya. 

Pinanood ko sya habang sinisipat ang bola. Hindi tumama ang unang bola na pumasok kaya naman natawa ako nang mahina. "Go, Adi." pagpapalakas ko ng loob sa kanya. Ngunit hindi pa rin tumama ang pangalawa kaya naman tinatawanan na sya ng mga tao sa likod. Medyo kinakabahan na nga ako dahil may anger issue pa naman ang isang 'to. 

"Kuya tama ka na," saad ng isang kabataang lalaki na wari ko ay mas bata sa amin ng kaunti.

Hindi nga ako nagkamali dahil agad nagpantig ang kanyang tenga at galit na galit na humarap sa binata. "Nagmamadali ka ba?" tanong ni Adi na may halong pagkaasar sa boses. Lumapit kaagad ako upang awatin sila dahil lalo lang syang inaasar ng bata.

Umalis kami doon na hindi naguusap dahil natatakot naman ako na sakin nya mabuntong ang galit nya. Nang makarating sa sakayan ay nagpaalam na ako kay Adi. "Ah, dito nalang siguro para hindi ka na lumayo." saad ko. He looked at me, annoyed.

"Why don't you let me take care of you? Huh, Lorenz? Bakit?" tanong ni Adi. Sunod sunod ang naging paglunok ko sa tanong nya.

"Hindi naman sa ganoon-" naputol ako sa pagsasalita nang magsalita syang muli. "No. Napapansin ko eh. Whenever I am trying to take care of you or do a service for you.. you always declined it. So bakit?"

"Kasi kaya ko naman. I d-don't need anyone's protection. Yes.. naiintindihan ko na nag-aalala lang kayo-" Once again.. I was cut off by his words again. Bagay na kailanmang hindi nagawa ni Vince sa akin, because he always let me speak. He always let me voice out my feelings.

"Don't include Kia and Geo here. It's all about us." diretsong saad nya kaya naman ay kumunot ng kaunti ang noo ko. "Anong us?" tanong ko sa kanya.

Adi laughed sarcastically. "Don't play dump, Vienei. Alam kong may idea ka rin sa sinasabi ko. I like you-" ako naman ang pumutol sa pagsasalita nya ngayon.

"Hindi." Iling ko. Nakita ko na naoffend sya sa sinabi ko pero kailangan ko na yon sabihin diretso sa mukha nya. "Hindi mo ko gusto. Hindi, okay?" matapang na saad ko. Tumawa lang sya ng sarkastiko at saka sumigaw. Nakaramdam ako ng takot doon.

"You don't dictate my feelings, Lorenzo." saad nya. Madilim sa pwesto namin dahil gabi na rin. Wala na rin masyadong tao kaya naman kinakabahan na ako kung sakali mang magalit sa akin ng tuluyan si Adi. Ngunit, hinarap ko pa rin sya. Kung hindi ko sasabihin ay patuloy lang syang aasa at patuloy lang syang magdidikta sa aming dalawa.

"Kung gusto mo ako, irerespeto mo yung gusto ko. If you like me, you will know how to put boundaries because I.. don't.. like you." usal ko. Kita ko ang nanggagalit na mga mata nya. Hindi ako makapaniwala na naging kaibigan ko ang isang 'to. "So you don't dictate my decisions as well."

"You can't do that. I know you like me too! Kunwari ka pa." lumalakas na ang boses nya kaya naman humigpit na ang hawak ko sa bag ko. Bahala na siguro ang Diyos. "You like me, Lorenz!" sigaw ni Adi kaya naman napapikit na ako sa takot.

"Huwag mong pilitin. Hindi ka nga gusto e," binuksan ko ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses.

Tumambad sa akin ang mukha ni Vince. Wala itong reaksyon ngunit alam ko na galit ito dahil sa igting ng panga nya. "Ano bang sinisigaw sigaw mo dyan? Para kang bata." usal muli nito.

"Sino ka ba? Bakit nangingielam ka?" tanong ni Adi, naiinis na.

"Kasi napakaingay mo. Nasa malayo ako pero sobrang ingay mo, alam mo ba 'yon? Kung makasigaw ka akala mo ay pagmamay-ari mo itong buong Pasay. Ano bang nginangawa mo?" tanong pabalik ni Vince. Agad syang kinwelyuhan ni Adi pero hindi ito gumalaw, ni hindi ito nagulat dahil ganoon pa rin ang postura nya.

"Wala kang pakielam kung mag-ingay ako rito. Hindi ako nakikinig sa mga.." pinasadahan nya ng tingin ang buong katawan ni Vince bago nagpatuloy sa pagsasalita. "...umaasa pa rin sa semento para mabuhay." Isang sampal ang ginawad ko sa kanya. Para namang nagulat sya sa ginawa ko.

"Napakabastos mo. Matalino ka pero bastos ka, Adi. Hindi ko masikmurang naging kaibigan dahil sobra ang kabastusan mo." ramdam ko ang pangingilid ng luha ko pero wala na akong pakielam. Ang kaninang takot ay napalitan ng galit at poot. Adi smirked before leaving. 

Nang makaalis si Adi ay kusa nang tumulo ang luha ko. Nanatiling tahimik si Vince sa tabi ko habang nakatingin sa mga sasakyang dumadaan. "V-vince.."

Isang buntong hininga ang ginawa nya bago humarap. "Tara na. Ihahatid kita sa terminal." Hindi sya nagsasalita hanggang sa jeep. Nakatingin lang sya sa labas habang ako naman ay umaasa na kausapin nya ako. Ngayon ko lang nakita ang suot nya, may bahid nga ng semento ang kaunting damit nya. Dala dala rin nya ang jansport na bag kanina nang makita ko ito sa bus. May hawak rin syang flannel sa kamay nya.

Bumaba kami sa terminal nang hindi naguusap. Nang maihatid nya ako ay hinarap ko sya. Gusto ko na talaga syang kausapin. Gusto ko ng malaman ang sagot kasi dalawang buwan na akong binabagabag nito.

"Vince b-bakit hindi mo ko kinakausap?" diretsong tanong ko. Hindi pa rin nawawala ang lamig sa pakikitungo nya. "Pumanhik ka na, Lorenz. Anong oras na." tanging sagot nya. Umiling ako. Hindi ako aalis sa Maynila nang hindi ko nalalaman ang sagot.

"Hindi. Sabihin mo muna sakin kung bakit saka ako aalis. Anong ginawa ko?" kusa ng tumulo ang luha ko. Napansin ko na nag-iwas sya ng tingin nang makita iyon.

"Wala kaya sige na. Umuwi ka na." saad nya. Hindi ako makapagsalita dahil sa sama ng loob. Gusto kong marinig sa kanya na galit sya dahil sa ginawa ko. Galit sya dahil ang kulit ko. Galit sya sakin.

Paano akong matatahimik kung hindi mo naman sinasabi kung anong mali sa mga ginawa ko, Vince.

"Paalis na ang bus. Gagabihin ka kung itatanong mo ng itatanong sa akin kung anong ginawa mo. Wala kang ginawa, Lorenzo kaya sige na umuwi ka na. Malayo pa ang uuwian mo. Mag-iingat ka." saad nya at tumalikod. Unti-unti syang pinapanood na lumayo sa paningin ko. 

Masakit din pala. Hanggang bus ay hindi tumitigil sa pagkirot ang dibdib ko, hindi tumigil sa pagtulo ng luha ang mata ko.

Kayang ibigay ni Vince ang lahat sa akin,

Pero hindi kailanman ang sagot.

Notes:

hello five thirty people, i'm still sick kaya eto nalang muna huhu!

ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

happy reading, five thirty babies!

Chapter 7

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

trigger warning: obsession, harassment, heavy cursing. please do not read if uncomfortable.

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo 

-

Hindi ko alam kung gaano karami ang iniyak ko noong gabing makauwi ako sa Cavite.. ni hindi ko nga alam kung para saan ba ang iniiyak ko. Ramdam ko lang ang bigat kahit na kung titignan mo ay normal lang naman ang naging paguusap namin ni Vince. Inilabas ko lang ng inilabas noong gabing 'yon dahil wala naman akong mapapala kung hahayaan ko na magtagal itong sakit na nararamdaman. Hindi ako galit kay Vince, wala akong karapatan magalit. Maaaring magkakilala nga kami pero hindi sapat iyon para kausapin at paglaanan nya ako ng sobra sobrang oras dahil may buhay at pangarap rin sya.

Naiintindihan ko si Vince. Naiintindihan ko, sobra.

Kaya naman kinabukasan ay gumising ako ng masaya kahit alam ko na may parte pa rin sa akin ang nasasaktan pero hindi non kailangang kontrolin kung paano tatakbo ang araw ko kaya naman habang maaga ay minabuti ko na kaagad na maging masigla. "Ingat anak, tatawag tawag ka sa kapatid mo kapag nasa byahe ha para alam ko kung nasa Manila ka na," pangaral ni Mama kaya naman ngumiti ako at niyakap sya mula sa likod.

"Opo, mag-iingat ako." saad ko. Paglabas ay tila sumasabay sa akin ang panahon. Maaraw kasi ngayon kaya naman hindi ko maiwasang matuwa, isa pa, parang maswerte ako ngayong araw dahil akalain mong hindi punuan at siksikan sa bus? Hindi ako nakaramdam ng pagkalagkit sa katawan dahil malakas ang buga ng aircon sa katawan ko. Tinanggap ko na agad na magiging maganda ang araw ko kaya naman habang nasa daan ay ngingiti ngiti pa rin ako. Para bang hindi ga-timba ang iniyak kagabi.

Nang makababa sa terminal ng kyusi ay agad akong nagmadali upang sumakay ng jeep. Hindi pa man nakakalayo ay rinig ko na agad ang sigaw ng isang tambay roon. "Vince! Saan ko iiwan ito?" awtomatikong napaikot ang leeg ko nang marinig ang pangalan na iyon. Hindi naman ako lalapit, gusto ko lang sya makita. Hindi naman siguro masama hindi ba? May kalayuan rin naman ako sa pwesto nila.

Agad nahagilap ng mata ko si Vince na nagsusuot ng kupas na polo habang naglalakad. "Iwan mo na lang dyan. Tatanghaliin na ako sa site," rinig kong sagot ni Vince. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Hindi ko kasi masyadong makita ang tinuturo ng lalaki dahil may kalayuan ang pwesto nya sa akin. Pinanood ko na lang si Vince na maglakad habang patuloy na sinasabit ang jansport na bag sa kanyang balikat. Suot nanaman nya ang pantalong maong na may kaunting sira sa bandang tuhod, kabiyak nito ang kulay gray na polong kupas na halata mong may t-shirt sa loob. 

Habang naglalakad ay ramdam ko na hinihingal hingal pa ito, para bang pagod na pagod sa pagtakbo. Nagulat ako nang magtama ang paningin namin kaya umiwas ako ng tingin. Ayokong isipin nya na nandito ako para kulitin nanaman sya, ayokong magkaroon sya ng rason para mainis sa sakin kaya naman nagkunwari akong naghihintay at naghahanap ng jeep. Ganoon rin naman sya ngunit medyo malayo mula sa pwesto ko, may kumirot sa puso ko.

Medyo matagal rin ang pagdaan ng mga jeep dito dahil tanghali na rin. Ang iba ay punuan, ngunit karamihan ay bus at truck ang dumadaan sa highway na ito kaya naman nahirapan ako ng kaunti. Nang sa wakas ay may dumating na jeep, tumigil ito sa harapan ni Vince. "Oh isa na lang, sakay na!" sigaw ng driver. Nahihiya man ay tinignan ko muli sya.. hindi ko alam. Para bang nangungulila ako gayong lagi naman kaming pinagtatagpo.

Tumingin sa akin si Vince at saka nagsalita kaya naman ay nagulat ako. "Ikaw na ang sumakay rito." saad nya. Hindi pa man nakakabawi sa gulat ay umiling na ako ng mabilis. Sya ang tinigilan kaya naman sya ang dapat sumakay roon. "W-wag na. Marami pa naman dyan sa susunod." saad ko na nauutal-utal pa.

Blangko ang ekspresyon ng mukha nya kaya naman hindi ko maiwasang masaktan. Hinahanap hanap ko na rin kasi ang palangiti at mahiyaing Vince. Sya pa rin naman 'to pero alam mo yung pakiramdam na parang hindi na? Parang ibang tao na. Nagsalita muli sya, nakatingin na ang mga tao sa jeep sa amin! "Walang dumadaang jeep dito dahil alanganin ang oras ngayon. Sumakay ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo." malamig na usal nya.

Pero narinig ko kanina na nagmamadali rin sya sa site na sinasabi nya kaya dapat lang na sya ang sumakay dito. "Sasakay ba kayo o hindi?" tanong ng driver na mukhang iritado na. Hindi kaya ng konsensya ko na makarating sa unibersidad habang si Vince ay nandito't nag-aabang pa rin ng masasakyan. "Hindi talaga ako sasakay." saad ko kay Vince.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya saka muling nagsalita. "Sumakay ka na, sasabit ako." malumanay nyang saad. Nagdadalawang isip pa ako ngunit nakita ko na ang mga galit na mukha ng pasahero kaya naman ay sumakay na ako. Nakaupo ako sa pinakadulo malapit sa babaan ng dyip. Pinanood ko na sumabit si Vince dito. Kinalampag nya ng dalawang beses ang gilid ng jeep upang ipaalam sa driver na nakasabit na sya.

Umandar na rin naman ito ngunit ganoon na lang rin ang inis ko ng makitang wala pa ring bumababa kahit isa sa mga nakasakay. Gaano ba kalayo ang mga bababaan nila? Naglabas ako ng singkwentang buo at saka ito inabot upang ibayad. "Dalawa po, isang FEU Diliman at isa pong kamuning." Naalala ko rin kasi na doon sya bumaba kahapon nang makita ko sa bus. Nahihiya pa nga akong sabihin iyon ngunit bahala na. Sa ganitong paraan na lang ako makakabawi sa mga ginawa nya. Hindi iyon narinig ni Vince dahil paniguradong maingay sa labas, hindi ko rin maiwasang maawa dahil katanghaliang tapat ngayon at naririto sya't nakababad sa initan imbis na kumportableng nakaupo sa kinauupuan ko.

Napansin ko na nanginginig na ang kamay nya at salitan na rin ang hawak nya sa bakal kaya naman ay lumabas ako ng kaunti sa kinauupuan para naman makausap sya. "Um, akin na yang bag mo. Hahawakan ko." saad ko. 

"Ayos lang." tipid na sagot nya. Nakakaramdam na ako ng inis pero hindi ko iyon pinahalata. Kitang kita na nahihirapan na sya sa bag na dala dala nya pagkatapos ay naliligo na sya sa pawis dala ng init. Sobrang hirap bang ipahawak saakin maski ang maliit na bag? Hindi ako nagsalita at kinuha nalang ang bag diretso sa kamay nya, nakita kong nagulat pa sya at aangal pa ngunit nang makita ang inis ko sa mukha ay nanahimik na lang. Hindi na naman sya nakipagtalo at hinayaan na lang. Maya maya lang rin ay may bumaba na isang babae kaya naman ay umalis sya sa kanyang pwesto at hinayaan munang makadaan ang babae. Nang tuluyan na itong makababa ay pumasok na sya sa loob ng jeep at pumwesto sa harap ko mismo, inabot ko na rin ang bag nya na sya namang tipid na nagsalita. "Salamat."

Hindi na ako sumagot at tumango na lang. Inabala kunwari ang sarili sa pagcecellphone kahit ang totoo ay paminsan minsan kong sinusulyapan ang ginagawa nya. Pinanood ko kung paano nya kinuha ang kanyang good morning towel at saka pinunas sa pawis sa noo, pinasadahan nya rin ang kanyang leeg at batok. Nakita ko rin kung paano nya sinakbit ito sa leeg na para bang nung una ko lang syang makita. 

Hindi ko alam na nakatitig na pala ako. "Kamuning ho isa," saad nya. Pipigilan ko sana ngunit nagsalita na ang driver. "Binayaran ka na nung kasama mo toy." 

Napansin ko na tumingin sya sa akin kaya naman nag-iwas ako at tumungo na lang. Magagalit kaya sya dahil nagdesisyon ako para sa kanya? Hinanda ko na ang perang ibabalik nya dahil lagi namang ganoon. Lagi naman syang takot makatanggap ng kahit mula sa akin. Para bang iwas na iwas sya.

"Lorenz.." mahinang tawag nya. Nilakasan ko ang loob para tignan sya kahit na kinakabahan na rin ako noong puntong iyon. Tipid syang ngumiti at saka nagsalita. "Thank you." 

Hindi ko alam. Hindi ko na talaga alam dahil simple lang naman ang sinabi nya ngunit parang hindi na magkandamayaw ang saya sa puso ko. Hindi sya galit di ba? Hindi sya galit. Sapat na para magpatuloy ako ngayong araw. Solve na agad ang araw ko. Tinanggap nya yung bigay ko, hindi sya nagpumilit na ibalik ito ngayon. Ilang sandali pa ay malapit na kami sa kamuning kaya naman ay naghanda na sya sa pagbaba.

Kinatok nya ang bubong ng jeep at saka pumara. Bago makababa ay sinuot nya ang kanyang dalang sumbrelo at nagsalita. "Ingat ka. Ah yung tubigan mo pala, mukhang malalaglag." usal nya na tinanguan ko naman. Hinintay ko lang na makababa sya at makatawid, nang makatawid ay inayos ko ang bag ko at nakitang malalaglag na nga ang tumbler ko. Paniguradong mukha akong tanga ngayon dahil inaayos ko ang tumbler habang nakangiti. Hindi ko maiwasang humanga sa kanya dahil kahit na mga simpleng bagay ay napapansin nya.

Kaya naman ng makarating ako sa piyu ay hindi magkamayaw ang saya na nararamdaman. Nakangiti kong tinatahak ang classroom namin ngunit agad ring nawala ang ngiti na iyon nang makita ko si Adi. Nagakyatan agad ang inis sa ulo ko ng maalala nanaman ang ginawa nya kagabi, hindi naman sya mukhang lasing o ano pero hindi ko talaga inaasahan na ganoon ang inasta nya. Nang makita nya ako ay agad syang lumapit sa akin.

Nakangiti pa si Kia at Geoff nang makita itong papalapit saakin. "Vienei.." tawag nya ngunit hindi ko sya pinansin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pambabastos nya kay Vince kagabi kaya naman umakyat nanaman ang dugo sa ulo ko. Sobrang bastos kasi, hindi kailanman magiging pribilehiyo ang status mo sa buhay upang makapantapak ng ibang tao lalo na't wala naman itong ginagawang masama sayo. "Sorry-" hindi ko na nakayanan kaya naman ay pinutol ko na sya sa pagsasalita.

"Wag muna ngayon, Adrian. Hindi ako madaling makalimot." saad ko at saka nagsalpak ng earphone sa tenga. Kita ko kung paanong bumagsak ang mga balikat ni Kia at Geoff nang makitang ganoon ko pagsalitaan si Adi. Hindi rin kasi nila alam. Ayoko rin magkwento dahil alam kong mabibigla sila, ayoko muna.

Mabuti naman ay hindi na sila nagtanong pero ramdam ko na nag-iingat sila sa sasabihin. Mabilis natapos ang araw dahil maaga ulit ang dismissal namin ngayon kaya naisipan ko na dalawin ulit sila Chukoy. Bago magdiretso ay bumili ako ng tag-iisang shawarma para sa kanila. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang matuwa dahil makikita ko ulit sila. Bumili rin ako ng panulak nila para naman kumpleto na. Nang makarating ay sinalubong agad ako ni Mila.

"Kuya Yoyenz!" sigaw nya kaya naman ay sinalubong ko agad sya ng yakap. Ilang beses ko rin naman silang dinadalaw dahil nga naaawa ako, isa pa mababait silang bata. Hindi para hadlangan ko ang kagustuhan nilang kumain lalo na't kaya ko naman tumulong. Naging malapit ang loob nila sa akin at ganoon din naman ako. Sobrang bait nilang mga bata, marespeto rin at mahilig ring magpasalamat sa kung ano man ang natatanggap, maliit man o malaki.

Kain lamang ng kain sa harap ko ang limang bata kaya kinuhanan ko sila ng litrato. "Isa pa kuya, sali ka naman." aya ni Chukoy kaya naman natawa ako. Nagpicture kami doon at masayang nagkwentuhan. Simpleng dalaw na ganon ay punong puno na ang puso ko sa tuwa. Pinanood ko lang sila na mag-asaran habang ako naman ay natawa lang. Hindi kasi sila pikon kaya naman tuloy tuloy lang sila sa mga pang-aasar.

Abala ako sa pagtitingin ng mga litrato namin nang magsalita si Chukoy. "Galing pala dito si Kuya Vince kanina." ani nya kaya naman nakuha nya ang atensyon ko. "Nagsorry sya kasi hindi nya kami nabibisita.." may kung anong kumirot sa puso ko ng marinig iyon dahil may kasamang lungkot sa boses nya.

"Halatang pagod na sya kasi kakalako nya lang ng mga tubig tapos may pinapasukan ata sya ngayon, yung sa construction dyan sa kamuning?" pagkukwento ni Chukoy.

Halos hindi ako makausap nang papunta na sa terminal. Hindi ko kasi alam na naglalako pa rin sya ng tubig pagkatapos ay pumapasok pa bilang labor sa kamuning. Kung ganoon, ilang oras pa ang natitirang pahinga nya? Kaya pala nangangayayat sya, kaya pala nagmamadali sya kanina dahil galing pa sya sa paglalako noong oras na 'yon.

Ilang araw ko rin inisip ang bagay na 'yon. Nag-aalala ako sa kalusugan nya lalo na ngayon na doble doble pa ang ginagawa nya. Nagdaan ang biyernes ngunit hindi ko sya nakita o kahit ang anino nya. Sinubukan ko rin pumasok ng maaga upang makita sana sya ngunit hindi. Lumipas ang weekends nang mabilis. Maaga ako nakarating sa piyu kaya naman inabala ko na lang ang sarili sa report na gagawin mamaya. 

Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Adi dahil ayoko pa rin syang makausap mukhang nahalata naman nya iyon kaya hindi nya rin ako kinakausap. Kahit sila Kia ay hindi nagtatanong pero alam ko na may alam sila ni Geoff, siguro ay kinwento ni Adi.

"Kain tayo, Kia?" tawag ni Geoff ngunit umiling si Kia at lumapit sa tabi ko. "Sabay tayo," saad nya sabay nguso sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. Pinapanood lang kami ni Adi habang lumalabas kaya naman tinawag sya ni Geoff. Ang akala ko ay hindi ito sasama ngunit ganoon na lang rin ang gulat ko ng tumayo ito at sinarado ang notebook nya.

Hindi kami nagpapansinan dahil wala naman akong rason para kausapin sya. Tahimik lang kami nakain, walang naguusap at walang nakibo. Mukhang napansin naman iyon ni Adi kaya nauna syang matapos sa pagkain at saka nagpaalam kay Geo na mauuna na pabalik sa room. Nang makaalis sya ay bumuntong hininga ako. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Geoff.

Ayos lang siguro na ikwento ko dahil may karapatan naman siguro sila malaman ang nangyari. After all, kaibigan namin sila. Binaba ko ang kubyertos at saka nagsalita. "Nag-away kami ni Adi.." panimula ko. Mukha namang hindi na sila nagulat, halata rin naman siguro dahil hindi kami nagpapansinan. "Nung sumunod sya sa akin sa seaside, ayos naman eh.. kumain kami, nagkwentuhan, naglaro. Tapos bigla na lang sya nagalit noong may umasar sa kanya habang naglalaro sya. Naiintindihan ko naman sya kahit na mali talaga yung inakto nya noon, mali din kasi yung nang-asar pero kahit na eh.. hindi mo naman kailangan maghamon ng away diba." kwento ko.

Nakatingin lang sila sa akin, paminsan minsan ay tumatango si Kia na halatang nakikinig talaga.

"Tapos nung inaya ko na sya pauwi sabi ko huwag nya na ako ihatid kasi malapit na rin at baka mapalayo pa sya tapos bigla na lang sya s-sumabog.. nagsimula na syang sumigaw tapos pinipilit a-ako na gusto ko raw sya." hanggang doon na lang ang ikinwento ko dahil hindi ko pa kaya ikwento si Vince. Hindi pa sa ngayon dahil hindi pa kami ayos. 

"Grabe. May anger issue pala talaga sya?" tanong ni Kia. Parang hindi makapaniwala sa narinig na kwento galing saakin. Alam namin na may pagkabugnutin si Adi pero hindi aabot sa punto na ganon. 

"Ganyan na sya dati pa. Kaya kapag may pagtatalo kami nyan hinahayaan ko na lang sya manalo kasi hindi naman sya nakikinig." saad ni Geoff. Naaalala ko na matagal na pala silang magkakilala bukod sa amin ni Kia na nitong mga nakaraang linggo lang. 

Inubos namin ang pag-uusap tungkol doon at nang matapos ay bumalik na kami sa room. Nagpaalam ako sa kanila na papanhik muna ako sa banyo upang maghugas ng kamay, medyo malagkit kasi. Habang naghuhugas ay nakita ko si Adi sa salamin, nasa likod ko ito at nakatingin sa akin. "Nakwento mo lahat pero hindi kung paano mo ko sinampal?" tanong nya habang madilim na nakangisi saakin.

Naalala ko agad si Vince dahil kung ikukwento ko ang pagsampal sa kanya ay itatanong nila kung bakit. Hindi pa handa si Vince, hindi pa nga kami nagkakaayos. "Wag mo kong kausapin, Adrian." saad ko at lalagpasan na sana sya ngunit hinawakan nya ang braso ko pabalik sa loob.

"Sorry na. Hindi ko naman ginustong sigawan ka noong oras na 'yon. Ikaw kasi eh.." malambing na saad nya habang lumalapit sa leeg ko kaya naman tinulak ko sya.

"Adrian ikaw pa ba yan? Parang ibang tao ka na eh. Nakakatakot ka na." sigaw ko sa kanya at nagmamadaling tumakbo palabas. Nang makarating ay tinanong pa ako ni Kia kung bakit ako hinihingal pero hindi ko na iyon sinagot at umiling na lang. Nang makabalik si Adi sa room ay masama pa rin ang tingin nya sa akin. Ano ba ang problema nya?

Natapos ang klase ng alas sais impunto dahil nag-overtime ang reporting namin. Habang pauwi ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman, pakiramdam ko ay may sumusunod na naman sa akin. Mabilis na nagakyatan ang balahibo ko dahil hindi na kagaya ng dati, wala na si Vince ngayon upang tulungan ako. Nagmadali ako sa paglalakad dahil madilim na sa aking nilalakaran, naroroon pa rin ang anino na sumusunod sa akin saan man ako lumiko. 

Naghanap ako ng lugar kung saan matao ngunit wala akong makita. Tumawag ako kay Kia at Geoff, nagbabakasakaling matulungan ako kung nandito pa rin sila ngunit hindi sila sumasagot. Napapraning na ako dahil dilim at kalsada lang ang nakikita ko. Nang mapansing bumibilis rin ang lakad nya ay tumakbo na ako. Ganoon na lang ang gulat ko ng hawakan nya ng mahigpit ang braso ko. Paglingon ko ay mukha ni Adi ang nakita ko.

He is smiling like a devil. Halos mangiyak ngiyak na ako sa takot na nararamdaman, hindi na rin ako makasigaw sa takot. "Bakit mo ba ako tinatakbuhan? Ayaw mo ba sakin?" tanong ni Adi. Umiling lang ako habang patuloy na ang pagtulo ng luha sa mata ko. "Gusto kita Lorenzo. Gustong gusto," saad nya.

Umiling ako dahil hindi naman iyon totoo. Hindi nya ako gusto dahil napapansin ko na nakatingin sya lagi sa kaklase naming si Diane. Mapavacant man o breaktime, may klase o wala. Lagi syang nakatitig dito, hindi nya inaalis ang tingin hangga't hindi sya nito tinitignan pabalik. "Si Diane ang gusto mo. Ano bang sinasabi mo!" lakas loob na sigaw ko sa mukha nya. Nang marinig ang pangalan na binaggit ko ay lalo nya lang hinigpitan ang hawak sa akin. 

"Aray! N-nasasaktan ako ano ba!" sigaw ko. Nakita kong namumula na ang palapulsuhan ko sa higpit ng pagkakahawak nya dito. "Bitawan mo ko, Adi. Kung hindi sisigaw ako dito!" banta ko ngunit tumawa lang sya.

"Kahit sumigaw ka ng sumigaw, walang makakarinig sayo dito Lorenz. Sobrang liblib ng lugar na 'to hindi mo ba alam?" saad nya kaya naman nanghina ang loob ko. "Kung hindi mo na lang kasi sana ako pinapahirapan edi hindi na tayo umabot sa ganitong punto di ba?" nagkunwari pa syang malungkot doon ngunit nagpumiglas pa rin ako doon.

"Alam ko namang gusto mo ko eh, puta, ang arte mo naman. Gusto nga kita, ayaw mo pa din?" tanong nya kaya umiling lang ako. Hindi ko kailanman magugustuhan ang kagaya nya. "Tanggapin mo na kasi ako, Lorenz. Tanggapin mo na yung kaya kong ibigay. Ipapakilala kita sa mga magulang ko, gusto mo ba 'yon?" usal nya.

Tuloy tuloy pa rin ako sa pag-iling kahit basang basa na ng luha ang buong mukha ko. Ipinapanalangin ko nalang na sana, sana may dumaan sa lugar na ito at tulungan ako. O hindi naman kaya ay makatakas ako sa gagong ito.

"Ipapakilala kita tapos sasaya tayo bilang magkasintahan. Hindi ko na kailangan magpakasal.." nanghihinang saad nya kaya naman nagulat ako. "Hindi ko na kailangang matali sa kanya.. hindi ko na kailangan matali kay Diane!" halakhak nya.

Muli syang bumalik sa mukha ko at hinawakan iyon. "Kung matagal ka na sana pumasok sa sitwasyon.. hindi na sana nangyari iyon. Hindi ko sana nabuntis ang babaeng iyon." may galit sa mga mata nya habang nagsasalita. Buntis. Buntis si Diane. Kaya pala madalas syang sumuka at mahilo.. kaya pala.

Nabuntis sya ni Adrian kaya ang gusto sa akin ng lalaking ito ngayon ay maging kasintahan nya upang ipakilala sa mga magulang nya? Pinipilit ba sya nito magpakasal?

"Pumayag ka na. Ipakikilala kita sa mga magulang ko para hindi sila maniwala sa babaeng iyon na buntis sya at ako ang ama. Tulungan mo ko, Lorenz? Hmm?" saad nya at saka nilapit ang ilong sa aking pisngi. Nilalayo ko ito at umiiling. Gusto ko ng umuwi.. ayoko na.

"Huwag ka ng umarte!" sigaw nya at akmang hahalikan na ako ngunit bago nya pa mailapit ang mukha ay narinig ko kaagad ang isang suntok. Napahawak ako sa bibig nang makita si Adrian sa lupa. Binaba ni Vince ang bag na dala dala at saka pinaulanan ng suntok si Adrian. Kita ko ang galit sa mukha ni Vince dahil namumula na ang buong mukha nya. I even saw how his eyes darkened habang pinapaulanan nya ng suntok ang katawan ni Adrian. "Vince!" sigaw ko dahil napupuruhan na si Adi.

Tumigil naman sya at inayos ang kanyang damit pagtayo. "Putangina mo!" sigaw ni Vince sa mukha ni Adrian habang namimilipit pa rin ito sa lupa. Kinuha nya ang bag at saka hinila ang palapulsuhan ko papalayo doon. Mabilis lang syang naglalakad, hindi binibitawan ang kamay ko. Hindi ko naman magawang magsalita dahil galit sya. Galit na galit.

Sinubukan kong silipin ang mukha nya ngunit wala malamig pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Salubong ang kilay at umiigting ang panga. "Vince.." tawag ko kahit mismo ako ay kinakabahan. Tumigil sya sa paglalakad at saka bumuntong hininga, kasalukuyang nakatalikod pa rin sa akin. Nang humarap ay agad naglaho ang lamig sa mga mata at napalitan ng pag-aaalala.

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" tanong ni Vince at kaagad tinignan ang braso ko kung may sugat roon. Umiling lang ako habang patuloy pa rin sa pagiyak. "Bakit ka naiyak? Sabihin mo naman.. may masakit ba?" nanghihinang saad ni Vince.

"I'm so sorry.." hingi ko ng tawad. Umiwas sya ng tingin at nagsalita. "Huwag ka nga humingi ng tawad. Wala ka namang ginawa." usal nya.

"Pasensya na.. Vince.." usal ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Palagi mo nalang ako sinasalba kahit.. h-halata namang pagod-" pinutol nya agad ako sa pagsasalita.

"Hindi mo kailangan humingi ng pasensya sa bagay na gustong gusto ko gawin pero hindi ko kailanmang gustong mangyari sayo." saad nya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Ano?" 

Binitawan nya na ang kamay ko at saka nanahimik. Anong gusto nyang gawin? Ano yung ayaw nya mangyari sa akin? "Vince huwag mo kong sanayin na palaging litong lito sa sinasabi mo." saad ko dahil totoo naman. Laging may laman ang mga salita nya pero kahit kailan ay hindi nya sinabi sa akin ang lahat.

Isang buntong hininga ang kanyang pinakawala bago nagsalita. Pinanood ko kung paanong makipagusap ang halatang pagod nyang mga mata. Kagagaling nya lang siguro sa site dahil dala dala nya pa ang bag na palagi nyang suot. Ang polo naman ay nakasabit sa kaliwang braso nya.

"Hindi ko kailanman gugustuhin na palagi kang makita sa bingit ng kapahamakan, Lorenzo. Pero kung sakali man na may mangyayaring ganoon, gustong gusto ko na ako yung nandoon para sayo. Gustong gusto ko na ako yung nagliligtas sayo." saad nya kaya naman nagulat ako. "Ilang beses na ba kitang naliligtas? Ilang beses na ba napunta sa bingit ng kamatayan ang sarili mo? Nakakabaliw puta. Hindi ko alam kung gugustuhin ko bang itago ka na lang kaysa palaging ganyan."

"Tangina ang hirap kasi eh. Puta yung makita ka lagi sa ganoong sitwasyon? Parang gusto kong pumatay ng tao." saad ni Lorenzo. Nangingilid nanaman ang luha ko. "Mag-ingat ka naman.." nanghihina nyang saad.

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin at ikulong sa bisig nya. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib maging ang init ng paghinga nya sa aking batok.

"Hindi ko kaya, Lorenz. Hindi ko kayang umuwi galing trabaho pagkatapos ay makikita ka lang sinasaktan at minomolestya ng iba. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit kaya parang awa mo na Lorenz.." tumigil sya sa pagsasalita, ramdam ko na basa na rin ng kanyang luha ang leeg ko. "Sa ikatitino ng utak ko.. "

"Mag-ingat ka.." nanghihina nyang bulong. "Dahil mas gugustuhin kong humawak ng rehas kesa makita ang mukha mo sa balita."

Notes:

hello five thirty peeps! pasensha na ngayon lang nakapagupdate huhu, namamaga kasi paa k kaya hindi me nakapagud kahapon but anyways, enjoy reading !!

Chapter 8

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

vince & lorenzo

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

Halos hindi ako pakawalan ni Vince ng oras na iyon. Hatid hatid nya ako hanggang terminal kahit sinasabi ko na kaya ko naman na. "Wala naman akong sinabing hindi mo kaya. Gusto ko lang makasiguro na ayos ka, bawal ba?" malumanay nyang tanong. May kung anong nagdiwang sa akin nang marinig ang mga usal nya. Pakiramdam ko kasi ay may pake sya sa akin. Kasalukuyan nyang hawak ang bag ko sa kaliwang balikat habang ang sariling bag nya naman ay nasa kabila. 

Hindi kami nag-uusap pero hindi ibig sabihin noon ay mabigat ang pagitan naming dalawa. Sobrang kumportable nga eh.. paniguradong kung ibang tao ang kasama ko ay natataranta na ako sa tahimik ng pagitan namin at mag-iisip na kaagad ng pwedeng pag-usapan. Hindi ko sya malingo dahil nasa likuran ko sya, mas mapapanatag daw kasi ang loob nya kung nakikita ako kaya naman nauuna ako sa paglalakad. Nilakad namin ang kahabaan ng highway patungo sa terminal dahil wala ng gaanong jeep o 'di naman kaya sasakyan ang makikita roon.

Paniguradong nag-aalala na sila Mama dahil hindi pa ako nakakapagpadala ng mensahe sa kanila simula kanina, hindi ko rin kasi makuha ang cellphone sa bag ko dahil medyo nahihiya rin akong kausapin si Vince. Nang makarating sa terminal ay wala pa ang bus doon kaya naman ay naisipan namin na maupo muna sa mga bleachers. "Iidlip lang ako sandali, gisingin mo ako kapag nariyan na ang bus mo." saad ni Vince

Tumango ako at saka ngumiti ng bahagya. Lihim ko syang pinanood ng ipatong nya ang kanyang manipis na bag sa headrest ng upuan saka ito ginamit bilang unan. Pinatunog nya pa ang mga buto sa leeg at balikat bago ito pumikit. Ganoon na lang siguro ang pagod nya dahil kung tutuusin ay maaga pa ang oras na alas-otso y media sa ibang tao ngunit para sa kanya ay kinakailangan nya nang magpahinga at matulog. Hindi ko maiwasan makaramdam ng guilt dahil paniguradong sa mga oras ngayon ay nasa bahay na sya at nagpapahinga. Natutulog na upang maghanda at makipagsapalaran muli kinabukasan ngunit hindi, naririto sya't nagtitiis sa matigas na unan, masakit sa likod na upuan, mainit at maingay na kalsada.

Hindi pa man nakakatagal ang kanyang pagtulog ay tinawag ko na sya. "Vince.." usal ko ngunit hindi ito kumibo. Nanatili syang nakapikit at mahimbing na natutulog. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Napansin ko ang kahabaan ng kanyang pilikmata, maging ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo habang natutulog kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti. Dumako ang tingin ko sa mapupula nyang labi, medyo tuyo pa nga ang mga ito.. hindi ba sya nagbabaon ng tubig?

Marahan kong tinapik ang kanyang pisngi upang gisingin sya. Nagising naman sya doon at napabalikwas, gulat na gulat makita ang lapit ko sa kanya. "Bakit?" tanong ni Vince at saka sinuklay ang kanyang buhok gamit ang sariling kamay. "Nagugutom ka?" tanong ni Vince kaya naman umiling ako. Tumingin ako sa oras sa aking cellphone at nakitang alas nwebe na. Nakapagpadala na rin naman ako ng mensahe sa Mama at kay Loreign na baka gabihin ako dahil wala na masyadong sasakyan ng ganitong oras. 

"H-hindi. Ano.. kung gusto mo ng umuwi ayos lang. Makakasakay na rin naman ako kapag may dumating na na bus." ani ko. Hindi sya nagsalita at tumayo lang kaya naman inaasahan ko na ang pag-alis nya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam kung magpapaalam ba ako o 'di kaya hahayaan syang umalis sa harap ko. Ganoon na lang ang gulat ko nang magsalita sya sa harap ko habang sinusuot ang strap ng bag.

"Tara, magpares muna tayo." saad nya. Hindi na ako nakatanggi dahil mukha namang wala syang balak makinig kung sakali mang tanggihan ko sya. Isa pa, medyo namiss ko rin ito. Yung makasabay sya sa pagkain. Halos dalawang buwan at kalahati ko rin kasi syang hindi nakita o nakausap kaya naman may kaunting parte sa akin ang nangungulila at nalulungkot.

Naglakad kami ng kaunti papunta sa paresan ni Aling Myrna. Halos ngayon na nga lang rin ako nakadalaw dahil hindi na ako masyadong nakakabisita magmula noong hindi kami magkita ni Vince. Tanaw naman mula sa pwesto ni Aling Myrna ang terminal kaya naman hindi ako nangangamba kung sakaling may dumating na bus dito. "Aling Myna," tawag ni Vince na bahagya ring ngumiti.

Gulat na mukha ang ginawad ni Aling Myrna at saka ito ngumiti pabalik kay Vince. "Jusko po. Bakit ngayon ka na lang ulit napasyal rito?" saad ni Aling Myrna na sabik pa rin sa binata. Nakangiti ko lamang pinanood si Vince na nagmamano sa Ale. Kagaya noong una naming pagkakakilala, pinapahanga nya nanaman ako ng lubos. Para bang masyado syang mabuti para mabuhay sa mundong ganito. 

Hinimas ni Aling Myrna ang likod ni Vince. "Pasensya na ho.. hindi ko pa nababayaran yung mga utang ko. Sana po ay hindi nyo iniisip na tatakbuhan ko kayo.." paghingi ng tawad ni Vince. May kung anong kumirot sa akin nang marinig iyon. Hindi ko alam ang lahat ng pinagdadanan ng tapng kasama ko pero alam ko na sobrang bigat nito. Alam kong nahihirapan na ito.

Pinanood ko kung paano tumango si Aling Myrna at amuin ang binata. "Wala 'yon nak. Hindi ka naman na iba dito, wag mo ng idagdag sa isipin mo iyon ha. Balita ko kay Chukoy ay may trabaho ka rine sa Kamuning. Kamusta naman?" tanong ni Aling Myrna. Tumingin sa akin si Vince nang marinig iyon.

Hindi naman na ako nagulat dahil alam ko na rin ngunit ayoko rin namang banggitin iyon kay Vince dahil baka hindi pa ito handa. Nag-iwas ako ng tingin ngunit nakuha agad ni Aling Myrna ang atensyon ko ng lumapit ito sa akin. "Lorenz.. ikaw ba yan nak?" saad ni Aling Myrna na sya namang kasalukuyang nagpupunas ng salamin. Sinisigurado ang sarili na ako ito at hindi sya namamalikmata. 

Lumapit ako sa kanya at yumakap. Kahit naman papaano ay napalapit na ako kay Aling Myrna. Tinuring ko na rin itong pangalawang ina dito sa Maynila. Noong mga oras na hinahanap ko si Vince para kausapin, noong mga oras na nagtatanong ako sa kanya kung nakita nya ba ito ay sya ang naging sandalan ko. Palagi nyang inaabot ang isang pirasong biskwit at isang boteng tubig na kadalasang iniiwan ni Vince sa kanyang tindahan pagkatapos ay yayakapin ako nito at sasabihing magiging ayos rin ang lahat. Makukuha ko rin ang lahat ng sagot.

"Namiss po kita nay," bulong ko ng yakapin ko sya. Halos hindi magkandamayaw sa saya si Aling Myrna kaya naman ay naglabas sya ng iba't ibang uri ng silog at hinain ito sa amin. Pipigilan ko pa sana dahil masyado na iyon marami ngunit ako naman ang pinigilan ni Vince. "Hayaan mo sya. Ganyan yan kapag sobrang saya." bulong ni Vince kaya naman ay hinayaan ko na lang.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi malungkot tuwing naaalala na dalawang buwan na makalipas magmula noong huli kaming kumain rito ng sabay. Nahihiya pa ako sa kanya at hindi makatingin, halos sya itong todo ang alok sa akin sa mga pagkain. "Kumain ka na, sagot ko na 'to." saad nya. 

Umangal agad ako dahil masyadong marami ang mga ito kaya naman paniguradong malaki laki ang babayaran namin. "Ayos lang naman Vince kung h-hati tayo para hindi masyadong malaki ang babayaran mo." usal ko. Ipinatong nya ang bag nya sa gilid ng upuan at saka nagsalita.

"Ilang buwan kong pinaghirapan 'to, iparamdam mo naman sakin na sulit ang pinasok ko." nanghihina nyang saad. Kumirot ang puso ko sa narinig. Ang marinig na pinaghirapan nya ito ng ilang buwan ay sobra na para matanggap ko, kung gagastusin nya pa ito sa akin ay mas lalo ko itong hindi matatanggap kaya naman hinawakan ko ang kamay nya upang pigilan. 

"Palagi naman ikaw ang nagbabayad hindi ba? Ako naman ngayon. Hayaan mo naman akong sagutin ang kinain natin ngayon dahil kagaya mo ay hinintay ko rin ang oras na ito." pakikipagtalo ko. Mukha namang narinig kami ni Aling Myrna habang nagdadala sya ng libreng sabaw kaya naman ay sumingit sya sa aming usapan.

"Ano ba ang inyong pinagtatalunan? Libre ko na ang mga iyan dahil namiss ko kayo masyado. Huwag nyo na alalahanin." ngiti nya na agad naman naming inilingan ni Vince. Maliit rin panigurado ang kita dito pagkatapos ay marami pa ang nilapag nya dito sa amin. Kung tutuusin ay humigit limang daan rin ito.

"Ayos lang po, kakasweldo ko lang rin naman." usal ni Vince. Umiling si Aling Myrna at saka hinawakan ang perang gustong iabot ni Vince at saka ito tinulak pabalik kay Vince. "Itago mo iyan at paglaanan mo sa bagay na gusto mo. Hindi naman ako malulugi rito sa pinakain ko, isa pa, loyal customer ko naman kayo." ani nya habang tumatawa.

Mukhang wala rin naman kaming kawala kaya sa huli ay hindi nga kami nagbayad. Ang mga natira namin ay pinabalot ni Aling Myrna at inutusan na iabot ito sa mga bata dahil hindi naman ito nagalaw at malinis pa. Nagpresenta na si Vince dahil dadaan naman raw sya doon bago umuwi. Nang makapagpasalamat kay Aling Myrna ay bumalik na ulit kami sa terminal. Hindi gaya ng dati ay nakikipagusap nang muli si Vince sa akin.

Ramdam ko na sinusubukan nya naman ang lahat. Alas diyes kwarenta na ngunit wala pa rin ang bus. Sinubukan ko ng magbook ng grab ngunit sa tuwing sasabihin ko na Cavite ang pupuntahan ay agad rin nila itong dinedecline. Nauubos na ang pag-asa ko na makauwi ngayong Cavite. Ayos lang naman sa akin ang magbook sa isang hotel o kaya bed space dahil isang gabi lang din naman ngunit kung may pagkakataon at paraan pa rin naman na makauwi sa Cavite ay mas lalong ayos ito. Sabado na rin kasi kinabukasan kaya mas gugustuhin ko na makauwi sa Cavite upang magpatuloy ang pahinga ko dahil kung hindi ako makakauwi ay kinakailangan kong umuwi ng maaga upang hindi abutan ng traffic.

Ilang minuto pa kami roon naghintay ngunit ganoon pa rin, tahimik na ang mga kalsada at sarado na rin ang ilang mga tindahan. Halos kami na nga lang yata ni Vince ang nasa terminal. Tinawagan ko na si Mama at Loreign at nagpaalam na dito na muna ako magpapalipas ng gabi. "Wala po eh, ginabi po kasi kami sa reporting kaya po ngayon lang ako nakauwi." Hindi ko na ikinwento ang buong pangyayari dahil paniguradong mag-aalala lang sila.

"Okay. Mag-iingat ka anak, tatawag tawag ka kapag nakahanap ka na ng hotel ah. May pera ka pa ba riyan?" tanong ni Mama. Napangiti naman ako kahit na alam kong nag-aalala na sya. Sobrang maalaga rin kasi ni Mama. Hindi rin naman ito ang unang beses na hindi ako nakauwi sa Cavite pero madalang ko rin naman iyon gawin dahil bukod sa hassle ito ay gusto ko rin sila makita kapag tapos ng araw. "Meron pa po, Ma. Papanhik na po ako dahil dumidilim na rin. Ingat kayo dyan ni Loreign, i-kandado nyo po ang buong bahay. I love you po." paalam ko. 

Nang makabalik ako sa pwesto ay nakita kong malalim ang iniisip ni Vince. "Ah Vince, siguro ay mauna ka na. Hahanap pa ako ng pwedeng pagstay-an. Thank you ulit sa pagsama." ngiti ko. Kinuha nya ang bag naming dalawa at saka ito sinakbit sa balikat nya.

"Samahan na kita, anong oras na rin eh." usal ni Vince.

"Ayos lang naman. Alam kong pagod ka na, isa pa sobra sobra na yung ginawa mo.."

Lumingon si Vince sa akin pabalik. Mapungay na ang mata nito dala ng antok at pagod. "Halika na, Lorenz.." malambing na saad nya, mukhang pagod na makipagtalo kaya naman ay hinayaan ko na lang sya. Habang naglalakad papunta sa malapit na hotel na alam ko ay tahimik lang sya at mukhang malalim ang iniisip.

"Ayos ka lang?" tanong ko, bahagya pa syang nagulat doon ngunit tumango rin naman. Ilang sandali pa lang ay hinawakan nya ang braso ko para tumigil sa paglalakad. "Bakit?"

"Gusto mo bang tumuloy sa bahay? M-malinis naman yon tsaka kumportable rin. Para hindi ka na rin gumastos. Kung ayos lang naman sayo.." nahihiya nyang saad dahil bahagya pa itong tumungo.

Halos mapunit ang sarili kong labi sa kakangiti. Hindi ko naman kasi inaasahan ang alok nyang iyon. "Saan ang bahay mo?" halos hindi na iyon marinig sa sobrang hina. Nahihiya kasi ako kahit papaano ngunit lamang sa akin ang saya.

Mukhang nagulat rin sya ng marinig iyon ngunit ngumiti na lang rin ng bahagya. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang matuwa dahil kahit papaano ay may nalalaman na rin ako patungkol tungkol kay Vince. Hindi na lamang ang pangalan nya at hindi na lamang kung saan ang ruta nya. 

Maliit ang bahay nya ngunit malinis ito, sobrang bango rin nga dahil mahilig raw syang maglagay ng sampaguita na pinipitas nya rito sa kapitbahay nya. Pagpasok mo sa pinto ay bubungad kaagad ang lamesa nya na nasa isang sulok at ang maliit na sala naman sa kabila. Saktong sakto na ito sa isang tao, maaliwalas rin ito dahil maging ang kanyang mga upuan ay gawa sa kahoy. Ang dingding naman ay pininturahan lang ng puti kaya lalo itong nagbibigay liwanag sa bahay. Ang flooring naman ay semento, sobrang kinis rin nito. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa linis ng bahay nya. Kung tutuusin ay mas kumportable rito kumpara sa di-erkon na mga hotel. Kahit kasi nasa Maynila ang bahay nya, pumapasok pa rin ang hangin rito sa bintana. Binuksan nya ang electricfan at saka ito tinutok sa akin.

"Hintayin mo ako at ikukuha lang kita ng damit." saad nya. Pipigilan ko pa sana ngunit ay naglalagkit na rin ako, gusto ko rin ng mas kumportableng suot sa pagtulog. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsend ng litrato kay Loreign. Tinanong nya pa ako dahil bakit raw mukhang bahay ang tinuluyan ko, sinabi ko na lang na nakituloy ako sa kaibigan ko. Hindi na sya sumagot at nag-like na lang. Habang abala si Vince sa pagkuha ng damit ay inabala ko naman ang sarili sa pagtingin tingin ng bahay nya.

Napansin ko na wala syang kahit anong litrato ng kanyang pagkabata o kahit ng kanyang magulang. Marahil ay nakatago ito. Pag-labas nya ay dala dala nya na ang isang pirasong puting t-shirt at isang gray na shorts. "Salamat." saad ko sabay ngiti. Tumango naman sya at tinuro ang kanyang banyo. Maging ang kanyang banyo ay malinis rin, hindi ito kagaya ng ibang bahay na may tiles at shower, normal at simple lanag ito ngunit mabango.

Napasarap nga ako sa pagbubuhos kaya naman naisipan ko na magbihis na. Nang makalabas ay preskong presko ang aking katawan, medyo may kalakihan rin kasi ang damit na pinahiram ni Vince sa akin. Nang makalabas ay naabutan ko sya na nakasandal sa upuan. Nang makita nya ako ay agad syang nag-iwas ng tingin at nagpaalam na sya naman ang maliligo.

Habang naghihintay kay Vince ay tinignan ko na lamang ang video ko sa reporting kanina. Paniguradong mataas ang makukuha ko na marka dito dahil bukod sa binigyan ko ang lahat ng talino ko rito, naging maayos rin ang pagpepresenta ko.

Pagkalabas ni Vince sa banyo ay nakasuot na ito ng itim na damit at gray na tokong. Basa pa ang buhok nya kaya naman hindi ko maiwasang mapatingin, ang gwapo nya kasi. Sobrang simple nya lang pero napakalakas ng karisma nya. Basa ang buhok, nakasuot ng itim na t-shirt at tokong na abot hanggang tuhod, may simpleng silver na bracelet at anklet. Naroroon pa rin ang kanyang lip piercing kaya hindi ko maiwasang mapatitig.

"Lorenz, dito ka na matulog." aya nya sa akin kaya naman ay sumunod ako habang papunta sa kwarto. May kalakihan rin naman ang kanyang kama na gawa sa kahoy, kung susumahin ay kasya ang tatlong tao rito. "Magpahinga ka na, alam kong pagod ka." usal nya at kumuha lamang ng isang unan at isang kumot pagkatapos ay lumabas na. Sumunod ako papalabas dahil hindi kaya ng konsensya ko ang mahiga at matulog rito samantalang sya ay naroroon sa matigas na kawayan.

"Vince.. ayos lang naman na ako na ang mahiga riyan at ikaw ang dito. Bahay mo 'to." ani ko. Ngumiti si Vince at lumapit sa akin bago ginulo ang buhok ko. "Mukha bang hahayaan kitang matulog sa matigas na kahoy na ito? Sige na, mahiga ka na. Sanay na ako rito." saad nya ngunit umiling iling pa rin ako.

"Malaki naman yung kama, sayo rin 'tong bahay. Kung ayaw mo ako patulugin dyan, t-tabi nalang tayo.." nakayukong saad ko. Hindi nagsalita si Vince kaya naman nag-angat ako ng tingin. Pagkakita ko sa kanya ay nagpipigil na sya ng ngiti, nakakagat kasi sya sa ibabang labi nya at halatang pinipigilan ang sarili na ngumiti. "H-hindi ako makakatulog kapag hindi ka roon natulog.." dagdag ko pa. Hindi ko alam, may reaksyon akong gustong makita sa kanya kaya naman ginagatungan ko pa iyon.

Umiling si Vince habang nangiti saka dinampot ang unan at kumot. "Halika na," aya nya sa akin. Para namang nagtagumpay ako roon kaya naman ay sumunod na ako.

Ngunit kanina iyon..

Para siguro akong tuod ngayon na nakahiga at nakapikit dahil katabi ko si Vince sa kama. Hindi naman gaano kalakasan ang electricfan ngunit nanlalamig ako dahil sa pag-iisip na baka dumampi ang katawan ko sa kanya. Ilang dasal na rin ang ginawa ko ngunit hindi talaga ako makatulog. Hindi naman ako namamahay, at isa pa, kung nasa bahay ako ngayon ay paniguradong kanina pa ako bagsak sa tulog.

Mukhang napansin naman iyon ni Vince kaya tumayo sya. Sinilip ko agad sya at tinanong kung saan ito pupunta. "Ipagtitimpla kita ng gatas," tipid nyang usal kaya naman kumunot ang noo ko. "Para makatulog ka kaagad." ani nya at lumabas na.

Gustong sumigaw ng puso ko dahil sa mga ginagawa ni Vince. Paniguradong swerte ang magiging nobya nito lalo na't ganito sya kaalaga kahit sa ibang tao. Hindi ko tuloy maiwasan ang mainggit.

Gusto ko ba si Vince?

Humahanga ako sa kanya, oo. Pero gusto ko ba sya? Noong un ako syang makita ay nagwapuhan na ako sa kanya, ni hindi ko na maalis ang tingin sa kanya. Palagi ko na syang iniisip magmula noong makilala sya, palaging pumapasok sa isip ko ang alagaan at paglutuan sya. Palagi rin akong natutuwa kapag nakikita sya, palaging sabik na makita syan sa ermita o 'di kaya sa terminal ng Maynila. Noong hindi kami nag-uusap ay nasaktan ako, hinahanap hanap ko ang presensya nya kahit hindi ko naman sya gaano kilala. Ni hindi ko nga alam ang buong pangalan nya pero pakiramdam ko ay sobrang bait nya. 

Totoo naman.. sobrang bait nya.

Hindi kaya gusto ko talaga sya? Kaya yung mga panahon na nasasaktan ako sa pag-iwas nya, iniisip ko lang na nawalan ako ng kaibigan. Ngunit iiyak ba ako kung sakaling mawala si Adi? Kaibigan ko rin naman sya. 

Hindi. Hindi ako iiyak dahil hindi ko pa naman ito gaano kakilala. Ganoon rin naman si Vince.. pero iniyakan ko sya.

Gusto ko nga yata sya. Gusto ko nga yata ang taong naglako sa akin ng tubig sa may bus, gusto ko nga yata ang taong tumulong saakin noong unang beses palang ng aming pagkikita, gusto ko nga ang taong kasa-kasama ko sa bawat pagkain ng pares at kwek-kwek. 

Gusto ko si Vince.

Nang makarating si Vince ay agad nyang iniabot sa akin ang isang basong gatas na nakapatong sa maliit na platito habang may may kutsarita ito sa gilid. "Mainit pa, dahan dahan." usal nya habang inaabot ito sa akin. Nagpasalamat naman ako at naupo na muna. Pinanood ko syang maupo sa tabi ko, bumalik nanaman ang pag-iisip ko kanina na gusto ko sya. Hindi ko maiwasang mamula at mahiya kaya naman minabuti ko na ang pagiwas ng tingin, mukha namang napansin nya iyon.

"May problema ba?" tanong nya kaya naman agad akong umiling. Hindi pa rin ako natingin sa kanya at kunwa-kunwaring hinihipan ang gatas. Yumuko na sya upang hulihin ang mukha ko ngunit iniiwas ko talaga ito. Nakakainis sya. Hindi ba halatang umiiwas ako dahil naiilang ako ngayong alam ko na sa sarili kong gusto ko sya. "Galit ka sakin?" tanong ni Vince. Umiling muli ako, ayaw nya pa rin akong tantanan.

Uminom ako ng gatas upang iwasan ang mga tanong nya. Akala ko naman ay nakaiwas na ako ngunit heto nanaman sya at nagtatanong muli. "Bakit hindi ka makatingin sa akin? Galit ka ba?" tanong nya kaya naman ay tumayo ako sa kama at bumaba. "Hindi." sagot ko at hinahapong nagtungo sa kusina upang hugasan ang basong pinag-gamitan.

Sinundan nya naman ako hanggang kusina, sumandal sya sa gilid ng lababo at hinuhuli pa rin ang tingin ko. Paniguradong kulay kamatis na ang pisngi ko sa sobrang pamumula nito. Dagdagan mo pa kasi ng paninitig at panunuri nya. "May nagawa ba ko?" tanong nya.

"Wala nga," mahinang saad ko. Bakit ko ba kasi naisip ang mga bagay na iyon kanina. Iniisip ko lang naman na maswerte ang mapapangasawa nya dahil maalaga ito, hindi ko naman inakala na aabutin ako sa pagiisip na gusto ko nga sya. "Bakit hindi ka makatingin? Tignan mo ako kung totoong hindi ka galit." utos nya. Para sa ikatatahimik nya ay sinubukan ko na tumingin sa kanya. Nang magtagpo ang tingin namin ay malakas nanaman ang kabog ng dibdib ko.

Gusto ko nga sya. 

"Hindi ako g-galit baliw." kunwari pa akong natawa at umiwas ng tingin. "Tara na nga." ani ko at iniwan sya doon. Hawak hawak ko pa rin ang sariling dibdib nang marating ang kwarto. Tahimik akong nahiga roon, naramdaman ko na humiga na rin sya. Nakaharap ako sa kabilang dulo kaya naman ay nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung paano papakalmahin ang puso ko. Sobrang bilis ng tibok nito, para bang may ilang daan na kabayo ang tumatakbo rito.

"Hindi talaga ako makatulog.." bulong ko dahil iyon naman ang totoo. Hindi nga lang nya alam na sya ang dahilan kung bakit hindi ako madatnan ng antok ngayon. Akala ko ay tulog na sya dahil hindi sya nagsalita, naramdaman ko na lang na tumayo sya kaya naman ay humarap ako.

Binuksan nya ang maliit na kabinet at saka nilabas ang gitara doon. Medyo may kalumaan na pero alam mo na ingat na ingat ito. Nahiga ako habang pinapanood syang hilahin ang isang maliit na silya upang maupo roon. Ilang strum palang ng gitara ay naantig na agad ang aking puso.

"Tanda mo ba no'ng una tayong magkitang dalawa?" awit nya. Sobrang lamig ng kanyang boses, ngayon ko lang ito narinig kaya naman hindi ko maiwasang magulat.

"Ihip lang ng hangin nandito no'ng wala ka pa

At sa gabi na ito, ikaw lang ang nakita ko
Sabay hawak sa 'yong kamay

 

Ikaw lang ang aking mahal
Iibigin kita na parang tala at buwan


Hawak ang 'yong mga kamay
Sa liwanag ng buwan nagsimula ang lahat."

 

Halos hindi ko inaalis ang tingin sa kanya habang nakapikit sya at dinadamdam ang bawat lirikong sinasambit. Habang patagal ng patagal ay mas lalo ko lamang syang hinahangaan. Baka hindi lang dahail sa kabaitan, baka dahil gusto ko talaga sya. Naalala ko ang lahat ng ginawa nya sa akin. Ang pagpupunas nya ng aking mga kubyertos bago ko pa man ito gamitin, ang hindi nya pag-iingay sa bus nang makita nyang naroroon ako at natutulog, ang pagbili nya ng pandikit sa katirikan ng araw para lang maayos ang aking sapatos, ang paghahatid nya sa akin sa terminal sa bawat uwi ko, ang paglalagay nya ng kendi sa aking bag para lamang hindi ako mahilo sa byahe, ang pagdadala nya ng biskwit at mineral sa tindahan ni Aling Myrna araw araw at ang bawat pagligtas nya.

 

Bakit kailanman ay hindi ko naisip na hindi ko lang sya gusto bilang kaibigan? Na gusto ko sya bilang lalaki na nakilala ko man sa maikling panahon, alam ko na hindi ako pababayaan. Gusto ko sya bilang sya. Bilang Vincent. 

 

"Tanaw mo ba ang liwanag ng ating nakaraan?
Dito sa ating tagpuan nagbago ang lahat


Masilayan ang taglay ng iyong ganda
Bituing nagniningning, nagkaisa, ha


Mga pangakong nabuo at simula
'Di namalayan, oras ay lumipas na."

 

May tumulong luha sa gilid ng mata nya. Hindi ako namamalikmata dahil gising na gising pa ang diwa ko. Hindi ko alam ang mararamdaman, sobrang ganda nyang pagmasdan.

 

"Ikaw lang ang aking mahal... Hawak ang 'yong mga kamay, hmm.." awit nya. "Sa ilalim ng buwan.." halos bulong na lang iyon.

 

Hindi sya dumilat at nanatiling nakapikit lamang bago sya muling nagsalita. "Ang hirap," usal ni Vince habang pagod na hinihiga ang ulo sa sandalan ng kanyang silya. "Ang hirap maging mahirap."

 

Kumirot ang puso ko sa narinig. Hindi naman kami ganoon karangya ngunit kahit papaano ay hindi kami hirap sa gastos. Si Vince, kailangan nya pa humanap ng doble dobleng trabaho para lang punan ang sariling pangangailangan.

 

Nasaan ang mga magulang mo?" nangungunti kong tanong. "Huwag mo na sagutin kung h-hindi ka kumportable." bahagya kong ngiti kahit alam ko na hindi naman nya ito makikita. Gusto ko lang maramdaman nya na kahit ngayong gabi, kahit isang gabi lang.

 

Hindi sya mag-isa. 

 

Binuksan nya ang kanyang mga mata at saka huming ng malalim bago nagsalita.

 

"Hindi ko rin sila kilala," usal nya kaya naman ay napatayo ako ng bahagya. Inis na sa sarili dahil naitanong ko pa 'yon. Sobrang sensitibo siguro nito para sa kanya. "Galing ako sa ampunan. Kagaya rin ako nila Chukoy noon.. pakalat kalat sa kalye, kung saan saang bangketa nakatira, nanghihingi." paliwanag nya, halos mawasak naman ang puso ko sa narinig. Habang ang isang kagaya ko ay may kumportableng higaan, masasarap na kinakain.. isa naman si Vince sa mga batang naghahanap ng kalinga ng magulang. Sobrang sama ng mundo sa kanya.

 

"Isa si Aling Myrna sa tumulong sa akin kaya malaki na rin ang utang na loob ko sa kanya. Kapag nakakapagluto sya ay inaabutan nya ako ng lugaw o hindi naman kaya ay ulam. Sapat na para makakain ako sa araw na 'yon. Lumaki ako na walang kinikilalang magulang. Hindi ko nga alam ang salitang nanay o tatay, basta tumatak na sa utak ko na kung hindi ako magtatrabaho habang maaga, hindi ako mabubuhay sa mundong ito." kwento nya. Naupo na ako at nakinig sa kanya habang sya ay diretso lang na nakatingin sa kanya.

 

Alam ko na mahirap din sa kanya ang magkwento kaya naman hindi ko maiwasang humanga na naririto sya't malakas na hinaharap ang masalimuot na nakaraan. "Nakakapag-aral lang ako sa tuwing may gumagala na mga guro riyan sa kalye, kahit papaano natuto akong magsulat at bumasa ngunit hanggang doon lang 'yon. Napadpad ako sa terminal, nakita ko roon si Mang Ising na nagtitinda ng tubig, napansin ko na kahit papaano ay marami ang nagiging benta nya kaya naman kahit nahihiya ako, lumapit ako kay Aling Myrna upang manghiram ng puhunan. Kakaunti pa nga lang ang paninda ko noon dahil hindi ko pa naman alam kung magkano ba o kung kaya ko rin ba ang trabahong iyon."

 

"Hanggang sa tumanda na ako sa buhay na ganito. Sapat na yung nakakakain sa araw araw, sapat na ang nakakakita ng liwanag sa kamaynilaan, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng tren. Sanay na sa usok. Kailangan kong sanayin yung sarili ko kasi wala naman akong ibang aasahan, hindi ako pwede tumigil dahil hindi ako makakakain kung titigil at hihiga lang ako. Hindi naman ako tinatanggap sa mga trabaho dahil maski elementarya ay hindi ko natapos. Gustong gusto ko man mag-aral, libre man ang pag-aaral, hindi ko pa rin kayang sustentuhan ang sarili ko sa ganoong sitwasyon. Alam na alam kong magigipit at magigipit pa rin ako."

 

"Nabuhay na ako ng ganoon ang nasa isip, hindi ko naman pala kailangan ng pag-aaral eh. Kailangan ko lang ay malakas na buto para buhatin ang bawat kahon at ilako ito sa buong kamaynilaan. Gustong gusto kong magalit sa mga taong nag-iwan sa akin ngunit paano ko iyon magagawa kung nung una palang ay pinagkaitan na ako na makilala sila." 

 

Hindi ko namalayan na may luha nang tumulo sa aking pisngi dahil sa mga kwento nya. Totoo nga na sobrang hirap maging mahirap dahil isipin mo.. libre nga ang pag-aaral ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon rito. Hindi lahat ay hinahayaan makapasok dito dahil kahit sabihin mo na libre, may babayaran at babayaran ka pa rin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at basta na lang syang hinagkan. 

 

Hindi ko kasi masikmura ang mga nangyari sa kanya. Sa ganito kong edad ay masaya kong inaalala ang pagkabata ko, sa bawat paglaro ng mga laruan, pagpasyal sa mga parke na gusto naming puntahan, sa mga pagkain na gusto naming makain. Samantalang may mga bata pala na kagaya ni Chukoy at Vince na naghihirap at hindi makakain kung hindi gagalaw.

 

Nagulat pa si Vince nang maramdaman ang yakap ko. Wala na akong pakielam dahil hindi na kaya ng puso ko ang mga narinig. Sa isang taong mabuti kagaya ni Vince, masasabi ko na hindi patas ang mundo sa kanya. Hindi kailanman ginusto ng isang tao ang mabuhay sa mundong ito kaya hindi sila nararapat maabandona o maiwan ng kahit sinong magulang. 

 

Nang makabalik ako sa pwesto ay nakatingin lang sya sa akin. Hindi sya nagsasalita at taimtim lang na nakatingin ng diretso sa aking mga mata. Doon ko lang napagtanto na nakakahiya ang aking ginawa ngunit nadala lang naman ako ng emosyon. Palis palis ang luha ay nag-angat ako ng tingin sa kanya nang marinig syang magsalita.

 

"Lorenzo." tawag nya sa pangalan ko. "Alam mo bang sobrang hirap mong abutin pero sobrang hirap mo ring iwasan."bulong nya.

 

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Nakita ko ang mga mata nya na puno ng emosyon at lungkot. "Ano iyon?"

 

Umiling sya at ngumiti saka nya itinago ang gitara sa kabinet. "Wala, matulog na tayo." ani nya. Hihiga na sana sya ngunit pinigilan ko ito dahil hindi ko narinig ng ayos ang sinabi nya.

 

"Ano nga 'yun, Vince?" pagpupumilit ko. 

 

Ginulo nya ang buhok ko saka muling nagsalita, mas malakas na ngayon kumpara noong una.

 

"Wala.." usal nya.

 

"Ang ganda mo, sabi ko." 

Notes:

hi five thirty peeps !! sorry huhu late, andami k kasi ginawa :( but anyways, happy reading !!

ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

Chapter 9

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

vince & lorenz

pls expect a lot of grammatical errors & typo. not proofread!

 

happy reading !!

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

Halos hindi rin ako nakatulog ng gabing iyon kaya naman kinabukasan ay puyat na puyat ako at tanghali na rin nang magising. Pagbangon ko ay wala na so Vince sa kama kaya naman naisip ko na baka umalis na ito kaninang madaling araw upang maglako. 

Sandali muna akong nahiga sa kama at nasa nag-isip. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na naririto ako sa bahay ni Vince samantalang nitong mga nakaraang araw ay pahirapan pa ako kung makikita't makakausap ko ba sya.

Ilang minuto rin ang lumipas nang mapagpasyahan ko na tumayo na upang maghilamos. Nakita ko kaagad ang isang bagong sipilyo na may karton pa, hindi pa bukas na sachet ng toothpaste at bagong mga labas na tuwalya at panyo. Napangiti agad ako dahil alam ko na si Vince ang naghanda at nagayos ng mga ito, alam na alam nya kung paano mamuhay at paano magiging kumportable ang isang tao.

Pagkatapos maghilamos ay nakuha ng isang pirasong papel na nakasabit sa gilid ng pader. Agad akong nagtungo roon upang tignan ang nakasulat.

 

Lorenz,

Hinanda ko na ang mga gagamitin mo sa lababo upang hindi ka na maghanap. Nakapatong rin sa tabi ng kama ang damit na pwede mong suotin pabalik sa Cavite. Oo nga pala at naghanda ako ng pandesal at lugaw riyan ngunit baka malamig na 'yan pag-gising mo kaya ipainit mo na lang, may kape rin akong hinanda. Ituring mo na bahay ang bahay ko, huwag kang mahihiya na gumamit ng kung ano riyan.  Makakauwi rin ako maya-maya kaya sana ay sabay tayo makapananghalian.

 

Maging ang sulat-kamay ng taong ito ay maganda. Halatang magaan ang kamay dahil sa linis ng sulat at ng papel. Nagpainit ako ng tubig at nagbukas ng kalan upang mapainit na ang lugaw dahil lumamig nga ito. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang mga kubyertos at plato na ginamit. Nagpadala ako ng text message kay Loreign na nagsasabing mamayang hapon pa ang uwi ko, sinabi nya rin ito kay Mama. 

Naisipan ko na linisin ang bahay ni Vince, malinis naman ito ngunit wala rin naman akong magawa. Nagsimula ako sa pagpupunas ng kanyang mga display at iba pang gamit sa bahay. Pagkatapos ay nagwalis na rin at nagbunot. Nakita ko ang kanyang mga sinampay at napansin na lahat ng damit ay puti. Kinuha ko na ang mga iyon sa sampayan at sinimulan na ring tupiin ang mga ito.

Panigurado kasing pagod na si Vince paguwi kaya para naman makatulong at makabawi sa ginawa nyang pagliligtas at pagpapatuloy saakin ay ako na ang gumawa ng mga gawain dito sa bahay nya. Hindi naman ako nahirapan dahil nga sabi ko, malinis na ito. Kaunting punas at kaunting dilig lang ng mga halaman sa harap ng bahay nya ang ginawa ko. Hindi ako sanay rito sa Maynila dahil umaga pa lang ay maingay na, maririnig mo na agad ang ingay ng tren sa itaas, dagdagan mo pa ang ingay ng mga busina ng sasakyan dito sa ibaba kaya hindi ko maiwasan maawa kay Vince.

Pagod na sya paguwi at matutulog na ngunit hindi pa man nakakabawi ng lakas ay magigising na ito sa ingay ng mga sasakyan. Naisip ko agad na puyat sya dahil anong oras na kami nakauwi kagabi at anong oras na rin nakatulog dahil naisipan pa naming mag-usap pagkatapos ngayonhn ay kailangan nya pang gumising ng maaga upang kumayod. Nang matapos ako sa pagtutupi at pagdidilig ay naisipan ko na magsaing na upang kakain na lang kami mamaya paguwi nya, ayoko na rin kasi na sya pa ang kumilos mamaya lalo na't pagod na ito galing trabaho.

Binuksan ko ang lagayan ng bigas at nakitang wala na itong laman maliban sa apat na butil ng bigas. Hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil hindi ko kailanman naranasan ang mga bagay na ito. Hindi ako kailanman nag-isip na baka ubos ang bigas namin dahil palagi naman nagii-stock ang mama ng kaban. Hindi ako kailanman nangamba dahil hindi ko kailanman iyon naranasan. 

Nagpunta ako sa aking bag at kinuha ang isang limang daang perang papel sa aking wallet. Sinarado ko ang bahay ni Vince at saka nagsimulang maglakad para naman maghanap ng malapit na tindahan. Nang makarating sa bilihan ay agad akong bumili ng limang kilong bigas. Medyo nahirapan pa ako sa pagbubuhat dahil may kabigatan rin ito. 

Pagdating sa bahay ni Vince ay isinalin ko na agad ang bigas sa kanyang lagayan, tuwang tuwa pa ako ng mapuno ko ito habang may natitira pang kaunti sa plastik kaya naman iyon na lang ang ginamit ko sa pagsasaing. Binantayan ko ito dahil mahirap na at baka masunog ito. Nakita ko na nag-leave sa aming groupchat si Adi, hindi naman nagulat ang dalawa sa ginawang pagalis ni Adrian at nagtanong lang kung bakit. Hindi ko na sila sinagot dahil mahihirapan lang ako sa pagkukwento sa chat, marami pa namang oras para doon. Halos hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga kilos na ginawa ni Adi kagabi. May parte sa akin ang nasaktan dahil akala ko ay eto na yung panahon kung saan makakakilala ako ng mga bagong kaibigan.

Naupo muna ako sa sala pagkatapos maluto ng kanin. Maya maya lang rin naman ay dumating na si Vince dahil nakita ko na ito sa bintana kaya tumayo na muna ako bilang respeto sa kanyang bahay. Pinapanood ko lang sya habang ginagala ang kanyang paningin. Nang makita nya ako ay ngumiti sya. Ibinaba nya ang isang supot na kanyang dala-dala sa lamesa at saka kinuha ang tuwalya sa likod ng kanyang pintuan.

"Kumain ka na ba?" tanong nya habang sinasakbit ang body towel sa kanyang balikat. Tumango naman ako at nagsalita, "Oo. Kinain ko yung lugaw na iniwan mo." saad ko. 

"Mabuti naman. Dyan ka muna at magbubuhos lang ako sandali, sobrang init ng panahon tapos ay amoy-araw rin ako. Hintayin mo ko pagkatapos ay pagsaluhan na natin ang dala ko- ay, magsasaing pala muna ako-" hindi na sya natuloy sa paglalakad patungong kusina dahil pinigilan ko na sya.

"Uh nagsaing na ko.. sorry pinakelamanan ko yung mga gamit mo." usal ko. Tumingin lang si Vince sa akin, may pagtataka rin sa mukha nya. Galit ba sya? Hindi ko mabasa. Ngunit ano't ano pa man ay tumango na lamang sya. "Wag ka na mahiya. Hindi ba't sabi ko ay maging kumportable ka rito?" usal nya habang nakatingin sa akin.

Ang gwapo nya. Alam ko na ilang beses ko na sya nakita sa ganitong porma. Yung tipong kahit ang puting t-shirt nya ay maaaninag ng kahit sino dahil sa sobrang puti nito. Lagi nya rin itong binabagay sa isang maong na may sira sirang design. Hindi nya kailangan ng magagarbong damit at mga branded dahil kayang kaya nyang pormahan ang kahit na ano.

"Ah, oo. S-sige ihahanda ko na ang mga plato." usal ko at saka tumalikod na sa kanya. Nakakahiya. Nagtatanong sya ng maayos samantalang ako ay nag-iisip kung gaano sya kagwapo. Naalala ko tuloy ang mga nasa isip kagabi, gusto ko nga talaga sya. Akala ko ay nananaginip lang ako ngunit ngayon na nandito ako at buhay na buhay ibig sabihin lang ay totoo rin ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nang matapos ako sa paghahanda ng pagkain ay naupo muna ako upang tignan ang phone ko. Wala naman akong masyadong makita dahil hindi rin naman ako mahilig sa ganito. Maya maya lang rin ay lumabas na si Vince. 

Nakasuot sya ng puting sando at itim na shorts na hanggang itaas ng kanyang tuhod. Nasa balikat pa rin ang tuwalyang ginamit at basang basa pa rin ang buhok na tumutusok sa kanyang mga mata. Mas kitang kita rin ang kanyang anklet na may nakaukit na medisina. Nagiwas ako ng tingin dahil sobra sobra nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Paano nakakayanan ng mga taong nakakasalamuha nya ang ganitong mukha.

Paniguradong kung ako ang nasa kanilang pwesto ay hindi na ako makakapagsalita kung ilan o ano ang bibilhin sa kanya dahil mas gugustuhin ko na lang na titigan ang kanyang mukha. "Lorenzo?" tawag ni Vince. Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti at lumingon sa kanya. Kalma, Lorenzo.

"Bakit?"

"Kain na tayo. May iba ka pa bang gustong kainin?" malambing na saad ni Vince na halos makapanghina ng tuhod ko. Ilang sunod sunod na lunok ang ginawa ko bago sunod sunod na iniling ang ulo. Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng pagkagusto sa kanya ngunit ang lambing talaga ng boses ni Vince palagi. Yung tipong hindi naman malakas pero malambot.

"Wala naman," usal ko at kunwaring tumawa para naman maalis ang kaunting kaba sa loob ko saka nagtungo papalapit sa kanya. "Kain na tayo." saad ko habang nakatingin sa kanya.

Napansin ko na nagpipigil sya ng ngiti at tinataas taas pa ang dalawang kilay ng bahagya, para bang may napapanood syang nakakatuwa kaya naman umiwas na ako. "Hmmm, kamusta naman ang tulog mo?" tanong ni Vince habang nakain kami. Kahit yata magkaharap lang kami sa pagkain ay hindi ko kayang tignan sya ng diretso dahil nakakahiya.

"Ayos naman." tipid na saad ko at saka muling sumubo. Napansin ko na tumango tango sya habang kumakain.

"Anong oras mo balak umuwi?" tanong nya kaya naman ay kumunot ang noo ko. "Pinapauwi mo na ba ako?" tanong ko.

Tumawa si Vince at pinantakip pa ng kanyang bibig ang likuran ng palad. "Hindi ah. Kung gusto mo ay dito ka na tumira eh," bira ni Vince kaya naman hindi ko maiwasan mamula.

"B-bakit naman ako dito titira.. may pamilya pa ako sa Cavite." usal ko kahit nahihirapan na ako magsalita dahil ngiting-ngiti sya sa harapan ko.

"Hmm, sabagay. Ayoko rin naman na dito ka tumira.." bulong nya. Ayaw nya na dito ako tumira? Nakakairita ba ako sa paningin nya? 

Nang matapos sa pagkain ay pinilit ko sya na ako na ang magligpit, ayaw nya pa noong una ngunit wala na rin namang nagawa. Habang nagliligpit ay nakasandal sya sa sa pader habang nakikipagusap sa akin. 

"Dumalaw pala ako kay Chukoy kanina. Tuwang tuwa yung mga bata tapos hinahanap ka sa akin." tumango na lang ako dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ayaw nya ako ditong patirahin. Hindi naman sa gusto kong tumira dito dahil sobrang wirdo naman noon lalo na't bahay nya ito ngunit medyo nakakaoffend lang dahil bakit hindi? Nakakainis.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ni Vince kaya naman umiling lang ako. Nainis talaga ako sa bulong nya kanina kahit hindi pa ako sigurado kung tama ba yung narinig ko. "Galit ka ba?" tanong nya at saka umayos ng tayo.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paghuhugas ng plato. Nakita ko sa gilid ng aking mata na nilagay nya sa bulsa ang kanyang dalawang kamay at naglakad papalapit sa gawi ko.

"Lorenzo," tawag nya. Naghugas na ako ng kamay at saka nagpunas sa sariling damit. Dinala ko na rin ang tuwalya na kanyang hinanda at saka nagtungo diretso sa banyo. "Aw, galit nga." rinig kong saad nya bago ko sya iwanan roon.

Pagkarating sa loob ng banyo ay huminga ako ng malalim. Natatangahan sa sarili sa aktong ginawa. Malamang ay hindi nya gusto na dito ka manirahan, Lorenzo. Hindi ka naman nya kadugo o ano, ikaw na itong tinulungan ay ikaw pa ang may ganang mag-inarte ng ganyan. Tinapos ko na agad ang pagligo upang makahingi kaagad ng tawad sa inasal ko kanina. Nakakahiya talaga na tinulungan nya ako pagkatapos ay iniwanan ko lang sya doon. Mukha pa namang tuwang tuwa sya ibalita na hinahanap ako nila Chukoy.

Nang makatapos ay lumabas na ako at hinanap kaagad sya. Agad ko naman syang nakita sa may pinto na nakatayo at nakatalikod kaya agad akong nagtungo doon.

"Vince sorry," paghingi ko ng tawad. "Huwag ka munang humarap! Please huwag ka munang humarap kasi nahihiya ako." nagpapanic na saad habang pinipigilan sya sa pagharap.

"Sorry sa inakto ko kanina. Para akong bata kasi hindi kita pinansin tapos parang wala akong narinig. Ah, basta sorry. Sobrang mali talaga nung ginawa ko. Nainis lang naman ako doon sa- basta iyon." usal ko habang nakatungo. Hindi sya nagsalita kaya naman kinabahan na ako.

"Pwede na ba akong humarap?" tanong nya. Hindi na ako sumagot at hinila na lang ng bahagya braso nya upang paharapin sa gawi ko. Pagtingin nya sa akin ay tumawa sya ng bahagya. "Pwede ako magsalita?" tanong nya habang ngiting-ngiti pa rin.

"Syempre naman." nanghihina kong sagot. Tumango tango sya habang pinipigilan ang ngiti. "Saan ka nainis?" tanong ni Vince. Agad nanamang nag-akyatan ang hiya sa katawan ko nang maalala iyon. Ngayon lang rin napagtanto na sobrang babaw nga noong kainainisan ko at nakakahiya. "Gusto kong malaman kung anong ginawa ko o sinabi ko kaya ka umakto ng ganoon." tanong ni Vince.

Hindi ko alam kung kinagagalitan nya ba ako sa seryosong tono ng kanyang boses o hindi kaya hinehele dahil kahit ganoon, may kalambingan pa rin ito.

"Sabihin mo para naman mapaliwanag ko yung sarili ko kung sakali man na nagkamali ka lang ng intindi.." usal nya. "Pero humihingi na agad ako ng sorry kung sakaling ako talaga ang mali."

Halos hindi na talaga ako makapagsalita ngayon. Paano ko sasabihin ang sobrang babaw na dahilan gayong ganyan sya umasta sa harap ko ngayon. "Lorenzo? Hindi tayo uusad nyan kung hindi mo sasabihin sa akin ang mali ko." mahinang tugon nya.

"Paano mo naman nasabing mali mo agad? Paano kung nag-iinarte lang ako? Huwag kang nasasanay na inaako agad yung mali." usal ko. Dahan dahan syang tumango habang nakangiti. 

"Okay. Makakaasa ka, boss. Balik tayo.." tinagilid nya ng bahagya ang ulo habang magkakrus ang dalawang braso. "Bakit ka galit?" tanong nya.

I sighed in defeat. "Kasi diba kanina habang nakain tayo.. sabi mo ay ayaw mo ako d-dito tumira. Medyo n-nasaktan lang ako nung sinabi mong ayaw mo din na dito ako tumira- pero gets ko na! Totoo, iniisip ko 'yan kanina sa banyo.. na mali talaga ako sa pagkakaintindi at naiintindihan ko na ngayon yung point mo.." paliwanag ko.

Vince is just smiling, probably finding everything I said amusing. "Nasaktan ka sa sinabi ko?" tanong nya na para bang iyon lang ang narinig sa mga sinabi ko.

Nahihiya man ay unti-unti akong tumango dahil totoo naman. "Pero naiintindihan ko na nga ngayon. Kahit naman sino ay ganoon rin ang sasabihin diba.. I mean- hindi mo naman ako kadugo, nakilala mo lang ako sa terminal. Mahirap na malay mo akyat bahay pala ako?" saad ko.

Vince bursted out laughing. "Ano naman ang nanakawin mo sa akin kung ganon? Kakaiba ka pala sa lahat ng mga akyat bahay..." usal nya kaya naman nakakunot na ngayon ang noo ko.

"Mantakin mo na ikaw lang ang akyat-bahay na nagpuno ng bigasan ko. Ikaw lang ang akyat-bahay na naglinis ng bahay, nagtupi ng tuyo kong damit at nagdilig ng mga halaman ko sa labas. Aba, sobra naman yata ang swerte ko sa akyat-bahay na 'yan." natatawang saad nya.

Namula ako sa sinabi nya. Tama nanaman sya kaya nainis nanaman ako. 

"Totoo yung sinabi ko na ayokong manirahan ka dito pero hindi dahil doon. Jusme, akala ko naman nagalit ka dahil amoy pawis ako." saad nya. 

"Hindi ka naman amoy pawis ah!" saad ko dahil totoo naman. Lagi nyang iniisip iyon kahit sobra ang bango nya.

"Talaga? E di mabango ako?" tanong nya habang nakangisi. Tumango ako dahil totoo naman. Umiling sya bahagya habang nag-pipigil ng ngiti. "Nalintikan na." bulong nya.

Mabilis dumako ang oras at ngayon ay papalabas na kami sa kanyang bahay upang magtungo sa istasyon ng bus. Pinanood ko sya habang nilalock nya ang pintuan pagkatapos ay isinilid ito sa kanyang bag. Sasabay na raw kasi sya patungo sa kanyang trabaho.

Nang makalabas ay binuksan nya ang kanyang payong dahil mainit at saka ito iniabot sa akin. "Dalhin mo na sa Cavite 'yan. Baka mainit rin doon wala ka pa naman yatang dalang payong." usal nya.

"Anong ginagawa mo dyan sa initan?" tanong ko dahil iniabot nya sakin ang payong ngunit sya naman tong nakababad sa initan. Tirik na tirik kasi ang araw pagkatapos ay nandoon sya. Naglabas sya ng isang good morning towel at saka ito pinalandong sa kanyang ulo.

"Ikaw na ang gumamit dahil maliit rin yan." usal nya. 

"Dito ka na. Kasya tayo rito, bakit ba nagpapainit ka?" tanong ko. 

"Ayos nga lang sige na ikaw na ang gumamit-" pinutol ko na sya sa pagsasalita. Nakakairita kasi na palagi syang nagpapaubaya sa akin gayong kaya naman namin maghati sa lahat ng bagay.

"Vincent, tumabi ka na." saad ko, ubos na ang pasensya. Natigilan naman sya roon at saka sumukob sa payong. Kinuha nya iyon sa kamay ko at sya ang naghawak. Nagsimula na kaming maglakad papalabas sa kanilang eskinita upang makasakay ng jeep patungong terminal.

"Galit?" tanong ni Vince. Tinignan ko sya at saka natawa. "Bakit naman?" sagot ko dahil paano nya naman naisip na galit agad ako. 

"Wala lang. Tahimik ka eh. Alam mo kung anong kinatahimik mo, sya 'tong kinaingay ng utak mo." usisa nya.

"Paanong maingay yung utak ko?" ako naman ngayon ang nagtatanong.

Kinuha nya ang bag ko habang nagsasalita. Nagulat pa ako ng bahagya roon ngunit hinayaan ko na lang. "Pansin ko kasi na laging okupado yung isip mo, parang laging may iniisip. Alam mo yung tipong tahimik ka naman pero hindi ko alam na sobrang dami na palang tumatakbo sa isip mo. Sobrang hirap mong basahin palagi." saad nya na kinatahimik ko naman.

"Hmm, is that a bad thing?" tanong ko. 

Vince chuckled. "Kailan ba ko nagisip ng masamang bagay tungkol sayo. Kapag maririnig yung pangalan na Lorenzo, tatak na sa isip ko na puro magandang bagay ang nandoon." nanghihina nyang saad. Hindi ako makapagsalita dahil sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Hindi maganda na palagi nating itinatago ang lahat ng iniisip natin pero hindi ibig sabihin na masama na ang pag-iingay ng utak, Lorenz. Minsan may mga bagay na masarap isipin lang, yung hindi natin kailangan ilabas. Alam kasi natin na kapag nandito lang.." minuwestra nya ang kamay sa kanyang sentido. "Walang huhusga. Walang tututol. Kapag nasa utak lang.. nasasabi natin yung mga salitang hindi natin mailabas. Mga salitang natatakot tayo sabihin kaya hanggang isip na lang." paliwanag nya.

Tumango naman ako dahil totoo ang sinabi nya. Some things are better left unsaid. 

"Pero paano kung may taong hindi pala huhusga sayo? May tao palang kayang makinig sa mga gusto mong sabihin.." usal ko habang malayo ang tingin. Sya agad ang nasa isip ko dahil gaya naming dalawa, handa syang makinig sa akin. "Paano kung may taong gustong gustong makinig yung mga daing mo, yung mga reklamo mo. Yung mga kwento mo? Hindi ba mas nakakagaan ng loob yun. Yung malaman na may taong nandyan para.. alam mo yun? Ngumiti, mainis at umiyak kasama ka. Atleast doon, alam mong hindi ka nag-iisa. Panatag ka na may kasama ka." paliwanag ko habang nakangiti sa kawalan.

Hindi ko maiwasang isipin na si Vince ang tao na iyon. Ang taong nagparamdam na kahit gaano ako kairita sa mundo, hindi nya ako kaiinisan bagkus ay sasamahan nya ako. Si Vince yung tao na hindi ka magaalinlangan sa lahat kasi alam mong kapag nandyan sya, wala ka dapat ipangamba kasi sagot ka nya. Hindi mo kailangan matakot kasi alam mong ligtas ka. Hindi mo kailangan mag-isip kasi nag-iisip ka pa lang.. may sagot na sya.

Tinignan ko sya at nakitang seryoso ang kanyang mukha. Para bang may iniisip rin kagaya ko.

Nang makarating kami sa sakayan ng jeep ay hindi na kami nagantay pa ng matagal dahil hindi naman siksikan. Si Vince ang nagbayad ng pamasahe namin dalawa. Nakatitig lang ako sa daan habang nilalandas ang kahabaan ng highway. Si Vince naman ay tahimik pa rin hanggang ngayon, magmula noong huling usap namin kanina sa daan ay hindi sya nagsasalita.

Hanggang sa makababa kami ay hindi sya nagsasalita kaya naman ay nag-alala na ako. "Ayos ka lang Vince?" ganoon na lang ang gulat ko ng yakapin nya ako.

Nakaramdam ako ng takot at kaba nang maramdaman ang dibdib nya. Dahil gaya ng sa akin ay tumitibok rin ito ng pagkalakas at mabilis. Parang tumigil ang buong paligid, parang nakarinig ako ng romantic song. Halos hindi ako makahinga sa yakap na ginawad nya. Ni hindi ko nga alam kung gumagalaw pa ba ang mga tao dahil lahat ng atensyon ko ay napunta sa kanya na yakap yakap ako sa kalagitnaan ng highway.

Ang lakas ng ihip ng hangin, tunog ng tren sa itaas pati ang tunog ng kanyang puso. Hindi ako manhid. "Lorenz.." bulong nya sa akin.

"Hinihintay mo ba ako?" sobrang hina ng mga iyon. Hindi ko alam ang isasagot dahil ramdam ko na basa na ang balikat ko. Umiiyak ba sya?

"Lorenzo kailangan ko ng sagot.. hinihintay mo ba ako?" bulong nya habang nakayakap pa rin sa akin. "Sana ay hintayin mo ako. Parang awa mo na.." nanghihina na ang tuhod ko dahil alam ko na ngayon na umiiyak sya. Garalgal kasi ang boses nito. "Hintayin mo ako at ibibigay ko lahat ng gusto mo. Ibibigay ko ang buhay na nararapat para sayo, Lorenzo."

"Vince ano ba ang sinasabi mo? Hindi kita naiintindihan.." saad ko.

"Sagot, Lorenzo. Oo man yan o hindi, tatanggapin ko."

"Hihintayin mo ba ako?" tanong nya. Hindi ko na sya maintindihan ngunit, oo, hihintayin ko sya.

"Hihintayin kita, Vince."

"S-sabi nila.. kapag makati raw ang sugat ay senyales ito na pagaling na kaya huwag ko raw kakamutin kung hindi ay magsusugat muli at baka magpeklat.." usal nya, nakasubsob pa rin sa akin. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nya. "Pero kating kati na akong kausapin ka ng walang inaalala..." halos bulong nalang ang mga iyon.

"Pagaling na kaya itong sugat ko?" 

-

Matapos ang naging pag-uusap namin ni Vince ay sumakay na ako. Hinatid nya ako hanggang sakayan ng bus, halos hindi sya makatingin sa akin. Namumugto kasi ang mga mata nya. 

"Ingat ka," usal nya nang magpaalam na ako. Hinintay nya muna na makaalis ang bus saka ko sya nakitang nag-abang ng jeep. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan na mag-isip dahil magmula noon ay nagtatanong sya o hindi kaya nagsasabi na hintayin ko sya.

Natatakot ba sya na umalis ako at mapagod kakahintay?

Hindi ako mapakali sa bus, gustong gusto ko ng sagot. Alam ko na may gustong iparating si Vince kanina ngunit kahit anong isip ko ay hindi ko makuha ang gusto nyang iparating. Sabi nya'y mahirap ako basahin ngunit ang totoo nyan ay sya itong hindi ko mabasa basa.

Para bang hirap na hirap ako basahin ang nasa isip nya, kung anong tumatakbo sa utak nya, kung paano nya ako ilarawan sa isip nya. Kung may pagkakataon man na ihahain saaking magpunta at malaman ang lahat ng nasa isip ni Vince ay kukuhanin ko kaagad ang pagkakataon na iyon.

Tuloy pa rin ang tibok ng puso ko habang nakasakay sa bus kahit nakalayo na ako sa kyusi. Para bang sinisigaw nito ang pangalan ni Vince. 

Kinuha ko ang aking bag upang kumuha ng pambayad sa bus ngunit nagulat ako nang makita ang isang biskwit, tubig at tatlong pirasong kendi. 

Kasama nito ay ang dalawang bulaklak na papel at dalawang papel na may sulat.

Tinignan ko ang bulaklak na papel at hindi maiwasan mapangiti sa kung paano nya ito ginawa. Dumako naman ang tingin ko sa dalawang papel na may nakasulat. Una kong binuksan ang isang liham.

 

Lorenz,

 

Alam kong hindi ka makatulog kaya habang nakatalikod ka pa sa akin ay kinukuha ko na ang tyansa upang isulat ito para sayo. Kung mababasa mo man ito ay paniguradong nasa byahe ka o hindi kaya naman ay nasa bahay nyo na sa Cavite. Maaari ding mabulok ako rito sa bag mo at mahahanap mo na lang kung kailan mo ito bubuksan ngunit hindi ako mapapatigil noon sa pagsusulat ng liham na ito. 

 

Una sa lahat, sobrang ganda mo habang umiiyak. Hindi ko maiwasan tumingin sayo habang umiiyak ka pagkatapos ko ikwento ang naging buhay ko. Ang bawat pagpilantik ng iyong mga pilikmata, ang pagpikit ng iyong maririkit at singkit na mga mata. Ang pagtikom ng mapupulang labi, ang punto ng iyong ilong. Napakaganda mo, Lorenzo. 

Nawa'y alam mo at naniniwala ka sa mga sinasabi ko dahil iyon ay totoo. Maganda ka, hindi lamang sa paningin ko, kung hindi sa paningin ng lahat. Halos kabisado ko na yata ang bawat galaw mo. Ang bawat irap mo sa tuwing naiinitan ka habang natutulog sa bus, ang bawat paghaba ng nguso mo sa tuwing may hindi ka naiintindihan sa binabasa mo, ang bawat ngiti mo sa tuwing makakakain ng pares ni Aling Myrna. Sa tuwing nakikita kita ay parang wala akong karapatan mabuhay kasama ka sa iisang mundo, para bang kayang kaya mo ako paamuin at bilhin at isang sabi mo lang ay luluhod agad ako.

Palagi ka sanang mag-iingat kahit wala ako sa iyong tabi. Hindi sa lahat ng oras ay kaya kitang iligtas, Lorenzo. Hindi sa lahat ng oras ay nandyan ako para sagipin ka. Matuto ka sanang ipagtanggol ang sarili mo gaya ng ginawa mong katapangan nang kunin mo ang puso ko. Bantay sarado ko 'yan kaso wala eh, ang lakas mo kasi. Noong unang beses na bumili ka sa akin, parang hinila at tinapon ng pusa ang dila ko, ni hindi ko magawang magsalita para sabihin na salamat dahil bumili ka sa paninda ko. Ang tanging nagawa ko na lamang ay titigan ka habang nagmamadali kang bumaba sa bus na sinasakyan. Akala ko ay tapos na, akala ko ay makakabawi pa ako at mababantayan pa ang nararamdaman ngunit tumingin ka nanaman pabalik sa bus. 

Gusto kita, Lorenzo.

Itinigil ko na ang pagyoyosi dahil hindi naman ako mayaman para bumili ng stick maya't maya ngunit sa loob ng limang taon ay gumamit muli ako. Doon mismo sa mismong lugar kung saan mo ko nakita, nakatayo sa harap mo. Patuloy lang ako sa pag-iisip sa mukha mo kasi sobrang ganda mo. Hindi ka maalis sa isipan ko, hanggang umabot na ako sa ermita ay mukha mo pa rin ang nakikita ko. Noong gabing iniligtas kita ay parang pinaglalaruan ako ng Diyos. Sabi ko kasi ay huwag na akong i-tagpo sayo. Hindi naman ako dininig kahit araw araw akong nasa Quiapo. 

Nakita nanaman kita kinabukasan, ni hindi ko alam kung iiwas ba ako dahil hindi ko masikmura na makita kang naiinitan sa kalagitnaan ng kyusi hawak hawak ang iyong sapatos na nakanganga. Gustong gusto ko matuwa sa mukha mo dahil kahit inis na inis ka na ay maganda ka pa rin. Kaso ay bigla kang umiyak.. parang may sumapak sa utak ko dahil nakatingin lang ako sayo sa malayo samantalang nahihirapan ka na. Dumulog ulit ako sa Diyos na huwag patuyuin agad ang sapatos mo para naman makasama kita nang matagal tagal pa.

Gusto kong mainis sa Diyos dahil hindi naman ako pumapalya sa pagdaan sa Quiapo at Baclaran sa tuwing dumaraan ang bus doon ngunit nang makita kita sa isang byahe na natutulog ay halos lahat yata ng Diyos ay gusto kong pasalamatan. Hindi ko kayang mag-ingay sa takot na baka magising ka kaya kahit hindi ko gaano kilala yung konduktor ay sinabihan ko na maging tahimik sa pangongolekta ng bayad. Mukha kasing nakakaawa ka kung sakaling magigising ka, antok na antok ka siguro. Hinintay kita noong araw na iyon hanggang sumapit na ang alas syete kahit na ang sabi ko sayo ay hanggang alas sais lang ako, wala eh, sobrang lakas ng tama ko sayo.

Parang sasabog ang puso ko nang sabihin mong ipinagluto mo ako, parang gusto ko nalang ibigay sayo lahat ng pares at ako na ang titikim ng pininyahan na niluto mo. Paano ba naman, gusto na kita tapos ipinagluto mo pa ako. Parang kahit anong oras ay lulutang ako sa mga ulap, wala akong mahanap na pangit sayo. Halos lahat ng gawin mo may ritmo, parang lahat ba ay alam mong nasa ilalim mo. 

Andami ko pang gustong sabihin ngunit hindi sasapat ang papel na ito para sabihin ang nararamdaman sayo. Marahil ay hindi mo ito tanggapin o marahil lumayo ka na sa akin kung sakali mang mabasa mo na ito kaya ngayon pa lang ay pilit na kitang tinatanong kung kaya mo ba akong hintayin. Hintayin mo ako, Lorenzo. Kung hindi mo na kaya ay saka ka bumitiw.

Habang nandito ka ay buhay ako at habang buhay ka ay pipilitin kong mabuhay sa mundong ito. 

Gusto kita, Lorenzo.

Ingatan mo ang sarili mo dahil matagal-tagal pa akong mawawala sayo. Ngunit hindi na kagaya ng dati ay ipapaalam ko sayo ngayon na sayo lang ako, pagmamay-ari mo ako at humihinga ako dahil sayo. 

Ingat ka palagi sa bawat biyahe, mahal ko.

Notes:

hi five thirty peeps !! sana ay masaya ang mga gabi nyo hehe

ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

https://open.spotify.com/playlist/2aGtVW9wFKRg2h20u2MLz6?si=3f4dff6bfc8649c3

Chapter 10

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

vince & lorenz

— typo & grammatical errors ahead. happy reading!

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo 

-

Six months passed.

 

Kagaya noong nakasulat sa liham ni Vince, hindi ko na nga sya muling nakita magmula noong umuwi ako sa Cavite galing sa bahay nya. Sinubukan ko naman sya tawagan o hindi kaya hanapin ngunit parang kagaya lamang ng paghahanap ko sa kanya noong una syang umiwas at hindi magpakita sa akin, hindi ko nanaman makita o mahagilap ang anino nya.

 

May parte sa akin ang nasaktan sa paglayo ni Vince dahil kung kailan ko nalaman na pareho ang aming nararamdaman ay saka naman sya lumayong muli. Hindi naman na bago sa akin ang pagalis nya, ilang beses na ba akong nasanay sa ganitong pakulo nya. Kakausapin nya ako hanggang sa maramdaman ko na ako ang pinakamasaya sa lahat pagkatapos ay aalis sya. Hindi ko alam kung kaya ko ba syang hintayin ng walang kasiguraduhan lalo na't hindi ko alam kung babalik pa ba sya.

 

Pero dahil sya si Vince at hindi sya ibang tao. Magtitiwala ako at hihintayin ko sya.

 

"Grabe hindi ako makapaniwala. One month na lang second year na tayo!" usal ni Kia. Ngumiti ako sa kanya dahil totoo naman iyon, parang noong una lang ay sinusubukan nya pa akong kausapin sa pila ng admission pagkatapos ngayon ay sabay na namin tatahakin ang second year. "Anong pinaguusapan nyo?" singit ni Geoff sa amin at saka umakbay sa amin pareho ni Kia. Naupo sya sa gitna namin ni Kia at sumiksik.

 

"Wala ka na doon." pambabara ni Kia sa kanya. Ilang buwan na rin pala ang nakalipas pagkatapos ang insidenteng nangyari sa amin ni Adi. Magmula noon ay hindi na sya sumasama sa amin at iwas na sa akin. Hindi naman ako nalungkot bagkus ay kinatuwa ko pa iyon dahil medyo nabawasan ang pangamba ko sa kanya. Si Geo naman ay pinutol na rin ang ugnayan kay Adrian dahil hindi nya rin daw masikmura ang ginawa ni Geo.

 

Nalaman kasi nila ni Kia ang nangyari sa amin ni Adi noong gabing iyon. Palagi ko nga sinasaway si Kia dahil hilig nya ang magparinig kay Adi sa klase at sinusuway lang sya ni Geo, paminsan minsan ay ako ang sumasaway dito. Nitong mga nakaraang araw din ay hindi namin masyado nakakasama si Geo dahil kamakailan lang ay may kinikita raw ito na babae. Minsan nga ay inaasar ko ito ngunit hindi naman natutuwa roon si Kia, sa tuwing tinatanong ko ito ay iniiba nya na lang ang usapan huwag lamang mapunta kay Geo ang topic.

 

"Galit ka nanaman sakin. Lagi nalang galit eh." reklamo ni Geo na inirapan lang ni Kia. Alam ko na may nangyayari sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi ko ito matanong kay Kia lalo na't lagi syang iwas sa topic na iyon. Kung gusto naman nya ay marami syang oras para ikwento, hindi ko naman sya mamadaliin. Nagpaalam muna ako sa kanila upang kumuha pa ng ibang libro.

 

Habang naghahanap ng tamang book para sa gagawin na activity. Hindi ko maiwasan ngumiti nang mapansin ang isang bulaklak galing sa binigay ni Vince na bulaklak na papel. Dalawa kasi iyon, ang isa ay itinago ko habang ang isa naman ay tinupi ko at inilagay ko sa likod ng aking cellphone.

 

Para naman kahit papaano ay maramdaman ko na kasama ko sya. Miss na miss ko na si Vince. Apat na buwan na magmula ng huli ko syang makita at mula noon ay wala na akong narinig sa kanya. Sila Aling Myrna at Chukoy ay hindi rin alam kung saan ito nagtungo. Parang bumalik nanaman ang sakit na naranasan ko noong unang beses nya akong iwan ngunit hindi kagaya ng dati ay hindi na ito masyadong masakit dahil kahit papaano ay nalaman ko ang nararamdaman nya.

 

Hindi ko man alam ang rason nya sa pag-alis ay sapat na sa akin ang malaman na babalik sya.

 

Nang matapos ang klase ay naisipan namin magkaraoke nila Geo at Kia. Ayaw pa ni Kia noong una ngunit pinilit na lang namin ni Geo dahil pagkatapos nitong araw nito ay isang linggo kaming bakante kaya naman hindi muna ako makakasama sa bawat gala nila dahil nais namin umuwi nila Mama at Loreign sa aming probinsya.

 

"Kia tara na. Ang KJ mo talaga!" ani Geo habang pinipilit si Kianna. "Ikaw naman napaka-oa mo. Sinabi na nga na ayoko." sagot ni Kia at saka padabog na umupo sa upuan nya. Hindi naman sya tinantanan ni Geo kaya sa huli ay napapayag nya ito.

 

"Ano kakantahin nyo?" tanong ni Geo, hinayaan ko na muna sila maghanap ng kanta roon samantalang nagpadala naman ako ng mensahe kay Mama kung nasaan ako. Pinusuan nya lang ang litrato na ipinadala ko kaya naman itinago ko na muli ang aking phone.

 

Hanggang pagpili ng kanta ay nagtatalo sila. Paano kasi ay may tatlo naman na mikropono ngunit hindi sila magkasundo sa mga napipiling kanta. Kung anong gusto ni Geo ay ayaw ni Kia. Kung ano naman ang napili ni Kianna ay ayaw ni Geo kaya inabot rin kami ng siyam siyam sa pagpili.

 

Hindi na muna ako sumali nang makapili sila ng kanta, pinanood ko sila sa harap ko habang bigay todo sa pagkanta. Pareho naman maganda ang boses nila eh.

 

Unang linya palang ng kinakanta ni Kia ay nagtaasan na agad ang balahibo ko. Sobrang ganda kasi ng boses nya. Minsan ay nakikisabay ako sa kanilang dalawa ngunit dahil nga mas gusto ko na manood lang ay pinanood ko lang sila hanggang matapos ang kanilang kanta.

 

"I could be all that you needed If you let me try.." kanta ni Kia. Hindi ko maiwasang hindi maalala si Vince. Kamusta kaya sya?

 

Hindi ko alam kung paano ang buhay nya ngayon. Ngunit sana ay masaya at malakas ang pangangatawan nya. Hindi ko na muna ipinapanalangin na makita sya lalo na't palagi rin naman syang umaalis. Gawin nya muna ang dati pa nyang inaasam na gawin at saka sya bumalik. Hindi naman ako aalis, hindi ako lalayo. Palagi lang akong nandito, naghihintay sa kanya.

 

Alam kong kung nasaan man si Vince ngayon ay maganda ang lagay nya. Malaki ang tiwala ko na hindi nya pababayaan ang sarili nya dahil ganoon naman sya palagi. Lumaki sya sa sariling mga kamay nya, at isa iyon sa hinahangaan ko sa kanya. Alam ko na pagkatapos ng kahirapan na nangyayari sa kanya ngayon ay makakamtan nya rin ang saya at ginhawa na pinagkait sa kanya.

 

Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa aking mata habang iniisip ang taong gusto ko kaya naman nakuha ko ang atensyon ni Kia. Agad nya akong niyakap, nakita ko na nag-alala rin si Geo. Nakakahiya.

 

"Hala bakit ka naiyak! Sino nagpaiyak sayo? Susuntukin ko promise." pag-aalo nya sa akin. Umiling lang ako sa kanya at ngumiti, wala na rin halaga na itago sa kanila dahil nakita na naman nila. Kita ko ang pag-aalala sa kanilang mga mata, hindi kasi ako nagkukwento pagkatapos ngayon ay bibiglain ko sila ng iyak.

 

Hindi na kaya ng puso ko. Gustong gusto na kita makita, Vince. Sobra na ang anim na buwan para ipagkait sa akin ang presensya mo. Dalawang buwan pa nga lang ay halos hindi ko na kayanin, ngayon pa na umabot na ng anim na buwan. Sinusubukan ko rin magpunta sa bahay mo ngunit sa kung paano natin iyon nilisan nang magkasama noon ay ganoon na ganoon pa rin ang itsura nito ngayon.

 

Nasaan ka ba, Vince? Hanggang kailan ba kita hihintayin.

 

"Kia.." tawag ko sa kanya. Hinawakan ko rin ang kanyang kamay. Hindi madali para sa akin ang ilabas ang nararamdaman gayong ilang buwan ko rin itong tinago, wala akong pinagsabihan na kahit kanino dahil kaya ko naman. Kaya ko pa.. ata.

 

"May gusto akong tao.." usal ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. "Gustong gusto ko sya pero hindi ko sya makuha. Hirap na h-hirap ako na makuha sya." saad ko habang emosyonal.

 

"Gustong gusto ko malaman nya na gusto ko sya bukod pa sa inaakala nya. Na hindi lang sya ang nakakaramdam ng takot at pangamba. I like him so much pero, Kia, I c-cant have him."

 

Sobrang damot nya. Hindi nya kaya ibigay ang sarili nya dahil natatakot sya. Halos itago nya ang sarili nya sa akin. Ni hindi nya maibigay ng buo ang pagmamahal na sinasabi nya dahil sa pangamba at takot na may mangyaring masama. Na kahit nasasaktan na sya ay ayos lang basta ayos ako. Paano ko sasabihin na mas magiging ayos ako sa tabi nya gayong wala na sya sa paningin ko?

 

Hindi ko na maramdaman na malapit sya. Hindi ko alam kung saang lugar sya naroroon. Dahil kahit ako ay walang kaalam-alam tungkol sa kanya. Nag-iwan lang sya ng dalawang bulaklak at dalawang liham na nagsasabing lalayo muna sya at hintayin ko sya.

 

Hindi naman kaso sa akin ang maghintay pero gusto ko lang makasiguro na ayos at masaya sya. Ang hirap kasi piliting maging masaya tuwing iniisip ko na baka malungkot sya at nag-iisa kung nasaan man sya.

 

Lumipas ang ilang linggo at kasalukuyan kaming narito sa probinsya ni Mama kasama si Loreign. Inabala ko na lamang ang sarili sa magagandang bagay kahit mayroon pa rin sa aking loob ang umaasa na babalik si Vince sa pagbalik ko sa Maynila at magpapakita na ito.

 

“Kuya langoy tayo,” aya ni Loreign. Tumango lang ako sa kanya dahil nagiihaw pa ako. Si Mama naman ay nasa loob ng kubo kasama ang aming lolo at lola. Pinipilit ko maging masaya nitong mga nakaraang araw kasi sabi ko nga, lilipas rin ‘yan at makikita ko rin naman sya. Magiging ayos rin ang lahat.

 

Ayokong sa pagkakataon na magkita kami ay hindi ako masaya dahil masasayang ang bawat pinaghirapan nya. Naging madali naman sa akin ‘yon dahil sa tuwing dumadako sa isip ko ang itsura ni Vince, iniisip ko nalang na masaya ito kung nasaan man sya gaya ng saya nya nang abutan ko sya ng ulam. Ngiting walang makakapantay.

 

“Hmm, kuya bakit lagi mong dala yung papel sa likod ng cellphone mo?” tanong ni Loreign. Tinignan ko ang kanyang tinuturo at nakita ang yuping papel roon. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang makita ang gawang bulaklak ni Vince, ilang buwan na ang nakalipas ngunit parehong saya at kilig pa rin ang dala nito sa akin.

 

“Sabihin nalang natin na importante ang bagay na ito sa akin,” saad ko habang nakangiti. Loreign just smiled, hindi na naman sya nagtanong kaya pagkatapos ng usapan na iyon ay natapos na rin ako sa pagluluto at sumunod na sa kanila upang lumangoy.

 

Sinubukan kong manguha ng maliliit na dikya at mga perlas sa dagat. Sagana kasi ang dagat ng aming probinsya sa mga perlas kaya naman paminsan minsan kapag umuuwi kami ni Loreign ay kumukuha kami nito. Naalala ko pa nung kabataan namin, sa tuwing kukuha kasi nito ay mag-iipon kami ng perlas upang gawing palamuti sa bawat regalo na aming ibibigay.

 

Napangiti ako nang maalala ang bagay na iyon. Medyo matagal tagal na rin kasi ng huli kaming bumisita sa baryong ito kaya naman halos lahat ng naaalala ko ay ang pagkabata namin ni Loreign. Inubos lamang namin ang araw sa paglangoy at nang bandang hapon ay umahon na kami dahil medyo dumidilim na rin.

 

“Lorenz, sumama ka sa Tiyo Pinong mo sa pamamalengke bukas sa bayan at tayo’y magboboodle fight. Pumili kayo ng sariwang mga gulay at prutas para sa pananghalian,” utos ng Lola na sya namang ikinatuwa ko. Ibig sabihin kasi noon ay makakasakay ulit ako sa habal habal ng Tiyo. Isa pa, gusto ko rin makita ang pinagbago sa palengke ng nayon na ito.

 

Kaya naman pagkatapos kumain ng hapunan ay tinulungan ko lamang sa pagliligpit ang Lolo at nagpahinga na. Tiyak na maaga pa kasi bukas dahil bagsakan ng mga sariwang isda at mga gulay bukas ng maaga, kung tatanghaliin kami ay wala na kaming maabutan doon.

 

Patulog na sana ako nang maisipan kong kuhanin ang aking cellphone. Tinignan ko ang kaisa-isang litratong mayroon ako kay Vince. Kuha ito noon sa bahay nya. Nakatalikod sya at abala sa pag-aayos ng gamit sa kanyang pagpasok. Hindi kita ang mukha ni Vince dito ngunit sapat na iyon upang makaramdam ako ng pangungulila sa kanya. Pitong buwan na pala, matagal tagal na rin. 

 

Akala ko noong una ay mahihirapan ako lalo na’t hinahanap hanap ko sya noong mga naunang buwan ngunit ngayon ay parang mas lalo lamang akong nabuhayan sa paghihintay dahil alam ko na mananabik ako kung sakaling makita ko sya. Hindi naman nawala sa akin ang lungkot ngunit kumpara dati, lamang na ang tuwa ko ngayon dahil kahit papaano ay nagagawa nya na ang mga bagay na gusto nya. 

 

Hindi ako makatulog kaya naman mas minabuti ko na dalawin ang text conversation naming dalawa. Napangiti ako nang maalala ang mga text messages nya sa akin noon, para syang si Mama kung magtext. Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakikita ang mga maiikli nyang salita, mga bati nya sa umaga. 

 

Miss na miss na kita, Vince.

 

Nakita ko rin ang mga mensahe ko noong hindi ko sya makita ng dalawang buwan. Hindi na talaga sya nagreply kaya naman tinanggap na ng sistema ko na hindi na talaga ito ang kanyang numero. Kahit ganon ay hindi ko pa rin binubura ang text message at number nya, sa ganoong paraan kasi, naaalala ko na kahit papaano ay kasama ko sya. Paminsan minsan ay naglalabas ako ng sama ng loob sa convo namin dalawa, ginagawa ko iyon sa loob ng pitong buwan dahil minsan ay mas gusto ko na sakanya maglabas ng hinanaing.

 

Minsan ay kinukwento ko ang naging araw ko, sa kung anong ginawa at saan kami nagpunta nila Kia. Kinukwento ko rin kapag naiinis ako sa iba kong mga kaklase. Maging ang hinanaing ko kung gaano ako kapagod ay inilalabas ko sa kanya. Naging daily routine ko na rin kasing kausapin ang numero nya dahil para sa akin, pakiramdam ko ay nakikinig sya.

 

Nagtipa ako ng sasabihin sa kanya. Balak ko ikwento ang paguwi namin sa probinsya. Gusto ko na kahit ilang buwan man ang nagdaan nang huli kaming nagkita.. hindi ko nakaligtaan na kausapin o sabihan manlang sya.

 

To Vince:

Good evening, Vince. Kamusta ka? Umuwi nga pala kami sa probinsya dahil may mahaba habang break naman kami. Masaya dito, sagana sa isda at iba pang mga magagandang bagay sa ilalim ng dagat ang lugar na ito. Tahimik lang rin dito hindi kagaya sa syudad. Tanging hampas lamang ng alon at malakas na sariwang hangin ang maririnig mo rito. Kitang kita rin pala sa dagat na ito ang paglubog at pagsikat ng araw, andami ko tuloy nailalagay sa facebook ko na magagandang kuha. Kamusta ka na kaya? 7 months na rin pala nung huli kitang makita no? Noong ihatid mo ako sa terminal pauwing Cavite. Masaya ka ba dyan? Dapat ay masaya ka kasi pinipilit ko maging masaya rito kahit wala ka. Hinahanap ka rin pala nila Chukoy sa akin paminsan-minsan, hindi raw sila makatulog dahil minsan ay inaabangan nila ang pagbisita mo sa kanila. Si Juls nga pala, yung kaibigan mo sa terminal? Inabutan ako ng biskwit noong nakaraang linggo. Likas na sainyong magkaibigan ang pagiging mabait ano? Andami ko pang gustong sabihin ngunit sa ibang araw na lang at inaantok na rin ako. Basta mag-ingat ka nalang palagi at hangad ko ang kasiyahan mo. 

 

Naghihintay pa rin ako, Vince. Maghihintay pa rin ako sa pagbabalik mo.

 

Tinignan ko ang text messages ko doon. Hindi naman ako araw araw magpadala ng mensahe, minsan kasi ay nakakaligtaan ko dala ng pagod. Ang iba ay may tatlong araw na patlang, ang iba naman ay inaabot ng isang linggo. Tinignan ko ang huling message at saka niyakap ang cellphone.

 

Uwi ka na Vince. 

 

Uwi ka na sakin.

 

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang samahan ang Tiyo Pinong sa palengke. Inabutan nya ako ng bota dahil maputik raw sa palengke na aming pupuntahan. Habang nakasakay sa isang habal habal ay hindi ko maiwasan matuwa, ganitong ganito rin kasi ako nung kabataan ko. Sobrang saya palagi sa tuwing makakasakay sa ganitong uri ng sasakyan.

 

“Humawak ka mabuti at baka ika’y malaglag. Kagagalitan ako ng ate,” saway ng Tiyo Pinong kaya naman natawa ako. Simula’t sapol kasi ay takot na ang Tiyo sa Mama dahil nga nakakatanda ito. Isa pa ay lintik na pangaral ang aabutin nya kung sakali man may mangyari saamin ni Loreign habang sya ang kasama. Idagdag mo pa ang Lola na hindi rin magpapatalo. 

 

“May nobya ka na ba, Enzo?” tanong ng Tiyo habang abala sa pagmamaneho. Bumagsak rin ang ngiti ko sa narinig. Simula kasi dati ay hindi ako nagsasabi ng kahit ano tungkol sa aking kasarian. Hindi ko kasi alam kung tutol ba sila sa ganoon o suportado nila ako dahil gaya nga ng sabi ko, sobrang relihiyoso ng pamilya ko.

 

“Ahhh.. wala pa po. Hindi ko pa po naiisip ang mga ganyang bagay.” usal ko. Narinig ko syang tumawa at saka umiling. “Kung nabubuhay ang iyong ama, tiyak na puro kantyaw ka na roon. Sobra ang tinik ng lalaking iyon, tignan mong pati ang Mama mo na tigre ay napaamo.” saad nya.

 

Napangiti ako sa narinig. Hindi ko kasi naabutan ang Tatay. Ang alam ko lang ay namatay ito noong dalawang taong gulang ako sa isang sakit. Kwento sa akin ni Mama ay matalik na magkaibigan ang Tiyo Pinong at ang Tatay kaya naman paminsan minsan ay bumibisita ito sa bahay. Doon raw nakita ng Tatay ang Mama dahil madalas tumambay ang magkaibigan sa kanila. 

 

Marami pang naikwento ang Tiyo habang nasa daan patungo sa palengke. Ang iba ay tungkol sa kung paano umakyat ng ligaw ang aking ama ngunit mas lamang roon ang kalokohan nilang dalawa nung kabataan nila. 

 

“Bibili lamang ako ng mga sariwang isda sa talipapa. Ikaw naman ang sa karne at baboy. Dito sa daan na ito pagkatapos kaliwa, nakasalansan na roon ang tindahan ng mga karne. Hintayin mo ako at pupuntahan kita dyan.” paalam ng Tiyo na sya ko namang tinanguan. Naghiwalay na kami ng daan kaya naman nagtungo na ako sa bilihan ng karne.

 

Abala lamang ako sa pagpili ng karne pang-kaldereta, tinitignan ko kasi kung sariwa pa ang mga ito. Nang makahanap ay nagbayad na kaagad ako. Medyo marami at siksikan nga ang mga tao dahil sobrang aga pa rin. Napansin ko na puro isda at karne ang mga binibili ng mga tao sa umaga, maging ang mga kakanin at ibang gulay ay mabili rin.

 

Maya maya lang rin ay natanaw ko na si Tiyo Pinong sa medyo malayo kaya naman kinuha ko na ang mga binili. Sa hindi kalayuan, napansin ko ang isang pamilyar na pigura. Nakatalikod ito mula sa akin at nakaputing t-shirt. may damit rin sa kanyang ulo na natatabunan ang buong mukha maliban sa mata. May kalakihan rin ang kanyang braso ngayon, dala siguro ng pagbubuhat ng mga gulay na kanyang sinasalansan ngayon.

 

Sunod sunod ang lunok ko dahil pakiramdam ko ay sya nga itong nakikita ko. Sa bawat galaw nya ay syang sya ang naaalala ko. Tinignan ko ang kanyang paa at nakitang may anklet din ito, ngunit hindi ito kagaya ng pendant ng taong naaalala ko. Malakas rin ang kabog ng puso ko dahil paano nga kung sakaling sya ‘to? Hindi ko alam ang gagawin. Lalapitan ko ba sya? Paano kung hindi pa sya handa.

 

Natapos ang lahat ng iniisip ko nang humarap ito sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali dahil hindi ko man makita ang buong mukha nya, alam ko na sa kanyang mata ang mga iyon. Bilugan at nangungusap ang mga ito. 

 

Mga mata ni Vince ang mga ito.

 

Matagal ko pang tinitigan ang lalaking iyon ngunit naputol ito nang humarap sa akin ang Tiyo Pinong. “Nakabili ka na?” tanong nya na sya ko namang tinanguan. Muli kong hinanap ang lalaking tinititigan ngunit pagbalik ng tingin dito ay hindi ko na ito mahagilap. Inikot ko rin ang paningin dahil baka hindi pa ito nakakalayo ngunit wala na rin sa buong talipapa.

 

Mabilis ko na rin iyon nakalimutan kaya naman hinayaan ko na rin. Baka nagkamali lang rin ako ng nakita kaya naman mabilis nagdaan ang araw ko. Inabala ko ang sarili sa pakikipagusap sa Lolo at pakikipaglaro sa kapatid. Nang kinagabihan ay inayos na namin ang aming mga gamit dahil maaga pa ang aming uwi kinabukasan. 

 

Halos hindi nga ako makatulog sa excitement dahil makikita ko na muli si Kia at Geo. Mahigit isang linggo ko rin kasi silang hindi nakita, balita ko ay umuwi rin ng probinsya si Geo samantalang si Kia naman ay nasa bahay lang kaya bagot na bagot ito. Pagkagising ng umaga ay lumarga na kami pabalik sa Cavite. Naging mabilis naman ang pauwing Maynila dahil hindi naman masyadong traffic.

 

Wala kaming masakyan na bus at tanging UV Express lang ang available noong oras na yon kaya naman doon na lang kami sumakay. Sinilip ko mula sa salamin na tinted ang passenger seat ngunit nakitang may nakasakay na doon, nakatungo pa ito at mukhang natutulog kaya naman sumunod na lang ako sa Mama at kay Loreign sa loob. Hindi na kami nagkatabi ng mga Mama dahil punuan na kaya naman nasa pinakadulo ako habang sila ay nasa unahan ko.

 

“Tulog muna ho ako. Pakipagising nalang po ako kay Loreign kapag nasa Cavite na.” bulong ko sa Mama na nasa unahan ko. Tumango naman sya kaya naman ay nagsimula na akong matulog. Maganda ang tugtog sa loob ng UV Express kaya naman hindi ko maiwasang hindi antukin.  

The courage to show to letting you know

I've never felt so much love before

And once again I'm thinking about

Taking the easy way out

 

Hindi ako inaantok. Kahit anong pagod at puyat ay hindi ako dinadalaw ng antok kaya naman dumilat na muli ako. Patuloy lamang ako sa pakikinig ng kanta nang maisipan na ilabas ang cellphone upang magpadala ulit ng mensahe kay Vince.

 

To Vince:

Pauwi na kami! Medyo naging masaya ang araw ko nitong nagdaan kasi nakabalik ako muli sa palengke na binibilhan namin dati noong bata pa ako. Naranasan ko rin ulit ang sumakay sa habal habal ng tito ko kaya naman masaya ako. Pabalik na ulit kami sa Cavite kaya naman medyo nalulungkot ako kasi ibig sabihin noon ay balik buhay estudyante nanaman. Nakakapagod rin kaya ang magbyahe ng Cavite patungong Maynila, ngunit ginusto ko naman ‘to kaya, kakayanin. Kamusta ka na? Kailan kaya ang balik mo sa Maynila. Malapit na matapos ang first year, susunod nito ay magbabakasyon pagkatapos babalik ulit para sa second year. Sa tingin mo ba ay makikita na kita noong mga panahon na iyon? Sana. Ilang linggo nalang ay matatapos na ang semester na ito, medyo nakakapagod pero ayos lang naman. Hindi na pala ako kinakausap ni Adi. Ayos na ayos sa akin iyon dahil hindi na ako nakakaramdam ng takot sa tuwing lumalapit sya. Hindi nya na rin naman kami kinakausap kaya wala ring saysay kung papansinin ko sya. O sya sige na, mauuna na ako at mauubos na rin pala ang baterya ng cellphone ko. Palagi kang mag-iingat, Vince. Hinihintay at patuloy kitang hihintayin. :)

But if I let you go, I will never know

What my life would be holding you close to me

Will I ever see you smiling back at me?

How will I know if I let you go?

Nang pindutin ko ang send button ay narinig kong tumunog ang cellphone ng taong nasa unahan. Nagkibit-balikat na lang ako at tumingin sa bintana para naman libangin ang sarili dahil matagal tagal pa ang oras bago makarating sa Cavite.

 

Wala rin namang isang oras ang naging byahe namin dahil hindi rin naman traffic kaya ilang minuto lang din ay narating na namin ang Cavite. Nang makauwi ay agad akong nagtungo sa aking kwarto upang magpahinga. Nahiga muna ako roon sandali dahil nakakapagod ang naging byahe namin.

 

Lumipas ang dalawang buwan at tapos na ang unang taon ko sa kolehiyo. Kasalukuyan akong nakaharap sa aking pinagkakaabalahan nitong bakasyon. Kinuha ko ang palette at saka nagsimula muling magpipinta. Hindi ko pa ito tapos dahil wala pa rin naman sa kalahati ang nakukulayan ko. Napangiti ako ng makitang tapos ko na kulayan ang bandang tren na nakaguhit sa aking harapan. 

 

“Kuya! Kakain na raw po sabi ni Mama.” tawag sa akin ni Loreign. Ibinaba ko muna ang mga gamit at saka itinabi ang painting para hindi ito matabig o madumihan. Pagbaba ay naabutan ko kaagad roon si Loreign sa hapag, sobrang excited pa nito dahil paborito nyang ulam ang niluto ng Mama. Pinisil ko ang kanyang pisngi nang tumabi sakanya na sinamaan lang naman ako ng tingin.

 

“Lorenz kailan pala ang enrollment nyo para sa susunod na taon,” tanong ng Mama. Nagsandok ako ng kanin at saka sumagot sa kanya. ”Sa susunod na linggo po. Sasabay po ako kay Geo at Kia.” usal ko. 

 

“Minsan nga ay dalhin mo rito ang mga nagiging kaibigan mo sa Maynila para naman makilala ko.” ani ni Mama kaya naman ngumiti ako at tumango. Biglang pumasok sa isip ko si Vince.

 

Gusto ko rin umabot sa panahon na kaya ko rin syang ipakilala hindi lang kay Mama at Loreign ngunit sa buong mundo. Gusto kong iparamdam sa kanya na proud na proud ako sa kanya kahit wala naman akong naiambag sa pagkatao nya. Gusto ko lang maramdaman nya na mayroon syang ako.

 

“Huy pero miss ko na talaga kayo,” hirit ni Kia sa video call. Tumawa si Geo dahil kanina pa ito bukambibig ni Kia. “Kanina mo pa sinasabi yan. Miss na miss mo talaga siguro ako.” usal pabalik ni Geo na sya namang inirapan lang ni Kia. Hindi ko maiwasang matawa sakanilang dalawa dahil kahit hanggang video call ay nag-aaway sila.

 

“Wag na, bwisit ka. Si Lorenz lang pala namimiss ko.” saad nya. Nang matapos ang aming pag-uusap ay isinara ko na ang laptop at bumaba na. Naglinis lamang ako ng buong bahay pagkatapos ay natulog. Mabilis lamang nagdaan ang bawat araw dahil hindi ko namamalayan na nandito na ulit ako sa harapan ng piyu upang magenroll sa susunod na taon.

 

(timeline: 9 months after the letter confessions.)

 

“Lorenz! Dito dali! Nakapila na ako ang bagal mo.” sigaw ni Kia mula sa pila. Sumunod na rin naman ako sa kanya dahil medyo may kahabaan na ang pila. Habang nakatayo kami at naghihintay sa susunod namin ay puro lamang kami tawa. Paano kasi at puro pangaasar ang ginagawa nya kah Geotapos si Geo naman ay iniirapan lang sya.

Mabilis rin naman natapos ang mga gagawin namin doon sa Diliman kaya naisipan namin na gumala muna sa seaside. Habang nakain ay nagpasya sila na sumakay daw kami sa ferris wheel pagkatapos ngunit dahil nga takot ako sa mataas ay sila nalang dalawa ang natuloy roon.

Masarap pagmasdan ang buong kabuuan ng MOA sa itaas dahil palubog na ang araw nang magpunta kami kaya naman halong pula at kahel na ang langit. Pinagmamasdan ko lang din ang mga magkasintahan dito sa aking tabi. Ang iba sa kanila ay magkayakap at ang iba naman ay masayang kumakain sa habang pinapanood ang paglubog ng araw. Hindi ko maiwasang hindi mainggit.

 

Hay, gusto na kitang makita Vince.

 

Paguwi sa Cavite ay kinuha ko kaagad ang aking cellphone upang magtipa ng mensahe para kay Vince. Alam ko namang hindi nya iyon mababasa pero patuloy pa rin ako sa pagpapadala. 

 

To Vince:

Galing ako sa Diliman ngayong araw para magenroll sa susunod na taon. Medyo nakakapanibago dahil hindi ko maamoy ang damit mo na parang binabad sa downy haha. Ilang beses na rin naman akong sumasakay sa bus ngunit iba na ang nagtitinda ng mga inumin roon. Kailan ka ba kasi babalik? Hindi ko naman inakala na aabutin ka ng ilang buwan sa pagalis mo, sana ay pinaghanda mo ako. Ni wala akong alam kung ayos ba ang kalagayan mo o di kaya ay masaya ka ba sa desisyon mo ngunit sana ay masaya ka. Hangad ko lagi iyon sayo. Oo nga pala at nagtungo kami sa moa kanina, medyo marami rami rin ang nakatambay na magnobyo’t magnobyo roon. Nakakainggit. Pinipilit ko nalang isipin na kung nandito ka, baka ganoon ka rin sakin haha, biro lang. Paramdam ka naman dyan oh. Miss na miss na kita e. Hihintayin pa rin kita, Vince.

 

Pagkatapos ipadala ng mensaheng iyon ay binaba ko na muna ang cellphone upang maglaba sa likuran ng aming bahay. Palabas na sana ako ngunit bigla itong tumunog hudyat na may nagpadala ng mensahe.

 

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang pangalan ng nagpadala. Hindi ko alam kung anong mararamdaman dahil sa lagay ngayon, tulala na lamang ako habang tinitignan ang kanyang pinadala.

 

From Vince

6 agak k8a

Notes:

hello five thirty peeps, sorry ngayon lang ud pero may ud ako ulit later siguro (?) since hindi ko keri ibitin yung next parto nito but anyways. happy reading !!

ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

Chapter 11

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

hello huhu xori medyo short ud lang hehe, bawi me! but anyways, pls listen to the song na nakaindicate sa story, para damang dama!

typo & grammatical errors ahead!

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

Siyam na buwan mula nang umalis si Vince at hindi magpakita sa buong kamaynilaan. Hindi ako sigurado kung wala ba talaga sya sa Manila o hindi naman kaya hindi ko lang ito naaabutan at mailap lang talaga. Nakayanan ko talaga maghintay ng ganoon katagal.. gusto ko nga talaga sya.

Napatalon ako ng makita ang text message galing sa numero ni Vince. Ang akala ko ay hindi nya na natatanggap ang mga mensahe ko dahil hindi naman nya naisip sumagot dito kaya naman buong pag-iisip ko ay umikot lamang sa ideya na hindi na ito ang kanyang numerong ginagamit o hindi naman kaya ay nakablock na ako sa kanyang cellphone.

Halos manginig ako nang kuhanin ang sariling cellphone sa table at pagmasdan ang mga letrang pinadala ni Vince. Ramdam ko rin ang pamumuo ng sarili kong luha dahil lamang sa isang text message na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin ngunit sapat na ang walong letra na iyon upang lumambot ang puso ko sa pagkakaalam na galing kay Vince ang mensahe na ito. 

Nagtipa kaagad ako ng mensahe upang manigurado na sya nga ang nagpadala noon. 

 

To Vince:

Vince ikaw ba yan? Vince, gusto na kitang makita. Kamusta ka? Ayos ka lang ba? Kumakain ka ba dyan? Vince, hinahanap ka na nila Chukoy. Ano yung pinadala mong message? Okay ka lang ba dyan, Vince? Kailan ka ba kasi magpapakita, nananabik na kong makita ka. :( Mag-usap tayo pagbalik mo ah? Hihintayin pa rin kita, Vincent. Araw araw, gabi-gabi. Alam kong babalik ka. Naniniwala ako sayo. Ingat ka, Vincent.. magkikita pa tayo.

 

Nang maipadala ang mensahe ay agad kumawala ang mga luha sa aking pisngi. Magkikita pa tayo, Vince.. sasabihin ko pa ang nararamdaman ko.

Kinabukasan ay parang walang nangyari sa akin kahit na halos hindi ako nakakain at nakatulog kahapon kakaisip na bawat mensaheng pinapadala ko ay mataas ang posibilidad na nababasa ni Vince. Hindi na sya muling nagpadala ng mensahe pagkatapos noon. Nawala nanaman sya ng parang bula at hinayaan ko nalang din ito't nagpatuloy nalang sa mga gagawin. 

Hinihintay ko si Kianna sa SM Sta. Mesa dahil nagpasama sya na bumili ng kaunting gamit at naubos na rin ang iba nya na stationery. Kasalukuyan akong nagtitingin ng mga bagong libro nang sumulpot si Kia sa tabi ko. "Kanina ka pa?" tanong nya sabay abot ng milktea na binili nya marahil sa daan. "Hindi naman, salamat.." tugon ko.

Nagsimula na tumingin tingin si Kia at ganoon din naman ako. Hindi na nakasama si Geo dahil sinama raw sya sa family gathering nila kaya dalawa na lang kami ni Kia ngayon. Nakita ko ang isang set ng yellow paper kaya naman kinuha ko na ito, nakita ko rin ang mga cute na gel pens kaya sinama ko na rin.

Kaunti lang naman ang kinuha ko dahil marami pa akong natira noong last year, si Kianna naman ay halos bilhin ang buong Miniso dahil sa dami ng nasa basket nya. Halos lahat kasi ng makitang cute sa kanyang paningin ay nilalagay nya, napailing na lang ako.

Nang matapos kami sa pamimili ay napagpasyahan namin na kumain na muna bago uli maglakad at maghanap pa ng ibang mabibili. Malapit lapit na rin kasi ang pasukan kaya naman inagahan na rin namin ang pagbili habang hindi pa masyadong matao. "Ang balita ko ay hindi raw nagenroll si Adi ngayong year, yan yung pinaguusapan nung mga blockmates natin nung nasa pila tayo eh." saad ni Kia habang kumakain kami.

"Duda ako sa narinig mo lang." ani ko sabay tumawa. "Hoy nagtanong lang naman ako ng konti." depensa nya. Napaisip naman ako ng posibleng dahilan kung bakit hindi nagenroll si Adi ngayong 2nd year. Agad pumasok sa isip ko ang insidenteng nangyari sa amin, ilang buwan ang nakalipas.

"Si.. D-diane ba.. nakita mo?" nangungunti kong tanong. Kumunot ang noo ni Kia na ilang sandali ay nag-isip kung natandaan ba nya o nakita nya ba si Diane noong araw na iyon. "Parang hindi. Nakita ko kasi sila Samantha tapos hindi nila kasama si Diane eh alam mo naman yung mga 'yon. Trio for life. Bakit naman?" tanong ni Kia.

Umiling na lang ako dahil wala naman akong karapatan manghimasok sa kanilang dalawa. "Ah wala. Naalala ko lang kasi parang hindi ko rin sya nakita noon sa pila." ani ko.

Kung totoo man ang hinala ko na kaya hindi sila parehong tumuloy sa second year ay dahil sa anak nila, nawa'y maging mabuti silang mga magulang dito. Hindi man nila gusto ang isa't isa ay pilitin nila maging mabuti para sa bata lalo na't pinili nilang buhayin ito. 

Pagkatapos kumain ay napagpasiyahan namin ni Kia na pumuntang UST dahil sa kanyang Mommy. School nurse kasi ang Mommy nito doon at balak nyang bisitahin. Habang hinihintay namin ay naupo muna kami sa tinatawag nilang lovers lane dito. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda at laki ng uste. Karaniwan kasi ay nakikita ko lamang ito sa mga social media at palabas. 

"Kia hindi ka ba nagtataka tungkol sa naikwento ko n-noong lumabas tayo nila Geo?" tanong ko kay Kia nang maupo kami. Malilim sa napwestuhan namin at mahangin, bagay na kinakatuwa rin siguro ng mga estudyante dito kaya madalas sila tumambay dito.

Kia looked at me. "Ah, about doon ba sa taong gusto mo?" tanong ni Kia kaya naman napatango na lang ako. Hinawakan ni Kia ang kamay ko at saka ngumiti sa akin. "Matagal na ko may pakiramdam na may kakaiba. Na may nagugustuhan ka. Hindi pa man sobrang lalim ng pagkakaibigan natin.. pansin ko na sa bawat ngiti mo, Lorenz. Ilang beses na ba kitang nahuhuli na ngumingiti kaharap ang cellphone mo?" ani nya sabay tawa kaya naman natawa na rin ako.

Tandang tanda ko pa kasi noon na palagi ko itong tinatanggi sa kanya kahit huling huli nya na naman ako. Minsan ay sinasabi ko na may nakita lang akong nakakatuwang meme sa social media kahit na ang totoo ay ngumingiti ako sa mensahe ni Vince. Minsan naman ay kahit hindi mensahe, kahit maalala ko lamang ang pinakamaliit na bagay tungkol sa kanya ay ngumingiti na ako.

"Pero hindi ako nagtanong. Hindi kita pinilit." saad nya saka hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Kasi naman, alam kong hindi ka pa handa. At hindi kita pipilitin magsabi kung ayaw mo pa. Ano pa't naging magkaibigan tayo kung sa pipilitin kita sa bagay na hindi ka pa handang ikwento o ilabas. Gusto kong sa bibig mo mismo manggaling dahil kaya ko naman maghintay. Kaya naman kita suportahan kahit hindi ko alam ang lahat." 

Hindi ko na napigilan kaya niyakap ko sya. Sobrang swerte ko talaga na nakilala at naging kaibigan ko si Kia. Isa rin siguro sya sa dahilan kung bakit ko nakayanan ang unang taon ng kolehiyo dahil sa pagiging totoo nya. Hindi ko naramdaman yung hirap kasi alam ko na may kasangga ako. 

Natapos ang araw at nakauwi ako sa Cavite ng ligtas. Tinignan ko kaagad ang cellphone para naman tignan kung nagpadala ba ulit ng mensahe si Vince ngunit hindi. Huminga na lamang ako ng malalim saka ngumiti. Ayos lang, atleast ngayon ay alam ko na nababasa nya ang mga mensahe ko. Sapat na iyon.

 

To Vince:

Good evening, Vince. Nanggaling pala ako sa Maynila kanina, sinamahan ko yung kaibigan ko mamili ng mga kakailanganin sa pasukan. Kumain lang kami tapos dumaan sa morayta para puntahan yung Mama nya. Nakakita din pala ako kanina ng pusa tapos kulay gray sya, medyo naalala lang kita. Hindi ko alam kung bakit. Kamusta ka na? Gabi na pala, sana nagpapahinga ka na kung nasaan ka man ngayon. Laban lang araw araw! Hihintayin pa rin kita, Vince.

 

Pagkasend ay natulog na rin ako. Ilang linggo na rin naman ang nagdaan, nagsimula na rin ang pasukan at kagaya ng dati ay kami ulit ang magkakaklase nila Kia at Geo. Naging magaan naman ang mga unang linggo dahil hindi pa kami gaano binabagsakan ng assesment. 

"Tapos na kayo kay Sir Cruz?" tanong ni Geo. Pangatlong linggo na yata namin ngunit sobra na ang dami ng pinagagawa sa amin. Halos pumasok nga ako ngayon ng walang tulog dahil aasikasuhin ko pa ang group works namin pagkatapos ay submission pa ng ilang plates. May video analysis pa kami sa isang minor subject na ngayon rin ang due. "Hindi pa, manahimik ka muna please." saway ni Kia.

Umalis nalang si Geo sa tabi namin. Hindi ko na sila pinansin dahil marami pa akong gagawin. Mabuti na lamang ay nakapagreview ako kaninang umaga para sa quiz namin. Hindi naman major subject pero malaki pa rin ang hatak nito.

"Lorenz? Anong pwede namin itulong?" tanong ng isa kong kagrupo kasama ang isa pa namin na member. Laking pasasalamat ko na lang talaga na hindi pabigat o hindi kaya palaasa ang mga miyembro na napupunta sa akin kaya naman kahit medyo mahirap ay nakakayanan ko pa. Binigay ko na sakanila ang mga part nila at nagsimula na rin naman kami sa paggagawa.

Nalagpasan ko naman ang araw na iyon. Isa na rin siguro iyon sa araw na masasabi kong kolehiyo na talaga ako. Ngayon ko lang rin kasi naranasan ang pumasok ng wala talagang tulog kahit ilang minuto. Sa byahe naman ay imbis na makaidlip, nagreview na lang ako at sayang ang oras.

Worth it naman dahil nakakuha ako ng mataas na marka. Dean lister din kasi ako, sayang naman kung itatapon ko iyon. Pagkalipas ng ilang linggo ay nagtuloy tuloy lang ang routine ko sa Piyu. Tambak ang plates, assesments, groupworks, quizzes at exams. Halos hindi ko na rin makilala ang sarili ko dahil bukod sa mga ito, kasali rin ako sa isang org. Kaya naman doble doble na rin ang ginagampanan ko sa loob ng campus.

Pabor naman ito sa akin hindi dahil gusto ko ng matataas na marka. Siguro ay isa na rin yon sa dahilan ngunit ang totoo talaga ay inaabala ko lamang ang sarili upang maibaling sa iba ang lungkot at pananabik kay Vince. Magmula kasi noong huli nyang mensahe ay wala na talaga syang paramdam ulit.

Malapit na ang midterms namin kaya naman madugo nanaman ang pag-aaral namin. Si Kia ay hindi namin kasama ngayon dahil may gagawin raw silang groupwork ng mga kagrupo nya. Kami lang ni Geo ang nasa library at nagaaral para sa papalapit na midterms. Napansin kong bahagyang namayat si Geo, lubog rin ang mga mata nito at madalas ay tahimik.

Alam ko naman na medyo nahirapan kami nitong mga nakaraang buwan dahil sa dami ng pinagagawa ngunit pansin ko na hindi iyon ang dahilan ng sa kanya. Madalas ko rin kasi syang maamoy, minsan ay parang galing sa alak at sigarilyo. Hindi ko naman matanong minsan dahil kung aabutan ko ng pagtatanong, nakakatulog na ito.

"Geo." tawag ko. Nag-angat sya ng tingin sa akin habang namumungay ang mga mata. "Ayos ka lang?" tanong ko. Tumango lamang sya at saka nagpatuloy sa paghahighlight ng kanyang reviewer.

Hindi na ako nagsalita dahil baka gaya ko, hindi pa rin sya handa magsalita. Mahina ko namang tinapik ang kanyang braso at saka ngumiti. "Kung ano man 'yan, andito lang kami ni Kia ha." 

Hindi sya nagsalita ngunit napansin ko na natigilan sya. Nagsimula na ako sa pag-aaral, ibinaling ko nalang ulit ang sarili sa pagbabasa. Hanggang makatapos kami ni Geo ay hindi naman sumunod si Kia sa library kahit ang sabi nito ay susunod sya.

Naabutan namin sya sa room, napansin ko na tumingin sya kay Geo. Nagtama pa ang paningin nila ngunit si Kia na ang naunang umiwas. Anong meron? Hindi ko na lamang sila pinansin at naupo na muli sa upuan ko. Iniisip ko na agad kung ano ang ireregalo sa Mama dahil kaarawan nya bukas.

Pagkatapos ng klase ay nagtungo agad ako sa mall malapit upang tumingin ng regalo. Una ay naisipan ko na bilhan ng bag ang Mama ngunit hindi naman iyon mahilig lumabas. Sunod naman ay sapatos ngunit hindi rin iyon mahilig sa matataas kaya naman nahinto ako sa isang jewelry shop.

Tumingin lamang ako doon hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang anklet na may initial. Nagandahan ako doon dahil bukod sa silver ito ay kitang kita ang maliliit na bato sa loob ng porselas na ito. "Miss, excuse me. Pwede bang makita iyon?" turo ko sa anklet. Kinuha naman nya agad ito at pinakita.

Napangiti ako ng maalala si Vince. Tiyak na kung nandito iyon ay suot suot pa rin nya ang anklet na may medisinang nakaukit. Agad pumasok sa utak ko ang ideya na ibili sya ng regalo. Wala pa man kasiguraduhan ay alam ko naman na babalik sya, nagtitiwala ako sa kanya.

"May initial po na letter V?" tanong ko. Tumango ang babae at saka humanap ng anklet na hinahanap ko. Halos malaglag ang panga ko kakangiti sa ganda nito.

Paglabas ko ng shop ay nabili ko ang regalo na ibibigay sa Mama at ang regalo na balak ko ibigay kay Vince.

Binili ko ang Mama ng kwintas na may puso na pendant samantalang si Vince naman ay ang anklet na may initial nya. Bago umuwi ay bumili rin muna ako ng cake upang hindi na namin kailanganin lumabas bukas at magluto na lamang sa bahay.

"Happy birthday, Mama! Iiyak na yan!" pangaasar ni Loreign sa kanya kaya naman ginulo ko ang buhok nya. Hilig talaga ng isang 'to ang mang-asar. Yumakap ako kay Mama at saka hinalikan ang pisngi nito bago bumati. "Happy birthday po, Ma."

Simple lamang ang naging salu-salo namin ngunit hindi ito mapapantayan ng kahit na sino. Halos taon taon ay ganito na ang selebrasyon na kinagawian namin. Sama sama kami sa pagluluto at mag-iimbita na lamang ng mga kaibigan sa bahay. Para kasi sa amin ay mas nararamdaman namin ang pagmamahal ng isang tao lalo na't nagbigay ito ng oras at naglaan ng panahon para sa kaarawan mo.

Tatlong buwan.

Tatlong buwan na ang nakalipas magmula ng huli akong makatanggap ng mensahe kay Vince. Malapit na ang pasko ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maramdaman na nandito si Vince. Siguro ay hindi pa ito ang panahon at hindi pa sya handa iharap ang sarili.

Ayos lang naman. Kaya ko naman.

Kaya pa.

Kaya pa nga ba?

Hindi ko maisip minsan kung tama pa din ba ang paghihintay na ginagawa ko lalo na't wala naman akong kasiguraduhan na babalik pa si Vince bukod sa kanyang sulat. Bukod doon? Wala na. Hindi ko alam kung mayroon na ba syang ibang gusto lalo na't mag-iisang taon na ang nakalipas.

Nawala na rin siguro ang nararamdaman nya sa akin. Posible ba kasing tumagal ang nararamdaman mo sa isang tao lalo na't hindi mo naman ito nakikita, nakakausap o nahahagkan. Hindi ko maiwasang ngumiti ng mapait, hindi kasi ako nabigyan ng pagkakataon na ihayag ang nararamdaman sa kanya.

"Isang taon na, Vince. Magpapakita ka pa kaya.." bulong ko sa yupi at medyo naninilaw na papel sa likod ng cellphone ko. Hindi ko pa rin ito tinatanggal sa aking cellphone dahil gaya nga ng sabi ko, naghihintay pa rin ako sa pagbabalik ni Vince.

Kahit na sabihin mong minsan ay pinanghihinaan ako ng loob ay umaasa pa rin ako na babalik sya dito sa Maynila. Babalik sya kay Chukoy at Aling Myrna. Babalik sya sa kanyang kaibigan na si Juls. Babalik sya sa akin.

Miss na miss na kita, Vince. Gusto ko na ulit makita ang bawat ngiti mo sa tuwing inaasar ka nila Chukoy. Gusto ko na makita ang nahihiya mong mukha sa tuwing nakakalimutan mong dalhin ang tupperware na dala ko. Gusto ko na makita ang bawat pagpunas mo ng butil butil na pawis sa noo mo. 

Gusto na kitang makita, mahal ko.

"Huy. Naglunch ka na ba? Bakit nandito ka mag-isa." saad ni Kia nang makita ako sa maliit na garden. Ngumiti ako at saka sumagot. "Oo kumain na ko. Kayo ni Geo?" tanong ko.

Napansin ko na nag-iwas ng tingin si Kia. Nitong mga nakaraang linggo ay ramdam ko ang iwasan nila ngunit hindi ko naman inakala na ganito kalala ang nangyayari sa kanila. Ang alam ko lang kasi ay may napikon sa kanilang asaran ngunit hindi aabot sa ganitong punto.

"Ang totoo nyan ay hindi talaga k-kami nagaway dahil lang sa asaran.." paliwanag ni Kia. "Ilang beses na naman kami nag-aasaran nyan di ba? Pero hindi naman kami umabot sa ganito." ani nya.

Kia hugged me. "Lorenz, gusto ko yata sya." bulong nya habang nakayakap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-bagsak ng balikat. "Kia?" tawag ko sa kanya.

Pag-angat nya ng tingin ay naiyak na sya. "Oo na. Alam ko ang tanga ko sa part na magkagusto sa kaibigan. Ang masama, may girlfriend pa! Pero promise umiiwas na ako, ayoko rin naman kasi makasira ng relasyon no." saad nya. Mabuti naman ay alam nya rin ang limit nya. Niyakap ko sya dahil alam ko na sobrang bigat noon para sa kanya.

Hindi ko naman kasi naisip na posibleng mahulog si Kia kay Geo. Lagi kaya silang magkaaway. "Hindi ko alam kung kailan nagstart, Rerenz. Basta nung nalaman ko na may pinopormahan sya na arki sa UST, ewan ko ba. Nasaktan ako. Arki din naman ako, piyu nga lang." saad nya habang lumuluha tapos ay tatawa.

"Bwisit na yun. Nakakainis talaga. Lakas ng loob nya na i-reject ako ah. Bwisit sya, akala nya sobrang pogi nya. Ulol." nanggagalaiti na saad ni Kia.

"Teka, nireject ka nya? So umamin ka na?" tanong ko dahil akala ko ay hindi pa ito alam ni Geoff.

"Oo.." singhot nya. "Pagkatapos kong umamin ay kaibigan lang raw ang turing nya sa akin. Pagkatapos kinabukasan, nabalitaan ko nalang na may bigla syang pinopormahan na arki sa uste. Ang sakit sakit. Pwede naman nya sabihin na ayaw nya sakin, nakakainsulto." usal ni Kia. Hindi ko alam na gusto nya na si Geo noong mga panahon na iyon. "Ayos lang, bff. Nagmomove on na kaya ako no. Hahanap ulit ako ng crush!" saad nya sabay ngiti.

Niyakap ko lang sya dahil alam ko na masakit pa rin iyon sa kanya. 

Napagtanto ko na posible talagang magkagusto ka sa kahit kanino. Hindi mo man lubusan kilala o kilalang kilala na. Walang pinipiling oras at panahon ang pagmamahal.

Mabilis natapos ang araw at kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit upang makauwi na. Maaga rin kasi ang dismissal namin ngayon kaya naman ay balak ko na umuwi ng Cavite habang maaga pa. Para na rin siguro hindi abutan ng traffic.

"Uwi ka na, Lorenz? Ingat ka." paalam ni Geo kaya naman tumango ako. Nagpaalam na rin si Kia sa akin kaya naman ay niyakap ko sya ulit at sinabing magiging ayos rin ang lahat.

Habang palabas ng gate nakatutok ako sa cellphone, medyo mababa kasi ang brightness ng phone ko kaya naman halos nakadikit na ang screen sa aking mukha. Nagpapadala kasi ako ng mensahe kay Loreign na maaga ako uuwi. Kakatutok sa cellphone ay tumama na ako sa isang tao sa harap ko.

Hindi ko agad ito nakita dahil may katangkaran ito, medyo malaki rin ang katawan. Napahawak muna ako sa aking ulo dahil medyo napalakas rin ang pagkakabunggo ko sa lalaki. Hihingi na sana ako ng paumanhin nang maamoy ang pamilyar na scent.

Amoy downy ito. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, halos hindi ko maitaas ang ulo sa kaba. Naghaharumentado ang puso ko nang hawakan ng lalaking iyon ang aking baba at sya ang mag-angat ng tingin ko.

Vince.

Ramdam ko na nag-iinit ang gilid ng mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya.

Nakangiti sa akin si Vince habang nakasuot ng bagong puting t-shirt, bagong maong at sapatos. Naka-gel rin ang buhok nito at nandoon pa rin ang kanyang lip piercing. Nagpagupit rin sya ng bahagya dahil ng huli ko syang makita ay mahaba haba ang likuran ng kanyang buhok. Kinuha nya ang bag na dala dala ko samantalang ako ay umiiyak pa rin.

Totoo na ba ito? Nandito na talaga si Vince harapan ko? Hindi ba ako nananaginip? 

Hindi ko na napigilan ang sarili at saka yumakap ng mahigpit sa kanya habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha sa pisngi. Para na siguro itong gripo dahil sa sunod sunod na agos ng tubig.

"Nung sinabi ko na hindi mo ko mahahanap sa laki ng Maynila.." usal nya. Maging ang boses nya ay iniyakan ko. "Hindi iyon totoo dahil tignan mo't nahanap mo pa rin ako." tawa nya.

"Ngunit nung sinabi ko na babalikan kita at uuwi ako sayo.." naramdaman ko ang kamay ni Vince sa aking ulo habang pinapakalma ako. "Totoo iyon, Lorenzo."

Isang halik ang pinatak ni Vince sa aking ulo. Sapat na para maramdaman ko na nagbalik na sya. Wala na akong pakielam kung marami ang nakakakita saakin o kung kilala ko man sila. Isang taon ko hinintay ang taong gusto ko, at ngayong nasa harap ko na sya. Hinding hindi ko na papalagpasin ang pagkakataong mapadama na mahal ko rin sya gaya ng pagmamahal na binibigay nya. "Tahan na, andito na ko. Pasensya na matagal tagal ka rin naghintay ha?" malambing na saad ni Vince.

"Saan ka n-nagpunta? Bakit ang tagal mo?" tanong ko, halata pa rin ang garalgal sa boses.

"Sorry na po." bulong ni Vince habang yakap yakap pa rin ako. "Hindi na po ako aalis, dito na ako sa tabi mo." 

Pinunasan ni Vince ang pisngi ko dahil puno ito ng luha pagkatapos ay lumuhod saglit upang ayusin ang sintas ko. Hindi ko na iyon napansin dahil ramdam ko na ang panghihina ko. Totoong nandito na si Vince sa harapan ko. "Ikukwento ko sayo lahat pero kain muna tayo?" tanong ni Vince na tinanguan ko naman.

Habang naglalakad papuntang MOA ay hindi ko maiwasan hindi mailang. Panay kasi ang titig ni Vince habang nasa byahe, minsan ay kunwari ko na lamang hindi ito napapansin ngunit taksil talaga ang sarili kong mga pisngi dahil ramdam ko na ang pamumula nito. "Ganda talaga," mahinang bulong nya kaya naman ay namula nanaman ako.

Nang makarating kami sa MOA ay agad kaming pumasok sa Mang Inasal. "Nakakain ka na ba rito? Malinis naman rito, hindi lang kasing-garbo nung iba.." ani Vince.

"Kumakain ako nyan." saad ko. Napansin ko na ngumiti sya ng palihim at saka tumango.

"Maupo ka na dito, ako na ang oorder sa atin." paalam nya. Aalis na sana sya ngunit pinigilan ko ito at inabot ang bayad ko. Tinignan nya iyon at itinulak ito pabalik sa akin. "Hayaan mo naman na ako ang gumastos para sayo, isang taon ko ring hindi nagawa 'to." malumanay na usal nya kaya naman tumango na lang ako.

Pagbalik nya sa table ay naupo sya sa harap ko. Ilang taon akong nangulila sa taong ito ngunit ngayon naman na nasa harap ko ay hindi ako makatingin. Mas lalo kasi syang gumwapo sa paningin ko. Napapansin ko na hinuhuli nya ang tingin ko ngunit iniiwas ko talaga ito. Ano ba, Lorenzo.

"Tingin ka naman dyan." bulong nya. Nang tumingin ako sa kanya ay ngumiti sya. Namiss ko talaga ang mga ngiti nyang 'yon. Ngiti na alam mong masaya talaga. "Iyon. Tumingin rin." saad nya.

"S-saan ka nga kasi galing.." tanong ko ngunit nagmukhang panlalambing iyon sa lambot at hina ng aking boses. Kinuha ni Vince ang kubyertos ko at saka pinunasan. Kagaya ng dati, ginagawa nya pa rin ang mga yon. 

"Nagtrabaho ako sa palengke. Medyo malaki laki rin ang kinikita ko doon kumpara rito sa Maynila. Tumanggap rin ako paminsan minsan ng labor.." kwento nya habang pinupunasan ang aking kutsara. "Nga pala.." biglang sumigla ang kanyang boses kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti.

"Nag-apply rin ako bilang ALS. Nag-aaral na rin ako.." saad nya at saka nahihiyang nilagay ang kamay sa batok. Nagulat naman ako at napangiti. 

"Talaga? Sobrang saya ko para sayo, Vince." usal ko habang nakangiti sa kanya.

Hindi ko maiwasang maiyak sa tuwa. Lahat ng paghihirap ni Vince noon ay unti-unti nyang napupunan ngayon. Ang kakarampot na kinikita ngayon ay dumodoble dahil sa kanyang pagsisikap. Ang dating inaasam na pag-aaral, ngayon ay unti-unting natutupad dahil sa pagiging masigasig. Maraming salamat, ama. "Namiss kita ng sobra. Gustong gusto kita yakapin ng mahigpit ngayon kaso ay maraming tao, baka sabihin ay baliw na baliw ako sayo.." mahinang saad nya sabay tawa.

"Sabagay. Totoo naman iyon." bulong nya kaya't heto nanaman ako at namumula.

"May ibibigay pala ako sayo. Pwede bang kapag uwi mo na sa Cavite ito buksan?" saad ni Vince kaya naman ay tumango ako. Kinuha nya ang maliit na box sa kanyang bag, may maliliit pang puso dito na gawa sa colored paper. 

Kitang kita rin dito ang nakasulat gamit ang kanyang handwriting na hindi ko makalimutan.

Para sa mahal ko.

Nang dumating ang order ay kumain na rin kami. Marami pa kaming dapat pag-usapan ngunit hindi sasapat ang oras na ito kaya naman pagkatapos kumain ay hinatid nya na rin ako sa terminal. Napagkasunduan namin na dumiretso sa kanyang bahay bukas upang doon pormal na mag-usap. Susunduin nya raw ulit ako sa Piyu upang sabay kami papunta sa kanyang bahay.

"Mag-iingat ka. Bukas ulit, Lorenz." paalam nya bago ako umakyat sa bus. 

Nagpaalam na ako sa kanya at saka umakyat. Mahaba haba rin ang pag-uusapan namin bukas kaya naman hindi na ako makapaghintay. Gusto kong malaman ang lahat ng nangyari noong wala sya. Gusto ko na sabihin ang nararamdaman sa kanya, balak ko na rin ibigay ang regalo na aking binili noon.

Hanggang byahe ay hindi ako matigil sa kakangiti. Hindi pa rin pumapasok sa utak ko na nandito na si Vince. Sinundo ako sa Diliman, nilibre at hinatid sa terminal. Parang kaninang umaga lang ay hinahanap hanap ko sya ngunit ngayon ay nandito na sya.

Bumalik na si Vince.

Kinuha ko ang cellphone dahil tumunog ito. Agad ko naman nakita ang oras sa itaas,

Singko y media.

Sa ibaba ay notification galing sa Facebook.

 

 

Facebook.

Vincent Maceda sent you a friend request.

Notes:

hello five thirty peeps, sorry ngayon lang ud, happy reading !!
ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

Chapter 12

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

kamusta last chapter? I missed you all!

- typo & grammatical errors ahead, have fun reading!

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

Pagkasend na pagkasend ni Vince ng friend request ay inaccept ko kaagad ito kahit na nasa bus pa ako. Abot langit ang ngiti habang tinitignan ang account nya. Tinignan ko ang kanyang profile dahil hindi ko ito masyadong maaninag sa liit ng icon, pagkapindot ay ganoon na lamang ang gulat nang makitang sariling likuran ko iyon. Nakatalikod ako at hawak hawak ang cellphone habang ang kamay ay nasa may bandang buhok. Suot suot ko rin ang dark blue na sweater habang kita pa rin ang kwelyo ng aking uniporme sa loob. Tinignan ko agad ang kanyang wall at nakita na kanina nya pa inupdate ang sariling profile. Halos dalawang oras na ang nakakalipas, Wala itong caption at nakapublic ito. Marami rami rin ang nagreact dito, ang iba ay nagtatanong pa kung sya daw iyon at sinasagot nya naman ng, "Hindi. Crush ko lang hahaha."

Naalala ko ang ginawa ni Adi noon. Taon na rin ang nakalipas ay nakita ko rin ang mukha ko sa account ni Adi ngunit hindi nya pinapansin ang mga nagtatanong kung kami ba nito. Agad akong napaisip.. kung sakaling hindi rin kaya pinansin ni Vince ang mga tao na nagtatanong.. maiinis din kaya ako gaya ng dati?

Tinignan ko ulit ang litrato at bigla na lamang napangiti. Hindi ako maiinis. Hindi ko alam, siguro ay gusto ko lamang ang pakiramdam na magkaroon ng papel sa buhay nya kaya kahit magtanong ang ibang tao kung sino at kung ano ako ni Vince ay ikatutuwa ko.

Nagscroll pa akong muli at napansin na hindi sya gaano nagpopost at karamihan ng nasa wall nya ay mga tagged memes galing kay Juls, yung kaibigan nya. Hindi rin sya nag-rereact sa mga ito at madalas ay nilalike nya lang ang mga naka-tag sa kanya. Umabot ako sa pinakadulo dahil hindi pa naman gaano katagal ang account nya. Isang linggo pa lamang yata ito.

Pag-uwi ay nahiga agad ako, nakatitig lamang sa kisame. Iniisip kung magpapadala ba ako ng mensahe sa kanya ngunit hindi pa man nagtatagal ay tumunog na ang messenger nyo. Ganoon na lamang ang aking ngiti ng mapansin na galing ito kay Vince. 

 


Vincent Maceda: 👍🏻

Vincent Maceda: Hi

Vincent Maceda: Nakauwi ka na ba?

Vincent Maceda: Nakikita mo ba 'tong chat ko..?

 


Halos mapunit ang sariling labi habang nakatingin sa mga chat messages ni Vince. Kinailangan ko pa huminga ng malalim upang maiproseso sa sarili na si Vince ang kausap ko at nakita ko sya kanina. Nagtipa ako ng mensahe at saka ito pinadala sakanya.

 


Lorenzo Vienei: Hello. Yes, nakikita ko. :) Nakauwi na pala ako, ngayon ngayon lang.

 


Pinanood ko na mahulog ang icon nya, senyales na nandoon rin sya sa convo naming dalawa. Hindi ko alam na kahit ang tatlong bilog na gumagalaw ngayon ay kaya akong pangitiin. 

 


Vincent Maceda: Magpahinga ka na. Sorry, napagod ka ba? 

Lorenzo Vienei: It's fine. Ang mahalaga nakita kita hahaha.

 


Medyo natagalan ang pagreply ni Vince doon kaya naman ay nagbihis na muna ako. Pagbalik ko roon ay may tatlong reply na sya.

 


Vincent Maceda: Masaya din ako na nakasama ulit kita

Vincent Maceda: Lorenzo, nabuksan mo na ba yung kahon?

Vincent Maceda: Kinakabahan ako haha pero magpahinga ka na muna sa ngayon, sa susunod mo na lang buksan. 

 


Nang maalala ang box na binigay nya sa akin ay tumayo ako at nagtungo sa bag upang kunin ito. Pagbalik sa kama ay nagreply ako kay Vince. Gusto ko na kasi ito basahin.

 


Lorenzo Vienei: Babasahin ko na Vince. Wala naman akong ginagawa. Chat kita mamaya! :)

 


Hindi ko na hinintay ang sagot ni Vince; sa halip, agad kong sinulyapan ang box na nasa harapan ko. Bakas ang ngiti sa mukha ko habang pinagmamasdan ang effort na ginawa ni Vince dito. Mahusay niyang pinagdikit ang iba't ibang kulay na papel upang takpan ang kahon, at pinalamutian pa niya ito ng mga puso at ilang mga sticker. Hindi ko inaasahan ang kakayahan ni Vince na gumawa ng ganito kaya naman napatawa ako.

Binuksan ko na ang kahon at bumulaga sa akin ang limpak ng mga papel na magkakapatong. May mga petsa ang bawat piraso ng papel, medyo naninilaw na rin ang papel dahil siguro sa katagalan ng papel na ito sa loob ng kahon. 

Kinuha ko ang isang papel na nasa pinakatuktok at nakita ang petsa. Nobyembre 12, 2023, ibig sabihin ay noong isang taon pa ang mensahe na ito.

-

Nobyembre 12, 2023

Lorenzo,

Magandang araw rin, Lorenz. Naririto na ako sa kubo na tinutuluyan ko sa probinsya na pinuntahan ko, naikwento kasi kay Juls na may trabaho rito at inalok naman ni Juls sa akin ito, sayang naman. Pasensya ka na at hindi ako makapagreply sayo, pinipigilan ko kasi ang sarili ko dahil sa oras na sumagot ako ay alam ko na maiinis nanaman ako sa sarili ko. Gusto ko na magpatuloy ka sa araw mo ng walang inaalalang ako. Alam ko na sinabihan kita na hintayin ako ngunit kung hindi mo na kaya, bumitaw ka Lorenzo. Hindi kita pagmamay-ari at hindi sa akin iikot ang mundo mo. Kung may mga beses na malulungkot ka at kailangan mo ng kausap, huwag mo sanang kakalimutan na magkwento sa akin. Hindi man ako makakasagot, handa naman akong makinig kahit nasa gitna man ako ng trabaho. Nasabi mo nga pala na nagpunta ka sa bahay ko, pasensya ka na kung hindi ko kayang magpaalam ng harapan sayo. Pakiramdam ko kasi ay manlalambot ako at pipigilan ang sarili na umalis at manatili na lamang sa kakarampot na kita sa Maynila. Nahihiya na ako sayo, Lorenz. Gusto kita ngunit hindi sapat lagi ang kita ko na pakainin ka sa kahit fastfood na hindi naman kamahalan ngunit mahal na sa aming mga hindi kumikita ng sapat. Pagod na ako na makita kang kumakain sa gilid ng kalsada, pinagtitiisan ang pares o hindi naman kaya kwek-kwek na minsan ay maanta pa. O sya, gagaor na ako at maaga raw kami sa palengke bukas. Kumain ka ng tama, Lorenz. Palagi ko rin ipagdarasal na kaligtasan mo.

Mahal kita.

 


Vince.

-

 


Ni hindi ko napansin ang luha na pumapatak sa sariling damit. Binuksan ko ang isa pang papel roon at hinanda na ang sarili sa mga mensaheng makakapagpadurog sa akin.

 


-

Nobyembre 19, 2023

Lorenzo, 

Isang linggo na rin pala noong huli kitang makita. Bakit ganoon? Sobrang linaw pa rin ng imahe mo sa utak ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang ganda mo sa gilid ng maginhawa habang ako ay umiiyak sa harap mo. Ang ganda ganda mo, Lorenzo. Alam mo ba na kahit anong gawin mo ay masarap sa mata? Minsan nga ay parang nag-iilaw ka pa sa paningin ko, anlabo. Hindi ko nga alam kung baliw na ba ako o sadyang maganda lang talaga lahat sayo? Ang imposible kasi na ako lang ang nababaliw kahit na nakikita ka naman ng lahat. Nga pala, isang linggo na rin akong nagtatrabaho rito, totoo nga na medyo malaki laki ang sahod dito kumpara dyan sa Maynila. Malaki kasi ang tindahan na pinasukan ko, nag-aangkat sila sa iba't ibang palengke. May kabigatan rin minsan ang ibang gulay kaya naman kada uuwi ay sumasakit ang taas ng likuran ko. Ngayon ko lang pala nabasa ang text mo kaninang alas tres ng hapon. Alas nwebe na kasi kami natapos. Malapit na pala ang exam nyo, alam ko naman na kayang kaya mo 'yan. Hindi ako kailanman nagduda sa kakayahan mo, Lorenzo. Alam ko na kahit anong gawin mo ay sobrang dali lamang sayo. Galingan mo sa exam ah? Gagalingan ko rin dito para naman mapabilis ang pagbalik ko. Mag-iingat palagi, Lorenz. Palagi kang nasa dasal ko.

Mahal kita.

 


Vince.

-

 


Nobyembre 29, 2023

Lorenzo,

Magandang umaga. Nakita ko yung text mo. Hindi kaya may pinagdadaanan ang dalawa mong kaibigan? Sa kwento mo kasi ay hindi sila nag-uusap. Ngunit kahit na ganoon, sana ay ganoon pa rin ang turing nila sayo at hindi ka naaapektuhan ng away nila. Kapag pagod, pahinga lang mahal. Palagi mong tatandaan na hindi ibig sabihin na nagpahinga ka, talo ka na. Nandito pala ako sa palengke ngayon, binili ko lamang ang kopon ban na ito sa kalapit tindahan namin. Paalis na ulit kami dahil maghahatid kami ng mga patatas at sayote sa ibang nayon. Alam mo ba na natutuwa ako sa tuwing nagpapadala ka ng mensahe? Parang awtomatiko na sa akin ang kunin ang cellphone sa bulsa dahil ibig sabihin lang noon ay nagtext ka. Sayong numero lang naman ang nandito. Sana ay kumain ka na, mamaya ay kakain na rin kami, masarap rin ang mga lutong ulam dito ngunit wala ng mas sasarap pa sa pininyahang manok mo. Kapag nakikita ko iyon sa putahe ng mga karinderya dito ay iniiwasan ko. Alam ko kasing hahanap-hanapin ko ang bersyon mo. Mag-iingat palagi, Lorenz. Ikaw lagi ang laman ng dasal ko.

Mahal kita.

 


Vince.

-

 


Disyembre 15, 2023

Lorenzo,

Gustong gusto ko na umuwi at palisin ang luha mo. Alam ko kasi na umiiyak ka nanaman sa huling text message mo. Pasensya ka na, mahal ko. Alam ng Diyos kung gaano ko kagusto ang umuwi at manatili sa tabi mo ngunit alam ko rin na sa oras na mangyari iyon ay walang mangyayari sa iyo. Gusto kong ibigay ang lahat sayo, Lorenzo. Gaano man kahirap at kabigat iyan. Gusto ko iparamdam ang pagmamahal ko dahil alam kong hindi sasapat ang simpleng paghahatid sayo sa bus. Sa ngayon ay gawin mo munang tagapunas ng luha ang iyong sarili dahil alam ko na malakas ka pa sa inaakala mo. Wala ring araw na hindi kita iniisip dito, Lorenz. Sa tuwing nararamdaman ko yung pagod, pumapasok yung imahe mo. Simpleng ganon lang ay lalakas ulit ako at babalik sa trabaho. Tinamaan nga talaga ako sayo. Mahal kita ng sobra, Lorenzo. Kukulangin ang salita at mahihirapan kahit ang sinong propesor kung paano ipapaliwanag ang pagmamahal ko sayo. Hindi ko naranasan ang mahalin ngunit kaya ko iparamdam sayo na mahal na mahal kita. Sobra.

Mahal kita, palagi.

 


Vince.

-

 


Napansin ko ang tuyong marka ng luha doon. Marahil ay may luha rin na tumulo sa mata ni Vince habang sinusulat ang liham na iyon. Ako naman ay hawal hawak na ang panyo dahil hindi matigil ang luha ko.

Habang nahihirapan ako rito na malagpasan ang bawat araw na wala si Vince,

Sya ay nahihirapan rin, emosyonal at pisikal. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon na nalaman ang pinagdaanan ni Vince. Kinailangan ko muna ng oras bago muling magbasa ng iba pang mga liham. Pakiramdam ko kasi ay sinasaksak ako ng paulit-ulit habang nalalaman ang nangyari sa kanya sa ibang lugar.

Mahal rin kita ng sobra, Vince.

 


-

 


Disyembre 25, 2023

Lorenzo,

Maligayang pasko, mahal ko. Kamusta ka dyan? Nagdidiwang kami ngayon sa bahay ng boss namin. Naibigay na rin ang sweldo namin noong isang araw, nakakatuwa nga dahil may bonus pa kami. Sobrang bait nila bilang amo. Hindi kami ginugutom at binibigay ang mga pangangailangan namin. Lalo ako, sabi kasi ni boss ay magsabi lang ako lalo na't bagong salta lamang ako doon. Nakakahiya pa rin kaya naman kapag may kailangan ako ay ako na lang rin ang bumibili. Nakakapagtago na pala ako ng pera dito. Bumili ako ng alkansyang plastik sa palengke na pinuntahan namin noong isang linggo. Sa drawer ko lang kasi iyon tinatago noong mga nakaraang buwan kaya naman ngayon ay medyo panatag na ako. Magsaya ka ngayong pasko ah? Tandaan mo na sa bawat araw, mayroon kang Vince na patuloy ang pagmamahal sayo. Ingat ka palagi, mahal ko. Maligayang pasko ulit.

Mahal kita.

 


Vince.

-

 


Umabot pa ng ilang okasyon ang mensahe ni Vince. Ikinukwento nya ang mga nangyari sa kanya sa panandalian nyang pananatili sa bayan na iyon. Minsan ay sinasabi nya kung gaano sumasakit ang likod nya dahil sa bigat ng mga gulay at sa dami ng mga buhatin nila araw-araw ngunit kadalasan ay ikinukwento nya kung gaano sya kasaya na malaki laki na ang ipon nya at sabik na sabik na sya sa paguwi nya upang makita ako. Napansin ko rin na karamihan ng mensahe nya ay sagot sa bawat text message na pinapadala ko.

-

 


Abril 03, 2024

Lorenzo,

Magandang tanghali, Lorenzo. Kumain ka na ba ng pananghalian? Katatapos ko lang at libre ako ngayong oras kaya naman naisipan kong sumulat sayo. Naikwento nga pala ng kasamahan ko sa trabaho na mag-aapply raw sya sa ALS. Hindi pa ako gaano kapamilyar doon pero sabi nila ay libre raw iyon at makakapagaral na ako. Nais ko sanang subukan, gustong gusto ko talaga ang bagay na iyon. Nasabi mo nga pala na umuwi kayo sa probinsya nyo ngayon. Masaya ako na nakakapagpahinga ka sa maiikling bakasyon nyo. Totoo yung sinabi mong maraming isda sa mga probinsya, kaunti kasi ang mga turista dyan kaya naman hindi masyadong napapabayaan ang mga isda at koral. Hindi na ako makapaghintay makita ang mga litratong nakuha mo riyan, paniguradong lahat ng 'yan ay maganda. Masaya naman ako dito kahit papaano, minsan ay nalulungkot ngunit iniisip ko na lamang na matatapos din ito at makikita rin kita. Pakisabi kay Chukoy na hintayin nila ako at makinig muna kay Juls, ihinabilin ko sila roon. Handa akong makinig sa lahat ng kwento mo mahal ko, huwag kang mag-alala at sa oras na makauwi ako ay pakikinig lamang sayo at sa mga nangyari sa buhay mo ang gagawin ko. Mag-iingat ka rin palagi, kasama ka sa dasal ko araw-araw.

Mahal kita.

 

Vince.

 


-

Abril 09, 2023

Lorenzo,

Marami akong nais ikwento ngunit hindi ako sigurado kung tama ba ang nasa isip ko o halusinasyon lamang ang mga iyon dahil sa matinding pananabik sayo pero natutuwa akong marinig na masaya ka sa pagbalik ng Maynila. Ibig sabihin lang nito ay nasulit mo ang bakasyon at nakapagpahinga kahit na sa maikling oras lamang. Masaya ako na masaya ka sa pagsakay ng habal-habal at pagbalik mo sa palengke at nayon na kinalakhan mo. Malapit na nga matapos ang  first year mo, nakayanan mo ang isang taon ng pag-aaral, mahal ko. Kinatutuwa ko na marinig ang paghihintay mo sa aking pagbabalik ngunit kahit na ganoon ay nayayamot pa rin ako sa aking sarili. Basta palagi mong tatandaan na maaari at maaari kang bumitaw kung hindi mo na kaya. Kasiyahan mo lamang ang hangad ko sa lahat, mahal. Magpahinga ka kaagad sa oras na makauwi ka sa Cavite. Ingat lagi, Lorenzo. Ipagdarasal kita palagi.

Mahal kita.

 


Vince.

 


-

Mayo 23, 2024

Lorenzo,

Kamusta ang iyong pag-eenroll? Sana ay nagdala ka ng tubig at pamaymay sa pila dahil mainit ang panahon ngayon. Huwag na huwag mong tangkain ang magkasakit, mahal. Hindi ko iyon malalaman at mababaliw ako kung sakaling malaman na nagkasakit ka at wala manlang akong ideya o wala man lang ako sa tabi mo. Inasahan ko na una pa lamang na medyo matatagalan ako sa pagtatrabaho, pasensya ka na mahal. Kaunting panahon na lang, kapit ka ha? Mahal na mahal kita. Sa pagbalik ko ay igagala rin kita sa lugar na gusto mo, ipaparanas ko sayo ang buhay na hanagad ko sayo. Mahal kita ng sobra, Lorenzo. Ingatan mo ang sarili mo at uuwi pa ako sayo.

Mahal kita.

 


Vince.

-

Hulyo 12, 2024

Lorenzo,

Magandang balita mahal ko, nakapasa ako sa sinasabi kong pag-aaralan ko. Sa susunod na linggo ay mag-aaral na ako. Napansin ko sa mga mensahe mo na pagod ka na sa dami ng mga pinapagawa sainyo, huwag mo sanang ipagkait ang pahinga sa sarili mo. Palagi mong tatandaan na mas mahalaga ang kalusugan mo sa kahit na ano. Nalalapit na ang pag-uwi ko, hindi na ako makapaghintay na makita ka. Sana ay hintayin mo pa ako, konting panahon na lamang mahal. Pangako ay uuwi ako sa iyo. Uuwi ako sa yakap mo.

Mahal kita ng sobra. Sobra pa sa inaakala mo.

 


Vince.

-

 


Yun na ang pinakahuling mensahe nya. Isang linggo matapos nyang isulat ang huling mensahe na iyon ay nagpakita sya sa akin sa diliman kanina. Pinunasan ko ang mga luha na naglandas sa sariling mata bago ko inabot muli ang cellphone sa gilid ng kama. Nakatanggap ako ng maraming mensahe mula kay Vince. Inabot rin pala ako ng isang oras sa kakabasa ng mga mensahe na isinulat nya.

 


Vincent Maceda: Sige. Basta magpahinga ka na pagkatapos. Alam ko na pagod ka pa mula kanina.

Vincent Maceda: Nagbabasa ka na ba? Kinakabahan ako

Vincent Maceda: Lorenzo? 

Vincent Maceda: Nagtutubig na ang pawis ko. Andyan ka ba? Sana ay hindi ka galit. 

Vincent Maceda: Wala na akong masasakyan patungong Cavite ng ganitong oras. Galit ka ba? 

 


Napangiti ako. Paano nya naiisip ang mga bagay na iyon gayong halos lahat ng mensahe ay puno ng pagmamahal nya. Hindi ako tanga para magalit lalo na't naiintindihan ko naman ang sitwasyon nya. Ano rin ba ang ikagagalit ko gayong binigyan nya naman ako ng karapatan na tumigil kung sakaling mapagod ako.

Ngunit gaya nya, hindi rin ako mapapagod. 

Gustong gusto kita ng sobra, Vincent Maceda.

 


Lorenzo Vienei: Hello. Gising ka pa?

 


Mabilis bumagsak ang bilog na icon sa gilid. Nakabantay talaga sya sa usapan naming dalawa kaya lihim akong napangiti. Nakakabaliw.

 


Vincent Maceda: Gising pa ako

Vincent Maceda: Galit ka ba?

Lorenzo Vienei: Bakit naman ako magagalit. Gusto kitang yakapin ngayon. I miss your hug :(

Vincent Maceda: Tangina

Vincent Maceda: Pwede ba akong tumawag?

 


Hindi na ako sumagot at ako na mismo ang tumawag sa kanya. Nakasandal sya sa kama ng kanyang bahay roon sa Maynila. Tandang tanda ko pa rin ang itsura nito kahit ilang buwan na ang nakakalipas. Nakasuot sya ng gray na t-shirt at medyo magulo na rin ang kanyang buhok. Sinusuklay nya pa ito gamit ang sariling kamay ngunit kahit na ganoon, kitang kita pa rin ang kanyang kagwapuhan.

 


"Bakit hindi ka pa natutulog?" malumanay nyang tanong galing sa kabilang linya. "Hindi pa naman ako inaantok. Ikaw, bakit gising pa?" saad ko. Ramdam ko ang paninitig nya kahit sa screen kaya naman ay nag-iwas ako ng tingin. Hanggang dito kasi ay ganyan sya. Napansin ko pa ang pagngisi nya habang ako ay pulang pula na rito.

"Hindi ka sumasagot eh. Natakot ako," usal nya sabay tawa ng mahina kaya naman bahagya akong napangiti. "Lorenzo.." tawag nya.

Tumingin ako sa kanya at nagkunwaring nagtitiklop kahit na bukas ko pa naman dapat iyon gagawin. "Hmm?" 

Nakatitig lang sya sa akin. Mabigat ang tingin nya at seryoso ang mga mata nya roon. "Tingin ka muna." saad nya. Palagi ko kasing iniiwas ang tingin ko dahil hindi ko kayang sabayan ang sakanya. Masyadong nakakatunaw ang mga tingin nya kaya naman ay pilit ko inililipat sa iba ang mata.

"Bakit? Nagtitiklop ako, Vince." saad ko, hindi pa rin humaharap sa camera. Mukhang tanga na siguro ako ngayon, bakit kasi ganyan sya. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko habang nagtitiklop dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang mga mata nya sa akin.

"Baby.." tawag nya sa pinakamalambing nyang boses.

Sa sobrang gulat ay napatay ko ang tawag. Hawak hawak ko ang sariling dibdib habang nag-iinit ang mga pisngi. Tama ba ako ng pagkakarinig? Hindi ko alam ang gagawin ko. Sunod sunod ang pagtunog ng messenger ko, marahil lahat ay kay Vince. Hindi ko matignan dahil hanggang ngayon ay nagulat pa rin ako.

Kinailangan ko pa na bumaba at uminom ng tubig upang kumalma dahil pakiramdam ko ay sasabog ako. Ano bang ginagawa mo sakin, Vince. Pagbalik ko sa itaas ay natungo ako sa aking cellphone para tignan ang mga message nya.

 


Vincent Maceda: Bakit mo pinatay?

Vincent Maceda: Lorenz? Ayaw mo ba ng ganon? Sorry

Vincent Maceda: Sabihin mo sakin yung mga ayaw mo ha. Hindi ko ipipilit kung hindi mo gusto. Pasensya na, nabigla lang din ako. Ang sarap mo kasing tawagin sa ganoon.

Vincent Maceda: Gising ka pa ba? 

Vincent Maceda: Tulog ka na yata. Sige na at matutulog na rin ako, mag-ingat ka bukas sa byahe. Susunduin kita sa labas ng Piyu. Ingat ka.

Vincent Maceda: Good night, Lorenzo. :)

 


Halos mapunit ang labi ko kakangiti nang mabasa ang mga message nya. Akala nya ay hindi ko nagustuhan yung tawag nya sa akin samantalang halos hindi ako makahinga kakapigil ng kilig dito. Sobrang pure mo, Vince. Lalo kitang gustong ingatan.

 


Lorenzo Vienei: Nabigla lang ako kaya napatay ko. Pero, I like it.

Lorenzo Veinei: Keep calling me like that :)

Lorenzo Veinei: Goodnight, Vince!

 


Naging masaya ang tulog ko pagkatapos ng gabing iyon. Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagdasal na muna bago ang lahat. Pagkatapos, bumaba ako upang mag-init ng tubig dahil iinom ako ng kape. Nagising na rin pala si Loreign kahit na tanghali pa ang pasok nya ngayon.

Habang umiinom ay tulala pa rin ako. Hindi pa rin makapaniwala na nangyari ang lahat kahapon. Iniisip ko na agad ang mga posible naming pag-usapan sa bahay nya kaya naman hindi ko maiwasan ang hindi kabahan.

Pumanhik muna ako pabalik sa kwarto upang tignan ang aking cellphone. Nakatanggap ako ng mensahe kay Vince.

 


Vincent Maceda: Good morning. Salamat haha, para akong tanga na ngingiti ngiti dito sa jeep.

Vincent Maceda: Kumain ka na muna bago ka lumuwas. Ingat sa byahe ha. Nandito na ko sa jeep papasok rin sa school.

Vincent Maceda: Susunduin kita mamayang hapon. Goodluck Lorenzo :)

 


Napangiti ako habang nagpapadala ng sagot. Nang matapos ay naalala ko ang regalo ko kay Vince kaya naman ay kinuha ko ito sa cabinet at saka inilagay sa aking bag. Nagtungo na rin ako sa ibaba upang maligo na. Natapos na ako sa pag-aayos kaya naman ay nagpaalam na ako sa Mama at kay Loreign na papanhik na ako.

Habang nasa bus paluwas ng Maynila ay pinilit ko na matulog ngunit hindi ako makatulog. Pumasok ang isang lalaki na nagtitinda ng inumin at mga sitsirya sa bus. Naalala ko nanaman sa kung paano kami nagkita ni Vince. Halos hindi ko sya kayang tignan noong mga oras na iyon dahil sa matinding epekto nya sa akin kahit na ito palang ang una naming pagkikita.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti nang mapagtanto na matagal na rin kami magkakilala ni Vince. Isang taon at kalahati na rin magmula noong magkakilala kami. Akala ko pa noong una ay sobrang imposible na magkagusto ako sa taong hindi ko naman lubusang kilala.

Ngunit heto ay handa na ako aminin kay Vince ang nararamdaman. Gusto ko talaga sya.. hindi naman ako maghihintay kung hindi.

Pagdating sa piyu ay ramdam na ramdam ni Kia ang pagbabago ng mood ko. "Hmm, anong meron at bakit iba yata ang aura mo ngayon?" tanong ni Kia kaya naman natawa ako. "Bakit? Ano ba ang aura ko ngayon?" 

Kunwaring nag-isip sya at saka sumagot. "Kanina ka pa nakangiti. Dati naman kapag naaabutan kita ay nagbabasa ka o hindi kaya nakatungo lang. Basta iba talaga!" akusa nya.

Tumawa lang ako at hindi na sya sinagot. Maya maya lang din ay dumating na ang prof namin kaya nanahimik na kami. Mabilis natapos ang unang sub dahil naglesson lang naman si Ma'am. Lunch break na kaya naman ay tumayo na si Kia at nag-inat.

"Tara, lorenz." aya nya. Nagmamadali sya sa paglalakad kaya naman bumangga sya kay Geo. Hinawakan sya ni Geo ngunit agad rin naman itong iniwas ni Kia. "Sorry. Tara na, renz!" halata ang panic sa boses nya kaya naman ay sumunod na ako.

Napansin ko na dumaan ang sakit sa mata ni Geo nang mapansin ang pag-iwas ni Kia. "Geo, di ka sasabay?" tanong ko. Umiling sya sa akin bago sumagot. "Kumain na ko." saad nya bago pumasok sa loob.

Hindi ko naman matanong si Kia dahil halatang iniiwasan nya na talaga si Geo. Desidido na talaga sya sa gusto nyang mangyari. Habang kumakain ay nagkukwento si Kia ng mga kinaiinisan nya sa room samantalang ako naman ay nagrereply kay Vince.

 

Lorenzo Vienei: Eating kami rn. Kayo?

Vincent Maceda: Katatapos lang rin. Hirap nung comskills. Pero kinakaya naman haha, mas gusto ko pa science at math eh. 

Vincent Maceda: Kumain ng marami. May tubig ka bang dala?

Lorenzo Vienei: Kaya mo 'yan. Saan ka ba nahihirapan? Gusto mo tulungan kita?

Vincent Maceda: Ayos lang. Kaya pa naman, kapag hindi na papatulong na ko sayo hahaha

Vincent Maceda: Dala mo po tubig?

Lorenzo Vienei: Ah oo

 

"Hoy! Nakikinig ka ba?" tanong ni Kia kaya naman ibinaba ko na muna ang cellphone ko. "Ha.. oo naman." saad ko at saka muling kumain. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan hanggang makabalik sa room. Muntikan pa kaming malate ngunit buti nalang ay late rin ang prof namin. 

Mabilis natapos ang araw kaya naman pagkatapos kong magpaalam kay Kia at Geo ay pumanhik na muna ako sa restroom para mag-ayos. Naglagay lang ako ng pulbos at pabango dahil pakiramdam ko ay kung ano-anong amoy na ang dumikit sa akin.

Tumunog ang aking cellphone, hudyat na nagpadala ng chat message si Vince.

 

Vincent Maceda: Nandito na ako sa labas pero hindi naman nagmamadali. Hintayin kita dito.

 

Pagkabasang pagkabasa ko noon ay lumabas na ako at nagtungo sa main gate. Natanaw ko sya malayo, medyo nakakunot pa ang noo nya sa init. Nakasumbrelo ito na kulay itim, tshirt at pantalon, at isang sling bag na itim. 

Binuksan nya kaagad ang payong na hawak nang makita ako. Paglapit na paglapit ko ay kinuha nya ang bag na nakasakbit sa likuran ko at sinuot ito. "Gutom na?" tanong nya. 

"Hindi pa naman. Medyo busog pa ako doon sa lunch kanina." sagot ko. Vince just smiled. Ang gwapo nya talaga.

"Magluluto ako, tara na?" ani Vince at saka kami pumanhik pauwi sa bahay nya.

Habang nasa jeep ay nagtatanong si Vince sa nangyari sa buong araw ko. Sinasagot ko naman ito ng sinasagot. "Ang alam ko umuwi na si Kia, si Geo naman hindi ko alam." kwento ko.

Tumango sya at saka kinatok ang bubong jeep na sinasakyan namin. "Boss, tabi lang ho." usal nya at saka ako pinauna sa pagbaba. Habang naglalakad ay hawak hawak pa rin ni Vince ang bag ko pati ang payong. Halos ayaw nya akong pagbuhatin ng kung ano.

Nang makarating kami sa bahay nya ay nagulat ako nang madatnan na sobrang linis pa rin nito. Wala halos nagbago rito dahil kung paano ko ito nadatnan noong binisita ito ay ganoon pa rin. Maging ang ayos ng mga upuan, ay ganoon pa rin. Naiba lang ang mga kurtina, marahil ay pinalitan ni Vince pagkauwi nya rito ngunit bukod doon ay wala na.

"Maupo ka na muna, lilinisin ko lang itong karne." usal ni Vince habang binubuksan ang electricfan saka iton itinapat sa gawi ko. 

"Tulong na lang ako, wala naman akong gagawin." paalam ko. Mukhang nag-aalala pa sya doon kaya naman nagsalita muli ako. "Hindi ako pagod," ngiti ko.

Tumango din naman sya at saka ako inaya patungong kusina. Namiss ko rin ang bahay nya kahit iisang beses pa lang naman akong nagagawi rito. Pakiramdam ko kasi ay parte na rin ako ng bahay na ito.

Habang nag-gagayat ako ng mga carrots at hotdog, si Vince naman ay nililinisan ang karne na binili. Habang abala kami sa pagluluto ay itinuloy namin ang aming kwentuhan na naudlot sa jeep. 

"May mga kaibigan naman na ako na nakilala dyan. Ang tatalino nila." kwento ni Vince sa mga bago nyang kaibigan sa loob ng eskwelahan. 

"Matalino ka naman?" saad ko. Totoo naman iyon, hindi naman sya mabubuhay mag-isa kung hindi. Alam ni Vince kung ano ang gagawin sa buhay nya kaya matalino sya.

Ngumiti sa akin si Vince at nagpatuloy sa pagkukwento. "Nahihirapan talaga ako doon sa english at filipino. Parang doon pa ata ako babagsak ewan ko ba." iling nya sabay tawa. Nakangiti lamang ako habang pinapakinggan sya na magkwento tungkol sa pag-aaral nya.

Gustong gusto nya talaga ang bagay na ito. Kitang kita kasi ang tuwa sa mata nya kahit na sabihin mo pang nahihirapan sya.

"Anong balak mo kapa nakatapos ka ng ALS?" tanong ko. Ilang buwan lang kasi iyon, pagkatapos ay papasok sya ng senior high school. 

"Balak ko magpatuloy sa pag-aaral. Ang alam ko ay may mga libre na school para sa senior high." sagot nya kaya naman tumango ako.

"Proud na proud ako sayo.." usal ko habang patuloy pa rin sa ginagawa. Napansin kong bahagya syang natigilan doon kaya naman tumingin ako sa kanya.

Ngumiti si Vince sa akin at nagsalita. "Hindi ko narinig yan sa buong buhay ko. Sobrang sarap pala sa pakiramdam." usal nya.

Binitawan ko ang kutsilyo at ang gulay na ginagayat saka naghugas ng kamay. "Kahit naman noong hindi ka pa nag-aaral, proud na ko sayo. Sobrang galing mo kaya, idol kita." saad ko.

Umiling sya habang nakangiti. "Kabaliw ka." mahinang usal nya.

Natawa na lamang kami doon dalawa at nagpatuloy sa pagluluto. Nang matapos ay hinanda ko na ang plato sa lamesa pati ang sinaing. Si Vince naman ay abala sa paglalagay ng yelo sa pitsel, nagtitimpla ng juice. 

Maya't maya lang rin ay nilapag nya na sa lamesa ang juice at ulam. Ako naman ay nagsandok na ng kanin sa plato naming dalawa. "Kain na tayo." aya ni Vince.

Naupo na ako sa harap nya kaya naman nagsimula na kami sa pagkain. Kitang kita pa ang gulat sa mukha ko ng matikman ang menudo na luto nya. "Ang sarap. Magaling ka pala magluto eh," saad ko habang tumitikim ulit.

Ngumiti si Vince at nilagyan ng juice ang baso ko. "Tinulungan mo rin naman ako, magaling tayo." saad nya sabay mahinang tumawa. Nagpatuloy lang kami sa pagkain, minsan ay nagtatawanan dahil sa mga usapan. Sobrang palagay ang loob ko kay Vince. Para bang hindi ko na kailangan mag-isip kapag nandyan sya.

Nang matapos ay nag-insist na ako sa paghuhugas. Nakipagtalo pa sya doon ngunit wala na rin naman nagawa. Pagkatapos ko roon ay naabutan ko sya na nagtitiklop ng mga damit. Ang iba ay galing pa sa kanyang bag kaya naman nagtanong ako.

"Ano yan?" tanong ko saka naupo sa upuan sa harapan nya. 

"Ah yung mga damit na dala ko sa Pampanga. Ngayon ko palang naayos." saad nya habang nakangiti. Tumango naman ako. Pagkatapos nyang ilagay ang mga damit sa cabinet ay bumalik sya roon sa pwesto nya at humarap sa akin.

"Usap na tayo? Kating kati na ako magpaliwanag sayo.." malumanay nyang saad. Ngumiti ako at umiling sa kanya.

"Nabasa ko na lahat ng message mo. Naiintindihan ko, Vince. Hindi mo na kailangan magpaliwanag." usal ko. Seryoso lamang syang nakatingin ngunit ramdam ko ang kaba nya. "But I want you to know na gusto ko yung ginawa mo, because you did it for yourself." 

Kinuha ko ang dalawang kamay nya at hinawakan iyon. "You don't have to do that for me. Alam ko na gusto mo lang ang makkaabuti para sa akin pero kahit wala yung mamahalin na pagkain, yung mga mararangyang regalo, ayos sa akin Vincent. Hindi noon mababawasan ang pagtingin ko sayo." paliwanag ko sa kanya.

Nakita ko ang pangingilid ng luha nya. "Pero kahit na ganoon, proud na proud ako sayo. You worked hard, baby. Please give yourself a real rest now. Sobrang tagal mo na lumalaban, pahinga ka na sakin." ani ko. Nakita ko kung paano bumagsak ang luha sa pisngi ni Vince.

Pinunasan ko iyon gamit ang kamay ko. 

"And yes, Vincent.." huminga muna ako ng malalim bago nagsalitang muli. "Gusto rin kita. Gustong gusto kita."

That's the last thing I said bago ako yakapin ni Vince ng mahigpit. Nakaluhod ito sa harap ko ngayon at mahigpit na nakayakap, ramdam ko ang mga hikbi nya sa aking leeg. Maging ang pagtulo ng luha ko ay nararamdaman ko na rin ngunit hindi ito dahil sa lungkot.

Sobrang saya ko ngayon. 

Sobrang saya ko na nasabi at nailahad ko kay Vince ang nararamdaman ko. Na pagkatapos ng isang taon, nasabi ko na ang nais kong sabihin simula pa lang.

"All your hardworks. Lahat ng paghihirap mo, lahat ng pagtitiis mo sa initan, sa pag-iinda mo ng sakit sa katawan. May sukli 'yan lahat. You've fought a good fight, my love. Wala man akong karapatan sabihin sayo ito dahil hindi pa naman tayo ganoon katagal magkakilala, pero gustong gusto ko malaman mo na sobra sobra kitang pinagmamalaki." bulong ko sa tenga nya.

Patuloy lamang sa pag-iyak si Vince sa akin. "Salamat.. salamat lorenzo.. tangina.." halos bulong na lamang ang mga iyon. "Thank you, baby." 

"Lahat ng pagtatrabaho mo sa palengke, sa bus at kung saan mang site 'yan. Pinagmamalaki kita. Hindi mo kailangan ibigay ang lahat o sungkitin ang bituin para lang ipadama sakin na gusto mo ako dahil Vince.. ramdam ko. Sobrang ramdam ko. At kung sakali man na hindi ka bumalik, hihintayin at hihintayin pa rin kita dahil gusto ko at pinili kong hintayin ka. Mahalaga ka rin saakin, Vince. Gaya ng pagtingin mo sa akin bilang importanteng bagay, ganoon rin ako sayo." usal ko.

Vince kissed the back of my hand. "Naging mabuti nga siguro ako sa harap ng Diyos. Napakaswerte ko sayo. Kaya salamat, Lorenzo. Maraming maraming salamat. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka.. kung hindi kita nakilala." 

Unti-unti syang umayos sa pagkakaupo, pinupunasan ang luha na kitang kita sa kanyang mukha. Nakatungo pa rin sya habang humihikbi. Ang dalawang siko ay nakapatong sa dalawang hita, nahihiyang mag-angat ng tingin.

"Huwag mo sabihin na wala kang karapatan sabihin ang bagay na iyon dahil kaya kong ibigay lahat, marinig lang sa mga bibig mo ang mga salitang iyon, Lorenzo.." nanghihinang usal nya.

"Binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na mabuhay pero ikaw.. binigyan mo ako ng rason upang magpatuloy. Kaya wag mong sasabihin na wala kang karapatan dahil kung meron mang tao sa buong mundo ang dapat ko pasalamatan, ikaw 'yon.." saad ni Vince. 

Pinupunasan ko na rin ang mga luha ko dahil hindi ko na maramdaman ang sarili ko sa sobrang saya.

"Kaya kong ibigay sayo lahat, Lorenzo. Puta, kahit ano pa 'yan, kahit ikamatay ko pa 'yan. Hindi ko alam na posible pala ito.." bulong nya, sapat na upang marinig ko. "Posible ko palang marinig galing sayo na gusto mo rin ako. Masyado kasing mababa ang tingin ko sa sarili ko.. na hindi ako kailanman maaabot ng paningin mo. Na hindi mo kailanman mapapansin ang anino ko.. tangina ang saya.."

Nag-angat sya ng tingin sa akin at saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Mahal kita, Lorenzo. Hindi ko man kaya ibigay lahat sayo ngayon pero susubukan ko..." usal nya habang hawak hawak ang kamay ko. "Hindi mo man hinihingi ang lahat.. gusto ko malaman mo na nararapat mong maranasan ang magagandang bagay." saad nya at muli akong niyakap.

Naramdaman ko ang paghalik nya sa aking ulo. Sapat na iyon upang maramdaman ko na mahal nya talaga ako. "Hindi ako mapapagod na maging tamang tao para sayo dahil sobra sobra pa doon ang nararapat sayo. Sana alam mo na bawat pagod ko, mukha mo ang nakakapawi noon. Ngiti mo ang dahilan ng lahat, Lorenzo. Ngiti mo ang rason, kung bakit ako nagpapatuloy mabuhay hanggang ngayon. Buhay ako dahil buhay ka.. at humihinga ako dahil sayo."

"At sa oras na minahal kita, pagmamay-ari mo na ako. Tangina, gustong gusto kita. Para akong mababaliw kapag hindi ko nasabi sayo kung gaano kita kagusto. Parang kati kati yung dila ko na sabihin kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Nakakapaso ka mahalin pero kahit na ganoon, hinahanap hanap ko ang apoy mo. Puta, baliw na nga yata ako."

"Tahan na. Nandito lang ako palagi sa tabi mo, Vince. Hindi ako aalis, hihintayin at hihintayin kita palagi.." bulong ko sa kanya.

"Hindi na ako aalis sa tabi mo. Mahal kita, Lorenzo..." bulong nya sa pagitan ng yakap namin. "Hindi ko na kaya ang iwan ka ulit. Kung kailangan ko mag triple ng trabaho dito ay gagawin ko basta nakikita ko ang mukha mo araw-araw ay sapat na saakin para magpatuloy." saad ni Vince. Pulado na ang mga mata nya at medyo magulo na rin ang buhok. Umiiyak na sya ngunit ako dito ay nakangiting naluluha. 

Hindi ko alam ano ang ginawa ko sa buong buhay ko upang matanggap ang sobra sobrang pagmamahal na ito galing kay Vince. Ang malaman na gusto nya ako ay ayos na ngunit ang marinig ang lahat ng ito, lahat ng nararamdaman ni Vince sa akin ay sobra na. Parang hindi na kaya ng puso ko.

"Diyos ko, mahal na mahal kita." bulong nya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Notes:

hellooo, xori na now lang nakapag ud huhu. anywayz! sana masaya kayo hehe

ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

Chapter 13

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

hello, pipol! sorry ngayon lang ud huhu my one year old niece died last week and nabusy ako this week. bawi ako!

notes: typo & grammatical errors ahead!

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

Pagtapos ng naging pag-uusap namin ay nanatili lamang si Vince sa tabi ko. Pareho kaming nakasandal sa kanyang sofa na mukha namang ginawa para lamang sa dalawang tao. Nakasandal ako sa kanya habang ang kanyang kaliwang kamay ay ang nagiging unan ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon.. tahimik na nakaupo sa maliit na sofa, kanyang braso ang nagsisilbing taga-suporta ng aking batok, ramdam na ramdam ko ang mga dampi ng kanyang labi sa aking ulo habang patuloy sya sa pagbigkas ng mga katagang 'mahal kita.'

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon, napansin ko na nakatulog na sya dala na rin siguro ng sobrang pag-iyak. Dalawang beses ko pa lamang nakikitang umiyak si Vince. Noong una ay noong ihatid nya ako sa terminal kung saan yon na pala ang huli naming pagkikita. Ang pangalawa naman, kanina. Hindi naman ako tanga upang hindi mapansin na gusto nya rin ako. Marahil ay nakumpirma ko lang it noong nabasa ko ang liham nya sa bus ngunit bago pa man iyon, may kahit papaano sa akin ang umasa na posible rin na maramdaman nya ang nararamdaman ko.

Hinayaan ko lamang sya na matulog. Pinagmasdan ko si Vince habang nakapikit ang mga mata at isang kahoy na pader ang sumusuporta sa kanyang ulo. Napangiti ako nang mapansin ang haba ng kanyang pilikmata nya, ang tungki ng kanyang ilong.. ang tangos talaga ng isang ito. 

"Hindi ako aalis sa tabi mo. Palagi mo akong makikita rito." bulong ko bago sya pinatakan ng halik sa noo. 

Umalis ako sa tabi nya at saka sya nilagyan ng unan sa bandang batok upang hindi ito masyado masakit. Itinapat ko rin ang electricfan dahil mainit masyado ang panahon. Ako naman ay kinuha ang laptop sa bag at saka nagsimulang gumawa ng paper. Naupo ako sa lapag habang ang laptop ay nakapatong sa maliit na table, sa harap ng sofa. 

Ginawa ko na muna ang mga dapat gawin habang tulog si Vince. Maaga aga pa naman, mamaya na siguro ako uuwi. Inabot rin ng dalawang oras ang ginawa ko, si Vince naman ay nahuli ko na gising na at nakatingin lang sa akin.

"Gising ka na pala," saad ko habang nakatuon pa rin sa laptop ang atensyon.

Sobrang gwapo nya. Nasabi ko naman na, na gwapo si Vince pero ngayon ko lamang ito nakita ng bagong gising. Mugto pa rin ang mata nya galing sa iyak kanina, namumula pa rin ito. May kaguluhan na rin ang buhok nya ngunit kahit ganoon, lalo lamang ito nagbibigay ng karisma sa kanya. Sa sobrang lakas ng dating nya ay ikaw na lamang ang mahihiya na tignan sya.

"Ganda mo." ani Vince. Sunod sunod ang naging paglunok ko roon. Alam ba nya kung ano ang epekto sa akin ng mga salita nya? Sana ay alam nya na halos mabaliw at umikot ang puson ko sa mga mabubulaklak nyang salita. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakatitig lamang ito sa akin habang nakangiti.

Umiwas ako ng tingin at saka nagmadaling ligpitin ang gamit. "Ah u-uuwi na ako.. gising ka na rin naman pala.." saad ko. Ramdam nya siguro ang tensyon na nararamdaman ko dahil hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. 

Bago ko pa sya malagpasan ay hinawakan nya na agad ang palapulsuhan ko upang pigilan ako sa pag-alis. Tumayo sya kaagad at saka ako hinarap sa kanya. Hindi nga ako makatingin kanina dahil sa hiya, ngayon pa kaya na halos isang dangkal lang ang pagitan naming dalawa.

"Saan punta mo?" tanong ni Vince. 

"Terminal." saad ko. Sinilip ko bahagya ang mukha ni Vince. Sinusuri nyang maigi ang reaksyon ko.

"Ng wala ako?" agaran nyang tanong. Hindi na ako nagsalita, pinanood ko na lamang sya na kunin ang kanyang maliit na bag at susi na nakasabit sa kanyang dingding. Naghilamos rin sya saglit at saka nagpunas ng mukha sa tuwalya na nakasabit sa likuran ng pinto. Pagkatapos nyang gawin ang lahat ng iyon ay lumapit sya sa akin at saka kinuha ang palad ko. "Tara na," 

Nagpatianod lamang ako sa kanya habang palabas. Binibitawan nya lang ang kamay ko kapag kailangan, gaya ng pagsara ng pinto at maliit na gate. Bitbit nya rin ang aking bag kaya naman hindi ko maiwasang hindi mamula. 

"Dapat ay ginising mo ako, anong oras na tuloy." ani nya habang naglalakad kami patungo sa kanto. 

"Pagod ka rin kasi. Ayokong maputol ang tulog mo." sagot ko. Hindi sya sumagot at ngumiti lang. Hawak hawak nya pa rin ang aking kamay hanggang makasakay ng jeep, sobrang saya ko ngayong araw. Wala sigurong paglagyan ang aking nararamdaman dahil punong puno ito ng saya. 

Tahimik lamang kaming dalawa sa jeep dahil tahimik lang rin ang mga tao, pagod siguro galing sa mga eskwelahan at trabaho. Tahimik lamang si Vince habang nilalaro ang aking kamay sa buong byahe, pinapanood ko lamang sya na imasahe ang palad ko.

Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ang aking mga labi. Ganitong ganito sya magmula noong magkakilala kami. Hindi nya hahayaang hindi tumulong lalo na kung kaya nya naman, hinding hindi nya nakakalimutan na bitbitin ang aking bag dahil raw mabigat ito gayong kahit sya ay pagod din naman. Hindi nya nakakalimutang iparamdam na may pakialam sya sa akin kahit sa pinakamaliit ng bagay.

Nang makababa kami at makarating sa terminal ay mayroon na roong bus. Huling ruta na raw ito para sa araw na iyon kaya naman laking pasasalamat ko. Nang magpapaalam na ako kay Vince ay hinila nya ako papasok sa bus, may pagtataka pa rin sa aking mukha.

"Bakit ka nandito?" tanong ko nang makasakay kami. 

Ngumiti lang si Vince at saka kinuha ang earphone nya sa kanyang bag. "Ihahatid ka." kaswal na sagot nya. Ako naman ay gulat na gulat sa narinig.

"Baliw ka ba. Ang layo ng Cavite, bumaba ka na Vince, sige na." saad ko, nagpupumilit sa pagbaba nya. Hinawakan nya ang kamay ko at pinigilan sa pagtulak ko sa kanya. 

"Anong oras na, Lorenzo. Sa tingin mo ba ay papayag ako na umuwi ka ng ganitong oras, mag-isa?" seryosong saad nya at saka inabot ang kaliwang pares ng earphone. 

"Sanay naman ako. Isa pa, maaga pa rin naman." katwiran ko.

Umiling si Vince sa akin. "Lorenzo, sige na oh?" pagmamakaawa nya. Hay, ang kulit talaga ng isang 'to. Napailing nalang ako at hindi na nakipagtalo, mukhang wala rin naman kasi syang balak magpatalo eh. "Galit ka ba? Sorry na. Gusto ko lang makasiguro na ligtas ka makakauwi, kasalanan ko rin naman kasi bakit ngayon ka lang nakauwi." Bulong nya.

Tinignan ko sya bago nagsalita. "Bakit ka lagi humihingi ng tawad kapag inaalagaan ka? Hindi ba pwedeng ginusto ko naman ang bagay na iyon, Vince?" tanong ko.

Nakakainis na lagi nya naiisip na kaunting abala sa akin ay kasalanan nya na. Na mali kung aalagaan at magmamalasakit ako sa kanya. 

Nanatili akong tahimik at nakatingin lamang sa bintana. Naramdaman kong kinuha nya ang kamay ko at saka bumulong. "Sorry. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin.." panunuyo nya.

Hindi pa nga nagiging kami ay nag-aaway na. Nainis lang naman ako kasi parang wala akong karapatan na alagaan sya.

"Gustong gusto ko tuwing inaalagaan mo ako. Tuwing naalala mo ako, masaya ako. Gusto ko kapag ako ang hinahanap mo kina Chukoy at Aling Myrna. Gusto ko iyon lahat, enzo." pagpapatuloy nya. "Pasensya na. Magiging maayos na ako sa susunod. Ayokong nag-aaway tayo.." saad nya.

Hindi ako nagsalita, bagkus ay kinuha ko na lamang ang kabilang pares ng earphone na inaabot nya sa akin kanina at saka humilig sa kanyang balikat. Kitang kita pa rin ang magkasalubong na kilay ko ngunit hindi nya na iyon pinansin. Umayos na lamang sya ng upo at saka inihilig ang ulo sa akin. 

"Sorry ulit, baby. Makikinig na ako sayo palagi." bulong nya saka humalik ng bahagya sa tuktok ng aking ulo. 

Natahimik ang pagitan namin. May isang oras at kalahati rin kami bago makarating sa Cavite kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang makatulog.

 

Giliw, kung pahihintulutan mo ako..

Ipagkakatiwala ko sana sa 'yo ang puso ko.

Alamat lang ba ang pahinga.

Ng dalawang puyat sa, pira-pirasong mga bugtong?

Nagtatanong.

 

Parang hinaplos ang aking puso sa musika na pinakikinggan. Hindi ko kailanman naisip na darating kami sa ganitong punto.

Ako, si Vince.. kaming dalawa sa isang malamig na bus. Ambon ay kitang kita sa bintana, musikang nagkukubli sa aming dalawa. Nakasandal, nakakapit.. magkatabi.. magkasama.

Kaming dalawa.

Kami lang.

 

Sagot ay 'di mahalaga
Sapat na sa 'king nar'yan ka

 

Bawat sakay ko sa sasakyang ito ay mga mensahe na hindi kailanman narinig ni Vince mula sa bibig ko. Bawat ruta pauwi sa bahay ko ay mga luhang naghihintay sa pagbabalik ng taong gusto ko. Bawat sulong ng bus na ito ay mga ngiti na dala lamang ng isang tao. At naririto ako ngayon sa muli sa bus. Hindi bilang estudyante na papasok sa Maynila.. kung hindi isang tao na masaya sa pagbabalik ng taong gusto nya.

Naririto si Vince sa bus ngayon na sinasakyan ko, hindi upang maglako ng kanyang paninda. Kung hindi para ihatid ang taong gusto nya.

Kaming dalawa sa ilalim ng bus na ito, pauwi sa bahay ko.. kasama ang tahanan ko. 

 

Giliw, kung pahihintulutan mo ako

Ang aking hangganan ay ipapamalas ko sa 'yo

Giliw, 'pinakikiusap ko sa 'yo

Sana'y pakaiingatan 'yang puso ko

 

 

-

 

"Lorenz.." rinig ko ang lambot at lamig sa boses ng taong iyon. "Gising na.. nandito na tayo," saad nya muli habang marahan na tinatapik ang aking pisngi. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang SM Branch na palagi kong binababaan.

"Halika na. Baka maiwanan ka ng sasakyan." aya nya sa akin. Nang makababa kami ay pumila kaagad kami sa terminal. Kinuha ko kaagad ang aking selpon at nagtipa ng mensahe para kay Loreign. "Samin ka na matulog." ani ko. Bahagya pang nagulat roon si Vince at saka umiling.

"Hindi na. May masasakyan pa naman ako." saad nya. 

"Di ba narinig mo naman yung konduktor kanina? Huling ruta na raw iyon pauwing Cavite. Wala ka ng masasakyan, Vince. Huwag ka na makulit." pangaral ko. 

"Meron pa yan-" pagpupumilit nya.

"Vince." tawag ko. 

"S-sige. Hindi na.." bulong nya. Kaya naman hindi ko maiwasan mapangiti. Habang nasa daan ay ramdam na ramdam ko ang pagtahimik nya. Hindi kasi sya halos nagsasalita at kumikibo sa jeep. Kadalasan ko pa mapansin na nawawala sya sa sarili nya.

"Ayos ka lang? Bakit tahimik ka?" tanong ko nang makababa kami sa aming kanto. Patuloy lang kami sa paglalakad nang magulat ako dahil hinarap nya ako sa kanya.

"Lorenz.. naroroon ba ang mama mo?" tanong nya. Nagpigil ako ng ngiti. Kaya pala sya tahimik kanina dahil iniisip nya kung naroroon ang Mama? 

"Oo. Bakit?" tanong ko kahit may ideya na ako kung bakit nya naitanong.

Nagkamot sya ng ulo at saka nagsalita. "Lorenzo.. hahanap na lamang ako ng matutuluyan kung ayaw mo na umuwi ako sa Maynila." saad ni Vince. Ramdam ko na ang kaba nya mula rito kaya naman natawa ako.

"Bakit ba? Natatakot ka kay Mama?" tanong ko. Dahan dahan syang bumuga ng paghinga bago humarap sa akin.

"Hindi ako natatakot harapin ang miyembro ng pamilya mo o hindi kaya ang Mama mo. Nahihiya lang ako dahil halos hindi ako nakapaghanda para rito. Tignan mo naman ang hitsura ko.. kahit isang piling ng saging ay wala akong dala. Nakakahiya, Lorenz.." usal nya.

Kinagat ko ang aking pisngi upang pigilan ang pagngiti. "Bakit? Ayos naman ang itsura mo ah? Tsaka hindi sila mahilig sa saging kaya tara na," aakayin ko na sana sya ngunit hinila nya ulit ako pabalik sa kanya. 

"Lorenz naman... gusto ko nga magpalakas sa mama mo. Paano ako aakyat ng ligaw gayong ganito ang ayos ko? Wala manlang gel sa buhok.. nakatsinelas pa..." pagmamakaawa ni Vince. Pinasadahan ko ang kanyang sinasabing ayos dahil natatawa ako.

Paniguradong kapag nakita ito ng mama ay matutuwa iyon dahil sa tikas ng lalaking ito. May napakilala na namana akong manliligaw sa mama, ngunit hindi nya ito nagustuhan kahit na mararangya at kilalang brand pa ang mga suot nito. 

Hinawakan ko ang kanyang kamay at saka nagsalita. "May tiwala ka ba sakin?" tanong ko.

Bumuntong hininga si Vince bago nagsalita. "Oo naman.. kaso kasi tignan-" hindi nya na natuloy ang sasabihin nya ng pigilan ko ang kanyang bibig.

"You looked fine, Vince. Ang gwapo mo," saad ko. Mukha namang tumigil na doon si Vince, napansin ko na kumalma na ang kaninang nagkakagulo nyang pakiramdam. "Ngayon, tara na. Kasi hinihintay ka na nila.." saad ko.

Naglakad na muli kami ngunit tumigil sya saglit. "Malapit lang ba ang bayan rito?" tanong ni Vince. Kumunot ang noo ko ngunit sumagot rin kaagad. "Oo, bakit?"

"Samahan mo ako." usal nya.

Naririto kami ngayon sa bayan. Pinapanood ko itong bumili ng sapatos sa isang tindahan, sa harap ng simbahan.

"Hindi mo na kailangan iyan, Vince." saad ko ngunit kanina nya pa rin ako hindi pinapakinggan. Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lamang sa panunukat ng sapatos.

"Magkano ito ate?" tanong nya.

"450. Five hundred nga 'yan  toy, 450 ko nalang ibebenta sayo..." saad ng ale na pinuntahan namin.

"Sobra naman. Hindi ba pwedeng 350 na lang? Sige na ate, gabi na rin oh." tawad nya. Natawa naman ako dahil wala namang konek ang gabi sa pagtawad nya sa presyo. Minsan ay nakakaloko rin ang taong ito eh.

"Naku toy, sayo ko nga lang binigay ng 450 yan. Kahit magtanong ka sa iba, 550 pa minsan ko iyan nabebenta." angil ng ale.

"Kaya nga ate, mabebenta mo naman sa iba 'yan ng 550. Ibigay mo na sakin 'to ng mababa hehe. Huwag ho kayong mag-alala, sainyo ulit ako bibili ng sapatos." pagpupumilit ni Vince.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sya. Lalo lamang akong nahuhulog kay Vince, at parang wala na rin naman akong balak umahon sa lalaking ito.

"Hay naku, sige na nga. Para makauwi na rin ako.." pagpayag ng ale. Parang bata naman ay, tuwang tuwa si Vince sa narinig at kaagad nagbayad. Sinuot nya na rin ito doon. Itinapon nya na rin ang tsinelas na kanyang suot suot. "Ano, tara na?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang sya saka umiling.

"Sabi ko naman sayo, Vince. Hindi na kailangan ng ganyan.." pagpupumilit ko. 

Kasalukuyan kasi itong pumipili ng cake. Hawak hawak nya rin ang isang bucket ng jollibee sa kanyang kanang kamay, tapos ngayon ay naririto kami sa red ribbon. Kung kanina ay hindi ko sya pinigilan sa pagbili ng sapatos dahil magagamit nya rin naman iyon, ngayon naman ay halos maya't maya ako magsalita sa kanya dahil hindi talaga sya nakikinig.

"Ano kaya dito ang gusto ng kapatid mo. Mahilig ba sya sa chocolate?" tanong nya sa akin. Magkakrus pa ang kanyang mga bisig at nakahawak pa sa kanyang baba na mistulang pinag-iisipan talaga ang bibilhin na  cake.

"Ewan ko sayo, ang gastos mo. Hindi naman na kailangan ng ganyan." inis na saad ko. Pinanood ko sya na ituro ang mocha cake na nasa loob ng salamin. Habang binabalot ito ng cashier ay nagpunta sya saakin, hindi ko sya pinansin.

Marahan nyang hinaplos ang magkakrus kong kamay. "Gusto ko lang naman bigyan ang kapatid at ang mama mo. Hindi naman sobrang bigat nito, Lorenz. Kaya nga ako nagtrabaho at lumayo hindi ba? Kaya ibigay mo na sakin ito..." marahan nyang bulong. Hindi ako sumagot ngunit naramdaman ko ang halik nya sa bandang noo ko.

Nakakainis lang na sobrang kuripot nya pagdating sa sarili nya, halos lumuhod nga sya kanina sa ale para lamang tawaran ang sapatos na magagamit nya naman sa pagpasok, pakatapos pagdating sa akin at sa pamilya ko ay wala lang sa kanya ang paggastos. 

Naiintindihan ko naman na pinaghirapan nya iyon, kaya nga mas gusto kung gagastusin nya iyon sa sarili nya hindi sa akin o sa pamilya ko.

"Masaya ako dito sa ginagawa ko, Lorenzo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na nakakabili ako ngayon ng kaunting regalo para iharap sa pamilya mo. Yung saya ng puso ko ngayon, walang paglagyan." tanging saad nya. Tumango na lang ako, ngumiti naman sya saakin at saka ako niyakap.

Hanggang sa tricycle ay patuloy lamang sya sa pagtatanong kung ayos lang ba ang buhok nya. Bumili pa ito ng candy, pulbo at gel para lamang ayusin ang sarili.

"Ayos lang ba?" tanong nya. Panglima nya na siguro itong tanong.

"Kumalma ka, Vince. Ayos ang itsura mo, mukha kang presentable." usal ko. Tumango naman sya doon, naglalakad na muli kami papasok sa kanto namin. Hawak hawak nya ang supot ng jollibee sa kaliwang kamay habang hawak ang kamay ko sa kabila.

Ako na ang may hawak ng cake dahil bitbit nya rin ang bag ko at bag nya. Kinuha ko naman ngunit ayaw nya ibigay kaya hinayaan ko na lang. Nang marating namin ang labas ng bahay namin ay sobrang lamig ng kamay nya.

Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng guilt. Halata namang hindi nya inaasahan na ngayong gabi nya makikikilala ang mama at kapatid ko ngunit pinilit ko pa rin sya.

Hinawakan kong maahigpit ang kanyang kamay bago nagsalita. "They would love you, Vince. Maniwala ka sakin," usal ko sa kanya.

Tumango sya at saka huminga ng malalim. Binuksan ko ang gate at agad lumabas si Loreign. 

"Ma! Andito na po sila!" sigaw ni Loreign kaya naman hindi ko maiwasang matawa. 

"Kaya ko 'to.." bulong ni Vince. 

"Tama, kaya mo 'yan. Kung hindi mo kaya, ano pa't nandito ako?" saad ko sabay tawa.

Ngumiti si Vince habang nakatingin sa akin. "Kinakabahan ako sobra pero.. ang ganda ganda mo, tangina." saad nya sabay ngiti kaya tuluyan na akong natawa. "Ewan ko sayo.. tara na?" aya ko sa kanya. Bumalik nanaman ang kaba sa kanyang mukha. 

Pagpasok namin ay naabutan ko ang mama na naglalagay ng placemat sa lamesa. Nang makita nya kami ay pinunasan nya pa bahagya ang suot na salamin. "Tara." aya ko kay Vince. Sumunod sya sa akin, ramdam ko pa rin ang kaba nya habang naglalakad kami palapit sa mama.

"Ma.." tawag ko saka nagmano. "Si Vince po." pakilala ko sa aking kasama. "Vince, ang Mama at saka kapatid ko.. si Loreign." usal ko.

Umatras muna ako bahagya upang bigyan si Vince ng pagkakataon ipakilala ang sarili. "Magandang gabi po, ako po si Vince.. nice to meet you po, Ma'am." pakilala ni Vince at saka magalang na tumungo. 

Kita ko ang lawak sa ngiti ng mama kaya naman alam ko na gusto nya ito agad. Hinawakan nya ang ulo ni Vince at saka ito tinapik ng bahagya. "Ano mo ang anak ko?" tanong ng Mama.

"Ah.. a-ano po.. ka.." tumingin ito sa akin. Ramdam ko na hindi nya alam ang sasabihin kaya naman ay sinalo ko na ito.

"Manliligaw ko, Ma." usal ko.

Kita ko ang gulat at pamumula ni Vince. Para namang natauhan sya roon at saka tumungo ulit sa Mama.

"Opo. Kaya rin po ako nandito Ma'am.. nais ko po sana humingi ng permiso kung ayos lang ho bang ligawan ko ang panganay nyo.." magalang na saad ni Vince.

Tumawa lang si Mama at saka iniangkla ang kanyang kamay sa braso ni Vince upang igaya ito sa hapag. 

"Sya.. mamaya natin iyan pag-usapan at kumain na muna tayo." saad ni mama sabay tawa. "Loreign, halika na at kakain na!" 

Nagpaalam na muna ako na magpapalit muna kaya naman naiwan si Vince habang kausap ang Mama. Pagbaba ko ay nag-uusap pa rin sila dahil patuloy sa pagtatanong ang mama.

"Lorenz, sa maynila pa pala nauwi ito. May nasasakyan pa ba ng ganitong oras? Dito ka na kaya matulog. Malawak naman ang kwarto nito ni Lorenz.." saad ni Mama. 

"Dito po sya matutulog, Ma. Wala na kasing bus ng ganitong oras." sagot ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang ang Mama at si Vince naman ay patuloy sa pag-uusap. Nagkukwentuhan sila tungkol sa buhay sa maynila, at iba pa. Si Loreign naman ay kanina pa patuloy sa pag-aasar sa akin kaya naman minsan ay sinasamaan ko ng tingin dahil baka nakakahalata na si Vince.

"Totoo, sadyang mahirap nga ang buhay sa Maynila. Andaming tao ang lumuluwas at nakikipagsapalaran, swerte ka nalang kung may kukuha sayo lalo na't karamihan sa mga papasukan mo, kailangan ay graduate ka. Kakarampot naman ang pinapasahod.." usal ni Mama at saka umiling.

Nalungkot ako dahil totoo iyon. Karamihan sa mga trabaho na inaalok ngayon ay nangangailangan ng mga taong nakapagtapos ng pag-aaral bago ka tanggapin ngunit hindi naman sapat ang sahod na binibigay dala na rin sa baba ng ekonomiya.

"Nag-aaral ka ba, Vince?" tanong ng Mama. Napatigil ako at bahagyang tumingin kay Vince. Ramdam ko na kinakabahan nanaman sya.

"Opo.. kasalukuyan po akong kumukuha ng ALS para mapabilis ng kaunti ang pag-aaral. Nais ko rin sana ho kasing pumasok sa mga state university upang makatapos ng kolehiyo." pagkukwento nya. Sinikap kong abutin ang kanyang kamay sa ilalim at saka hinawakan ito ng mahigpit.

Tumingin pa sya sa akin ng maramdaman iyon at saka ngumiti. Para bang sinasabi na ayos lang sya.

"Als? Bakit? Nasaan ba ang iyong mga magulang.." tanong ng Mama. Agad tumaas ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tamab ba na dinala ko si Vince dito lalo na't pakiramdam ko ay hindi pa sya handa na ikwento sa lahat ang naging karanasan nya. 

"Ah ma, yung.. panyo ko po palang puti nakita nyo? Hindi ko kasi mahanap, kailangan po namin sa lunes.." pagiiba ko sa usapan, pakiramdam ko kasi ay hindi handa si Vince na magkwento sa Mama.

"Nilabhan ko yata iyon noong isang gabi. Mamaya, hahanapin ko kung saan ko nailagay." sagot ng mama.

Akala ko ay nailigtas ko na ang pag-uusap ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang marinig si Vince na magsalita. 

"Ulila po ako. Hindi ko po kilala ang nanay at tatay ko.. inampon lang po ako ng madre at pinatuloy sa ampunan para alagaan. Ngayon po ay sarili ko lamang ang kasama ko sa buhay, nagtrabaho po ako bilang construction worker.. at nagtitinda rin po ako ng tubig sa bus." malungkot na kwento ni Vince. 

Lumapit ako sa kanya upang bumulong.

"Hindi mo kailangan ikwento kung hindi ka handa, Vince." saad ko. Ngiti lamang ang ginawad nya sa akin at saka inayos ang salikop ng aming kamay. 

"Ngunit sa baba po ng kita, minabuti ko na lumuwas at lumayo sa Maynila. Naging pahinante ho ako sa probinsya, noong kumikita ho kahit papaano ay saka ko napagisipan na pumasok sa ALS. Gustong gusto ko po kasi ang bagay na iyon, naisip ko po na ngayong kaya ko naman na pag-aralin ang sarili kahit papaano, siguro naman ho ay pupwede na." kwento ni Vince.

Natahimik ang mama maging si Loreign. Hindi nila alam ang sasabihin kaya naman ako na ang lumapit kay Vince at muling bumulong. "Proud na proud ako sayo. Lagi." 

"Nakakabilib ka. Bilib ako sa lakas ng loob mong magpatuloy sa buhay.." usal ng Mama. Kinakabahan ako ngunit lamang sa akin ang kagustuhan na marinig ang sasabihin nya. "Bihira lamang ang batang kagaya mo kaya nakuha mo ang respeto ko." patuloy nya.

Ngumiti ako at kaunti na lamang ay patulo na ang luha sa narinig. 

"Kung aalagaan mo ang anak ko, at sisikapin nyong magtapos pareho ay, sige, pumapayag ako na ligawan mo sya." saad nya. Kita ko ang gulat at saya sa mata ni Vince nang marinig ang bawat salitang binitawan ng Mama. "Ipagkakatiwala ko sayo ang anak ko, Vince. Huwag mo sanang sirain ang tiwala na iyon dahil kaunti lamang ang binibigyan ko nyan." ngiti ni Mama.

Tumungo si Vince at saka ngumiti. 

"Makakaasa po kayo Ma'am. Aalagaan at magtatapos po kami ni Lorenzo, hinding hindi ko po kayo bibiguin." kitang kita ang ngiti ni Vince kaya naman hindi ko maiwasang maging masaya rin.

"Mama.. huwag na Ma'am at baka lumaki ang ulo ko. Mama na lang din.." saad ng Mama.

"Makakaasa po kayo, Mama." 

-

Natapos ang hapag at kasalukuyang nakaupo ang Mama at si Vince sa sofa. Nagkakape silang dalawa, hindi talaga mahilig sa kape si Vince ngunit dahil nga "nagpapagoodshot" raw sa Mama ay nakiinom rin ito. 

"Loreign, kunin mo nga yung album nyo ng kuya mo sa drawer." utos ng Mama kay Loreign. Bumalik naman si Loreign hawak ang dalawang makakapal na album kung saan naroon ang mga litrato ko noong bata hanggang graduation. 

"Ito si Lorenzo noon, naku sobrang iyakin nyan. Palagi hanap hanap ang ama nya.." kwento ng Mama. Ako naman ay nakikinig lang sa kanila at paminsan minsan ay umiiling. "Kuha ito noong buntis pa ako sa bunso ko. Nagpapabuhat sya sa akin kaso hindi naman ako pwede at kabuwanan ko na kaya iyak sya ng iyak dyan." 

Pinagmasdan ko si Vince habang nakangiti syang nakikinig sa Mama. Pinagmasdan nya ang bawat litrato ko, paminsan minsan ay hinahaplos nya pa ito. "Cute na po pala talaga sya bata pa lang." saad nya. Tumawa naman si Mama habang sya ay tumingin sa gawi ko. 

Nakangisi pa rin sya kaya naman hindi ko maiwasang umirap.

"Ito po, kailan po ito?" tanong ni Vince habang tinuturo ang litrato ko noong nakasuot ako ng parang dinosaur. 

"Ay grade six yata sya dyan. Christmas party nila sa school, gusto nya raw ng ganyan kaya ayan ang costume nya. Sayang saya pa sya nyan, andito pa yung damit na 'yan, nakatago pa rin sa akin kaso ayaw na suotin ni Lorenz eh. Si Loreign naman, hindi rin mahilig sa ganyan." kwento ni Mama. 

Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap, tumagal rin ng dalawang oras iyon. Patuloy lang sila sa pag-uusap tungkol sa mga litrato ko.

"Pwede ho ba akong makahingi ng kopya nito?" tanong ni Vince, sabay turo sa litrato ko noong bata. Nakabungisngis ako roon habang nilalaro ang payong ng Mama.

"Sige na kunin mo na. May kopya naman ako nyan," ngiti ni Mama. Nagpasalamat roon si Vince kaya naman napailing nalang ako.

"O anong oras na pala, teka hintayin nyo ako dyan. Ikukuha kita ng damit Vince, may mga lumang damit ang asawa ko rito." saad nya. Tumungo na lang si Vince. Nang makaalis ay kinuha nya agad ang kamay ko.

"Napakaganda mo mula noong bata ka.." saad nya habang pinaglalaruan ang kamay ko. "Sobrang bait rin ng mama at kapatid mo. Salamat sa pagtanggap nyo sa akin, Lorenz." ngiti nya.

Pinanood ko lamang sya magsalita. "Ako na yata ang pinakamasaya ngayong araw. Hindi ko alam na sobrang saya pala ipagsigawan at ipaalam na mahal kita..." sambit nya.

"Palagi kasing takot ang nangunguna sa akin. Pangamba na baka hindi ako tanggapin ng tao para sayo, na kahit tanggap mo ako.. baka sila, hindi." 

Vince kissed the top of my hand. "Nakakapagod mabuhay sa takot. Ipagsisigawan kita, Lorenzo." ngiti nya.

"Malalaman ng lahat kung gaano ako natatanga pagdating sayo. Malalaman nila kung paano ko makalimutan ang sariling pangalan ko kapag kasali na ang pangalan mo sa usapan kasi ganoon kita kamahal." usal nya.

"Ikaw muna lagi. Ikaw muna bago sila." 

Pagbalik ng Mama ay inabot nya na ang isang t-shirt at short kay Vince. Nagpaalam naman ako na maliligo muna ako sa itaas ng aking kwarto kaya naman naiwan sila ng mama sa ibaba. Pagtapos ko ay nakita ko si Vince kasama ang Mama sa pintuan ng aking kwarto.

"Tapos ka na pala. Inihatid ko na si Vince dito dahil baka pagod rin ito, ipapadala ko rin kay Loreign ang mga sobrang unan at kumot para may magamit si Vince. Kapag may kulang pa, sabihin nyo lang sa akin." saad ni Mama.

"Ayos na po, sobra sobra na po ito. Salamat po, mama.." saad ni Vince. Nginitian lang sya ni mama at saka tinapik sa likod.

"Sige na, pumasok na kayo. Lorenz, nailock mo ba ang gate at mga pinto?" tanong ni Mama na sinagot ko naman. 

Pagpasok ay nagpaalam si Vince kung pwede raw ba syang maligo at makigamit ng banyo.

"Oo naman. Ayan ang banyo, teka lang ikukuha kita ng tuwalya." paalam ko. Pagkakuha ko ay inabot ko kaagad sakanya ito.

"Salamat. Matutulog ka na ba?" tanong ni Vince.

"Hindi pa naman, bakit?" tanong ko pabalik.

Vince just smiled. "Wala, gusto lang sana kitang kausap." saad nya. Napangiti nalang ako at pinanood sya na pumasok sa banyo. Habang naliligo sya ay pilit ko kinakalma ang aking sarili dahil lintik na siguro ang pamumula ng aking mukha.

Kalma, Lorenz. 

Pagkalabas nya ng banyo ay nagpupunas sya ng buhok. Kasyang kasya sa kanya ang damit ng tatay. Naupo sya sa harap ko kaya naman pinilit ko labanan ang mga tingin nya.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko habang nakangisi. Ngumisi ito pabalik sa akin, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito. Nakakataba ng puso.

Inilabas ni Vince ang anklet sa kanyang bulsa. "Thank you." saad nya.

"Bakit ka nagpapasalamat? Sure ka ba na ako nagbigay nyan?" tanong ko. Ngumisi lang si Vince sa akin at saka ginulo ang buhok ko.

"Ikaw lang ang taong kasama ko buong araw. Pagtulog ko kanina sa bahay ay wala ito ngunit paggising ko ay suot ko na." paliwanag nya kaya naman natawa ako.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ko. Tinignan nya ang anklet mabuti.. ang pendant na ito ay initial nya. "Sinabi ko na sayo hindi ba.." panimula nya.

"Na lahat ng galing sayo, lahat ng tungkol sayo.." tumayo sya at lumapit sa akin. "Maganda." 

"Hindi sasapat ang salitang nagustuhan ko sa kung anong pinaramdam ng simpleng anklet na ito kaya salamat, Lorenzo." usal nya.

Inayos nya ang aking buhok at saka ito marahang sinuklay gamit ang kanyang kamay.

"Salamat sa anklet... salamat sa pagtanggap sa akin.. salamat sa pagdating sa buhay ko." mahiwaga. Iyon ang naramdaman ko nang sambitin nya ang bawat salita. Parang sasabog ang puso ko.

"Matulog ka na. Masama ang pagpupuyat.. goodnight, mahal ko." bulong nya. 

Natapos ang gabi. Hindi naman iyon ang unang beses na natulog kami sa isang kama ngunit gaya pa rin ng una ay halos hindi ako makatulog sa lapit naming dalawa. Ramdam ko ang paghinga nya sa aking batok, ramdam ko ang kaba ng dibdib ko.

Kaya naman kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Wala na si Vince sa tabi ko. Lumabas ako at nakita si Loreign sa sala, nanonood ito ng kung ano sa tv. "Loreign," tawag ko.

"Nasa palengke. Kasama ni nanay, ay nga pala, magsaing ka raw kasi sa dahon tayo kakain." saad nya.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi ay aalis ito ng hindi nagpapaalam sa akin. Ang aga naman nya nagising? Anong oras na kami nakatulog kagabi ah.

Nagsaing na ako kagaya ng utos ng mama at ilang oras pa ay nakarating na sila. Hawak ng mama ang karne at isda samantalang si Vince naman ay may dala dalang dalawang palapa ng malaking dahon ng saging. Nang makita nya ako ay agad syang napangiti kaya naman hindi ko maiwasan mapangiti rin.

"Good morning," bati nya saakin. 

"Morning. Anong oras ka nagising?" tanong ko. Pinunasan nya ang pawis sa noo ko. Sya itong galing sa labas at mainit ngunit ako itong pawis na pawis. Nakakahiya.

"Alas sais. Awtomatiko na sakin iyon eh." tawa nya.

Inayos lang namin dalawa ang pag-iihawan. Kami kasing dalawa ang mag-iihaw ng mga ulam na dala nila samantalang ang Mama at si Loreign ay nakatoka sa loob upang maghanda ng mga kakainan, maging ang mga sawsawan.

"Ako na rito, tumayo ka nalang dyan at solve na lahat." saad nya kaya naman umirap ako. Ang landi nya.

Natapos ang pag-iihaw namin na may kasamang mga hirit ni Vince. Habang kumakain ay nagkukwentuhan din kami. Salo salo kaming lahat sa dahon ng saging na dala nila. Mas masaya ito kung nandito siguro ang Tatay ngunit alam ko naman na masaya rin sya para sa amin.

Pinakiusapan ng mama na sa lunes na ito umuwi kaya naman ay wala na syang nagawa. Pabor din naman sa akin iyon dahil makakasama ko pa sya ng matagal. Naging mabilis ang mga araw, pagkatapos ng aming kainan sa dahon ng saging ay inabala namin ang sarili sa paglalaba at paglilinis. Si Vince pa nga ang nakaisip ng mga bagay na iyon kaya naman sumang ayon nalang din ako.

Katatapos lamang namin maglaba kanina at ngayon naman ay naglilinis kami ng buong bahay dalawa. Si Loreign kasi ay nasa itaas samantala ang mama ay nagpunta muna sa kapitbahay namin. Pinupunasan ko ang mga lamesa at ibang gamit sa bahay dahil maalikabok na ito. Si Vince naman ay abala sa pagwawalis. 

May malakas rin na speaker ang umaandar para naman nakakaengganyo ang paglilinis na ginagawa namin.

Ganadong ganado si Vince sa pagwawalis kaya naman hindi ko maiwasan matawa. May pa sabay pa kasi ito sa kanta at paminsan minsan ay sumayaw pa.

 

"Let ‘em say we’re crazy, don’t care ‘bout that, p ut your hand in my hand baby, don't ever look back.." kanta ni Vince kaya naman naisipan ko na maglagay ng camera sa isang sulok upang makuhanan ang napakagandang senaryong ito.

 

Let the world around us just fall apart
Baby, we can make it if we're heart to heart

 

"And we can build this dream together, standing strong forever, nothing's gonna stop us now. And if this world runs out of lovers, we'll still have each other. Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now." kanta ni Vince. Malakas rin ito kaya naman pumapalakpak na ako sa saya.

"I'm so glad I found you, I'm not gonna lose you, whatever it takes, I will stay here with you. Take it to the good times, see it through the bad times. Whatever it takes is what I'm gonna do." kanta ni Vince. Ginawa nya pang mikropono kunwari ang walis na hawak.

"Kanta na! Moment na natin 'to!" saad nya kaya naman kinuha ko ang remote na akala mo mikropono at saka sya sinabayan sumigaw.

"LET THEM SAY WE'RE CRAZY, WHAT DO THEY KNOW? PUT YOUR ARMS AROUND ME BABY, DON'T EVER LET GO!" sabay namin sigaw.  "Let the world around us.. just fall apart. Baby, we can make it if we're heart to heart." 

Lumapit sa akin si Vince at saka kinuha ang aking kamay habang kumakanta. Nilagay nya ito sa kanyang balikat habang ipinulupot nya ang kanyang braso sa aking bewang saka unti-unting sumayaw.

 

And we can build this dream together, standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers, we'll still have each other
Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us

 

"And we can build this dream together, standing strong forever, nothing's gonna stop us now. And if this world runs out of lovers, we'll still have each other. Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now." marahang kanta nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata.

 

"Ikaw ang musiko ng puso ko.. at hindi titigil ang pagkumpas nito para sayo." bulong ni Vince saka pinatakan ng halik ang akaing noo.

 

Notes:

hello five thirty peeps! grabe na ang vincenzo, i say deserve! namiss nyo ba sila? i miss them too huhu :((

ps. U CAN SEND YOUR FEEDBACK/COMMENTS ON MY NGL SA PROFILE KOOO OR U CAN COMMENT BELOOOW! salamat ng marami huhu!

Chapter 14: the journey

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

good evening five thirty people! wow, u've come the long way ano? charot. pero ito na, ending na! thank you sa three months nating pagsasama emi. seryoso na nga, thank you everywine !! i will never forget singko y media sa kyusi. also, happy holidays!

wala na ako ngl at cc kaya pls tweet the #SYMSKTheJourney na lang on twitter para naman makita ko comments nyo. Happy reading everyone!

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Lorenzo

-

Mabilis natapos ang sabado't linggo. Kasalukuyan kaming nag-aayos ni Vince ng gamit bago magtungo sa Maynila. Abala ako sa pag-aayos ng aking bag samantalang sya ay abala sa pamamlantsa ng uniporme ko. Sinabi ko na rin sa kanya na ayos naman na kahit hindi ito plantsado ngunit hindi naman sya nakinig.

"Anong oras ang uwi mo?" tanong ni Vince. Inayos ko lang saglit ang bag at kinuha na ang nakasabit na tuwalya bago maligo.

"Alas kwatro. Ikaw?" sagot ko. Tumango naman sya at saka sumagot pabalik, "3:30. Hihintayin kita mamaya, ihahatid kita sa terminal." saad nya kaya naman nagulat ako.

"Kahit wag na. Pareho na tayong pagod noon, umuwi ka na sa bahay mo tsaka magpahinga. Malapit lang naman ang terminal sa Piyu, isang sakay ko lang yon ng dyip." protesta ko.

Hinugot nya ang saksak ng plantsa saka nagtungo sa akin. "Hahatid kita." may pinal sa tono ng boses nya kaya naman ay wala na akong nagawa kung hindi umiling at pumasok sa banyo upang maligo. Narinig ko na tinawag sya ni Mama sa baba kaya naman ay nagtungo sya roon.

Habang nasa banyo ay hindi magkandamayaw ang saya ko, hindi pa rin makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Na hindi na ako naghihintay at kasama ko na muli si Vince. Pagkalabas ko ng banyo ay bihis na ako at nagpupunas nalang ng buhok, kinuha ko ang blower sa gilid ng cabinet at saka ito sinaksak. 

Maya maya lang ay pumasok si Vince, nakabihis na rin ito dahil kanina pa ito bihis umaga. Suot nyang muli ang damit na suot suot pagpunta saamin at naka-gel pa ang buhok nito kaya naman hindi ko maiwasan mapatitig. 

"Ako na riyan," saad ni Vince pagkakita sa akin. Ngumiti ako at saka binigay sa kanya ang hairblower na nasa kamay ko. Nakatingin lamang ako sa salamin habang pinatutuyo nya ang buhok ko. Napansin ko na sobrang seryoso nya habang inaayos ito kaya naman hindi ko maiwasan mapangiti. Kinuha ko ang cellphone ko at saka kumuha ng litrato sa salamin na nasa harapan, hindi nya naman iyon napansin dahil kumukunot-kunot pa ang kanyang noo habang pinapatuyo ang buhok ko.

"Ayos na," ngiti ni Vince pagkatapos kaya naman ngumiti ako pabalik. Tinignan ko ang buhok sa salamin at mas ayos ito kumpara sa ginagawa ko sa buhok ko noong mga una bago ako pumasok. "Thank you." saad ko at yumuko naman sya ng parang prinsipe kaya natawa kaming pareho.

"Tara na?" tanong ni Vince. Tumango ako at kinuha ang bag na nakalagay sa aking kama ngunit kinuha nya iyon sa aking kamay. Hindi na ako nagulat dahil parati nya naman ginagawa ang bagay na iyon.

Pagbaba ay naroroon ang Mama at si Loreign. Nakaupo ang mama habang pinupunasan ang kanyang salamin, si Loreign naman ay nagsusuklay dahil papasok na rin.

"Mama, dito na po kami ni Lorenz. Mag-iingat po kayo." paalam ni Vince sa Mama. Niyakap naman ni Mama si Vince, hinahaplos rin ang buhok nito.

"Ingat ka anak, huwag kang mahihiya kung gusto mong bumisita rito ah? Hihintayin kita, nak." ngiti ni Mama.

Naging mahaba pa ang pagpapaalam ng dalawa kaya naman habang nasa jeep patungo sa terminal ng bus ay abot langit pa rin ang ngiti ni Vince.

"Sa susunod na bisita ko, dadalhan ko ang Mama ng laing. Mahilig pala sya roon." kwento ni Vince. Nakangiti ko lamang syang pinagmamasdan habang nagkukwento sa mga binabalak nyang plano sa pagbisita muli saamin.

"Marunong ako magluto ng laing, si Aling Myrna ay may pananim na laing. Masarap 'yun kapag sobrang anghang, mahilig naman ang Mama sa maanghang 'di ba?" may pananabik sa mata ni Vince.

"Oo. Hilig nya 'yan, laing, bicol express.. basta kahit anong maanghang.." kwento ko. Tumango tango naman sya, para bang tinatala lahat ng impormasyon sa kanyang isip.

"Eh ikaw?" tanong nya. 

"Hindi ako mahilig sa maanghang." sagot ko. Vince smiled, kalaunan ay tumango rin. "Saan ka pala mahilig kung ganoon?" tanong nya.

Kunwari ay nag-isip ako, saan nga ba ako mahilig? Hindi ako mahilig sa maanghang pero kahit ganoon ay kumakain naman ako nito paminsan minsan. Hindi rin ako mahilig sa sobrang tamis ngunit kumakain ako nito lalo na't may nagustuhan. Teka, ano nga ba ang paborito ko?

"W-wala yata akong hilig.. posible ba 'yun?" saad ko. Tila nagulat naman si Vince sa sinabi ko dahil hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha nya. "Hahaha, totoo nga! Ngayon ko lang din narealize." sambit ko.

Umiling si Vince. "Hindi nga? Wala talaga?" hindi makapaniwalang tanong nya. I nodded once again kaya naman napasapo na sya sa kanyang bibig.

"Pero saan ka mahilig? Matamis, maalat? Malamig or mainit.. ganoon?"

"Hmm, wala talaga, e. Lahat naman kasi ay kinakain ko pero kung tatanungin ako kung ano ang hilig ko o kung anong pagkain ang uulitin ko.. walang pumapasok sa utak ko." sagot ko.

Tulala pa rin si Vince. Hindi makapaniwala na mayroong tao na katulad ko. "Hirap niyan, pero allergies meron ka ba?" tanong ni Vince.

"Hindi ako umiinom ng alak." saad ko. "Hindi as in hindi talaga o allergy mo 'yan?" 

"May isang beses na uminom ako, it was on my 20th birthday. Pinasubukan sakin ng mga Tito ko uminom, at first, ayos naman. Wala naman akong nararamdaman na kahit ano so hindi ko masyado inisip na allergic ako roon. But then the night continues, medyo nangangati na yung kamay ko and lumalaki sila out of nowhere!" tawa ko.

Ngumiti lang si Vince ngunit kita at halata sa kanyang mata ang pag-aalala. "Akala ko din wala lang yun so tinulog ko na lang. Kinabukasan puro pantal na ako at nilalagnat din kaya we decided na i-pacheck na. The doctor asked me kung ano ba ang kinain ko noong gabi na iyon, eh yung handa naman namin, halos every celebration ay kinakain ko, kaya ayun." pagkukwento ko.

"Hmm, okay. Sa pagkain? Wala naman no?" tanong nya na tinanguan ko na lamang.

Nagpatuloy ang byahe at wala kaming ibang ginawa kung hindi magtanong sa isa't isa. Maganda naman iyon dahil naging tulay iyon upang makilala pa namin lalo ang isa't isa. Lalo ako, hindi ko kasi mayadong alam ang tungkol sa kanya. Ayos rin na pinag-uusapan namin ngayon ang mga bagay na ito upang kahit papapaano naman ay may malaman akong detalye sa kanya. 

Sa loob ng isang oras na byahe ay halos pag-usapan lang namin ang mga gusto at ayaw namin. Nalaman ko na mahilig sya sa mga maanghang na pagkain, at matatamis. Paborito nya rin ang maasim na prutas gaya ng mangga, bayabas at iba pa. Kwento nya saakin ay mahilig raw silang manguha ng mangga at umakyat ng puno noong bata pa sila. Minsan ay kinagagalitan na sila ngunit natakbo lang sila ng kaibigan nya. Sobrang saya ng kwento nya kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam din ng saya para sa kanya.

Hilig nya ang mga kulay na puti, itim at gray. Kaya pala halos ng mga damit nya ay puti, mahilig rin sya sa maong. Matagal na rin daw ang piercing sa kanyang labi, pinalagay nya ito noong may piyesta pa sa kanila. Mahilig at natutuwa rin sya sa mga hayop ngunit hindi pumasok sa kanyang isip ang mag-alaga dala na rin ng allergies nya sa balahibo. Andami pa naming napag-usapan at magmumukha akong mababaw kung sasabihin kong sobrang saya ko ngayon dahil lamang nalaman ko ang mga bagay tungkol sa kanya.

Nang makarating kami sa terminal ay nauna syang bumaba. Hawak hawak nya ang bag ko sa kanyang balikat at kasalukuyang hawak rin ang kamay ko. Magkaiba kami ng ruta ni Vince. Kailangan ko pang sumakay ng jeep upang makarating sa aking university samantalang sya naman ay kailangan nya pang sumakay ng MRT.

Habang nag-aabang ng jeep ay kinakausap nya ako. "May dala ka bang tubig? Uminom ka ng maraming tubig ah. Mainit ang panahon ngayon." pangaral nya. Minsan ay natatawa ako sa pagiging tunog tatay nya ngunit sya na iyan eh, si Vince 'yan. 

Hinagod nya ang aking likuran at napansin na basa ito. Agad nyang kinuha ang bimpo sa kanyang bag at pinunas ito sa likod ko. Hindi na ako nanibago dahil noon pa man, hindi pa man kami magkakilala at hindi nya pa ako kilala o maski ang pangalan ko ay ganito na sya, maalaga.

"Huwag kang magpapatuyo ng pawis, Lorenzo. Siguraduhin mong pupunas-punasan mo ang likod mo dahil naka aircon pa naman kayo sa piyu. Baka matuyuan ka ng pawis at magkasakit ka pa." halos hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Tumatango tango na lamang ako sa mga sinasabi nya dahil hindi ko naman talaga ito naiintindihan, at kasalukuyang kinikilig na lang.

Maya maya lamang ay may dumating na rin na jeep. Pinara nya ito at sumilip sa driver sandali, "Boss, piyu lang. Salamat." saad nya at saka nag-abot ng bayad sa driver.

"Ingat ka. Susunduin kita mamaya." paalam nya kaya naman ngumiti na lang ako. Nagpatuloy ang buong araw namin na nakaayon sa plano. Sa umaga ay papasok kami, sa tanghali ay magkausap kami sa messenger habang kumakain at sa hapon ay susunduin nya ako.

Ilang linggong nagpatuloy na ganoon ang sistema naming dalawa. Walang araw na hindi ako masaya dahil bawat araw ay nakakasama ko sya.

Isang araw ay napagdesisyunan ko na ipakilala si Vince sa mga kaibigan ko.. kay Kia at Geo. Kinakabahan pa ako dahil pareho silang walang alam dito. Hindi alam ni Vince at hindi rin alam ng dalawa.

"Saan ba kasi pupunta? Ang init init, Lorenzo." reklamo ni Kia. Si Geo naman ay tahimik lamang na nakikinig sa aming dalawa sa likod. Abala sya sa kanyang cellphone at hindi nagsasalita. Hindi pa rin kasi sila ayos dalawa hanggang ngayon pero ramdam ko naman na inaayos nila.

"May ipapakilala nga ako.." nahihiyang saad ko. Mukhang nakuha ko rin ang atensyon ni Gio dahil nag-angat sya ng tingin.

"Sino naman 'yan? Naku Lo- teka.. oh my god! Is this the guy you're talking about? Oh my god! oh my god!" tuwang tuwang saad nya nang tumango ako sa kanya bilang sagot. Nagtatalon pa sya dito at bakit raw hindi ko sinabi agad. Maging si Geo ay napangiti na nang bahagya. 

Nagulat ako noong iniangkla ni Kia ang kanyang braso sa akin at nagsimulang maglakad. "Bilisan natin, my god! Bakit natin sya pinaghihintay!" saad nya kaya naman tawang tawa ako. 

Sa malayo pa lang ay nakuha agad ni Vince ang atensyon ko. Naaninag ko agad ang kanyang likod na prenteng nakasandal sa gilid ng gate at ang isang kamay ay nakapamulsa sa kanyang suot na maong. Nakatalikod ito saamin kaya naman hindi nya kami makita.

Humahagikhik na si Kia sa tabi ko. "My god, you have a taste ah.." saad nya kaya naman nagpaalam na muna ako at sinabing hintayin nila ako roon. Nagtungo ako kay Vince at mula sa pwesto namin ay kitang kita ko na pinapanood kami ni Geo at Kia. 

"Uh, hi." bati ko kay Vince. Bahagya pa syang nagulat nang makita ako sa harap nya. Hindi kasi ako nagrereply sa kanya kaya hindi nya inaasahan na nandito na ako sa harap nya. 

"Hello.. bakit hindi ka nagsabi? Pawis na pawis ka tuloy." saad nya at kinuha ang bag na dala ko sa aking likuran. Alam kong napansin iyon nila Kia dahil nakatalikod si Vince sa kanila. Medyo namula pa ako dahil kitang kita nila ang ginawa ni Vince. 

"Mhm, Vince.. may ipapakilala ako sayo.." saad ko. Napansin kong kumunot ang noo nya, nagtataka. Wala kasi akong kasama noong nakita nya ako kaya naman wala syang ideya kung sino ang ipakikilala ko. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila patungo sa pwesto.

Nakita ko kung paano bumagsak ang panga ni Kia nang makita si Vince. "Uh, Vince.. sila yung friends ko. Kia and Geo." nagshake hands si Geo at Vince sa harap ko kaya naman hindi ko maiwasan ngumiti.

"Geoff pre, geo nalang." pakilala ni Geo na sya namang tinanguan ni Vince.

"Vince." tipid na saad ni Vince at saka marespetong tumango. 

"Uh, si Vince nga pala. He's my s-suitor." nahihiyang saad ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako sanay tawagin na manliligaw ko si Vince. Ngumisi si Geo doon ngunit si Kia ay para pa ding nakakita ng multo dahil sa mukha nito.

"K-kia.." pakilala nya. Bahagyang tumungo si Vince sa kanya at nagpakilala. Kasalukuyang nag-uusap ang dalawa nila Vince at Geo ngunit si Kia ay naroroon lamang sa gilid at tahimik kaya naman nilapitan ko na ito.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Bahagya pa syang nagulat nang makita ako sa tabi nya pero agad nya naman itong binawi at saka ngumiti. "Oo n-naman. Nga pala nakalimutan ko, Lorenz. Inuutusan pa pala ako n-ni Mommy. I need to go home na, eh. Tell Vince it was nice meeting him. Ingat kayo ha." paalam nya at saka nagmamadaling umalis. Hahabulin at pipigilan ko pa nga sana ito dahil magpapaalam pa ako ng maayos ngunit sobrang bilis naman niya.

Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon ngunit hindi maipagkakaila na nag-aalala ako sa kaibigan ko.

Natapos ang kwentuhan ni Vince at Geo kaya naman nagpaalam na kami sa isa't isa. Pinanood namin na sumakay ng jeep si Geo at kami naman ni Vince ay naglalakad. Sabi ko kasi sa kanya ay gusto ko sanang maglakad ngayon na pinayagan naman nya dahil kasama ko naman sya. 

"Ayos ka lang? Tahimik ka." panimula ni Vince habang naglalakad kami sa kahabaan ng highway na ito.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kasalukuyan pala syang nakatingin sa akin. "Hmm, okay lang. Medyo nag-aalala lang ako kay Kia." saad ko.

"Yung kaibigan mo?" tanong ni Vince na tinanguan ko naman. "Anong meron sa kanya?" 

"Yun nga, e. Hindi ko rin kasi alam kung anong nangyari. Kanina noong sinabi ko na ipakikilala ko sila sayo, tuwang tuwa tapos excited sya. Pero hindi ko alam, bigla nalang sya tumahimik. Pero, gusto ka nila, ah! Huwag mo isipin na hindi ka nila gusto." saad ko. Ayoko kasing makuha nya ang ideya na baka hindi sya nagustuhan ni Kia kaya ganoon ang asta nito kanina.

Sa gulat ko ay tumawa lang si Vince at saka umakbay sa akin. "Araw araw mo na lang ako ginugulat," saad nya habang nakangiti. Ako naman ang nakakunot ang noo ngayon. 

"Hindi ko naman kailan inisip 'yun. Mabait kang tao, Lorenzo. Natural na magkakaroon ka rin ng mabait na kaibigan kaya hindi kailanman sumagi sa isip ko ang bagay na iyon." pagpapatuloy nya. "Ayoko sana ilalabas ito dahil nangako ako kay Juls na ako lang ang makakaalam kaso hindi ko naman kaya na makitang malungkot ang baby ko.." saad ni Vince sa malambot na boses. Para bang hinehele ako nito.

Pero teka, paano nasali si Juls sa usapan? 

Kaibigan ni Vince si Juls. Ilang beses na kaming nagkakausap nito dahil tinulungan nya ako dati sa pagpapakain kay Chukoy at sa iba pang mga bata noong malayo si Vince. Hindi kami close kasi pakiramdam ko ay sobrang sungit nito kaya paanong kasali si Juls dito.

"Yung kaibigan mo, si Kia.." isang buntong hininga ang pinakawalan nya bago sya nagpatuloy. "Nakita ko sila ni Juls noon.. naghahalikan.

Agad dumapo ang kamay ko sa aking bibig at kusang tumigil ang mga paa sa paglalakad, dahilan kung bakit tumigil rin si Vince.

Si Juls at Kia magkahalikan? Paano.. saan.. sila ba? Gulong gulo ang utak ko. Hindi ko alam ano ang unang itatanong kay Vince at kung papaano dahil sa posisyon ko ngayon.. halos hindi ko mabuka ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala, naniniwala kasi ako kay Vince. Alam ko na hindi sya nagsisinungaling.

"T-teka. Sigurado ka ba dyan sa n-nakita mo?" tanong ko dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako.

"Sigurado ako. Pauwi ako noon galing sa pagtitinda nang makita ko si Juls na.. ayun nga, kasama si Kia. Umiiyak pa nga noon ang kaibigan mo. Medyo malayo sila sa akin kaya hindi ko nalang pinansin, pagod rin kasi ako noong mga panahon na 'yon." kwento nya.

Kung kanina ay gulat na ako, lalo na siguro ngayon na nalaman kong umiyak si Kia kay Juls. Bakit? 

"Lalabas sana ako para bumili ulam, e. Hindi ko naman sinasadya na maistorbo sila.." saad nya, tumatawa pa.

Mahina kong tinampal ang braso nya. "Biro lang, mahal." ani Vince.

"Ayun nga. Nataranta si Kia tapos tumakbo.. si Juls naman, kinausap ako kung pwedeng tumahimik raw ako kasi paniguradong takot raw si Kia dahil nakita ko. Medyo nainis nga ako, e. Kanino naman ako magkukwento? Galing ako sa trabaho sa umaga, sisilay sa baby ko sa hapon pagkatapos eh pagbibintangan pa akong madaldal." reklamo nya kaya naman ako na ang natawa.

"Hindi nga, seryoso. Wala naman akong pakialam, hindi sa walang pakialam. Ang sakin lang, buhay nyo naman 'yan. Hindi para ikwento ko sa ibang tao yung nakita ko sa inyo.." seryosong saad nya kaya naman ngumiti ako.

"Pero kinwento mo sakin? Sumbong kita." pananakot ko.

Umiling lang si Vince at saka kinurot ang ilong ko ng mahina. "Hindi ka naman ibang tao. Ikaw si Lorenz, hindi naman kita iiyakan kung ibang tao ka, e." 

Nagpatuloy kami sa paglalakad noong gabing iyon. Simula raw noon ay takot at mailap na si Kia sa kanya pero palagi nya pa rin daw itong nakikita na kasama ni Juls. May gulo pa rin sa utak ko dahil ang alam kong gusto ni Kia ay si Geo.

Pero ano pa man 'yan. Alam kong kailangan nya ng kaibigan ngayon kaya mamaya palang pagkauwi ay kakamustahin ko na sya.

Natapos ang first year ko na ganoon ang naging sistema namin ni Vince. 

Sinusundo nya ako sa hapon dahil pareho naman kami ng schedule. Sa umaga ay busy kami sa kanya kanya naming mga buhay at pagdating ng sabado at linggo ay humahanap kami ng paraan upang magkasama. Napagusapan rin namin na sa darating na bakasyon ay uuwi muli sya sa probinsya upang magtrabaho dahil sayang rin ang kita. Kahit na malungkot ay masaya ako para sa kanya, ngayon kasi ay kaya nya nang harapin ang lahat ng hindi ako tinatalikuran.

Kaya naman nang magbakasyon ay hindi kami magkasama dahil umuwi ulit sya ng probinsya upang magtrabaho. Ngunit kahit na ganoon, hindi sasapit ang isang araw na hindi kami nagkakamustahan.

Nang makauwi sya sa Maynila ay agad syang dumiretso sa Cavite, sa bahay namin. Hindi sya nagrereply kaya naman ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang mukha nya sa aming pinto. Halos mapatalon ako sa pagyakap sa kanya nang makita sya. Tatlong buwan rin kasi syang nawala, tatlong buwan rin kaming hindi nagkasama. "I miss you, mahal.." bulong nya sa akin habang nakayakap.

Kasalukuyan akong naghahanap ng ballpen kasama si Vince. Nagpresinta kasi sya na sasamahan nya ako sa bookstore ngayon dahil malapit na ulit ang pasukan. Pagkatapos nito ay sasamahan ko sya na mag enroll sa senior high.

"Anong strand?" tanong ng registrar. Kahit na may kalayuan ako sa kanila ay rinig na rinig ko pa rin ang naging pag-uusap nila. "STEM po." saad ni Vince.

Hindi ko maiwasang hindi matuwa habang pinagmamasdan si Vince kaya naman inilabas ko ang aking cellphone at kinuhaan sya ng litrato. 

"Swerte mo hijo, umabot ka pa sa isang slot ng stem." ngiti ng registrar kaya naman nakahinga ng maluwag si Vince. "See you sa august." saad ng registrar saka tinatakan ang papel ni Vince ng "enrolled"

Pagkatapos ay halos buhatin ako ni Vince sa saya. "Ikaw talaga ang swerte ko, Lorenz." ngiti nya kaya naman nahawa na rin ako. Hanggang pag-uwi namin ay hindi maalis sa aming labi ang tuwa. Sobrang saya.

Sobrang saya ng buhay kapag kasama si Vince.

Nagpatuloy ang buhay namin sa parehong sistema.

Second year student, Lorenz at Grade 11 STEM Vince. 

Kahit na mas mahirap at mas kaunti ang oras na nilalaan namin sa isa't isa ngayon ay masaya pa rin. Ganoon naman kung gusto mo at mahal mo ang isang tao hindi ba? Masaya lahat.

December 12.

"Ma, dito lang po kayo. Saglit lang po.." paalam ko sa Mama at kay Loreign.

Kasalukuyan kasi kaming nasa labas ng bahay ni Vince. Hawak hawak ng Mama ang cake na binili namin sa daan at si Loreign naman ang may hawak ng coke at mga regalo.

Kakatok pa lamang ako sa kanyang pinto nang bumukas ito at iluwa si Vince sa napakagwapong damit. 

He's wearing a black and white polo at maong jeans. May relo rin sa kanyang kanang kamay at sobrang ayos rin ng kanyang buhok. Wala ang lip pierce nya at may dala dala itong supot.

"Surprise!" sigaw ko kahit ako ang nabigla dahil paalis sya.

"Mahal.. buti at hindi pa ako nakakaalis. Kung hindi, nagkasalisi na tayo." saad nya at bahagyang natawa. Pupunta sya sa amin?

"Happy birthday, Vince." bati ko at saka ngumiti. 

"Salamat, baby. Mahal na mahal kita." saad nya at saka niyakap ako at hinalikan ang aking noo. "Hay, ito na ang pinakamagandang kaarawan sa buong buhay ko." saad nya.

Hindi ko alam kung ano ang biglang pumasok sa utak ko at tumingkayad ako upang mahalikan sya.

That was our first kiss. 

Nanatili ako sa pwesto ko, maging sya ay nabigla dahil kitang kita ko pa rin ang kanyang nanlalaking mata. Para akong natanga, hindi ko alam kung aalis ba ako dahil sa sinasabi ng utak ko.. gusto kong manatili rito.

Vince suddenly opened his lips. He cupped my face to kiss me passionately.. the kiss was.. tender.. soft and .. sweet.

"Tangina," bulong nya saglit nang maghiwalay ang mga labi namin. "Lorenz.." tawag nya.

Ngumiti ako at saka muling pinatakan ang kanyang labi. Mas mabilis ang halik na ginawad ko. "Yung regalo ko.. pwede bang next month na? Sa first monthsarry na natin." ngiti ko at saka lumabas upang tawagin ang Mama at si Loreign.

"Lorenz!" rinig ko pang sigaw nya ngunit hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hinabol nya pa ako kaya naman nagulat sya nang makita si Mama at Loreign, hindi kalayuan sa bahay nya. 

"M-mama.. Mama! Kasama ho pala kayo ni Lorenz. Hindi nya po sinabi, tara po sa loob." aya ni Vince. Ramdam ko ang taranta nya dahil hindi nya alam ang uunahin nya. Kung magmamano ba sya o hindi naman kaya tutulungan sa bitbit ang dalawa. Ano pa man, natutuwa ako sa nakikita ko.

"Happy birthday nak." bati ng Mama kay Vince nang makapasok kami sa loob. Niyakap nya si Vince kaya naman sobrang saya ko. "Salamat po, Ma. Tinuring nyo rin po akong anak nyo." ngiti ni Vince.

Lumayo muna ako dahil nararamdaman ko ang nagbabadya kong mga luha.

"Hala naiiyak si Kuya! Naiiyak sya!" pang-aasar ni Loreign kaya naman hindi ko maiwasang irapan sya. 

Tumingin si Vince sa akin at ngumisi. Nakita ko kung paano bumagsak ang kanyang tingin sa aking labi kaya ako naman ang napaiwas ng tingin. Siraulo talaga ang isang 'to.

Nagsimula na kami sa pagkain, kinantahan rin namin si Vince sa kaarawan nya at kitang kita ang saya sa mata nya. Kasalukuyang nagpapahinga ang Mama at si Loreign sa sofa ni Vince. Samantalang kami naman ay naghuhugas ng mga pinagkainan.

"Gusto ko ang bahay mo, Vince. Maaliwalas at malinis." saad ni Mama galing sa sala.

Tumawa ng bahagya si Vince at saka bumulong sa akin. "Gusto nya daw dito ka na tumira." 

"Ewan ko sayo." saad ko. Hindi ko na sya pinansin dahil kanina pa pulang pula ang mukha ko.

"Ano yung sabi mo kanina?" tanong ni Vince. Umasta naman ako na hindi ko maintindihan. Baliw talaga ang isang 'to. "Na sa susunod na buwan na ang regalo mo. Sa monthsarry natin, hmm?" 

"M-may sinabi ba ko. Haha, parang wala naman." pagbibiro ko.

Bumagsak ang tingin ni Vince at saka nagseryoso. "Baby.." 

"Biro lang sira." saad ko at saka humagalpak. Hindi pa rin nya binibitawan ang tingin sa akin kaya naman sinilip ko sila Loreign at ang Mama saglit.

Nang makitang hindi ito nakatingin ay hinalikan ko itong muli. "Yes, baby. Sinasagot na kita." 

Kitang kita ko ang pagpipigil nya ng ngiti at saka mabilis naghugas ng kamay. Biglaan nya akong kinarga kaya naman napasigaw ako. "Vince!"

"Sabihin natin sa kanila.." saad nya habang abot mata pa rin ang ngiti. 

That was the happiest day of my life. Nalaman ng Mama at ng kapatid ko na kami na noong araw na 'yun. Pati sila ay masaya kaya naman napagdesisyunan naming lumabas noong gabi at mamasyal sa MOA. Andami naming nauwi na malalaking teddy bear dahil magaling si Vince sa mga ito.

At, oo.

Natupad rin ang pangarap ko.

Hinarap ko ang takot ko. 

Vince and I rode the seasides' ferris wheel. Pinanood lang namin ang paglubog ng araw sa itaas.

"Vince! Huwag ka masyadong magalaw! Baka malaglag tayo.." halata ang takot ko ngunit ngumiti lang si Vince at hinila ako, kaya umalog ulit ito. Napapikit na ako sa takot.

"Ayoko na, baba na tayo. Hindi ko na kaya!" sigaw ko habang nakapikit. 

"Shh, baby." pag-aalo ni Vince sa akin. Ramdam kong hinihimas nya rin ang likod ko upang pakalmahin ako. Ayoko na ibukas ang mata ko dahil paniguradong nasa itaas na kaming parte. "Kalma po. Dito lang si Vince sa tabi mo, baby." ani nya.

Kumalma naman ako kahit papaano. Sinubukan ko rin buksan ang mata ko ngunit pagbukas ko ay kinain nanaman ako ng takot nang makita ang nakakalulang taas. Hindi ko pinapalapit si Vince sa akin dahil hindi babalanse ang sinasakyan namin. Takot na takot ako.

"Baby, tingin ka na. Ang ganda ng araw oh?" pangungumbinsi ni Vince ngunit umiling lang ako. 

"Vince, ayoko.. hindi ko kaya." saad ko. Hinawakan nya ang kamay ko at sinubukang imasahe ito. Kanina pa kasi ako nangangatal at pakiramdam ko'y kaunti nalang ay iiyak na ako.

Nanatiling tahimik si Vince. Nagulat na lamang ako nang may dumamping malambot sa labi ko. 

Vince slightly opened his mouth - trying to enter mine. This is not our first kiss but the feeling is unexplainable. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa mismong kinauupuan ko. Sobrang tahimik sa loob at ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga halik na binibigay ni Vince sa labi ko. Unti unti kong binuksan ang aking mata. Nakita ko si Vince na nakapikit, he was kissing me tenderly like I am a fragile thing that needs to be handled softly. 

Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko. 

Naharap ko ang isa sa mga kinatatakutan ko. 

Bahagya syang lumayo sa akin at bumulong. "Mahal kita." 

Naramdaman kong muli ang halik nya.

Yun na yata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Kissing my man while witnessing the sunset together.

Maraming taon ang nagdaan sa amin ni Vince. Sa tuwing sasapit ang pasko ay nakagawian na saamin sya magcecelebrate at sama sama kaming magsasalu-salo roon. 

Apat na taon na. Apat na taon na matapos kong sagutin si Vince. Hindi perpekto ang relasyon namin. May mga oras na hindi kami magkasundo, may mga oras na nagkakatampuhan kami. May mga panahon na wala kaming oras sa isa't isa. Isa na roon ay ang sagutan na nangyari sa amin noong nakaraang taon. Ilang buwan na lamang ay graduation ko na samantalang si Vince ay first year college.

Nakapasa si Vince sa isang kilalang unibersidad dahil sa kanyang talino. Isa syang isko kaya hindi magkandamayaw ang saya ng puso ko. He was aiming for latin honors, and I am happy na isa ako sa naging kasangga nya while aiming it.

"Lorenz." malamig ang boses ni Vince nang tawagin nya ako. Parang sinasaksak ang puso ko nang marinig na halos walang buhay ang pagtawag nya sa pangalan ko.

"Hindi mo na 'ko mahal." matapang kong saad sa kanya.

Rinig na rinig pa rin namin ang tugtog sa loob ng club. Nagbabadya na rin ang aking luha, pakiramdam ko ay sobrang hina ako. 

"Huh? Lorenz, anong sinasabi mo?" tanong ni Vince. Ramdam ko ang irita sa kanyang boses ngunit mas nilakasan ko ang loob ko at nilabanan ang mga tingin nya kahit kaunti na lamang ay bibigay na ako.

"Lorenz, galit na galit ako. Pero hindi ibig sabihin noon ay galit ako sayo at hindi na kita mahal." paliwanag nya. Bumagsak na ang mga luha ko at nararamdaman ko na ang pagsikip ng dibdib ko. I chuckled sarcastically. 

"Talaga? Bakit parang hindi naman. The way you ignore me earlier, parang wala na akong halaga.. s-sayo.." nanghihina kong saad. Sobrang sakit ng puso ko.

"Baby, inis na inis ako." diretso nyang saad. "Naiinis ako kasi alam ko namang kilala mo yung mga lalaking 'yon, pero parang wala kang ginagawa para palayuin naman sila sayo kahit bahagya."

"Lorenz, nakaupo ako roon. Nakaupo ako roon sa loob ng putanginang club na 'yon. Hindi ako estatwa, lorenzo. Boyfriend mo ako.." saad nya. Kita ko na kaunti na lang rin ay babagsak na ang luha nya. "Nobyo mo ako, Lorenzo. Hindi naman kita pinagbabawalan sa lahat ng gusto mo di ba? Kasi ayoko ng ganon.. kung kaya natin ayusin ang relasyon natin gagawin natin diba? Kasi pangako natin 'yun sa isa't isa." bumagsak na unti-unti ang luha ni Vince at halos humagulgol na ako.

"Pero mahal, paano natin matutupad yung pangarap na 'yon kung mismo sakin ay nagtatago ka?" halos pabulong na lamang ang mga salitang binibitawan ni Vince. 

"Bakit k-kinailangan ko pang malaman sa iba na ganito na ang nararamdaman mo, na nagtatampo ka na sa akin samantalang ako na nobyo mo.. mahal.. alam ko naman na may mali. Alam ko naman na hindi ka ayos, pero bakit sa tuwing tatanungin kita, ililihim mo sa akin at ikukwento sa iba." 

"Sa iba ko pa nalaman na masama na pala ang loob mo sa akin, na hindi ka na pala kumportable na kasama ko yung babae kong kaklase. Mahal, maiintindihan naman kita. Hindi ko naman hahayaan ang nararamdaman mo, pero bakit?" hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi ni Vince.

Hindi ko alam na sobra sobra na rin pala ang pinaramdam ko sa kanya. "Sinundan kita dito, Lorenz. Kahit sobrang sakit sakin na malaman na masama ang loob mo sakin, sinundan pa rin kita. Kasi kung kaya kong ipagpaliban ng isang araw ang galit mo, paano pa kapag tumagal tayo ng isang dekada? Tangina, mahal na mahal kita e. Mawala na lahat, wag lang ikaw. Bitawan man ako ng lahat basta hawak mo ko, ayos lang eh."

"Hindi ko naman sinasabing layuan mo yung mga kaibigan mo pero kasi, sobra naman. Kung hawakan at kung dumikit sayo.. sobra na. Ang sakit sakit, Lorenzo. Yung makita ang galit sa mata mo habang inaalis kita sa putanginang.." huminga muna sya ng malalim bago muling nagsalita. "Habang inaalis kita sa lugar na 'yon. Ang sakit, mahal. Parang pinapamukha mo sa akin na hindi ko dapat maramdaman ang bagay na 'yon dahil nararamdaman mo iyon sakin."

Tuluyan nang kumawala ang mga luha ko. Sobrang lakas ng agos nito. Ilang araw na akong nagtatampo kay Vince dahil sa isang kaklase nya, palagi kasi itong kumakausap sa kanya. Sa tuwing sabay kami kakain ni Vince ay nagpapakita ito at kunwaring magtatanong.

Pero kahit na ganoon.. hindi naman hinahayaan ni Vince na makalapit ito. Siguro nga ay may kasalanan ako.

Lumapit sya sa akin at saka yumakap. "Sorry, baby. Sorry. Tangina, patawarin mo ko Lorenzo. Hindi ko alam na ganoon na pala ang nararamdaman mo." bulong nya sa tenga ko kaya mas lalo lamang lumakas ang pag-iyak ko.

"S-sorry din.. h-hindi ko n-naman sinasadya.." pinutol na agad ako ni Vince sa pagsasalita.

"Wala kang kasalanan, baby. Ikaw palagi bago sila." Vince kissed me. "Ikaw muna, ikaw palagi."

Isa lamang iyon sa naging pag-aaway namin. Ngunit pagkatapos ng matinding away na iyon ay mas naging matatag ang pagsasama naming dalawa. Inampon na namin si Chukoy at ang iba pang mga bata, doon sila umuuwi sa bahay ni Vince at paminsan minsan ay dumadalaw ako roon. 

Lagi kaming nag-gogrocery ni Vince para naman may pagkain sila doon. Nang makapagtapos ako ay nakapagtrabaho na agad ako, naging maganda pa rin ang daloy ng buhay namin ni Vince. Ilang buwan na lang ay sya naman ang magtatapos.

May doktor na ako.

"Pagod?" tanong ni Vince nang mahiga ako sa kanyang sofa. Hindi ako sumagot at tumango na lang. Naramdaman kaagad ng aking katawan ang kamay nya. 

Minamasahe nya pala ito. May mga oras na pareho kaming walang tulog ni Vince. Ako ay dahil sa overtime samantalang sya naman ay kakareview. Ilang buwan na lang rin kasi ang hinihintay bago makapagtapos si Vince.

Hindi ko akalain na ang isang estrangherong nakilala ko sa bus ang makakapagpabago ng buhay ko. Marami kaming plano sa isa't isa. Gusto naming alagaan sila Chukoy at pag-aralin ito. Gusto naming bumili ng mas malaking bahay kapag nakapagpundar kami, gusto rin namin magtayo ng business para naman kahit nagpapatayo kami ng bahay ay pumapasok pa rin ang pera sa amin. 

Lahat ng plano ay kasama si Vince. Kasama ang mahal ko.

"Baby!" sigaw ko. Agad nya naman akong sinalubong at kinarga. "Congrats, mahal. Ito na 'yun!" maluha luhang saad ko sa kanya.

Nang ibaba nya ako ay may luha na pala sa kanyang mata, maging ang Mama at si Loreign ay umiiyak. Para na siguro kaming tanga rito. Hinubad nya ang kanyang mortarboard at ipinasa sa akin. Inabot nya rin ang kamay ko at nilahad ang kanyang dipoma roon.

"Hindi ko magagawa 'to ng wala ka, mahal." bulong nya.

"Thank you for everything, baby. And yes, ito na yun." ngiti nya "Mahal kita ng sobra, Lorenzo ko."

'Yun na lang ang naaalala ko bago ako hinalikan ni Vince sa harap ng maraming tao. In front of thousand of people, in front of our parents and family. In front of our children. 

They witnessed our love.

Sinong mag-aakala na sa simpleng pag-sakay ko ng bus ay makikilala ko ang taong makakasama ko sa pang habang buhay. Makakasama ko sa bawat pangarap at plano sa buhay, sa bawat hirap at saya. Bawat iyak at ligaya.

Mahal kita, Vince. 

Isang katok ang narinig ko bago ako dumilat. Kunot noo kong pinagmasdan ang paligid. Nakita ko agad ang uniporme na suot suot ko dati sa piyu. Bakit ako nandito? We were celebrating Vince graduation. 

Agad kumunot ang noo ko nang mapansin si Vince sa dulo ng bus.

Suot suot nya ang isang puting tshirt at maong jeans. Nakasandal sya sa bakal at binibilang ang perang papel na kanyang hawak. Ang postura't pananamit nya ay parehong pareho sa kung paano ko sya nakita noong unang beses. Naroroon pa rin ang kanyang good morning towel sa balikat at ang lip piercing nya.

Hindi ko alam ang nangyayari ngunit masama ang kutob ko. Halos mamasa ang aking palad sa kaba na nararamdaman. Hindi naman siguro.. hindi pwede.. ayoko..

Ramdam ko ang pangingilid ng aking luha.

"Piyu na! Wala na bang bababa?" sigaw ng konduktor. 

Naguguluhan man ay kinuha ko pa rin ang bag ko at nagmamadaling lumabas. Ano bang pakulo ito? Ano ang ginagawa ko dito sa dati kong eskwelahan? Bakit may hawak na buslo si Vince at bakit parang hindi nya ako nakita.

Pagkababa ay nakita ko agad si Vince kaya nilapitan ko ito. 

"Vince!" tawag ko.

Binaba nya ang kanyang buslo na hawak at saka marahang umubo.

 

 

"Kilala mo ko boss?"

 

Notes:

Huhu ayaw paawat ni ate hanggang pasko nananarantado sha anywayz kalma kau, kain lang kau dyan noche buena, trust me baby. 👊🏼😹 emi HAAHJAAJHAHAAJAJAJQJAHAH pero ‘di nga, wait nyo na lang pov ni vince (which is next chapter)

Wow. Tapos na tayo sa chapter 14, how was it? You can always tweet #SYMSKTheJourney or comment down below for your thoughts, feelings and violent reaction EME.

Maraming salamat, five thirty peeps! See you on epilogue :)

Chapter 15: wakas

Summary:

For Lorenz, studying at prestigious university means a lot. That's why when he got an offer from Far Eastern University, specifically Diliman branch, he did not even think twice. Para naman kay Vince, okay na yung nakakakain sa araw-araw, sapat na ang nakakaramdam ng hangin, sapat na ang nakakarinig ng ingay ng bus, sapat na ang nakakaamoy ng usok.

What it feels like liking someone that is out of your league? A love story between two guys sharing common descriptions of love but different perspectives somewhere in Quezon City.

Notes:

Good evening!

Sorry ngayon lang nakapag-update, had to unwind for a while and touch some grass, charot.

tw: mention of harassment, killings and other explicit contents.
also not proofread, heavy narrations ahead!

Please use the #SYMSKWakas in tweeting and tag me! Thank you!

Chapter Text

Vincent.

 

“Gising! Nariyan na ang mga parak!” boses ni Juls ang gumising sa akin. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ng marinig iyon. Hindi na inayos ang karton na nagsilbing higaan at dinampot na lang ang mga importanteng bagay na nasa isang bag bago ako tumakbo papalayo. Kung isa pa lang akong musmos ay tahip tahip na siguro ang aking kaba kung sakali mang gumising ako ng disi-oras ng gabi para lamang tumakbo papalayo sa mga pulis dahil nahuli na naman kami na natutulog sa bangketa, malapit kung saan dumadaan ang mga sasakyan. Ngunit ngayon na sanay na ako at kahit papaano ay may muwang na, hindi na ako nakakaramdam ng kaba kung hindi awa na lamang sa sarili at kagustuhan na lang makahanap ng lugar kung saan makakapag tago sa mga pulis.

 

“Puta, bilis mo tumakbo. Muntik pa kita hindi makita.” usal ni Juls ng naabutan ako, hinahabol pa rin ang kanyang paghinga. Tumawa na lang ako at saka naghanap ng malinis na karton upang mahigaan dito sa tapat ng saradong lugawan. Halos isang dekada at pitong taon na rin akong namumuhay ng ganito. Palaging tagong tago, gutom at madungis. Halos hindi ko na matandaan ang huling beses na maramdaman ko na tao ako. Madalas kasi ay para lamang akong basura sa bawat kalye dito sa kamaynilaan. Hindi alam kung sino ba talaga ang taong namumuhay sa loob ng katawan ko. Tanging alam lamang ay ang pangalan at edad na sinabi ng madre na tumulong sa akin sa loob ng ampunan bago ito namatay.

 

Bukod doon, wala na. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko na alam kung sino ba talaga ako, sino ang mga magulang o kung mayroon ba ako noon. Para bang pinipilit ko na lamang mamuhay sa isang mundo na alam ko namang hindi ako tanggap.

 

Nang tumungtong ako sa edad na katorse ay lumabas na ako sa ampunan dahil minamaltrato na ako doon ng ibang tagapangalaga. Magmula kasi ng yumao ang isang madre na tumayo bilang ina at ama ko, hindi na naging maayos ang pamumuhay namin ni Juls sa loob ng ampunan na iyon. Kadalasan ay pinapalo kami ng walis sa tuwing magkakamali kami sa mga inuutos nila, minsan naman ay sinturon sa tuwing nagiging pilyo kaming dalawa. Hindi na namin kaya kung kaya naman napag desisyunan naming dalawa na umalis na.

 

Tumakas kami ni Juls at nagpakalayo-layo sa lugar na iyon. Hindi iyon naging madali dahil pareho kaming menor de edad. Kung mag rereport kami sa pulis ay hindi naman kami paniniwalaan ng mga ito dahil itinuturing na ligtas panuluyan ang bahay na iyon ngunit hindi para sa amin ni Juls. Isa pa, baka ibalik lang kami roon dahil posibleng malaman nila na wala kaming bahay na tutuluyan. Masalimuot ang naging karanasan naming dalawa sa bahay na iyon, minsan ay hindi sapat ang kain namin sa loob ng isang linggo dahil kulang raw ang pondo na ibinigay ng munisipyo, kadalasan naman ay sinasaktan kami.

 

Nagsimula kaming mamuhay sa sarili naming mga paa. Tuwing umaga ay nanghihingi at namamalimos ako sa mga pasahero ng jeep dahil hindi naman kami pinapayagan sa mga bus at nakakaabala raw kami ng mga tao na nais lamang magpahinga. Minsan ay binibigyan kami ng malaking pera ngunit kadalasan ay barya lamang o papiso-piso lang. Hindi naman kami nagrereklamo roon ni Juls dahil gaya nga ng sabi ko ay hindi naman nila kami obligado. Isa pa, malaki rin ang mga barya kapag ito ay pinagsama sama.

Iniikot namin ang kamuning, espanya at iba pang lugar sa kamaynilaan. Minsan kapag may raket ay tinatanggap namin ito dahil hindi rin naman sasapat ang kinikita namin sa pamamalimos upang mabuhay sa isang araw. Mahirap para sa akin na makita si Juls na nahihirapan lalo na at itinuturing ko na rin itong nakababatang kapatid. Isang taon lang naman ang agwat namin dalawa pero hindi ito tumatawag ng kuya sa akin, hindi raw kasi sya sanay. Ganoon pa man ay hindi ko kailanman naramdaman na walang respeto ang dating nya sa akin. 

 

Lumaki na kami ni Juls sa ganoong estado ng buhay. Paminsan minsan ay nakakakain ng sapat sa mga binibigay ng tao sa kalsada at minsan naman ay ayos na ang isang kain sa buong araw. Sabi nga nila, kung marunong kang kumayod sa Kamaynilaan, imposible na gutumin ka.

 

“Vince, gutom na ‘ko..” mahinang bulong ni Juls sabay himas sa kanyang tiyan. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita ang itsura ni Juls. Nasasaktan at naaawa ako ngunit wala rin naman akong magawa. Wala kami masyadong kinita ngayong araw at sasapat lamang para sa agahan na aming kinain kanina. Tinignan ko ang bulsa at nakitang may sampung piso roon, dalawang tinapay lamang ang kasya roon pero ayos na rin kaysa sa wala. “Hintayin mo ko dyan.” usal ko bago tinahak ang kalapit na bakery sa pwesto ng tinutulugan namin.  

 

Nang makarating ay agad kong tinignan ang mga presyo ng tinapay. Limang piso na ang pinakamurang tinapay kung kaya naman ay yun na ang aking binili. “Dalawa nga ho nito, salamat ho.” inabot ko na ang bayad at saka kinuha ang tinapay sa kamay ng ale. Naamoy ko ang bango nito kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng gutom ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil mas kailangan ito ni Juls. Kaya ko naman magtiis, kaya ko pa. 

 

Pagbalik ko sa pwesto ay namimilipit na si Juls sa sakit ng tiyan kaya naman binaba ko muna ang tinapay at lumapit sa kanya. “Juls! Julian! Anong masakit sayo?!” hindi na maitatago ang taranta sa aking boses. Halo halong takot at pangamba ang aking nararamdaman, sino ba naman kasi ang tutulong sa sitwasyon namin ngayon? Paniguradong wala. “V-vince.. ang s-sakit ng tiyan k-ko.. Vince.. aray!” namimilipit na si Juls sa sakit, kita ko na rin ang luha sa kanyang mata. 

 

Hindi ko na alam ang gagawin. Tatawag ba ako ng tao upang humingi ng tulong? Dadalhin ko ba si Juls sa center? Hindi ko alam. “Juls, pupunta tayo sa center. Kaya mo ba maglakad? Pasan ka sakin..” ramdam ko na ang pamamawis ng aking sariling kamay. Butil butil na rin ang pawis ng aking noo dala ng takot dahil sa nararamdaman ni Juls. Pinasan ko si Juls sa aking likod, sa ilalim ng tanghaling tapat ay karga karga ko ang isang Juls na hawak hawak ang tiyan sa pananakit nito, tinitignan kami ng mga tao ngunit lahat sila..

 

Lahat sila ay nakatingin lamang. Walang tumulong, walang nag-abalang magtanong, walang may pakialam. Kahit nahihirapan ay tinakbo ko ang layo ng center upang mas mapabilis ang pagpunta namin doon. Pagdating ay agad kong pinaupo si Juls sa isang upuan at naghanap ng doktor o kung sino man ang libre noong mga oras na ‘yon. “Wala po bang tao? Masakit po ang tiyan ng kaibigan ko! Tulungan nyo po kami!” sigaw ko, halos mamaos na. Lumapit sa akin ang isang barangay tanod, nagkaroon ako ng pag asa na magamot agad si Juls sa lalong madaling panahon. “Lunch time ng mga nars ngayon, bata. Hintayin nyo na lang, ilang minuto na lang din naman.” saad nito.

 

Agad nagpintig ang aking tainga sa narinig. Tama ba ang narinig ko? Hintayin namin ang mga nars? Hintayin namin ang mga taong may kakayahang manggamot dahil kumakain pa ang mga ito? Kahit kitang kita ng dalawang mata nya kung paano umikot sa upuan ang kasama ko dala ng sakit ng tiyan? 

 

“Hindi p-po.. yung kaibigan ko! Kailangan nya ng gamot, h-hindi ko alam ang nangyayari sa kanya.. baka mapano p-po sya!” histerikal ko. Sa sobrang inis ko ay tumakas na ang isang luha sa aking kaliwang mata. Imbis na kaawaan ay inakbayan ako nito at bumulong. “Ilang minuto na lang ang hihintayin nyo, ‘toy. Ngayon, kung hindi kayo makapaghintay ay pumunta kayo sa hospital.” saad ng tanod. Kinuyom ko ang aking kamao sa sobrang galit. Hindi kailanman pumasok sa aking isipan na ang mismong barangay center ang hindi tatanggap sa aming mga kapos upang magamot.

 

Lumapit ako kay Juls at marahang hinimas ang kanyang likuran. Hindi ko kayang may mangyaring masama sa kanya, sariling kapatid na ang turing ko rito. Hindi ko kaya. “Can I check him?” lapit sa amin ng isang babae. Wari ko ay nasa mahigit bente singko anyos na ito. Nakasuot sya ng isang polo at maong jeans. Sa sobrang desperado ay tumango ako at umayos ng pagkakaupo upang matignan nya si Juls na ngayon ay nakapikit na ang mata sa sobrang pag inda ng sakit. “Iho, sabihin mo kung masakit, okay?” marahang tanong ng babae. 

 

Pinindot pindot nya ang parte sa tiyan ni Juls. “Masakit kapag pinipindot ko dito?” tanong ng babae. Umiling naman si Juls sa kanya. Nagpatuloy lamang sya sa ginagawa hanggang umaray si Juls. “M-masakit po!” saad ni Juls nang pindutin ng babae ang ibabang bahagi ng kanyang tiyan. “Hmm, anong kulay ng ihi mo, iho?” tanong ng babae. Nanghihina man ay pinilit pa rin ni Juls sumagot. “H-hindi ko po a-alam pero masakit sya sa t-tuwing iihi ako..” sagot ni Juls. Tumayo ang babae at saktong pagtayo nito ay ang paglabas ng isang nars na mukhang galing nga sa pananghalian dahil hawak hawak pa nito ang kanyang baunan.

 

“Dra. Ramirez!” tawag ng nars at mukhang nagulat nang makita ang babae na kumausap kay Juls. Doktora s’ya? Lumapit ang nars na ito sa babaeng kaharap namin at bahagyang tumango. “Nurse Cha, hindi ko alam na dito pala ang destino mo. Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ng babae. Tumango naman ang nars at inaya ito sa isang sulok upang makapag usap ng pribado. Lumapit ako kay Juls at saka hinaplos ang kanyang ulo. 

 

Saglit lang naman kami naghintay at bumalik na ang dalawa. Kita ko ang taranta sa mukha ng nars nang lumapit siya sa amin. “Kuya, sama ka po.” saad nya kay Juls. Naiwan naman ako sa labas ng kwarto kasama ang babae. Pinanood ko kung paano nya ilabas ang kanyang cellphone at mukhang may kinakausap ito doon. “Mommy!” dinig ko ang boses ng isang batang babae sa kabilang linya, anak pala ng doktora. “Hello, baby Kia. Where’s daddy?” tanong ng babae. “Kitchen po. He’s making his favorite coffee ulit, Mommy!” sumbong ng batang babae. 

 

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit kahit na alam kong masama ang bagay na ‘yon. Ano kaya ang pakiramdam ng isang pamilya? Sobrang saya siguro nito gaya ng sa kanila. Kung hindi kaya ako iniwan ng aking ina’t ama ay ganyan rin kami ngayon? Siguro. Sana. 

 

Ilang sandali pa ay lumabas na si Juls at ang nars. Umupo sila sa isang lamesa kaya naman hindi ko naiwasan ang lumapit. “May UTI ka, iho. Bibigyan ka namin ng libreng gamot, iinumin mo lang ito isang beses sa isang araw, pagkatapos kumain. Iwas na rin tayo sa mga softdrinks, junk foods at maalat na pagkain para madali kang gumaling, okay?” saad ng nars, tumango tango naman si Juls dito. Napansin ko na paalis na ang babae kung kaya naman ay humabol ako rito.

 

“Ma’am.” tawag ko sa kanya at agad nya naman akong nilingon. “Salamat po.” ani ko. Ngumiti sya roon at ginulo ang aking buhok. “Wala ‘yun. Alagaan mo ang kasama mo ha?” habilin nito sa akin kaya naman dali dali akong tumango. Umalis sya sa harapan ko kaya naman ay bumalik na ako sa loob. Pagkarating ko sa loob ay tapos na sila doon, umalis na ang nars sa harapan namin kaya naman kinamusta ko si Juls.

 

“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ko. Umiling sya sa akin at saka mahinang tumawa. “Ayos ayos na. Sensya na ah, kala ko mamamatay na ko kanina, e.” biro nya. Mahina ko syang binatukan ng marinig iyon. Kung kailangan ay mag doble kayod ako ay gagawin ko, kumain lang ng tama si Juls upang mainom nya ang gamot nya. Wala na akong ama’t ina, nawala na rin ang madreng tumayo bilang magulang ko. Hindi ko na kakayanin kung pati ang kapatid ko ay mawala sa akin. Pagkatapos noon ay umuwi na rin kami, agad din kaming nag diretso sa harapan ng saradong talyer. Ganun na lamang ang panghihinayang ko nang makita ang dalawang tinapay na aking binili kanina na ngayo’y kagat kagat ng isang aso. 

 

Pareho kaming nakatulala ni Juls, iyon na lamang kasi ang huli naming pera. Naupo si Juls sa isang karton na ginawa naming panapin sa pagtulog at saka natawa. “Lokong ‘yon, naunahan pa ko.” ani nya. Napangiti na lamang rin ako dahil ano pa ba ang magagawa namin? Agad akong nag-isip ng paraan sa kung paano makakakain si Juls. Naisip ko na manlimos ng pera sa mga tao kaya naman ay humanap na agad ako ng maliit na basong plastik upang may paglalagyan ng baryang maiipon. 

 

May kalakihan rin ang kinita naming dalawa noong araw na iyon. Sapat na upang maka pananghalian at makakain kami sa gabi. “Grabe, busog na busog ako!” saad ni Juls habang himas himas ang kanyang tiyan dala ng kabusugan. Napangiti naman ako habang nililinis ang mga supot na aming pinagkainan. Binato ko sa kanya ang isang banig ng gamot na bigay ng nars sa kanya. “Oh, uminom ka na.” utos ko na sinunod naman nya. Pagkatapos noon ay inayos na namin muli ang aming tutulugan. 

 

Ilang araw na rin sarado ang harapang tindahan na aming tinutulugan ni Juls. Kaya habang hindi pa ito nagbubukas ay sinusulit na namin ang panghihiram sa harapang pwesto ng lugawan na ito. Kasalukuyan kong inaayos ang mga karton na nagsisilbing higaan namin bilang pangontra sa malamig na dala ng semento. Habang pinupunasan ang mga karton dahil sa alikabok at dumi nito ay napansin ko ang katahimikan ni Juls. Nakaupo kasi ito habang tulala sa kawalan. “Huy,” tawag ko sa kanya. Agad ko rin namang nakuha ang atensyon nya kaya bahagya nyang iniawang ang kanyang bibig sa akin. “Bakit?” tanong ni Juls.

“Ayos ka lang? Tulala ka, kumain ka naman ah.” biro ko. Ngumisi lang si Juls sa akin bilang sagot at saka umiling. Inayos ko na ang mga sapin at saka sya muling kinausap. “Hindi nga? Malalim yata iniisip mo, eh.” saad ko at saka naupo. Sumandal si Juls sa saradong lugawan at saka tumawa ngunit halatang halata ang peke sa tawa nito. “Naisip ko lang..” pagsasalita ni Juls kaya naman ay nakinig ako. “Mahal kaya tayo ng Diyos?” usal ni Juls sa kawalan. Hindi ako makapagsalita. Ni umisip ng salitang sasambitin ay hindi ko magawa dahil hindi ko rin alam ang sagot sa kanyang tanong.

 

Mahal nya nga ba kami? Nag-aalaga ba talaga sya sa amin? Pinahahalagahan niya ba talaga ang gaya namin? Andaming tanong ang pumapasok sa utak ko ngunit kahit isa doon ay hindi ako nakakuha ng sagot. Hindi ko maisip na makasalanan ako kaya nya kami pinarurusahan ng ganito dahil magmula ng iniluwal ako ay pinarurusahan nya na ako. Nagdurusa na ako. Kami. Ang hirap.

 

Sobrang hirap maging mahirap. 

 

“Minsan ba naisip mo na baka.. baka sinusubukan lang nya tayo?” tanong ni Juls. Hindi ko pa nga masagot sagot ang una niyang mga tanong heto’t hirap na hirap akong muli umisip ng sagot. Nanatili akong tahimik, pinakikinggan ang mga sinasabi nya. “Pero kung sinusubukan nya tayo.. pwede bang sabihin na hindi na natin kaya?” bahagya pa syang tumawa roon na kinakirot ng puso ko. “Pwede ba ‘kong lumapit na sa kanya kasi suko na ‘ko, e..” halos pabulong na lang ang mga iyon.

 

“Pagod na ‘ko, Vince. Nakakapagod, mabuhay.”

 

Pinanood ko kung paano nya pinalis ang luha na nakawala sa kanyang mata. Nag iwas ako ng tingin. Tama si Juls, kung sakali man na pagsubok lamang ‘to sa buhay, sana alam nya at sana naririnig nyang sumusuko na kami. Na itataas na namin sa kanya ang magiging kapalaran naming dalawa dahil hindi na namin kaya. “Juls,” tawag ko sa kanya. 

 

“Hmm?” saad nito. Hindi makatingin sa akin dala ng kanyang luha. Lumapit ako sa kanya at saka sya niyakap. “Di kita iiwan.” saad ko sa kanya. Hindi sya nagsalita at nanatili lamang na mahinang humihikbi sa aking dibdib. Nararamdaman ko na rin ang sariling luha ngunit mas minabuti ko na lang na hindi ito ipakita sa kanya dahil ayokong panghinaan sya lalo. Ilang sandali pa ay tumahan na rin sya kung kaya naman ay bumalik na ako sa aking pwesto. “Matulog ka na.” saad ko kaya naman ay tumayo na sya sa pagkakaupo at nahiga sa aking tabi. 

 

Aming pinaghatian ang maliit na kumot na amin pang itinakas sa bahay ampunan. Pinikit ko na ang aking mata kahit na may kaunting pangamba pa rin dala ng takot dahil sa delikadong kinalalagyan namin. “Salamat..” narinig kong saad ni Juls na nakahiga at nakatalikod sa akin. “..kuya.” 

 

Ganun na lamang ang gulat ko sa narinig. Nabanggit ko naman na hindi talaga ito tumatawag sa akin kailanman ng kuya dahil hindi raw sya sanay. Lihim akong napangiti sa narinig. Sa oras na walang wala ako, si Juls ang kasama ko. Ang kapatid ko.

 

Hindi ako kaagad nakatulog ng oras na iyon kaya minabuti ko na maupo at taimtim na magdasal. Malalim na ang gabi, medyo napapasarap na rin ang tulog ni Juls kahit na rinig na rinig namin ang ingay ng tren sa itaas. Paminsan minsan ay ang ingay rin ng kalsada at kagat ng lamok ang nagiging kalaban namin tuwing gabi. “Ama..” panalangin ko. Wala pa man din ay nagbabadya na agad ang aking luha. Luha ng lungkot, pagmamakaawa at kaunting poot.

 

“Hindi na po namin kaya..” nanghihina kong bulong, takot na baka magising ko ang natutulog na Juls sa aking tabi.  “Tulungan nyo ho k-kami.. hindi na namin k-kaya..” at tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ako madalas lumapit sa Diyos. Mayroon kasing pagtatampo sa puso ko. Mga bagay na hindi ko madalas sabihin sa kanya pero sana ay naririnig nya. Noong gabing iyon ay halos iiyak ko sa kanya ang lahat. Sa loob ng ilang taon kong paglayo sa kanya ay isang gabing pagsusumamo na ako’y pakinggan nya. Ilang sandali pa akong nanahimik bago napagpasyahan ng matulog na. 

 

Maaga pa kasi ang gising ko bukas kaya naman ay nahiga na ako sa tabi ni Juls. Kinabukasan, isang ingay ang gumising sa akin kaya naman ay napabalikwas agad ako. Kinusot ko ang aking mata nang makita ang isang matandang nakangiti sa akin. “Pasensya ka na, napalakas yata ang pag baba ko nito..” paghingi nya ng tawad. Hindi agad ako nakapagsalita at agaran nalang niyugyog ang natutulog na si Juls. 

 

“Juls, gising..” tawag ko ngunit hindi ito tumatayo. “Naku, hayaan mo na muna at baka inaantok pa.” rinig ko na saad noong ale, may-ari yata ng lugawan na tinutulugan namin. “Pasensya na po, aalis na rin po kami. Juls, gising na.” saad ko at nagmamadaling ginising ito. Tulog mantika pa naman ang isang ‘to. Kahit anong gawin ay hindi magising. “Ah, may tubig po ba kayo dyan na malamig? Baka kailangan pa po noon bago magising ‘to, eh.” saad ko sa ale at saka kamot kamot na umiling. 

 

Tumawa naman ang ale na aking kausap saka sya lumapit sa akin. “Hayaan mo na muna syang matulog dyan at baka puyat. Halika rito sa loob, kumain ka ng lugaw.” saad nito kaya naman ay agad akong umiling. Nakakahiya, hindi nga dapat kami natutulog dito sa harap ng kanyang tindahan at ngayo’y aalukin nya pa kami ng tinitinda nya na lugaw. “Hindi na po, ayos lang po. Busog rin naman-” agad naputol ang aking sinasabi ng kumalam nang malakas ang aking tiyan, senyales na gutom na. “Hahaha, sige na iho. Pumarine ka na sa loob at kumain ng mainit na lugaw. Maya maya mo na gisingin ang iyong kasama at pakainin.” usal ng ale kaya naman ay wala na akong nagawa.

 

Habang nasa loob ay nakaupo na muna ako sa isa sa kanyang mga upuan habang siya ay nagtungo sa kusina upang umpisahan na ang pagluluto ng lugaw. Napansin ko na may alikabok at may mga agiw na rin sa loob ng kanyang pwesto. Nahihiya man ay nagtungo ako sa kusina kung saan naroroon ang ale. “Ah, itatanong ko lang po sana kung nasaan ang basahan at walis nyo..” saad ko. Mukhang nagulat pa sya roon ngunit kalaunan ay ngumiti rin naman. “Kung i-pagwawalis mo ako ay malaking tulong iyon anak ko, pero huwag mong isipin na kapalit iyon ng bigay ko, ha?” saad nya kaya ako naman ang ngumiti ngayon dahil sa kabaitan nya.

 

Tinuro nya sa akin ang walis at ang basahan na maaari kong gamitin sa paglilinis ng kanyang lugawan. Agad akong nagsimula sa pag-aalis ng agiw sa kanyang kisame. Pinamamahayan na kasi ito ng mga gagamba dahil sa tagal na hindi naglilinis. Pagkatapos noon ay nagsimula na ako sa pagpupunas ng mga lamesa, upuan at iba pang mga gamit na maalikabok na. Aking hinuli naman ang pag wawalis at paglalampaso. Sakto rin ay lumabas na ang ale dala dala ang isang malaking mangkok na may laman na lugaw, kita sa kanyang mata ang gulat at saya nang makita kung gaano kalinis ang kanyang tindahan. “Sobrang linis, naku, maraming salamat iho. Akala ko ay magdodoble pa ang trabaho ko dahil ngayon na lang ulit ako nag bukas kaya naman hindi ko nalinis itong pwesto. Maraming salamat, teka, ano nga ba ang pangalan mo?” tanong ng ale.

 

“Ako po si Vince..” pakilala ko. Ngumiti naman sya at saka ginulo ang aking buhok. “Naaalala ko sayo ang anak kong lalaki. Ganyan na ganyan rin sya noong kabataan nya.” saad nya. “Ako nga pala si Aling Myrna. Halika, kumain ka na habang mainit pa ang sabaw!” saad nya kaya naman ay agad akong naupo upang tikman ang luto nya. Hindi nga sya nagkakamali at isa ang kanyang lugaw sa pinakamasarap na lugaw rito sa kamaynilaan. Tamang tama ang bawat timpla, lambot at luto nito. Naubos ko ang isang mangkok nito kaya naman pagkatapos ay halos mapasandal ako sa kabusugan.

 

“Ang sarap po ng luto nyo. Maraming salamat po, Aling Myrna.” pasasalamat ko. Ako na ang nag presinta sa paghuhugas ng pinggan na aking kinainan. Tumanggi pa si Aling Myrna ngunit pinagpilitan ko dahil pinakain nya na ako ng libre. Pagkatapos ko maghugas ay lumabas na ako sa kusina, nagulat pa ako nang makita si Juls na nakaupo sa lamesa at humihikab pa, halatang kagigising lang. Tumingin siya sa akin at ngumiti, napangiti rin ako. 

 

“Vince! Tara kain lugaw, libre daw ni Aling Myrna..” pag-aaya nya. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Tapos na ‘ko, sige na ubusin mo na ‘yan at magpapasalamat tayo kay Aling Myrna.” saad ko. Mabilis na natapos si Juls kaya naman ay hinugasan nya na ang mangkok na kanyang kinainan. Ako naman ay nagtungo palapit sa Ale na tumulong sa amin. “Ah, Aling Myrna.. Maraming maraming salamat po sa libreng lugaw. Papanhik na po kami ni Juls.” paalam ko. Mukha namang nalungkot sya doon kaya naman nagpunas muna sya ng kamay sa kanyang tapis na suot bago lumapit sa amin ni Juls na kadarating lang rin galing kusina.

 

“Naku ganoon ba. O siya sige, mag-ingat kayong dalawa ha. Kung gusto nyo ng mainit na sabaw o kahit ano, magpunta lang kayo rito. Libre na sa inyo.” saad ni Aling Myrna saka ngumiti. Nagpaalam na kami at saka pumanhik, hahanap na ng bagong lugar na matutuluyan, manghihingi ng kaunting barya sa initan at kagaya ulit ng dati, makikipagsapalaran. “Vince tignan mo ‘yun, mukhang abandonado na ‘yun, o! Tara, tingnan natin…” paalam ni Juls at saka tumakbo. Napailing na lang ako at saka sya sinundan. Pagkarating doon ay wala nang tao at halos sira sira na ang buong puwang na kinatatayuan ng dating barber shop.

 

“Saktong sakto, panigurado na hindi maingay dito. Makakatulog na rin ng mahimbing, hahanap lang ako ng karton at tela.” paalam ni Juls. Kitang kita ang saya sa kanyang mata kaya naman ay napailing ako. Kahit naman maingay ay masarap ang tulog nya. Tinulungan ko na sya sa paghahanap ng karton at nang makahanap ay amin muna itong isinantabi upang maghanap buhay. Naghiwalay kami ni Juls ng pwesto, nanghingi ako sa Baclaran samantalang sya naman ay nasa Quiapo kasama ang iba pang mga bata na kaibigan namin. Binilang ko ang barya na laman ng aking baso at nakitang trenta pesos pa lamang ito. Hindi pa sapat sa pagkain namin ni Juls ngayong pananghalian. 

Sa malayo ay nakita ko si Mang Ising na nakaupo malapit sa simbahan ng Baclaran. Nagbibilang sya roon ng kinita nya sa pagtitinda ng mga tubig at iba pa sa bus. Lumapit ako sa kanya at naupo sa kanyang tabi. “Ano, dami na ba kita natin?” tanong ni Mang Ising pagkalapit ko habang binibilang pa rin ang perang papel nya. Tumawa ako bahagya at saka pinanood ang mga taong nagsisimba sa loob ng simbahan. “Hina nga ho, naligo naman ako.” pagbibiro ko. Narinig kong tumawa sya saka inilagay ang pera sa kanyang bag. “Oh heto bente, hayaan mo’t aasenso rin tayo.” saad nya saka ngumiti. Sana nga po, sana nga.

 

Nalaman ko noong araw na iyon na medyo malaki laki ang kita ni Mang Ising sa pagtitinda ngunit naisip ko rin ang pagod na dinaranas nya sa paglalako. Ang init, pagod at bigat ang magiging kalaban nya kaya naman hindi ko maiwasang humanga dahil sa determinasyon ni Mang Ising. Gusto kong maging kagaya nya, gusto kong matupad ang lahat ng gusto ko sa buhay kaya ngayon palang ay pag susumipagan ko na. Pagdating ng tanghali ay nagkita na kami ni Juls sa lugar na aming tutuluyan mamayang gabi, gaya ng plano ay nakabili na sya ng sampung pisong kanin at ako naman ang bumili ng aming uulamin.

 

“Uy, adobo!” kitang kita ang saya sa mata ni Juls nang makita ang paborito nyang ulam kaya naman ay napangiti na rin ako. Nagsimula na kaming kumain dahil babalik pa kami sa aming mga pwesto pagkatapos ng pananghalian. “Busog na busog ako, anong oras ka pala uuwi mamaya Vince?” tanong nya. “5:30. Umuwi ka rin ng maaga.” bilin ko sa kanya na tinanguan naman nya. Sa ganoon natapos ang araw naming dalawa. Pagkatapos kumain ng tanghalian ay babalik kami, siya ay nasa Balintawak at ako naman ay nasa Recto. Swerte nga’t medyo marami akong nalimos sa Recto. 

 

Naghahanda na muli kami sa pagtulog. Natapos na naman ang isang araw at nalagpasan na naman namin ang isang nakakapagod na araw. Kasalukuyan kaming nakahiga, nagpapaantok na ngunit panay salita si Juls sa tabi ko kaya naman ay hindi ako makatulog. “Vince, nakakatakot dito. Lipat tayo..” saad nya. Madilim na kasi at sobrang tahimik rin, maging ako ay natatakot ngunit kung ipapakita ko ito kay Juls ay lalo lamang syang panghihinaan ng loob. “Matulog ka na, walang multo rito.” saad ko. Nanahimik naman sya ngunit ilang sandali lamang ay may narinig kaming kaluskos ng paa kaya napabalikwas si Juls sa pagkakahiga at sumiksik sa akin. 

 

“Vince ano yun? Vince, multo ba ‘yun?” tanong ni Juls habang tinatago ang sarili sa aking likod. Tumayo ako at hinawakan ang dos por dos na nasa tabi ko. “Sino ‘yan?” tanong ko nang marinig ang isang tao na umubo. “Anong ginagawa nyo rito? Umalis kayong dalawa dito..” boses ng isang lalaki iyon kaya naman mas lalong umakyat ang takot sa aking katawan. 

 

“Vince tara na…” ramdam ko na ang panginginig ni Juls sa akin kaya naman umisip na agad ako ng paraan upang makalabas. Madilim sa loob, sobrang hirap hanapin ang daan pababa ng establisimentong ito. “Alis na!” sigaw ng lalaki. Umiiyak na si Juls kaya naman nilakasan ko na ang loob ko at tumakbo, hila hila si Juls sa kamay. Bahala na.

 

Bago pa man mahanap ang hagdan pababa ay nakita ko ang isang lalaki na nakaupo, lubog na lubog ang mga mata nito at halatang wala sa sariling katinuan. Kitang kita ko rin ang kulay puti na kanyang hawak hawak. “Vince tara na..” bulong ni Juls kaya naman ay nagpatuloy na kami sa pagtakbo. Patuloy lang kami sa pagtakbo kahit sobrang dilim na sa kalsada. Karamihan kasi ng mga tindahan ay sarado na, alanganing oras na rin kasi. 

 

Napagdesisyunan ko na sa harap muli ni Aling Myrna kami magpapalipas ng gabi at agahan na lang ang gising. Pagkarating doon ay pupungas pungas kami ni Juls, naabutan pa namin si Aling Myrna na binababa ang kanyang tindahan, magsasara na. Nang nakita nya kami ay nagtungo kaagad sya sa amin dahil habol habol pa namin dalawa ni Juls ang aming paghinga. “Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?” bungad sa amin ni Aling Myrna. Nakatungo pa rin ako at taas baba pa rin ang paghinga. 

 

“P-pwede po ba kaming matulog d-dito sa harap ng tindahan nyo? Wala po k-kasi kaming pupwestuhan..” saad ni Juls. Sya na ang nagsalita dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin normal ang takbo ng aking paghinga. “Kung ayos l-lang naman po. Pasensya na po..” pahabol ni Juls dahil mukhang natahimik si Aling Myrna.

“Ano ba kayo. Sa amin na kayo tumuloy, kami lang ng asawa ko ang nandoon. Teka, ayos lang ba kayo? Bakit kayo tumatakbo?” tanong ni Aling Myrna. Umiling naman ako, nang kaya na magsalita ay saka ako sumingit sa usapan nila. “Dito na lang po kami. Nakakahiya po, maraming salamat na lang po Aling Myrna.” saad ko. Huminga ng malalim si Aling Myrna bago muling nagsalita. “Hindi kaya ng konsensya ko na hayaan kayong matulog sa lamig ng sementong ito. Sige na, may isa pa kaming kutson roon. Doon tayo matulog dalawa sa aming sala..” saad ni Aling Myrna. Hindi kami nakapagsalita ni Juls, nagtitinginan lang kaming dalawa dahil pareho kaming nahihiya. 

 

“O sya, kung nahihiya kayong dalawa. Tulungan nyo ako na lang ako sa tindahan para naman hindi ba, bigayan tayong dalawa. Ano, ayos ba?” tanong ni Aling Myrna sabay ngiti. Napangiti na rin kaming dalawa ni Juls dahil mukhang magandang plano iyon. Sa ganoon ay matutulungan rin namin pabalik si Aling Myrna. Nang magkasundo ay sabay sabay kaming umuwi sa bahay nila. Pagkarating doon ay napansin ko ang aliwalas sa bahay ni Aling Myrna. Nakita rin namin ang isang lalaki na nagbabasa ng libro at nakaupo sa kanilang upuan sa sala. Bahagya nya pang ibinaba ang kanyang libro at ang salamin na suot upang tingnan kaming dalawa ni Juls. Nagtago pa si Juls sa aking likod, dala ng takot.

 

“Omeng..” tawag ni Aling Myrna. Ito yata ang kanyang asawa. “Tigilan mo ‘yan, natatakot sayo ang mga bata.” saad ni Aling Myrna kaya naman nagulat kami nang tumawa ang lalaki. 

“Hello, upo kayo.. Ako si Domeng.” saad nito, inaalok ang upuan na katabi niya ngunit umiling naman si Juls. “Nagbibiro lang ako, sige na umupo na kayo. Anong mga pangalan nyo?” tanong ni Mang Domeng. Hindi pa rin kami nagsalita, tama ba talaga ang pinasok namin? Hindi ba sindikato ang mga ito at baka ibenta kami? Pinilig ko ang aking ulo sa mga iniisip. 

 

Bumalik si Aling Myrna galing kusina at naglapag ng isang pitsel ng malamig na orange juice sa isang lamesita sa sala at tatlong baso. “Naku, natatakot sayo ang mga bata Omeng! Magbasa ka na lang nga riyan! Juls, Vince.. halina kayo at uminom na muna.” pag-aalok ni Aling Myrna. Natatakot man ay naglakad na si Juls papalapit sa mesa, napailing naman ako. Andali talagang suhulan ng isang ito. 

 

“Eto si Vince at ito naman si Juls. Nakita ko sila sa harapan ng pwesto kaninang umaga, tinulungan ako ng mga ‘yan maglinis kanina, maraming salamat talaga mga iho, ha. Dito na muna sila tutuloy dahil wala pa silang tutuluyan.” pagkukwento ni Aling Myrna sa asawa. Tumango lang naman si Mang Domeng.

 

Mabait pala sya. Likas lang sa kanya ang pagbibiro at pagiging makulit ngunit kahit ganoon ay takot pa rin si Juls sa kanya. Ako naman ay hindi, komportable ako sa mag-asawa. Nakita ko ang iba nilang mga litrato, may isa silang litrato doon kung saan kasama nila ang isang lalaki na kuha noong graduation yata dahil may suot suot pa itong toga. Ito yata ang kwento ni Aling Myrna na kanyang anak. Nagtatrabaho na raw ito sa ibang bansa at may anak at asawa na. “Kumatok lang kayo kung may kailangan kayo, ha. Nariyan na rin ang kumot at unan, sige na matulog na kayo.” saad ni Aling Myrna.

 

Lumabas si Juls sa banyo, bagong ligo ito kaya naman masaya sya at presko raw sa pakiramdam. Pinahiram kasi kami ni Aling Myrna ng mga dating damit ng kanyang anak. Nahiga na ito sa kutsyon at agad siniksik ang sarili sa kumot. “Ang lamig! Ang lambot! Ang sarap matulog..” tuwang tuwa na saad ni Juls kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti. Matagal tagal na rin kasi noong huli naming naramdaman ang lambot ng kutson, noong panahong nasa ampunan pa kami. Sinabihan ko si Juls na maaga gumising upang makatulong pa kami kay Aling Myrna sa pagbubukas ng lugawan kaya naman wala pang alas otso ay nakatulog na kami.

 

Kinabukasan ay maaga kami nagising ni Juls upang tulungan si Aling Myrna. Naging ganun na ang takbo ng aming buhay ni Juls. Kahit papaano ay gumaan ito at hindi kami nahihirapan. Paminsan minsan ay rumaraket pa rin kami ni Juls dahil ayaw naman naming iasa sa mag-asawa ang kakainin naming dalawa. Ang pagpapatuloy sa amin ni Juls ay sobra na, hindi na ako naghahangad pa doon ng iba. “Vince, pakideliver mo nga ito doon sa tindahan ni Annie. Isandaan kamo ang lahat.” saad ni Aling Myrna kaya naman ay sinunod ko ito agad. Suki na ni Aling Myrna si Ate Annie. Paminsan minsan ay binibigyan rin ako nito ng tip sa tuwing nagdedeliver ako ng pagkain.

 

“Ate Annie,” tawag ko sa kanyang bahay. Maya maya lang ay lumabas na sya sa kanilang gate at inabot ang bayad. Inabutan nya pa ako ng bente bilang bayad raw sa pagdedeliver ko. Nagpasalamat ako at pumanhik na pabalik sa lugawan. Habang nasa daan ay nadaanan ko ang isang kumpol ng mga batang nasa parehong edad ko at nakikinig sa isang babae. Huminto ako saglit at nakinig doon. “Seven minus thirteen? Yes, Benny?” saad ng babae. Tumayo ang benny at kinuha ang chalk sa kamay ng dalaga bago nito isinulat ang sagot sa pisara. Napakunot naman ang aking noo, mas malaki ang trese sa syete kung kaya naman hindi sais ang sagot. “Cannot be..” mahina kong sagot. Mukha namang narinig iyon ng babae kaya lumapit ito sa akin habang nakangiti.

 

Umupo sya sa harapan ko upang pantayan ako. “Ano ang pangalan mo?” tanong nito. Nakita kong nakatingin ang mga bata sa akin kaya naman sumagot ako. “V-vincent po.” sagot ko. Inilahad ng babae ang kanyang chalk sa harapan ko. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ito dahil paano pala kung mali ang sagot ko? E di napahiya pa ako. Ngunit kalaunan ay kinuha ko rin naman ito at nagsimulang magsulat ng sagot sa pisara. Nang matapos ay binalik ko sa guro ang tsalk na hawak.

 

Tinignan ng babae ang aking sagot at ngumiti. “Ngayon lang kita nakita dito, gusto mo bang sumali sa amin?” tanong ng babae. Hindi ko alam ngunit simula noong araw na iyon ay mas naengganyo ako sa pag-aaral. Tuwing hapon matapos ang aking pagdedeliver ay ilalaan ko ang isang oras sa pakikinig sa guro at pagkatapos ay babalik ako sa tindahan at doon muli tutulong. Inaaya ko si Juls ngunit hindi nya raw gusto ang mga ganoon kaya naman ako na lang ang nagpupunta roon. 

 

Sumapit ang isang taon, sasabihin kong mas naging magaan ang pamumuhay namin doon ni Juls. Kahit papaano ay nakakakain kami ng tama sa oras, nakakatulog ng mahimbing. Laking pasasalamat talaga namin kay Aling Myrna at Mang Domeng dahil tinulungan nila kami ni Juls mamuhay. Kung hindi siguro dahil sa kanila ay nasa kalsada pa rin kami ngayon at naghahanap ng pwedeng tulugan. Kinabukasan ay maaga kami nagising ni Juls ngunit nagtataka kami dahil parehong nakaupo ang mag-asawa sa sala ng kanilang bahay. 

 

“Mang Domeng.. wala po kayong pasok ngayon?” tanong ko. Umiling naman sya at ngumiti. Nagulat ako nang makitang umiiyak pala si Aling Myrna, nagpupunas ito ng luha gamit ang isang panyo. “Aling Myrna..” tawag ko.

 

Humarap sya sa amin ni Juls habang nakangiti at umiiyak. Minuwestra nya ang kanyang kamay, pinapalapit kami sa kanilang mag-asawa. “Lapit kayo..” saad ni Aling Myrna. Naguguluhan man ay lumapit kami ni Juls sa kanilang dalawa. Ganoon na lang ang gulat ko nang yakapin kami ni Aling Myrna. Sobrang higpit noon, para bang naramdaman kong muli ang yakap ng madre sa amin sa ampunan. Para bang naramdaman ko muli ang pagmamahal. 

 

“Payakap lang ako, ah.” saad ni Aling Myrna. Hindi naman kami nag salita ni Juls at yumakap na lang pabalik. Ilang minuto pa ang nagdaan bago humiwalay si Aling Myrna sa pagkakayakap at magpunas muli ng luha. Kinuha nya ang kamay naming dalawa ni Juls at saka malalim na huminga bago nagsalita. “Vincent.. Jules..” panimula nya. Kinakabahan ako ngunit mas minabuti kong tumahimik at makinig sa kanya. “Iiwan ko itong bahay sa inyo, ha?” 

 

Naguguluhan ako sa narinig. “Kayo na munang dalawa ang tumira rito, ha? Ipamamahala ko sa inyo ito.” saad nya. Umiiyak na rin si Juls, marahil ay may ideya na rin sa pag-alis ng dalawang mag-asawa. “Saan po kayo pupunta?” tanong ko. Sinuklay ni Aling Myrna ang buhok ni Juls na ngayon ay hihikbi-hikbi na. “Yung anak ko sa ibang bansa.. gusto nya raw kaming dalhin roon. Ilang taon na rin mula noong huli namin syang makita kaya naman napagdesisyunan namin ng Tatay Domeng nyo na sumama roon. Gusto rin kasi namin makilala ang apo namin..” paliwanag nya. 

 

“Huwag nyo isipin na iiwan ko kayo, ha? Siguro ay matatagalan lang ang pagbabalik namin pero babalik kami. Alagaan nyo ang mga sarili nyo, ha? Iiwan ko itong bahay sa inyo para dito kayo manuluyan, ha? Mag-iiwan rin ako ng mga pagkain nyo dito, ihahabilin ko rin kayo sa mga kaibigan ko at kapitbahay namin. Pasensya na mga ‘nak..” nanghihinang saad ni Aling Myrna. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay halos hindi na ako makakain. Napalapit na sa amin si Aling Myrna at Mang Domeng ngunit sino ba kami para ipagkait sila sa tunay nilang anak? 

 

Isang araw habang nagdedeliver ay napadaan ako sa terminal ng bus at nakita muli roon si Mang Ising. Nakaupo siya ron at nag-aabang ng bus. Matagal tagal na mula noong huli kong makita si Mang Ising kaya naman ay lumapit ako roon upang kamustahin sya. “Mang Ising!” tawag ko. Nagulat pa sya nang makita ako ngunit agad rin naman akong kiniliti. “Kamusta na? Di ko na kayo nakikita ni Juls ah, saan kayo naglalagi?” tanong nya. Nagkwentuhan kami roon ni Mang Ising. Ikinuwento ko ang lahat ng nangyari kaya naman maging sya ay sobrang saya para sa akin. 

 

“Mang Ising magkano po pala ang puhunan nyo sa ganyan?” tanong ko. “Seven hundred ay ayos na, basta bumili ka ng iba’t ibang uri ng inumin at mga kendi. Mabili iyon sa mga komyuter, subukan mo, malaki ang kita kaya lang nga dapat ay handa ka sa initan..” saad nya at saka tumawa. “Pag-iisipan ko po. Ingat po kayo, Mang Ising. Salamat po!” paalam ko at pumanhik na pabalik sa pwesto. Habang nasa daan pabalik ay pinag-iisipan ko iyon ng mabuti. Hindi kasi pupwedeng aasa ako sa ibang tao buong bahay. Kailangan ko mag isip ng paraan upang kumita.

 

Kaya naman pagbalik sa pwesto ay tuliro ako. Mukha namang napansin iyon ni Aling Myrna. “Ayos ka lang ‘nak?” tanong nya. “Opo, pasensya na po.” saad ko at tumungo papuntang kusina upang magsimula na sa pagliligpit ngunit hindi pa rin ito mawala sa aking isip. Saan naman ako kukuha ng pitong daan? Sobrang laki ng perang iyon. Ayoko naman buksan ang aking alkansya dahil gusto ko na may mahuhugot kami ni Juls sa mga panahong kailangan na kailangan namin. Bawat sahod kasi namin ni Juls ay iniipon ko ito kaya nanghihinayang ako ngayon kung sakali man na ito ang gagamitin ko bilang pang puhunan. 

 

“Vince, ayos ka lang talaga?” tanong ni Aling Myrna. Nandito na pala sya sa kusina. “Kanina pa kita tinatawag kaso mukhang malalim ang iniisip mo. Ano ba ‘yun? May maitutulong ba kami ng Tatay Domeng mo?” tanong ni Aling Myrna. Umiling naman ako. “Inaantok lang po siguro..” saad ko. Hindi ko kayang mangutang kay Aling Myrna dahil sobra sobra na ang tinulong nya sa amin. Lumapit sya sa akin at ginulo ang aking buhok. “Sakin ka pa ba magsisinungaling? Alam mo naman na kilalang kilala na namin kayo ni Juls.. Kaya sige ‘nak, ano yun? Baka kaya namin ng Tatay Domeng mo..” tanong ni Aling Myrna. 

 

Ramdam ko ang kaba sa aking katawan ngunit wala na akong malalapitan sa ngayon. “Ah, nakausap ko po kasi si Mang Ising. Kaibigan po namin sya ni Juls, nakwento nya po na malaki laki ang kita sa pagtitinda ng mga inumin sa bus…” pagkukwento ko. Taimtim naman na nakikinig si Aling Myrna sa akin, wari ko’y iniintindi mabuti ang aking mga sinasabi. “Nais ko ho s-sanag magtinda kaso malaki laki raw po pala ang magiging puhunan kaya hindi na ho siguro muna..” saad ko.

 

“Magkano raw ba ang susumahin?” tanong ni Aling Myrna. Halos pumalakpak ang aking tainga sa narinig. “Ang sabi po ni Mang Ising, mahigit kumulang pitong daan raw po..” saad ko. Ngumiti sya sa akin at saka ginulo ang aking buhok. “Sige na huwag mo na alalahanin iyon, ako na ang bahala roon. Bago kami umalis ay mamimili tayo ng paninda mo, ayos ba?” tanong ni Aling Myrna kaya naman ay tumango ako. Abot langit na ang aking ngiti.

 

Makalipas ang dalawang buwan ay nalalapit na ang pag alis ng mag asawa. Ramdam ko ang lungkot ko dahil kahit papaano, tinuring na namin sila bilang aming mga magulang. “Vince, nakahanda ka na ba?” tanong ni Aling Myrna. Sumagot naman ako ng oo at saka pumanhik palabas. Papunta kami ngayon sa isang mini mart. Bibili kami ng mga paninda gaya ng ipinangako ni Aling Myrna sa akin. Kumuha ako ng mga inumin, biskwit at mga iilan na kendi. Binili rin ako ni Aling Myrna ng isang styro upang may paglalagyan ng aking binebentang mga inumin. Nang makauwi ay kinuha ko ang liham na aking sinulat at kumatok sa kanilang kwarto. Siguro ay tulog na silang dalawa, maaga pa kasi silang aalis bukas. Sobrang bigat ng aking pakiramdam, halos hindi ko mapihit ang door knob at pumasok sa loob ng kanilang kwarto ngunit ganun pa man, nilagay ko ang liham sa bag na kanilang bibitbitin bukas.

 

Kinabukasan, ang una kong ginawa ay nagtungo sa kanilang kwarto. Nagbabakasakali na hindi sila umalis ngunit ganun na lang rin ang aking pagkadismaya ng makitang malinis ang kwarto nila at sobrang tahimik. Inihanda ko na ang styro na aking gagamitin sa pagtitinda, naglagay ako ng yelo rito na binili ko sa tindahan upang hanggang tanghali ay malamig pa rin ang aking mga paninda. Nagluto na rin ako ng aming agahan ni Juls, mamaya kasi habang magtitinda ako ay maglalako naman sya sa bawat simbahan. Unang araw pa lamang na wala ang mag-asawa ay mabigat na agad sa pakiramdam. 

 

Lumipas ang ilang mga taon. Kasalukuyan akong bente anyos. Nagtitinda pa rin ako ng mga inumin, kendi, biskwit at sigarilyo sa bus. Maraming nagbago sa loob ng ilang taon, hindi na sa akin nakatira si Juls dahil may nakuha itong trabaho sa probinsya. Marami kasing kaibigan si Juls, natural na sa kanya ang makakalap ng impormasyon ukol sa mga libreng trabaho sa probinsya o hindi naman kaya sa Maynila. Medyo nahihirapan rin ako nang lumayo si Juls. Pakiramdam ko kasi ay mag-isa na lang ako. Wala na ang kaisa-isang taong itinuturing ko na pamilya. Ngunit gaya nga ng sabi ko, hindi ko rin kayang pigilan ang tao sa mga gusto nilang gawin kaya kahit mahirap ay hinayaan ko ito.

 

Ako na lamang ang nakatira sa bahay na iniwan ni Aling Myrna. Apat na taon na rin pala mula noong umalis sila. Hindi ko alam kung kamusta sila, nakakasagap lang ako ng balita sa kanila galing sa mga kapitbahay, sinasabi na nagpost raw ang pamilya ni Aling Myrna ng mga litrato sa facebook. Ngunit bukod doon, wala na. Sapat na siguro sa akin ang mamuhay ng ganito. Gigising sa umaga upang bumili ng isang tipak na yelo, ilalagay ito sa isang buslo at ilalako sa kamaynilaan. May kabigatan man ito, ngunit alam kong anu’t ano pa rin ay kikita pa rin ako dito. 

 

“Tubig! Softdrinks! Boss, yosi?” tanong ko sa bawat tao na madadaanan. Kinuha ko ang tuwalya na nakasukbit sa aking balikat at saka pinunasan ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Tirik na tirik kasi ang araw ngayon, paniguradong uhaw ang mga tao kaya naman imbis na magpahinga ay kinuha ko na ang pagkakataon upang magtinda. Pinara ko ang isang bus patungo sa Pasay. “Tubig! Chicharon, kinse lang!” sigaw ko sa loob ng bus. Pinanood ko ang bawat tao, lahat sila ay may sari-sariling mundo sa loob ng bus. Ang iba ay estudyante, ang iba ay galing sa trabaho, ang iba ay papasok pa lang sa opisina at ang iba ay galing siguro sa bakasyon. “Marlboro isa.” saad ng lalaki na nasa harapan ko.

 

Agad kong ibinaba  ang buslo ng tubigan upang kunin ang yosi sa aking maliit na basket. Kinuha ko kaagad ang isang stick at saka ito nilahad sa kustomer. Masasabi ko na ito ang buhay ko, ito ang bumubuhay sa akin sa araw araw. Sa laki kasi ng presyo at dami ng gastusin, imposibleng mabubuhay ako nang hindi nagbabanat ng buto. “May lighter ka?” tanong ng kustomer kaya naman agad ko itong kinapa sa aking bulsa at inabot sa kanya. Nang makarating sa istasyon ay bumaba kaagad ako at naupo sa isang monoblock na upuan. Agad kong pinaikot ang tuwalya upang makalanghap ng kahit konting hangin. 

 

“Kuya Vince!” rinig kong sigaw ni Chukoy mula sa malayo. Kagaya ko lang din si Chukoy noong bata ako, pagala gala at namamalimos. Paminsan minsan ay tinutulungan ko ito ngunit kadalasan naman ay hindi rin sapat ang aking pera kaya gustuhin ko man na tulungan ito, hindi abot ng makakaya ko. Naramdaman ko kaagad ang kanyang masahe sa aking balikat kaya naman natawa ako. Madalas nya yan gawin sa tuwing nakikita ako, sabi ko kasi ay bibigyan ko sya ng bente kung imamasahe nya ang balikat ko ngunit biro lang yon. Nakalaan na talaga ang trenta pesos para sa kanya sa tuwing makakabenta ako. 

 

“Malakas ba kita boi,” saad nya kaya naman mas lalo akong natawa. Yun kasi ang tawag ko sa kanya minsan kaya madalas nya itong gayahin. Sabi nya pa ay paglaki nya raw, gusto niyang maging kagaya ko. “Mahina, boi. May mga baon na tubig eh..” saad ko. Lumipat siya sa harap ko at naupo sa aking tabi. “Gusto mo hablutin ko mga tubigan nila?” tanong nya kaya naman tinulak ko ang kanyang mukha. Alam ko naman na nagbibiro lang ang batang ito pero siraulo talaga ito. Imposible sa kanyang hindi gawin ang bagay na iyon, ilang beses ko na kaya itong nililigtas sa mga parak. Minsan ay nadadawit pa ako sa mga kasalanan nito. 

 

“Wag na wag mong gagawin ‘yan, koy..” pangaral ko. Tumawa naman sya kaya tumingin ako sa kanya ng seryoso. “Biro lang naman, Kuya Vince. Ay, teka. Alam mo na ba?” tanong nya. Kumunot ang noo ko at saka tumingin sa kanya. “Bumalik na raw yung may ari ng lugawan dyan, magbubukas na raw sila -” hindi ko na pinatapos ang kanyang sinabi at agad umuwi sa bahay. Malayo pa lamang ay kitang kita ko na kaagad si Aling Myrna sa labas ng bahay. May dala dala itong ilang supot at sinisilip kung may tao ba sa loob. “Aling Myrna!” sigaw ko sa malayo. Agad siyang kumaway sa akin kaya naman nagmadali na ako papalapit sa kanya. 

 

“Vince! Ikaw na ba ‘yan? Naku! Ang laki laki mo na! Binata ka na talaga!” saad nya at niyakap ako. Yumakap naman ako sa kanya pabalik. Hindi magkamayaw ang saya na nararamdaman ko. Tiyak na kapag nalaman ni Juls ang balitang ito ay sasaya rin ito at baka umuwi pa. “Halika po, pasok tayo.” aya ko sa kanya. Pagpasok ay inikot nya agad ang kanyang paningin upang pagmasdan ang bahay. Wala akong iniba sa bahay na ito, gusto ko kasing pagbalik nila ay ganoon pa rin ang itsura nito kaya naman sa tuwing naglilinis ay binabalik ko pa rin sa dating estilo ang bahay. 

 

“Nakakatuwa naman at kung paano ko ito iniwan ay ganun pa rin..” saad nya at saka ngumiti sa akin. “Kamusta ka ‘nak?” tanong ni Aling Myrna. Nagkwentuhan lang kami roon sa naging buhay namin. Naikwento ko na may trabaho si Juls sa probinsya samantalang ako ay naglalako naman sa Maynila. “Nasaan po pala si Tatay Domeng?” tanong ko sa kanya. Napansin ko na malungkot ang kanyang mukha bago muling nagsalita. “Wala na si Tatay Domeng mo. Kasama na sya ng nasa itaas..” saad ni Aling Myrna kaya naman ay halos malaglag ang panga ko sa gulat.

 

Naroon rin ang lungkot sa aking pakiramdam. Tumayo na kasi si Mang Domeng bilang ama ko. Sa tuwing nagiging pilyo kami ni Juls ay palagi nya kaming pinagtatakpan kay Aling Myrna. “Inatake siya sa puso noong nakaraang taon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya minabuti ko na umuwi na lang dito sa Pilipinas upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot ko.” kwento nya. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa kanya. Walang may alam dahil pagkatapos ng nangyari ay hinayaan muna nila na magluksa ang pamilya. Niyakap ko si Aling Myrna. Panahon na naman na para ako ang maging pamilya nya. Ipinapangako ko sayo ‘Tay Domeng, aalagaan ko si Nay Myrna.

 

“Nasaan po pala ang mga damit nyo? Ako na ho ang magbubuhat-” napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita si Aling Myrna. “Vince.. sayo na itong bahay hindi ba? May bahay ako riyan malapit sa lugawan, binili ng anak ko. Hayaan mong kahit itong maliit ng kuwadradong ito ay maging pagmamay ari mo. Ikaw na ang bahala rito.” saad nya. Nagkwentuhan pa kami ni Aling Myrna. Balak nya palang magtinda muli sa lugawan nya na pwesto, ipapaayos nya ito at muling papipinturahan. 

 

Kinabukasan ay muli akong nagising ng maaga para maghanda sa pagtitinda. Marami rami akong inilagay sa styro, pakiramdam ko kasi ay mauubos ito lahat kaya naman maaga palang ay naglako na agad ako. Una kong hinintuan ay ang ermita. Medyo matumal yata ang benta ngayon dahil anong oras na ngunit kaunti pa lamang ang bumibili sa akin. “Tubig! Kendi! Yosi!” sigaw ko sa loob ng bus. Nang makitang wala namang interesadong bumili ay bumaba na ako at agad pinara ang bus patungo sa kyusi. Galing yata ang rutang ito sa Cavite.

 

Sobrang init ng panahon ngayon, maging ako nga ay pinagpapawisan na rin kahit de erkon naman ang bus na ito. “Kuya, pabili.” saad ng isang babae kaya naman agad akong lumapit sa kanya. “Te, tubig?” tanong ko at tumango naman sya. “Ilan?” 

 

“Isa lang. Magkano?” tanong nito at saka kumuha ng bente sa kanyang wallet. “Kinse lang.” sagot ko saka ito pinag bentahan. Nasa bukana pa ako ng bus kaya naman hindi pa ako naririnig ng mga tao sa likuran. Pagkatapos kong pagbentahan ang babae ay naglakad ako patungo sa likuran. May isang matanda ang nagtatanong ng tubig na tinitinda ko. “Kinse nay,” sagot ko at bumili naman sya. 

 

Sa di kalayuan ay napansin ko ang isang lalaki na nakakunot ang noo at may kinakalkal sa sarili niyang bag kaya naman ay lumapit ako doon. “Kuys, tubig?” tanong ko. “Isa.” wala sa sarili nyang sagot. Halos hindi ito tumingin sa akin kaya naman nang inabot niya ang bayad ay kinuha ko na ang pagkakataon upang tignan sya. Mata pa lang nya kasi ang nakikita ko, may mask itong suot kaya hindi ko maaninag ang mukha. Pinanood ko kung paano nya ibaba ang mask at uminom sa bote ng tubig na tinitinda ko. 

 

Pakiramdam ko ay halos tumigil ang mundo ko nang makita ang ganda ng kanyang mukha. Hindi ako makapagsalita, ni hindi ko magalaw ang kamay ko para kumuha ng panukli sa kanya. Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang tumitig sa ganda at amo ng mukha nya. Halos mabingi rin ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman. “Piyu!” sigaw ng konduktor at doon lamang bumalik ang ulirat ko. Kinuha nya ang limang piso na sukli na nasa kamay ko at nagmamadaling lumabas. Kinailangan ko pa ng ilang segundo upang pumunta sa bukana ng bus at tingnan sya muli. At kagaya ng naramdaman ko kanina ng kaharap ko sya, bumagal na naman ang paligid ko nang ibalik nya ang tingin nya sa bus na sinasakyan ko. 

 

Bumaba ako sa Quiapo pagkatapos noon at agad nagtungo sa loob ng simbahan. “Oh, Diyos ko. Mababaliw na ho yata ako..” dasal ko sa kanya. Magmula noong bumaba ang lalaking iyon ay siya na ang laman ng isip ko. Habang nagtitinda ako ay mukha niya ang lumalabas sa utak ko. Kung paano niya inumin ang tubig, kung paano siya magmadali sa pagbaba, kung paanong ibalik nya ang tingin sa bus. Hindi ko na alam, mababaliw ako. 

 

“Normal ho bang maramdaman ito? Gandang ganda ako sa kanya, pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko nang makita ang mukha nya. Hindi ko nalam, ano ho bang dapat kong gawin?” panalangin ko. Pagkatapos ay lumabas ako at nagtungo na muli upang magtinda. Gaya ng sabi ko kanina ay siya pa rin ang laman ng isip ko. Paniguradong mukha akong sira ulo sa mata ng ibang tao kakapikit at kakaalog ng aking ulo, maalis lang ang mukhang ‘yon sa isip ko. “Sobrang ganda nya..” bulong ko at saka muling umiling. “Baliw ka na.” bulong muli sa sarili at saka naglakad. 

 

Bihira lang ang tumal sa mga araw na nagtitinda ako at sa pagkakaalam ko, sa tuwing matumal ay halos bugnutin ako at masama ang loob ngunit sa sobrang okupado ng isip ko ngayon, ni hindi ko maramdaman ang inis sa katawan ko. Ibinaba ko na muna ang mga paninda sa aking bahay at saka muling lumabas upang maglakad lakad. Naisipan kong tumambay sa taas ng tulay para kahit papaano ay madala ng hangin ang bagay na nasa utak ko ngayon. Agad kong sinindihan ang yosi na aking dala at saka ito hinipak. Matagal tagal na mula noong tigilan ko ang paninigarilyo ngunit sa lagay ko ngayon ay tiyak na kailangan na kailangan ko nito. 

 

Agad pumasok muli sa isip ko ang itsura ng lalaki kanina sa bus. Maputi ito, may mahabang pilikmata, medyo singkit rin ang mga mata. Naka jacket at nakasuot ng pantalon, kulay brown rin ang buhok at kulot rin ito bahagya sa unahan. Ang ganda nya, ang tangos ng ilong nya, ang pula ng mga labi nya. “Puta,” bulong ko. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko kailanman ito naramdaman sa iba, ni hindi ko nga alam yung ideya ng pagkagusto eh. Bakit ngayon na halos kakakilala, tangina, hindi ko nga kilala. Pakiramdam ko ay sisirain nya na ang buhay ko at hahayaan ko syang gawin yon dahil gandang ganda ako sa kanya. 

 

Parang siya yung tipo ng tao na hahayaan mong paulit ulit kang gaguhin at ‘di mo pa rin iiwan kasi gustong gusto mo. Alam mo yung tipong nakakaadik, nakakahumaling. Ganon ang nararamdaman ko ngayon kaya halos murahin ko ang sarili, halos iumpog ko ang sarili para lang maalis sa isip ko ang mukha ng lalaking yon. Nakakabaliw, eh. Hindi ko inakala na mararamdaman ko ang bagay na yon. 

 

Sa ‘di kalayuan, naaninag ko ang itsura ng isang lalaki na kung minamalas ka nga naman. Nakita ko na naman sya. Dinala ka na naman nya sa akin. 

 

Pinagtagpo nya ulit tayo.

 

Naglalakad sya patungo sa gawi ko. Kabado ang mukha at mukhang paiyak na, naaninag ko rin ang isang pigura ng lalaki na sumusunod sa kanya. Binibilisan rin ang paglalakad. Hindi ako tanga para hindi mapansin na humihingi siya ng tulong o kahit hindi man siya humingi, nakikita ko pa rin ang sarili ko na tutulungan sya dahil hindi ko alam. Siguro nga ay hibang na talaga ako. Tinapon ko ang sigarilyo at saka ito tinapakan. Naglakad ako papalapit sa kanya, kitang kita ko ang gulat sa mukha nya. Tangina, ganda talaga. 

 

"Musta pasok? Bakit amoy alak ka? Gagi nag-inom ka pa yata, sumbong kita." Napansin kong bahagya pa siyang nagulat doon. Tinignan ko ang lalaki sa likuran at naaninag ang paglayo nito. 

 

“Ayos lang k-kuya.. nakakapagod.” sagot nya. Olats, kuya raw eh. Gusto kong suntukin ang sarili dahil yun pa ang pumasok sa utak ko imbis na ang bilisan sa paglalakad para makalayo sa lalaking sumusunod sa kanya. Nilalayo ko rin ang sarili ko dahil nagbabad ako sa araw kanina, paniguradong amoy araw ako. “Ah saan ka pala?” pauwi sana, kaso nakita kita, eh. “Ihahatid ka, saan ka ba?” tanong ko sa kanya pabalik. “Hindi naman na kailangan. S-sobra sobra na yung ginawa mo kanina. Kaya ko na ang papunta doon, isa pa malapit na rin naman ang terminal.” nahihiyang saad nya. 

 

Hindi ko alam kung paano ko napigilan ang sarili na titigan sya dahil sa kaso ko? Malabong hindi. “Maraming masasamang loob sa panahon ngayon, lalo na ngayon at nasa Maynila ka pa. Tsaka may bibilhin rin ako doon malapit sa terminal.” Kasinungalingan. Sarado na ang tindahan ng ulam roon dahil anong oras na, paresan ni Aling Myrna at kapehan na lang ang bukas roon. Nang makarating ay nagpasalamat siyang muli, halos buong gabi ko yata narinig ang paghingi nya ng pasasalamat. “Salamat ulit k-kuya. Sana po ay makabawi ako sa inyo sa susunod..” Awit, kuya na naman. 

 

“Wag mo na isipin ‘yon. Tsaka ang laki ng Maynila oh, imposibleng makita mo ulit ako.” Ngunit pinagdadasal ko. Pinagdadasal ko na sana dinggin ulit ako ng Poong Nazareno at ibalik muli sayo. Hindi ko kasi alam ang panghahawakan, hindi ko alam ang pangalan mo, kung saan ka pwedeng makita kaya pagpapasa Diyos ko na lang.

 

Sana makita ulit kita.

 

Halos pagsisihan ko naman ang sinabi ko sa kanya makalipas ang isang linggo. Dahil kung minamalas ka nga, hindi ko sya mahagilap. Kabisado ko ang pasikot sikot ng Maynilang ‘to pero hindi naman ako superhero para malaman kung nasaan siya. Sa tuwing madadaan ang bus na sinasakyan ko sa Quiapo ay pinagdarasal ko na dalhin ako muli sayo. Hindi ko alam, sapat na siguro sa akin ang makita ka kahit sa malayo man lang. Pampalakas lang, Lord. Ang bigat rin ng softdrinks na dala ko, eh. Balato mo na sakin ‘to. 

 

Nang isang araw ay makita kita sa isang bus, halos pasalamatan ko ang lahat ng santo dahil dininig nila ako. Nakita ko kung paano ka sumandal sa salamin ng bus habang nakapikit, antok na antok dala siguro ng pagod sa kolehiyo. Nanatili ako sa bus na iyon nang matagal, hindi ako naglalako at nagsasalita sa takot na baka magising ka at masira ang tulog mo. Hindi ko alam. Siguro ayoko lang ng ideya na puyat ka pagkatapos ay sisirain ko pa ang tulog mo. “Oh, Vince? May yosi ka?” tanong ng konduktor kong kaibigan. Minuwestra ko ang aking kamay sa aking bibig para senyasan sya na huwag maingay dahil ayokong magising ka. Gusto ko ay maging masarap at kumportable ang tulog mo sa hindi malamang dahilan. 

 

Siguro ay malakas nga ako sa Diyos dahil isang araw, nakita ko na naman ang busangot mong mukha. Nakaupo ka sa waiting shed at nakasimangot habang hawak hawak ang sapatos mo. Wala naman akong balak lumapit kasi ayoko na matakot ka, ayos na sakin yung nakikita ka kahit sa malayo. Ngunit para akong sinampal ng sarili kong pag-iisip nang makitang umiyak ka samantalang ako ay nasa malayo at pinapanood ka. Hindi ko alam na may powers pala ako? Haha, mantakin mo ay natawid ko kaagad ang pagitan nating dalawa sa loob ng isang minuto. 

 

“Ngayon ka pa talaga sumabay! Bwisit na buhay ‘to. Hindi naman kita pwedeng itapon na lang basta, bakit kasi nasira ka! Bwisit! Bwisit!” saad nya habang umiiyak kaya naman hindi ko maiwasan mapangiti. Sobrang sarap nya ibulsa, pakiramdam ko ay mamatay ako habang pinapanood sya. “Hindi sasagot ‘yan sayo..” singit ko sa kanya. Nagulat pa sya nang makita ako at hindi agad nakapagsalita. “Patingin nga ako..” saad ko at kinuha ang sapatos nya na nakabuka sa kanyang kamay. 

 

“Dito ka lang, hintayin mo ‘ko.” paalam ko. Kumuha ako ng sampung pisong barya sa aking perahan upang bumili ng pandikit ng sapatos. “Saan ka pupunta?” tanong niya at saka luminga linga sa paligid. Tumawa naman ako at sumagot. “Hindi ko dedekwatin 'tong sapatos mo. Kuha ka muna dyan ng tubig at kendi, dito lang ako.” alam ko namang hindi. Dahilan ko lang ‘yon kasi natakot ako. Natakot ako na nakakita ako ng pag-aalala sa mata mo. Huwag, hindi pwede. Hayaan mong ako na lang ang lumubog sayo, ako na lang ang magpakalulong sayo. 

 

Tinawid ko ang initan upang makarating sa isang maliit na tindahan at bumili ng mighty bond. Pagbalik ay dinikit ko agad ang kanyang sapatos at nilagay sa initan. Masama rin siguro akong tao dahil halata sayo na gustong gusto mo na umuwi ngunit pinapanalangin ko na huwag muna matuyo ang sapatos mo para naman kahit papaano ay makasama pa kita ng matagal. Naupo ako sa tabi mo, doon ay nag-usap tayo ng mga bagay bagay. Natanong mo rin pala ang pangalan ko, sabagay pangalawang pagkikita na natin ito ngunit hindi mo pa rin alam ang pangalan ko. Maging ang sayo nga ay hindi ko rin alam. “Nga pala, dalawang beses na tayong nagkikita pero hindi ko pa rin alam ang p-pangalan mo. Pwede ko bang malaman?” tanong mo.

 

Alam ng Diyos ang pagtitimpi na ginawa ko para lamang pigilan ang sarili na pisilin ang pisngi mo. Sobrang nakakatuwa ka, hindi ka maganda sa puso. “Paano kung hindi?” tanong ko. Halos magulat ka naman roon, halatang hindi mo inaasahan ang sagot kong iyon kaya naman hindi ko maiwasang matawa. Parang halos lahat yata ng bagay sayo ay hahangaan ko, halos lahat sayo nagniningning. Noong araw na iyon nalaman ko na Lorenzo pala ang pangalan mo. Bagaya na bagay sa ganda ng mukha at pagkatao mo. Nakita ko ang sarili ko na ngumingiti sa tuwing naaalala ko kung paano mo ipakilala sa akin ang sarili mo. Nalintikan na nga ako, ano?

 

Ang balak ko ay panoorin ka kahit sa malayo, ayos na sa akin ang masilayan ka kahit hindi ka nakakausap, kahit hindi mo ko nakikita. Lorenzo, ayos na sakin ‘yon. Pero para kasing pinaglalaruan ako ng tadhana, kasi sa tuwing sasabihin ko ang katagang ‘kuntento na ako na nakikita ka” kinabukasan ay makikita mo akong nakadestino sa labas ng unibersidad nyo. Oo nga pala, nakalimutan ko na sa Piyu ka nag-aaral. Ang tanga ko talaga.. o hindi kaya gusto lang talaga kitang makita? Nang makita mo ako ay bigla mo na lamang kinaway ang kamay mo kaso hindi ko magawang kumaway pabalik dahil may kasama ka, kaibigan mo yata.

Hindi ko alam, Lorenzo. Mahina ang puso ko pagdating sayo. Hindi ko kayang isipin kung paano mo ipapaliwanag sa kaibigan mo na may kakilala kang kagaya ko. Hindi ko kayang isipin na baka nahihirapan ka sa kakaisip ng pwedeng dahilan dahil sino ba namang matinong tao ang makikipagkaibigan sa gaya ko? Kaya pasensya na, pasensya na kung umakto ako na parang hindi ka kilala at saka lumayo sa lugar na iyon. Ang sakit sa puso, Lorenzo. Hindi ko na muli gagawin ang bagay na ‘yon. Hindi na kita ulit tatalikuran dahil hindi kaya ng puso ko, tama yung sinabi ko..

 

Mahina nga ito pagdating sayo.

 

Halos lamunin ako ng sariling pag-iisip na baka nalungkot, nainis o nayayamot ka kaya kahit pagod ay naghintay ako sa terminal para lamang makasiguro na nakauwi ka ng ayos. Siguro dahil na rin gusto kitang makita.. hindi ko na alam, Lorenzo. Sobra sobra na akong nababaliw sa pag-iisip sayo. Nang makita kita ay halos lunukin ko ang sarili kong dila dahil tinignan mo ako, nakita mo ako sa dulo ng terminal. Kinakailangan ko pang magkunwaring hindi ka nakita kahit tahip tahip naman ang aking kaba ng papalapit ka na. Ano ba itong epekto mo sa akin? 

 

Kuntento na ako, Lorenz eh. Ayos na sakin ang makita ka sa isang araw, ayos na sakin ang tumanaw sayo kahit na sa malayo kasi kahit ganoon, lumalakas ako. Ayos na ayos, Lorenzo. Ngunit sino ba ang lolokohin ko gayong narito ka sa harapan ko hawak hawak ang tupperware na may laman na ulam. Mahina na nga ang puso ko pagdating sayo, gusto mo pang kunin ‘to. Paano na ‘ko aahon nyan, Lorenzo? 

 

"Hi. Ulam nga pala para s-sayo.. hindi ko alam sa kung paanong paraan ako makakabawi kasi m-mukha namang wala kang balak tanggapin ang kung ano kaya sana kahit ito matanggap mo.." Pinanood ko kung paano ka mautal sa harapan ko habang inaabot ang ulam na niluto mo. Halos hindi ka makatingin sa akin, gustong gusto ko makita ang mukha mo, Lorenzo. Gustong gusto kong nakikita ang mga mata mong nangungusap. Nang sa wakas ay tumingin ka, daig ko pa ang nanalo sa lotto. Pambihira, nakikita ko ang mukhang ito ng libre. Tangina, hindi ko na alam. 

 

Inaya kita sa paresan ni Aling Myrna. Hindi ko alam kung kumakain ka ba ng ganito ngunit ito lang kasi ang kaya ng budget ko. Pasensya ka na, gustuhin ko man na pakainin ka sa mamahaling resto at hindi sa pipitsugin na pares. Masarap naman magluto si Aling Myrna, hindi ko maikakaila ang bagay na iyon. Kaya lang, gusto ko rin sana maranasan na pakainin ka sa mamahalin na resto. Kahit na natatakot, inaya kita roon upang kumain. “Sige na. Sagot ko ‘to. Medyo malaki laki rin ang kita ko ngayon, pagsaluhan tuloy natin yung dala mo. Ano ba 'to?” tanong ko sa kanya at saka binuksan ang tupperware na dala nya. 

 

“Pininyahang manok,” sagot mo. Sinabi ko rin pala na paborito ko iyon kahit sa totoo, iyon pa lamang ang unang beses na makakatikim ng lutong iyon. Gusto ko kasing isipin mo na hindi masasayang niluto mo. Hindi ko alam ang mararamdaman sa sobrang saya. Ang malaman na naglaan ka ng oras upang ipagluto ako ay sobra na dahil ibig sabihin lang noon ay naaalala mo ako, at ang makasama ka sa pagkain ngayon ay sobra sobra pa. Parang sasabog ang puso ko sa saya, Lorenzo. Walang paglagyan ang saya ko lalo na nang makita kang tuwang tuwa sa tag-singkwentang pares na kinakain natin. 

 

Natanong mo rin pala kung ano ang ginagawa ko sa terminal kahit na ang sabi ko ay alas dos palang ay boundary na ‘ko. Hindi ko alam ang isasagot, ayokong matakot ka kung sasabihin kong mahigit tatlong oras ako naghintay malaman lamang na ligtas kang makakauwi. Ang sabi ko na lang ay balak kong kumain ng pares kay Aling Myrna kahit wala naman talaga yon sa plano ko. “Naku wag ka maniwala dyan! Kanina pang alas kwatro yan nandito. Nakatambay lang, paminsan minsan ay tumitingin pa sa mga pasaherong bumababa sa jeep na papunta dito sa terminal.” singit ni Aling Myrna. Napansin ko naman na bahagya siyang natahimik roon kaya naman ay kinabahan ako.

 

Nakagawian ko na rin yata ang punasan ang mga kubyertos mo bago ito ibigay sayo. Gusto ko kasi na malinis ang mga bagay na binibigay at ipinapakain ko sayo. Lorenzo, gustong gusto kitang ingatan. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Gustong gusto ko na kumakain ka ng marami, gustong gusto ko sa tuwing naririnig sayo na nabusog ka. Napansin mo siguro ang mga bahagya kong paglayo. Hindi ko kasi alam kung anong amoy ko, ayoko na ikaw pa mismo ang makaamoy noon kaya naman sinusubukan kong lumayo kahit papaano. Sobrang bago mo, Lorenzo. Nakakahiya kung sa kakadikit ko ay dumikit ang amoy ko sayo. 

 

Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa ulam na niluto at binigay mo ngunit parang gusto ko yatang makita at makausap ka ulit. Hahayaan naman ako ng Diyos, di ba? Kaibigan lang naman. Alam ko naman ang limitasyon ko. Alam ko kung hanggang saan lang ang kaya ko. Kaya kahit hanggang bukas, kahit hanggang bukas na lang ay makausap kita at maisoli ang tupperware na pinahiram mo. Sobrang saya ko ng araw na ‘yon, Lorenzo. Ni hindi agad pumasok sa isip ko na pinagluto mo ako at nakausap na naman kita noong araw na ‘yon. Kaya kinabukasan, kahit tinatrangkaso sa matinding init, pinilit ko na magtinda dahil wala namang kaso sakin ang sakit na ‘yan, ang mahalaga ay makikita kita. 


Naghintay ako sa terminal mula alas tres ngunit walang anino ni Lorenz ang dumaan. Umabot pa ng alas otso ngunit ganoon pa rin, hindi ko pa rin nakita si Lorenzo. Bigo akong umuwi sa pag-iisip na makita siya noong araw na ‘yon. Andami ring pumapasok sa isip ko, na baka nagbago ang isip nya, baka hindi talaga sya kumportable tuwing kasama ako.  Kaya naman kinabukasan kahit hindi pa rin ayos ang pakiramdam ko ay maaga akong gumising at naghanda patungo sa terminal ng Cavite. Nilagay ko sa aking maliit na bag ang isang tableta ng biogesic para kung sakali mang sumakit ang ulo ko ay hindi ko na kailangan umuwi. Kailangan ko lang talagang makausap si Lorenzo. Kailangan kong makasiguro na ayos siya o hindi naman kaya humingi ng tawad sa kanya. 

 

Nang makarating ako sa terminal ay naghintay ako doon ng ilan pang minuto ngunit sumapit na ang alas syete hanggang alas nuwebe ay hindi ko pa rin nakikita si Lorenzo. Ngunit hindi ako sumuko, pagkatapos noon ay umuwi lang ako sa Maynila at natulog. Kinabukasan ay ganoon ulit. Hindi kasi ako mapakali. Hindi ko alam.. naiinis ako sa sarili ko ngunit lamang pa rin sa akin ang kagustuhan na makita at malaman na ayos sya. Kahit yun lang, ayos na. 

 

Sa pangatlong araw naman ay pinakinggan na ako ng Diyos. Nakita ko si Lorenzo na natutulog sa isang bus. Mabigat at malalim pa ang kanyang mga mata, halatang puyat ito dahil sa itim ng kanyang mata kaya imbis na lapitan ay hinayaan ko na muna itong matulog. Kapansin pansin na hindi sya mapakali sa kanyang upuan at nagsimulang magkalkal ng kung ano sa kanyang bag. Kinakabahan man, kinuha ko na ang pagkakataon na iyon upang lapitan sya. Nakita ko na nagulat sya sa presensya ko, binaba ko ang basket na dala at saka sya kinausap. “Kamusta?” tanong ko. 

 

Nagsimula naman sya sa pagkukwento, nalaman ko na naadmit pala ang kanyang ina sa hospital kaya naman hindi siya nakapasok ng ilang mga araw. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. Kaya pala ganun na lang sya kapuyat, sya pala ang nagbantay at nag-alaga sa kanyang ina. Natanong nya rin pala kung dito ba ang pwesto ko ngayon at sinagot ko naman ito. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinabi ang inaalala ko sa loob ng tatlong araw. “Ang totoo nyan ay pangalawang araw ko na rito sa terminal nyo. Ng kinabukasan kasi.. pagkatapos kitang ihatid sa terminal pauwing Cavite ay hindi na kita nakita. Di ba sabi ko isasauli ko pa ang tupperware mo? Ang kaso eh.. hindi naman kita nakita noong araw na 'yon. Nakita ko rin yung babaeng kasama mo sa Diliman noon kaso mag-isa lang sya eh. Hindi ako makatulog kasi baka.. baka hindi ka komportable na kinakausap kita kaya kinabukasan nagpunta kaagad ako sa terminal nyo. Balak ko sanang humingi ng tawad kaso kagaya ng mga nauna ay hindi rin kita nakita..”

 

Kita ko ang gulat sa mga mukha nya nang marinig iyon. Agad niyang sinabi na hindi ganoon ang naiisip nya sakin, na komportable sya sa pakikipag-usap ko sa kanya kaya naman abot langit ang tuwa ko. Siguro nga gusto ko si Lorenzo. Hindi naman mahirap magustuhan ang taong ito. Para bang kahit alam niya na hulog na hulog ka sa kanya ay iisip pa sya ng bagay para mas lalo kang lumubog sa kanya. Parang alam na alam niya kung paano ka paikutin sa mga kamay nya. Sobra, sobrang nakakabaliw ka, Lorenzo.

 

Maaga ko inubos ang paninda sa pag-aasam na makita ulit sya mamayang alas singko y media sa may terminal. Halos lahat yata ay pinilit ko para lang bumili at maubos ang mga paninda ko. Medyo napaaga ang punta ko sa terminal, marami pa sigurong tao doon. Doon ko nalang uubusin ang mga panindang natira kaya naman agad ko na itong nilako. Maya maya lamang ay hindi ko na namalayang nasa likod ko na si Lorenz. Nakangiti ito sa akin at nakaway. Ang ganda, sobra. Pinalayo ko pa sya ng bahagya dahil naliligo ako sa pawis, nakakahiya. Sumimangot naman sya ron at hibang na kung hibang. Maging ang pagsimangot niya ay napakaganda. 

 

Inaya ko sya na kumain ng kwek-kwek. Nakipagtalo pa ako sa kanya dahil ako naman ang nag-aya, natural lang na ako ang magbayad para sa kinain nya ngunit ang lakas nya makipagtalo dahil lahat ay nalulusutan nya. Maya maya lang ay dumating sila Chukoy, nadagdagan na naman ang rason para makita ko ang kagandahan ng loob nya. Pinanood ko kung paano siya umupo at iabot ang isang balot ng yakult sa mga bata. Kung paano niya binuksan ito at ipainom. Sobrang ganda mo, Lorenzo.

 

Sinadya kong iwan ang tupperware dahil gusto kong magkaron pa ng rason para makita sya kinabukasan. Alam kong alam nya ang pinahihiwatig ko sa sadyang pag-iwan nito kaya naman hindi ko maiwasang matuwa sa tuwing ngingiti sya at iiling sakin. Tinanong nya na rin pala kung may facebook account daw ba ako ngunit di pindot na cellphone lamang ang nailabas ko at binigay sa kanya. Akala ko nga’y pagtatawanan nya ito ngunit halos lumambot ang puso ko nang kunin nya ito sa kamay ko at i-tipa ang numero nya. Lubog na lubog na ‘ko sayo, Lorenz. Hayaan mo naman akong umahon, oh?

 

Kinabukasan ay agad akong nagpadala ng mensahe sa kanya. Iyon ang una kong ginawa pagkagising kaya naman medyo tinanghali ako sa pagtitinda. Inabala ko na muna ang sarili sa paglalako, hindi alintana ang init ng panahon dahil iniisip ko pa lang na makikita kong muli si Lorenzo mamaya, halos tumalon na ang puso ko. Nagkataon namang isa sa bus na sinakyan ko ay nakasakay din doon si Lorenz. Natutulog ito kaya naman pinakiusapan ko ang konduktor na kung pwede, maningil ito ng tahimik. Medyo nagtataka pa nga ito pero sinabi ko na lang na maraming pasahero ang natutulog at kung sakaling gigisingin nya ito ay magagalit ito sa kanya. 

 

Naging matagumpay naman ang plano ko dahil nang magising si Lorenz ay nakita nya kaagad ako sa may pinto ng bus. Maging pagkagising ay napaka amo ng mukha nito. Tumunog ang cellphone ko at nakitang nagpadala si Lorenzo ng text doon. Hindi na sya nakasagot sa reply ko dahil maya maya lang rin ay narito na kami sa terminal. Pagkababa na pagkababa ay tinanong ko kaagad kung kamusta ang tulog nya. “Nga pala, may ibibigay ako sayo.” saad ni Lorenzo at saka hinalungkat ang bag. Kinuha niya ang isang paper bag na may supot. “Oh, medyo napadami kasi luto ko kanina kaya naisipan ko na bigyan ka.” saad nya sabay abot ng tupperware. 

 

Eto na naman yung pakiramdam ng puso ko na parang sasabog kaya naman mas minabuti ko na umiwas ng tingin. “Ayos lang. Hindi pa naman ako gutom, ibaon mo nalang ‘yan.” saad ko. Napansin kong kumunot ang noo nya ng bahagya kaya hindi ko maiwasan ang matakot. “Sige na. May baon din akong akin. Kapag hindi mo kinuha sige ka, magtatampo ako sayo,” saad nya habang ngunguso nguso pa ng labi. Diyos, ko. Lorenzo, ikaw ang kahinaan ng puso ko.

 

Sa takot na magtampo si Lorenzo at magalit ito sa akin ay kinuha ko ang luto nya. Inaya ko pa ito sa lugawan malapit sa terminal, sarado kasi ang kay Aling Myrna ngayon. “Dyan ka lang ah. Bibili lang ako pandesal sa harap. Ate, dalawang lugaw po. Patanong na lang sa kanya anong toppings gusto nya.” saad ko bago umalis upang bumili ng pandesal. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Hindi ko alam kung anong maganda ang ginawa ko para maranasan ang bagay na ito. Gusto ko si Lorenzo, walang duda doon. Ngunit ang maulol sa kanya ng ganito? Hindi ko na talaga alam.

 

“Naks, napapadalas usap nyo nyan, ah?” saad ni Karling ng nakasalubong ko, pabalik sa lugawan. Umiling ako at saka sya sinapak sa balikat, tumawa naman sya doon. “Ingat ah, tandaan mo palagi na sa huli… tayo ang talo dyan.” habilin nya bago umalis. Natahimik ako. Wala naman akong inaasahan pabalik kay Lorenzo dahil masaya na ako sa kung ano man ang mayroon kami. Masaya na ako na ako lang ang may gusto kung sakali man, na kahit malayo ko lang syang makita ay papatusin ko na. Masaya na ako doon. Ngunit may kung ano rin sa akin ang nalungkot nang marinig ang sinabi ni Karling. Kakayanin ko nga ba na sa oras na malaman ni Lorenz na gusto ko sya ay baka layuan nya ako.

 

Hindi ko kaya.

 

Pagbalik ay masaya kaming kumain ng lugaw na parang walang nangyari. Pagkatapos ay sinakay ko na rin sya sa dyip, patungo sa piyu. Buong araw ay wala akong inisip kung hindi ang sinabi ni Karling. Pero mas nanaig sa akin ang pag-iisip na hindi dapat ako umaasa na maibigay nya pabalik ang ano mang nararamdaman ko. Kung gusto ko siya, gusto ko siya. Hindi dapat ako malungkot, hindi ko dapat gawin kompetisyon ang lahat ng ito. Ano man kung matalo ako sa dulo? Ang mahalaga ay sumaya ako kahit papaano. 

 

Buong araw lang kami magkausap sa cellphone. Paminsan minsan ay nagrereply sya lalo na tuwing breaktime nila at nagkakaroon siya ng pagkakataon humawak ng telepono. “Boi! Sinong ka text mo?” bungad ng isang pamilyar na boses. Agad kong binatukan si Juls nang makita. Lokong ‘to, hindi nagsabi na ngayon pala ang uwi nya. Nagkwentuhan lang kami roon ni Juls hanggang sa maubos ang oras. Kanina pa naman ubos ang paninda ko kaya hinihintay ko na lang rito si Lorenzo. 

 

Nahiga muna ako sa mga upuan dito sa terminal upang umidlip sandali. Mukhang napasarap pa nga yata ang tulog ko dahil nagising na lang ako sa yugyog ni Lorenzo. Tangina, kung ganito ba naman ang makikita mo sa tuwing gigising ka hindi ko na alam. “Kanina ka pa -” naputol ang sasabihin ko nang makitang hindi sya nag-iisa at may kasama sya. Kasama nya yung kaibigan nya dahil madalas ko itong makita sa piyu kasama ni Lorenzo. Hindi ko alam ang gagawin, nagpanik na ako dahil hindi ko kaya iharap ang sarili sa kaibigan ni Lorenzo sa ganitong ayos. Pawisan, mabaho at walang ka-ayos ayos. Baka pagtawanan pa nya si Lorenzo. Hindi ko kaya.

 

Nagpaalam ako at umalis sa terminal. Kita ko ang bigo sa mga mata ni Lorenzo bago ako umalis. Masakit. Masakit makita na dumaloy ang inis at pagkadismaya ni Lorenzo sa mata nya. Pagkauwi ay halos suntukin ko ang sarili ko sa ginawa. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano kauusapin si Lorenz o kung gusto nya pa ba ako kausapin dahil sa ginawa ko kanina. Tangina, nakakabobo. Kanina pa rin ako pabura bura ng sasabihin dahil hindi ako makapag isip ng tamang sasabihin. Agad pumasok sa utak ko ang sinabi ni Karling kaninang umaga.

 

Siguro nga tama na ang pagdedelusyon na maaabot ko si Lorenz. Kung maaabot ko man, kailangan ko pa ng panahon para magawa ‘yan. Gusto ko si Lorenzo pero hindi ko kaya na ipahiya sya sa mga tao sa tuwing kasama nya ako. Hindi ko kaya abutin si Lorenzo. Masyado siyang mataas para sa akin. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagtipa ng sasabihin sa kanya. Alam ko namang mababasa nya ito, sana ay basahin nya. 

 

From Vince: 

 

Sorry. Alam kong sobrang gago nung ginawa ko at hindi nun mabibigyang katwiran ng kahit na sino pero pasensya talaga. Gusto kong bumalik kahapon gusto ko mag sorry sayo pero nakasakay ka na ng bus. Hindi ako nakatulog ng ayos kakaisip sa ginawa ko kahapon. Nahihiya ako, Lorenz. Nakakagalit kasi hindi ko alam kung nahihiya ba ako sa kaibigan mo o nahihiya ako sayo dahil may kakilala ka na kagaya ko.

 

Sinikap ko na i-buo ang mga salita kahit na nahihirapan at sumasakit ang mga daliri ko sa tigas ng keypad ng cellphone ko. Gusto ko na kapag nabasa nya ang mensahe ko ay maintindihan nya ito ng buo. Pinipigilan ko ang sariling maluha kahit na pakiramdam ko ay babagsak na ito. Malakas akong tao, hindi rin ako emosyonal. Sadyang mahina lang talaga ang puso ko pagdating kay Lorenzo. Sobrang hina.




From Vince:

 

Pasensya na kung sinusubukan kong pumasok sa mundo mo. Pasensya rin kung hindi ko kaya iharap ang sarili ko sayo ng maayos. Pasensya sa lahat, Lorenz. Iaabot ko kay Aling Myrna ang mga lagayan ng pagkain na dinala mo. Mag-iiwan rin ako roon ng isang skyflakes at panulak araw araw para naman kahit papaano ay makabawi bawi ako sa ginawa ko sayo. Sorry, Lorenz. Hintayin mo sana ako.

 

Simula noong araw na yon ay pinanindigan ko na ang paglayo sa kanya. Hindi naging madali lalo na’t tinuturing ko bilang lakas si Lorenzo at ang isang araw na hindi siya nakikita ay sobrang hirap para sa akin. Sinabihan ko na si Aling Myrna na tuwing umaga ay mag-iiwan ako ng isang tubig at isang pirasong biskwit sa tindahan nya at makikiabot na lang din ito kay Lorenz. Hindi naman na sya nagtanong kaya hindi na ako nahirapan. Naisip ko rin na kung gusto kong maabot si Lorenzo, dapat ngayon pa lang ay gumagalaw na ako upang maipakita hindi lang sa kanya kung hindi pati sa mga taong nakapaligid sa amin na nararapat rin ako para sa kanya. 

 

Nag-apply ako bilang bagger sa isang grocery ngunit ang tinatanggap lamang nila doon ay ang nakapagtapos ng high school kahit papano. Nahirapan ako dahil maski elementarya ay hindi ako nakatungtong. Marunong lang akong bumasa, sumulat at magbilang ngunit bukod doon, wala na. Nabalitaan ko sa kaibigan ko na naghahanap ng labor ang foreman nila sa Kamuning kaya naman agad ko na itong kinuha. Ganoon ang naging daloy ng araw ko. Sa umaga ay magtitinda ako ng inumin sa bus at pag sasapit ang alas diyes ay maghahanda na ako papasok sa site. 

 

Kapag minsan ay nadadaan ako sa piyu, sinusubukan kong silayan si Lorenz. Ngunit mailap sya nitong mga nakaraang araw kaya naman umabot na ng isang linggo mula noong huli ko syang nakita. Siguro ay tama na rin ‘yon, tama na rin na hindi ko siya nakikita. Baka kasi bawiin ko ang sarili ko at magpakita muli sa kanya lalo na’t alam nyang mahina ako pagdating sa kanya. Madalas pa rin pala nagpapadala ng mensahe si Lorenz. Sumasakit ang puso ko minsan sa tuwing binabasa ko ang mga ‘yon. Hindi ko rin naman ginusto ang iwasan si Lorenz. Nagkataon lang na hindi pwede.. hindi pa pwede.

 

Nasa daan ako pauwi galing sa site nang makatanggap ng mensahe mula kay Lorenz. Agad agad kong binuksan iyon para basahin. Nakagawian ko na yatang basahin lahat ng pinapadala niya dahil hanggang doon lang naman ang kaya ko. Hindi ko naman kayang sumagot sa mga mensahe nya. 

 

To Vince:

 

Hello. Kamusta ka? Dalawang buwan na din noong huling mag-usap tayo. Medyo nakakapagsisi nga na dinala ko sa terminal si Kia noong araw na iyon kasi kung hindi baka magkausap pa rin tayo hanggang ngayon diba? Sana maayos ang lagay mo, Vince. Pwede bang magkwento? Ang kapal siguro ng mukha ko pero wala na kasi akong mapaglabasan nito. Weird ba? May kaibigan kasi ako, hindi pa naman ganun kami katagal nagkakasama pero mabait naman sya. Nitong mga nakaraang araw lang medyo napansin ko na may kakaiba, yung parang alam ng buong samahan na may gusto sya sayo kaya gumagalaw na sya. Nakita ko pa yung post nya na nandoon ang picture ko, andami na rin nagtatanong at nang-aasar sa kanya sa comment section kung kami daw ba pero hindi naman sya nagrereply para i-deny o hindi nya binubura? Praning ba? Hindi ko kasi alam kung anong gagawin, hindi rin ako komportable sa ganoon. Isa pa, ayokong masira yung pagkakaibigan namin. Siguro ay hahayaan ko nalang muna dahil baka ganoon talaga sya sa mga kaibigan nya. Ikaw ba? Kailan ka kaya magpapakita? Nga pala wala akong nakuhang skyflakes at tubig ngayong araw ah. Nakakapagtampo! jk haha. Ingat, Vince. Hihintayin kita :)



Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos at inggit habang binabasa ang mensahe ni Lorenzo. Ang malaman na malayang nakakapag hayag ang ibang tao sa nararamdaman nila sa taong gusto ko. Nakakainggit. Sana ay ganun rin ako, sana ay ginagawa ko rin ang mga ginagawa nila. Ganun pa man, umakyat ang inis sa katawan ko. Hindi komportable si Lorenzo ngunit wala siyang magawa dahil kaibigan niya ito. Sana alam niya o hindi kaya may magsabi sa kanya na hindi siya praning sa pag-iisip ng ganoon. Sana matuto siya na ipaglaban ang sarili niya at sabihing hindi niya gusto ang mga bagay na yon. Sana kaya kong sabihin sa kanya lahat ng ‘yan ngayon. 

 

Kinabukasan, tinanghali na ako papasok sa site. Anong oras na rin kasi naubos ang paninda ko. Nagsuot ako ng mask dahil paniguradong mainit sa site at maalikabok doon ngayon dala ng hangin. Agad kong pinara ang isang bus at halos ibalik ko pababa ang paa nang makitang nakaupo si Lorenzo doon ngayon. Tinitignan niya ako, wari ko ay sinusuri kung namamalikmata lang ba siya o ako talaga ‘yon kaya naman halos mabali ang leeg ko kakaiwas ng mukha ko kahit gustong gusto ko titigan ang mukha niya. 

 

Miss na miss na kita, Lorenzo. Gusto ko ‘yan sabihin sa harap niya ngunit paano ko sasabihin ‘yan gayong kwek kwek at lugaw pa lang ang kaya kong ipakain sa kanya. Nang malapit na sa bababaan ay nagpunta ako sa unahan at saka pumara. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko ngunit mas minabuti ko na lang na hindi tumingin pabalik kahit kumikirot na ang puso ko. Nang makaalis ang bus ay binaba ko ang mask para punasan ang isang luhang nakatakas sa mata ko. Mahina ako pagdating sayo, pero paano ang gagawin kung ikaw rin ang mismong lakas ko?

 

Inabala ko ang sarili ko sa pagpapala. Sobrang tirik ng araw ngunit wala naman akong magagawa kung hindi magpala at maghalo ng semento. Lahat ng ‘to para mabuhay, lahat para kay Lorenzo. “Vince, eto ang tubig..” alok ng Engineer na tinanguan ko lang saka ipinagpatuloy ang pagtatrabaho. Nakakapagod, gusto ko na sumuko. Ngunit sa tuwing papasok sa utak ko ‘yan ay lumalabas ang imahe ni Lorenzo. Malakas na ulit ako. 

 

Pagkatapos magtrabaho ay agad agad akong naghanap ng jeep pauwi. Sobrang sama ng pakiramdam ko, masakit rin ang likuran ko sa bigat ng mga hollow blocks at semento kanina sa site. Ang nais ko na lang ngayong gabi ay ang makapag pahinga. Sa ‘di kalayuan ay natanaw ko si Lorenzo. May kausap itong lalaki at mukhang sinisigawan siya nito. Tarantado, amputa. Ni hindi ko nga hinahayaang magising ‘yan sa ingay sa bus pagkatapos ay sisigaw sigawan lang ng gagong ito. “Huwag mong pilitin, hindi ka nga gusto e.” saad ko na sumingit sa usapan nila. Pansin ko na nagulat si Lorenzo sa presensya ko. 

 

“Ano ang sinisigaw sigaw mo dyan? Para kang bata.” usal kong muli. Kita ko ang galit sa mukha ng lalaking kasama ni Lorenz. Ito ba yung kaibigan niya na may gusto sa kanya? Sarap bangasan ng mukha. “Sino ka ba? Bakit nangingialam ka?” sagot nito sa akin. Nag-init ang ulo ko ng hawakan niya si Lorenzo sa kamay at itago ito sa kanyang likod. “Kasi napaka ingay mo. Nasa malayo ako pero sobrang ingay mo, alam mo ba 'yon? Kung makasigaw ka akala mo ay pagmamay-ari mo itong buong Pasay. Ano bang nginangawa mo?” saad ko kaya agad akong kinwelyuhan nito. Tangina, duwag. 

 

Nakita ko kung paano awatin ni Lorenzo ang lalaki. Nakakainggit, tangina. “Wala kang pakialam kung mag-ingay ako rito. Hindi ako nakikinig sa mga....umaasa pa rin sa semento para mabuhay.” sagot niya. Para akong sinampal ng katotohanan. Parang pinaalala niya sa akin kung bakit ako naiwas kay Lorenzo. Hindi ako naka sagot, nanatili akong tahimik. Nagulat na lamang ako nang marinig ang malakas na sampal. “Napaka bastos mo. Matalino ka pero bastos ka, Adi. Hindi ko masikmurang naging kaibigan dahil sobra ang kabastusan mo.” Kita ko ang pangingilid ng luha ni Lorenzo kaya naman nag iwas na ako ng tingin. Hindi ko kayang makita, eh. 

 

Umalis ang kaibigan niya at kami na lang ni Lorenzo ang naiwan. Tinignan ko ang kalsada, nagbabakasakali na may jeep na dumaan. “V-vince..” tawag niya sa akin sa biyak na tono ng kanyang boses. Halos hindi ko ito makilala. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. Ang sakit naman sa puso nito. “Tara na. Ihahatid kita sa terminal.” aya ko sa kanya. Hindi kami nagsasalita sa loob ng dyip ngunit alam ko na nakatingin siya sa akin habang ako ay nag-iiwas pa rin ng tingin hanggang ngayon. Hindi ko kasi kaya. 

 

Pagkababa ay kinausap niya agad ako. “Vince b-bakit hindi mo ako kinakausap?” tanong niya. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad patungo sa terminal. “Pumanhik ka na, Lorenz. Anong oras na.” tanging sagot ko kaya naman umiling siya. “Hindi. Sabihin mo muna sakin kung bakit saka ako aalis. Anong ginawa ko?” kusa ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata at halos murahin ko ang sarili nang makita ‘yon. Tangina, pinaiyak mo na Vince. Napaka gago mo, sobrang gago. 

 

“Paalis na ang bus. Gagabihin ka kung itatanong mo ng itatanong sa akin kung anong ginawa mo. Wala kang ginawa, Lorenzo kaya sige na umuwi ka na. Malayo pa ang uuwian mo. Mag-ingat ka.” tanging sagot ko bago umalis sa terminal. Pagkauwi ay halos hindi ako patulugin ng mukha ni Lorenzo. Kung paano siya magmakaawa na sabihin ko ang problema kanina, hindi ko na alam. Sobrang natatanga na ako sa mga nangyayari. 

 

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makapag tinda. Nang naubos ito ng maaga ay nagmamadali akong binaba ang paninda sa tinatambayan ni Juls at nagpalit ng damit bago pumasok sa site. Nakita ko ulit si Lorenzo. Mukhang kabababa niya lang sa bus at naghihintay ngayon ng dyip na patungo sa kyusi. Alam kong nakita niya ako ngunit minabuti niya na rin na hindi ako lapitan. Hindi ko alam kung mas gusto ko ba iyon para mas madali para sa akin o ikalulungkot ko na baka umayaw na rin si Lorenzo. Pareho kaming nag-aabang ngayon sa dyip ng may isang tumigil sa harap namin.

 

Pinilit ko pa siya na siya na ang sumakay dito ngunit mapilit talaga siya. Ayaw niyang sumakay dahil ako raw ang naunang pumara dito kaya para sa ikatatahimik niya ay sinabi kong sasabit ako. Ayaw niya pa noong una ngunit napilit din naman. Sumabit ako sa dyip at narinig kong nagsalita siya. “Um, akin na ‘yang bag mo.” saad niya, nahihiya. Sobrang ganda niya talaga. 

 

“Ayos lang.” tipid kong sagot ngunit kinuha niya na ito sa kamay ko. Magrereklamo pa sana ako ngunit nakita ko ang inis sa mukha niya. Takte, nakakatakot talaga kapag inis na ang ekspresyon ng mukha nito. Parang wala na akong magawa kasi natatakot rin ako, eh. Nakarating ako sa kamuning maya maya lang din kaya naman ay nagpaalam na ako. “Ingat ka. Ah, yung tubigan mo pala. Mukhang malalaglag.” saad ko bago bumaba. Nakita kong pinanood niya pa akong makatawid bago inayos ang tubigan niya. Lihim akong napangiti. Miss na miss na talaga kita, Lorenzo.

 

Wala namang bago sa araw ko. Nakakapagod pa rin naman ngunit mas lamang iyong pagod ngayon. Absent kasi ang dalawang labor sa amin ngayon kaya mas dumoble ang gagawin namin. “Bilisan niyo naman, napakakupad!” sigaw ng sub foreman namin. Absent kasi si Mang Kalo. Tumikhim si Benny na kasama ko, labor din. “Napaka yabang talaga ng isang ‘yan. Hindi niya ba nakikita na kulang sa tao kaya mabagal ang usad?” bulong nito at natawa naman ako. 

 

“Maceda, pagkatapos mo dyan ay haluin mo ang semento sa third floor. Wala silang katulong roon.” utos ng sub foreman namin kaya naman tumango na lang ako. Pagkaalis nito ay umakbay si Benny sa akin. “Kaya pa?” 

 

Kaya pa. 

 

Tumango na lang ako sa kanya at saka ngumiti. Sobra ang pagod ko noong araw na ‘yon. Dagdag mo pa na halos triple ang init ng panahon, at panhik panaog pa kami sa second at third floor. Nakagalitan pa ako ng foreman, nakakapagod. 

 

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon pauwi. Ginabi na kasi ako sa trabaho sa dami naming tinapos. Bigat na bigat na ako sa sarili ko dahil sa pagod, sinisipa ko na rin ang maliliit na bato habang naglalakad. Bukas ay day off ko kaya naman hindi ko maiwasang matuwa. Makakapagpahinga ako ng matindi tindi. Agad na naman pumasok sa utak ko si Lorenzo. Hindi niya ako kinulit kanina sa terminal kaya hindi ko maiwasang mag-isip na baka wala na siyang pakialam sa akin. 

 

“Aray! N-nasasaktan ako ano ba!” sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan. Medyo madilim na parte kasi ‘yon kaya hindi ko masyado maaninag. “Bitawan mo ko, Adi. Kung hindi sisigaw ako dito!” pagbabanta pa nito. Nakatalikod ito sa akin kaya naman hindi ko makita kung ano ang nangyayari. Lumapit ako ng bahagya upang makita ang nangyayari sa dalawa. 

 

Halos umakyat lahat ng dugo sa katawan ko nang makita ang lalaking kaibigan ni Lorenzo pati si Lorenzo. Ang tungki ng ilong nito ay nasa leeg ni Lorenzo at halatang walang lakas upang humingi ng tulong. “Pumayag ka na. Ipakilala kita sa mga magulang ko para hindi sila maniwala sa babaeng iyon na buntis siya at ako ang ama. Tulungan mo ko, Lorenz? Hmm?" 

 

Hindi ko alam kung paano ko natakbo ang pagitan namin at agad sinuntok ang Adi na ‘yon. Walang pumapasok sa utak ko ngayon kung hindi puruhan ang gagong ‘to. Sobrang dilim ng mata ko na umabot na sa puntong tuluyan ang taong iyon. Tangina, kaya kong pumatay para sayo, Lorenzo.

 

“Vince!” rinig kong sigaw ni Lorenzo. Tumigil ako at saka tumayo at pinagpag ang damit. Kinuha ko rin ang bag namin ni Lorenzo na nasa sahig bago sinigawan ang gago. “Putangina mo!” saad ko bago hinawakan si Lorenzo sa palapulsuhan at ilayo sa lugar na ‘yon. Sobrang nakakagalit, putangina. Hindi ko alam kung bakit hinayaan at tinigilan ko pa ang gagong ‘yon. Sana ay binigyan ko pa ng malala lala para pambawi sa pambabastos niya kay Lorenzo. 

 

Habang naglalakad ay habol habol ko pa rin ang sariling hininga sa sobrang galit. Nag-iinit pa rin ang ulo ko na hindi ko na magawang marinig na tinatawag na pala ako ni Lorenzo. “Vince..” nilingon ko naman siya at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang basang basa ang pisngi niya ng luha. “Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?” saad ko saka hinanap ang galos sa kanyang katawan. Tangina mo, Adi. Huwag lang ako makakahanap ng kahit isang maliit na galos sa katawan nito at talagang babalikan kita. “Bakit ka naiyak? Sabihin mo naman.. May masakit ba?” nanghihina kong tanong. Sumagot ka naman, Lorenzo. Mababaliw na ako rito.

 

“I’m so sorry..” saad nya at saka humagulgol. 

 

Umiwas ako ng tingin sa takot na manghina pa lalo kung sakaling makita ang iyak ng taong mahal ko. “Huwag ka nga humingi ng tawad. Wala ka namang ginawa.” saad ko dahil totoo naman. Bakit siya ang humihingi ng tawad gayong siya ang biktima dito. Pinunasan niya ang kanyang luha at saka muling nagsalita. “Pasensya na.. Vince.. Palagi mo nalang ako sinasalba kahit.. h-halata namang pagod-” agad nagpanting ang aking tenga sa narinig. Ano naman kung pagod ako? Lorenzo, tangina, baby minsan kailangan mong buksan ang mata mo na handa akong pumatay para sayo. 

 

“Hindi mo kailangan humingi ng pasensya sa bagay na gustong gusto ko gawin pero hindi ko kailanmang gustong mangyari sayo.” saad ko. Tangina, eto na naman. Bibigyan ko na naman siya ng mga salita na hindi ko kayang panghawakan dahil hanggang ngayon ay umiiwas pa rin ako sa kaniya. Ang hirap ng ganito. “Vince huwag mo kong sanayin na palaging litong lito sa sinasabi mo.” sagot sa akin ni Lorenzo. Huminga ako ng maluwag bago siya sinagot. 

 

“Hindi ko kailanman gugustuhin na palagi kang makita sa bingit ng kapahamakan, Lorenzo. Pero kung sakali man na may mangyayaring ganoon, gustong gusto ko na ako yung nandyan para sayo. Gustong gusto ko na ako ang magliligtas sayo.” saad ko at napansin kong nagulat siya roon. “Ilang beses na ba kitang naliligtas? Ilang beses na ba napunta sa bingit ng kamatayan ang sarili mo? Nakakabaliw, puta. Hindi ko alam kung gugustuhin ko bang itago ka na lang kaysa laging ganyan.” nanghihina kong saad. 

 

Ang makita si Lorenzo na umiiyak ay ang kahinaan ko at ang makita si Lorenzo sa ganoong posisyon ay magiging kamatayan ko. Hindi ko kaya, mahina pa rin ang puso ko pagdating sayo. “Tangina ang hirap kasi eh. Puta yung makita ka lagi sa ganoong sitwasyon? Parang gusto kong pumatay ng tao, mag-ingat ka naman.”

 

Nang hindi ko na kayang saluhin ang sariling luha ay niyakap ko siya. Doon ko unang naramdaman ang init ng kanyang katawan. Doon ko naramdaman na tama nga ako, mahal ko nga siya. “Hindi ko kaya, Lorenz. Hindi ko kayang umuwi galing trabaho pagkatapos ay makikita ka lang sinasaktan at minomolestya ng iba. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit kaya parang awa mo na Lorenz.. sa ikatitino ng utak ko, mag-ingat ka.. dahil mas gugustuhin kong humawak ng rehas kaysa makita ang mukha mo sa balita.” 

 

Pagkatapos ng pag-uusap na ‘yon ay hinatid ko na siya sa terminal ngunit dahil walang masakyan ay inaya ko na muna siya magpares. Baka kasi hindi pa kumakain ang isang ‘to. Nang makarating doon ay gulat na gulat si Aling Myrna nang makita ako kaya hindi ko maiwasang mapangiti, matagal tagal rin kasi akong hindi nagpakita sa kanya. Pagkatapos kumain ay inaya niya na ako pabalik sa terminal ngunit ganoon pa rin at wala pa rin siyang masakyan. Pinanood ko kung paano niya tawagan ang kanyang pamilya at wala akong ibang maramdaman kung hindi paghanga.

 

Gusto ko talaga ang taong ito.

 

“Gusto mo bang tumuloy sa bahay? M-malinis naman yon tsaka kumportable rin. Para hindi ka na rin gumastos. Kung ayos lang naman sayo..” pag-aaya ko.

 

Pumayag naman siya kaya kasalukuyan akong naghahanap ng pupwede niyang isuot na damit. Nang makahanap ay inabot ko ito sa kaniya. Pareho na kaming nakahiga ngunit ramdam ko na paikot ikot siya at hindi mapakali sa pwesto nito kaya naman napagdesisyunan ko ng tumayo at ipagtimpla siya ng gatas. Ngunit ganun na lang din ang gulat ko nang pagbalik ko ay hindi siya makatingin at todo iwas sa akin. May nagawa ba ako? Galit ba siya? Hindi ko alam, gusto kong malaman kung galit siya. Kinakabahan ako ng sobra kaya naman tanong ako ng tanong sa kanya. 

 

“May nagawa ba ‘ko?” tanong ko sa kanya ngunit kagaya kanina ay umiwas muli siya. "Bakit hindi ka makatingin? Tignan mo ako kung totoong hindi ka galit." tumingin naman sya sa akin ngunit madali lang ‘yon. “Tara na nga.” pag aaya nya. 

 

“Hindi talaga ako makatulog..” rinig kong saad niya kaya naman ay tumayo ako para kunin ang gitara ni Tatay Domeng sa kabinet. Noong wala kasi akong kasama sa bahay ay pinag-aralan ko ito. Kumanta lang ako roon sa pagbabakasakali na kahit sa kanta, malaman niya ang nararamdaman ko. Hindi pa rin nagbabago ang nasa isip ko.. hindi pa pwede, Lorenzo. Bukas na bukas ay aalis ako para kunin ang trabahong binigay ni Juls sa probinsya. Babalikan kita, Lorenzo. Hintayin mo sana ako.

 

Napatagal pa ang pag-uusap namin doon ni Lorenzo. Naikwento ko ang naging buhay ko at buong kamay niya naman akong tinanggap. Tangina, mahal na mahal ko ho ‘tong tao na ‘to. Kung kinakailangan na mag triple ako ng trabaho para mabigay sa kanya lahat ng magagandang bagay ay gagawin ko basta ibigay niyo siya sa akin. 

 

“Alam mo bang sobrang hirap mong abutin pero sobrang hirap mo ring iwasan..” 

 

Totoo iyon. Hindi madali abutin ang gaya ni Lorenzo. Ngunit kahit ganoon ay hirap na hirap rin ako sa pag-iwas dito. Siya na kasi ang kumukumpleto sa pagkatao ko kaya naman hirap na hirap ako sa tuwing sasapit ang araw at hindi ko man lang siya nakakausap o nakikita. May kulang. May nawawala.

 

Kinuha ko ang pagkakataon na tulog si Lorenzo bago sinulat ang liham na ibibigay ko sa kanya. Pinipigilan ko rin ang sarili na mapalakas ang hikbi dahil sa kaso ngayon.. hindi malabong hindi niya marinig ang bawat iyak ko. Umiiyak ako para sayo, mahal ko. Humihinga ako dahil sayo. Mahal na mahal kita, Lorenzo. Hindi sapat ang salitang mahal kita sa kung anong nararamdaman ko tuwing kasama ka. Hindi sapat ang bawat pares na pinapakain ko para ipadama na binubuo mo ako. 

 

Mahal kita, Lorenzo. 

 

Isinilid ko muna ito sa aking drawer saka natulog sa tabi niya. Kinabukasan ay mabigat ang pakiramdam ko na gumising. Pinipilit ko na lamang magtrabaho dahil bukas ay aalis na rin naman ako. Kaya ko nga bang iwan si Lorenzo? Habang naglalako ay lumilipad ang isip ko. “Huy! Okay ka lang?” tanong ni Juls kaya naman tinanguan ko na lang siya. Alam niya ang tungkol kay Lorenzo. Sila lang ni Aling Myrna ang may alam roon. “Juls…” tawag ko. “Pakibantayan mo si Lorenzo.” habilin ko sa kanya. 

 

Bago umuwi sa bahay ay napag isipan ko na dumaan sa tindahan upang bumili ng bigas. Huling kita ko kasi rito kagabi ay ubos na kaya naman nang makauwi ako sa bahay at makitang puno ang bigasan ay nagulat ako. “Anong oras mo balak umuwi?”  tanong ko kay Lorenzo habang kumakain. “Pinapauwi mo na ba ako?” sagot nya kaya naman ay natawa ako. “Hindi ah. Kung gusto mo ay dito ka na tumira eh,”

 

Napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at namula. “B-bakit naman ako dito titira.. may pamilya pa ako sa Cavite.” saad niya. Napag-isip isip naman ako. Ayokong sa maliit na bahay tumira si Lorenzo dahil gaya nga ng sabi ko, nararapat lang sa kanya ay ang magagandang bagay. “Hmm, sabagay. Ayoko rin naman na dito ka tumira..” saad ko. Napansin ko namang tahimik siya roon. Mga ilang minuto pa ang lumipas at tahimik pa rin sya. Nalaman ko na nagtampo pala siya sa sinabi ko at akala niya ay ayoko siyang kasama rito. Hay, Lorenzo, Binabaliw mo talaga ako. 

 

Pasimple kong inilagay ang liham na aking sinulat kagabi sa kanyang bag bago kami lumabas patungong terminal. Nang makarating sa terminal ay doon na ako naging emosyonal. Mahal na mahal ko talaga, siya. Diyos ko. Ibibigay ko ang lahat para sa kasiyahan niya. 

 

“Hintayin mo ako at ibibigay ko lahat ng gusto mo. Ibibigay ko ang buhay na nararapat para sayo, Lorenzo.”

 

“Hihintayin kita, Vince.”



Kinabukasan ay maaga palang gising na ako. Baka kasi maiwan ako ng barkong sasakyan ko. Maaga akong nakarating sa pier dala dala ang agahan na baon gamit ang tupperware ni Lorenzo. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay maalala at maaalala ko siya. Nang makarating sa baryo na sinabi ni Juls ay nagpakilala agad ako sa may-ari bilang kapatid ni Juls. Mainit naman akong tinanggap ng mag-asawa. Sila pala ang may-ari ng malaking pwesto dito sa palengke. Nahihirapan ako noong una dahil hindi ko naman gamay ang ginagawa nila dito ngunit kalaunan ay nasanay rin naman ako. 

 

Madalas kami magbuhat ng mga prutas at gulay na iaangkat namin sa ibang palengke. Pahinante rin ako kaya naman kadalasan sa mga liham na sinusulat ko para kay Lorenzo ay nasa truck ako. “Vince, tara kain na!” sigaw ng kasamahan ko at tumango lang ako. Naglakad ako papalabas sa palengke at naghanap ng pwedeng mabilhan ng alkansya at ng papel. Nang makabili ay nagsulat muna ako ng liham para kay Lorenzo. Ayoko kasing magdaan ang isang araw na hindi man lang nakaka pagsulat para sa kanya. 

 

“Masarap raw ‘yan, pininyahang manok..” saad ng kasamahan ko ngunit umiling lang ako. Paniguradong kung ‘yan ang bibilhin ko ay hahanap-hanapin ko ang bersyon ni Lorenzo kaya ayoko. Luto nya lang ng pininyahang manok ang titikman ko. Ilang buwan pa ang lumipas na ganun pa rin ang sitwasyon naming dalawa. Magpapadala siya ng text message at sasagot ako bilang liham. Minsan ay hindi nawawala sa akin ang takot na baka mapagod si Lorenzo at tumigil na lang ngunit mas lamang sa akin na ano pa man ang maging desisyon niya ay ikasasaya ko iyon dahil masaya rin siya. 

 

Isang araw ay nagpadala siya ng voice message. Ramdam ko sa boses nito na umiiyak siya kaya naman habang sinusulat ang mensahe ay hindi ko rin maiwasang hindi maging emosyonal. Pangako, mahal. Pagkatapos nito ay magkakasama na tayo. Hindi na kita iiwan, andyan na ako palagi sa tabi mo.

 

Buwan at buwan pa ang nakalipas nang marinig ko ang mga kasamahan ko na nag uusap tungkol sa ALS. Hindi pa ako interesado dito noong una ngunit nang ipaliwanag nila ay ako pa ang unang nag-ayos ng papel para mailakad na. Gusto ko talagang makapag-aral eh. Gustong gusto.

 

“Vince pakisamahan mo nga si Alvin at i-deliver nyo ito sa kabilang baryo.” utos ng amo namin. Isang malaking tuna ito kaya naman pinagtulungan namin itong buhatin. Si Alvin na ang pinakausap ko sa may ari at naghintay na lang ako roon sa gilid. Nakatayo lang ako roon habang hinihintay si Alvin nang igala ang paningin ko. 

 

Nakita kita doon, nakatayo at nakatingin sa akin. Sobrang tagal nating nakatingin sa isa’t isa Lorenzo. Halata ang pananabik ko sayo, mahal, namiss kita ng sobra. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kaya naman pinanood na lang kita habang kinakausap ang lalaki na kasama mo. Oo nga pala, naikwento mo palang nasa probinsya ka ngayon. Pinaglalaruan yata tayo ng mundo. 

 

Pagkatapos ng araw na ‘yon ay nauwi agad ako upang magsulat ng liham sayo. Nalalapit na rin pala ang pag uwi ko, mahal ko. Isang taon na rin noong umalis ako, pabalik na ako sayo.. Lorenzo ko. 

 

Marami ka pang naikwento sakin. Noong umuwi kayo galing probinsya, hindi ko alam kung ikaw ba talaga ang nakita ko o dala lang ito ng pananabik sayo pero masaya ako dahil nakita ko ulit ang mukha mo.Siyam na buwan rin makalipas, naikwento mo na galing ka sa piyu upang mag-enroll para sa second year. Sabi mo pa ay naiinggit ka sa mga nakita mong mag-nobyo kaya naman hindi ko na naiwasan at nakapag reply sayo. Pasensya na kung hindi mo maintindihan ang pinadala ko. Nakaibang format pala ang keypad ko kaya ganon. Wala naman akong balak magpadala ng reply ngunit napindot ko na, eh. Pero ano at ano pa man, mahal kita Lorenzo. 

 

Nagtanong ka pa kung ako ba ang nagpadala noon kaya naman hindi ko maiwasang hindi matuwa. Salamat sa paghihintay, mahal ko. Malapit na, uuwi na ko.

 

Uuwi na ko sayo.

 

“Vince maaga ba ang alis mo bukas?” tanong ni Alvin. Pauwi na ako pabalik sa Maynila bukas. “Oo, bakit?” tanong ko. Nakwento ni Alvin ang bilihan ng masarap na pasalubong dito kaya naman bumili na ako. Medyo malaki laki rin kasi ang naipon ko. Sapat na upang makabili ng konting pasalubong para sa mga bata at kay Aling Myrna. Bumili na rin ako ng bagong mga damit para naman sa oras na makita mo ako ay mabango at gwapo ako. 

 

Kinabukasan ay maaga ako lumuwas. Nang makatungtong sa Maynila ay ikaw agad ang pinuntahan ko. Gusto ko kasing sa pag-uwi ko, ikaw muna ang makita ko. Ikaw lagi bago sila hindi ba? Ikaw lagi, ikaw una. 

 

Nang makita mo ako ay agad tumulo ang luha mo. Natawa pa ako kahit na konti ay paiyak na rin ako. Isang taon kong hindi nakita ang taong ‘to, wala na akong pakialam sa sasabihin ng tao. Hayaan nyo munang mayakap ko ang taong ito. “Nung sinabi ko na hindi mo ko mahahanap sa laki ng Maynila, hindi iyon totoo dahil tignan mo’t nahanap mo pa rin ako. “Ngunit nung sinabi ko na babalikan kita at uuwi ako sayo, totoo iyon, Lorenzo.”

 

Sa wakas ay nakauwi na rin ako. Nakauwi na rin ako sayo, Lorenzo.

 

Kumain kami pagkatapos noon at nakapag desisyon na kinabukasan na lamang mag-usap dahil gagabihin na si Lorenzo. Walang paglagyan ang saya na nararamdaman ko dahil kasama ko na muli si Lorenz. Kinabukasan ay pumasok ako at maagang umuwi para sunduin si Lorenzo. Mag-uusap kasi kami ngayon kaya naman hindi ko rin maiwasang hindi kabahan. 

 

“All your hard work. Lahat ng paghihirap mo, lahat ng pagtitiis mo sa initan, sa pag-iinda mo ng sakit sa katawan. May sukli 'yan lahat. You’ve fought a good fight, my love. Wala man akong karapatan sabihin sayo ito dahil hindi pa naman tayo ganun katagal magkakilala, pero gustong gusto ko malaman mo na sobra sobra kitang pinagmamalaki.” Panalo ako. 

 

Panalo ako kay Lorenzo. 

 

Kasalukuyan akong nasa harapan ng nanay ni Lorenzo. Ramdam kong namamawis ang aking palad dahil sa kaba. “Opo. Kaya rin po ako nandito Ma’am.. nais ko po sana humingi ng permiso kung ayos lang ho bang ligawan ko ang panganay nyo..” paalam ko sa kanya. Napakabait ng nanay ni Lorenzo kaya alam ko na kung kanino ito nagmana. Tinanggap ako ng pamilya ni Lorenzo ng buo. Hindi ako hinusgahan o kung ano pa man. 

 

Pakiramdam ko ay ito na ang sukli sa lahat ng paghihirap ko. Pakiramdam ko ay pwede na. 

“Anak, mahal na mahal ko ‘yan si Lorenzo.. sila ni Loreign. Hindi ko kayo pinagbabawalan dahil alam ko ‘yan, napagdaanan ko rin ‘yan pero sana.. sana ay hindi mo saktan ang anak ko, ha. Kung pagod na, isoli mo sa akin. Tatanggapin ko ‘yan ng buong buo, Vince…” pakiusap sakin ng Mama ni Lorenz ng kami na lang dalawa ang magkausap.

 

“Hinding hindi ko po kayo bibiguin. Makakaasa po kayo na aalagaan ko ang anak nyo, mula ulo hanggang paa, Ma’am.” pangako ko.

 

“Mahal na mahal kita, Lorenzo, maaaring humarap tayo sa mga problema ngunit hindi noon mababawasan ang pagmamahal ko sayo. Marami ang nagdaan sating dalawa. Ipinakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Nalaman mo na may namamagitan kay Juls at sa kaibigan mo. Sinamahan mo ako sa pag-eenroll ko sa senior high school, at sinagot mo ako sa mismong kaarawan ko kaya ako na siguro ang pinakamasayang tao noong araw na ‘yon.

 

Sabay nating pinanood ang paglubog ng araw sa itaas ng himpapawid, minsan ay nag-aaway tayo ngunit naaayos naman natin ito pagkatapos. Yun naman ang mahalaga hindi ba? Ang mahalaga ay nalalaman ko ang nararamdaman mo para naman sa susunod, alam ko na ang mga mali upang hindi na maulit ang pagtatalo nating dalawa. 

 

Nagdaan din pala ang mga araw na pareho tayong pagod sa pag-aaral, malapit na kasi ang graduation mo. Salamat dahil ikaw ang naging lakas ko sa mga panahong hinang hina ako. Salamat sa hindi pag-iwan sakin, salamat sa lahat, mahal ko. Habang buhay kong tatanawin ang pagbabago na ito sa buhay ko. 

 

Ikaw marahil ang ginawang instrumento ng Diyos upang ayusin ko ang buhay ko. Dahil sayo, natuto akong magtiis sa lahat ng bagay. Dahil sayo, natuto akong ipaglaban na nararapat rin ako sa pagmamahal mo. Lorenzo, lahat ng ito ay para sayo.” saad ko bago makarinig ng palakpakan sa madla. 

 

Vincent Maceda, MD

 

Tinignan ko ang lalaking natutulog sa aking tabi. “Baby, gising po..” marahan kong saad. Nagising naman ito ngunit kita ang takot sa kanyang mata. Luminga linga pa ito sa paligid. “Nasaan tayo?” tanong ni Lorenzo. 

 

“Nasa tabing dagat pa rin po, baby ayos ka lang?” tanong ko sa kanya ngunit yumakap lang ito sa akin ng mahigpit at saka umiyak. “V-vince… ayoko..” saad niya kaya naman ay nagtaka ako. “Vince.. totoo k-ka naman diba? H-hindi naman ako nananaginip d-diba.. Vince..” iyak nito sa dibdib ko. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok at saka siya inalo.

 

“Kalma, mahal. Bakit po?” tanong ko sa kanya. Pinunasan niya ang luha at saka hihikbi-hikbi sumagot. “Napanaginipan k-ko.. h-hindi mo raw ako kilala, Vince.. Hindi naman iyon t-totoo diba..” saad niya at saka muling umiyak. Tumawa ako saka pinisil ang kanyang ilong. “Ayan, tinulugan mo kasi ako, baby. Akala ko ba sabay natin papanoorin yung sunset?” tanong ko sa kanya. Tinignan naman niya ang dagat at nakitang nakalubog na ang araw.

 

Nandito kami ngayon sa isang resort, ipinagdiriwang ang pagtatapos ko ng kolehiyo. Sa ‘di kalayuan ay natanaw ko sa kubo ang pamilya ko. Naroroon ang Mama, si Loreign, si Kia, Geoff, Juls, ang mga bata at si Aling Myrna. Kuntento na ho ako, Lord. Ito na po ang pangarap ko. 

 

“Hindi totoo na hindi mo ko kilala?” tanong ni Lorenzo. Kinuha ko ang kanyang kamay at saka ito pinag salikop. Umiling ako bilang sagot. “Hindi, mahal. Imposibleng hindi kita makilala. Eh sa lahat yata ng buhay, ikaw ang hahanapin ko.” sagot ko. Yumakap siya sa akin habang nakasakay kaming dalawa sa duyan.

 

“Are you happy, my love?” tanong ni Lorenzo. 

 

Napangiti ako. Hindi ko alam ang isasagot dahil sobra pa sa saya ang nararamdaman ko ngayon. Alam ng Diyos kung gaano ko katagal ipanalangin na dumating ang araw na ito ang ngayong nandito na, hindi ko alam ang mararamdaman. Posible pala ‘yun no? Na sa sobrang saya, hindi mo na alam kung paano ipaliliwanag ang nararamdaman mo. “Sobra sobra pa ito sa pinapangarap ko, mahal.” saad ko habang nakatingin sa dalampasigan.

 

Ang pangarap ko lang noon ay ang kumpletong pamilya para sa aming dalawa ni Juls ngunit binigyan ako ng Diyos ng sobra sobra. Binigyan nya ako ng Aling Myrna na tumayo bilang pangalawa kong ina. At si Tatay Domeng at ang Madre na nasa langit man ngayon, alam kong masaya rin para sa akin. Si Juls at Chukoy na tinuring ko bilang mga nakababatang kapatid ko. At ang Mama pati si Loreign na tinanggap ako ng buo sa pamilya nila.

 

At syempre, ang pinakamahalaga sa buhay ko. 

 

Hindi ko kailanman naisip na darating ang kagaya ni Lorenzo sa akin. Isang taong mag paniniwala sa akin na totoo ang pagmamahal. Na, kahit pinagkaitan ako ng lahat. May isang handang magbigay sakin nito ng buong buo. Isang tao na iwan man ako ng lahat, mananatili siya sa tabi ko, nagtitiwala sa kakayahan ko. Na, isipin ko mang hindi ko kaya ay ipapamukha sa akin na kaya ko at malakas ako. 

 

Isang tao na kahit pag-upo lamang sa duyan ang gawin ay ikababaliw ko. 

 

Mahal kita, Lorenzo. 

 

“Mahal kita, Lorenz..” ani ko. “Mahal kita hindi lamang pagsapit ng dapithapon kung hindi mula bukang liwayway hanggang maubos ito. Mahal kita ng sobra at handa akong ibigay lahat sayo.” saad ko bago siya hinalikan sa labi.

 

Inilabas ko ang singsing sa aking bulsa. Ramdam kong naiiyak na si Lorenzo kaya naman hindi ko maiwasang kabahan. “Pasensya ka na, mahal. Hindi pa ito singsing para sa kasalan pero gusto ko na malaman mong kahit malayo layo pa ang ating lalakbayin..” panimula ko. 

 

“Sayo ang puso ko at tumitibok ito dahil sa pangalan mo.” saad ko. Hindi ko na napigilan at tumulo na rin ang luha sa aking mata. Pinunasan pa iyon ni Lorenz kahit maging siya ay umiiyak na rin. “Vince naman, eh..” bulong niya.

 

“Mahal kita sobra, Lorenzo. Mahal kita mula kyusi hanggang kapitolyo, at mamahalin pa kita ng sobra hindi lamang sa oras na alas singko…” ani ko at saka isinuot sa pinakamagandang lalaki na kaharap ko ang singsing. “Salamat sa paghihintay, mahal ko. Salamat sa pagdating sa buhay ko.” 

 

Niyakap ko siya. Basang basa na rin ang pisngi ko dahil sa sariling luha. Sobrang sarap sa pakiramdam na nandito na kami ni Lorenzo. “Mahal rin kita, Vince. Ikaw ang paulit ulit kong hihintayin, at hindi ako mapapagod dahil hindi ka nakakapagod, mahalin. I love you, baby.” bulong niya. Hinalikan ko ang kanyang ulo, sa ilalim ng dapithapon, kasama ko ang taong pinakamamahal ko.

 

Maaaring sa kyusi nagmula ang pagmamahalan naming dalawa ngunit sisiguraduhin kong sa harap ng altar ito susunod. Lorenzo, ikaw ang buhay at liwanag ko.

 

Sa kabila ng kaguluhan at ingay ng paligid, sa kabila ng pagiging kuntento sa anumang meron ako, ang makakain sa araw araw, ang makalanghap ng hangin at makarinig ng ingay ng bus, nariyan ka’t bukas ang bisig na naghihintay para simulan ang kwento nating dalawa..

 

Sa gitna ng kyusi, sa oras na alas singko y media.

Chapter 16: i crave your presence more than i crave my solitude

Summary:

Life after the sunset.

A Vincent and Lorenzo special.

Chapter Text

Lorenzo

 

Nagising ako sa ingay ng alarm sa aking cellphone na nakapatong sa gilid ng mesa namin. Marahan akong tumayo at narinig ang mumunting pag-ungot ni Vince na masarap pa rin ang tulog sa aking tabi. 

 

I planted a soft kiss on his forehead bago ko tingnan ang oras. Alas otso y media ng umaga. Muli kong pinatong ang aking cellphone at bumalik sa pagkakahiga. 

 

Mukha namang nagising ko roon si Vince na mahimbing na natutulog dahil napamulat ito. Kita pa rin ang antok sa kanyang mukha kaya ay natawa ako. “Hmm, bakit ka gumising?” tanong ko dito at nilaro ang kanyang buhok.

 

Hindi sumagot si Vince at siniksik ang sarili sa aking leeg. Inayos ko ang pagkakahiga upang mas mataas ako kay Vince at saka siya niyakap sa aking braso.

 

Mamaya maya na lamang ako kikilos dahil maaga pa naman, si Vince naman ay walang pasok ngayon kaya hinayaan ko na lang na matulog muna ito dahil anong oras na rin siya nakauwi sa kanyang duty kagabi. 

 

Pinikit ko ang mata at hinayaan na daluhan ako muli ng antok. Nakaidlip ako at hindi namalayan ang oras kaya naman nang magising ako ay wala na si Vince sa tabi ko. 

 

Inayos ko lang ang aming higaan bago nag ayos ng sarili at lumabas. Nadatnan ko si Vince na nakatayo sa kusina at nagluluto. Lumapit ako rito at yumakap sa likod.

 

“Good morning,” bati niya sa akin habang abala sa pagluluto. Isiniksik ko lamang ang aking mukha, inaantok pa rin kahit naka pag hilamos na. Nang matapos siya sa pagluluto ay inalis niya ang aking braso na nakapulupot sa kanyang bewang at humarap sa akin.

 

Nakatingin lamang ako sa kanya habang pinupunasan niya ang gilid ng aking mukha at kaunting buhok na nabasa dahil naghilamos ako bago bumaba. Pagkatapos niyang gawin yun ay kinuha niyang muli ang aking mga braso at pinulupot muli sa kanyang bewang bago ako niyakap pabalik.

 

Naramdaman ko ang pagpatak niya ng halik sa aking ulo. “I love you.” I smiled.

 

Yon lamang ang hinihintay ko kanina pa kaya nang marinig sa kanya yon ay kumalas ako sa pagka kayakap at sumagot. I love you, mahal. Maliligo na ‘ko. Late na ko.” saad ko at mahinang natawa nang hindi maipinta ang mukha niya sa ginawa kong pag-alis sa yakap niya.

 

“Aalis ka ngayon?” dama ko ang lungkot sa tinig niya nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Paano ba naman kasi, hindi na kami halos magkita sa araw araw dahil sa kanya kanya naming ganap.

 

Busy siya at alam ko naman na kailangan siya ng hospital oras oras, ganoon din naman ako.. abala ako sa pag momodelo kaya minsan ay sa gabi na lamang namin nakikita ang isa’t isa.

 

Tumango ako at lumapit muli sa kanya. “Oo..” sagot ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. “Sorry hindi ko na nasabi sayo kagabi pag uwi mo, mukhang pagod na pagod ka na kasi.” sagot ko dahil totoo naman. 

 

Tulog na ako nang dumating siya. Naalimpungatan lamang ako noong maramdaman na may nakayakap na sakin at doon ko siya nakita na mahimbing na natutulog. 

 

I kissed Vince to stop him from sulking. Kahit naman gusto ko siya makasama ngayon ay hindi ko naman pwede i-tsahin si Kia, paniguradong magagalit ‘yon lalo na’t ayaw niya sa brand na kumuha samin para i-endorse ang produkto nila at napilit ko lang. 

 

“Sorry na. Babawi ako. Ipagluluto kita mamaya pag uwi.” pangako ko kay Vince. Kita pa rin ang lungkot sa mata niya ng tumango siya. 

 

“Ihahatid nalang kita.” saad niya na agad naman akong pumayag. 

 

Nagtungo na ako sa banyo para maligo. Abala naman siya sa pag-aayos ng aming kakainin kaya nang matapos ako ay nakahain na ang pagkain. 

 

“Kain na tayo mahal,” tawag niya sa akin sa kwarto. Tumango lang ako at tinapos ang pagb-blower ng aking buhok. Sa location naman kami aayusan kaya hindi ko na iyon inalala.

Kumain na kami ni Vince. Nag usap kami tungkol sa mga bagay bagay. Abala siya sa pagk-kwento ng nangyari kahapon sa hospital. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig at paminsan minsan ay tumatango.

 

Wala sinuman samin ang gumagamit ng cellphone dahil pinakiusap sa akin ni Vince ang bagay na ‘yon nang isang beses kaming kumain ng sabay at nanonood ako ng palabas sa aking cellphone. 

 

Mahinahon niyang pinakiusap na mamaya ko na lamang panoorin ang palabas pagkatapos namin kumain kaya simula noon ay hindi ko na rin ito dinala sa hapag.

 

“Hanggang 9 lang duty ko simula bukas mahal,” saad niya. Nagulat naman ako dahil medyo maaga na yon kumpara sa dating oras ng mga uwi niya. 

 

“Maaga ah. Anong meron?” tanong ko.

 

Kumuha siya ng ulam at nilagay sa aking plato bago sumagot. Napansin ko pang hinihiwalay niya ang mga pasas dahil alam niyang hindi ko iyon kinakain. Siya ang kumakain roon dahil paborito niya raw ang mga iyon.

 

“Bumalik na kasi si Dra. Hernandez, pero baka magovertime pa rin kami ng kaunti. Depende, mahal. Basta itetext kita kapag gagabihin ako masyado.” saad niya na tinanguan ko naman.

 

Matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresintang magligpit dahil maliligo siya. Nang matapos akong magligpit ay naupo ako sa sala at kinuha ang cellphone para tingnan ang group chat namin nila Geoff at Kia. 

 

Natawa naman ako nang umagang umaga ay bangayan na nila ang bumungad sa akin.

 

geothegoat: [sent a photo]

geothegoat: ang pogi ko lang di halatang alipin ng salapi

kiannadagreat: mali naman eh

geothegoat: hoy kianna mukha lang akong mayaman dahil sa kutis ko pero alipin ako ng pera

kiannadagreat: hindi naman yun yung mali baliw, sabi mo kasi ang pogi mo eh hindi naman?

geothegoat: tanginang ugali ‘yan

yoyenz: hi!

geothegoat: hi lorenz! Buti na lang nag online ka, hindi ko kailangan maumay sa gc na ‘to

kiannadagreat: kami nga yung umay na umay sa updates mo na akala mo may pake kami sa mga pictures mo sa opisina

geothegreat: sus kung alam ko lang baka pinagnanasaan mo na ko

yoyenz: HAHAHAHA

kiannadagreat: kadiri amp, san ka na lorenz? Papunta na ko

geothegreat: san kayo?

kiannadagreat: tanong ng tanong daig pa si lord

geothegreat: lul si yoyenz kausap ko

yoyenz: may shooting kami ngayon, ge :) papunta na rin ako kia, hinihintay ko lang si vince.

 

Nagtapos rin naman ang usapan namin nang lumabas si Vince. Bihis na ito at nagtutuyo na lamang ng buhok gamit ang tuwalya. 

 

“C5 tayo daan baby?” tanong ni Vince. Kinuha ko ang bag at umiling sa kanya. 

 

“Traffic doon eh. May alam akong shortcut.” saad ko sa kanya. Natapos rin naman siya sa pag aayos kaya bumaba na kami. 

 

Vincent and I are living together in a condo. Pinag planuhan namin mabuti ang desisyon at preparasyon na ilalaan para dito. Hindi naman kasi madali magsimula. It will take a lot of expenses, mental effort and pressure. 

 

Sa gastos ay nagsimula kaming mag-ipon noong mga panahong kumikita kami pareho. Kapag sumusweldo ay nagtatago na kami para sa condo na gusto naming kunin at mga pambili ng gamit at appliances. 

 

Napag usapan rin namin ang mga posibilidad kapag tumira kami sa isang bubong. Alam ko na kilala na namin ang isa’t isa ngunit hindi naman sasapat iyon. Sabi nga nila, makikilala mo daw ang isang tao kapag nakasama mo na ito sa iisang bubong kaya habang maaga ay hinanda na namin ang mga posibleng mangyari. 

 

Pinag usapan namin na kung may hindi kami nagustuhan sa isa’t isa ay sabihin agad upang maitama. Nagtitiwala naman ako sa relasyon namin ni Vince. Alam kong hindi perpekto ang relasyon namin at may mga oras na saliwa ang opinyon naming dalawa at ayos lang ‘yon. 

 

Ang importante ay kung paano ninyo pinag-usapan ng mahinahon at paano naayos ang lahat ng iyon ng walang sigawan. There’s no such thing as a perfect relationship; idea lamang ang mga bagay na iyon. But what makes it perfect and ideal is how both of you correct and understand each other’s points in a respectful manner.

Kaya ng nakasama ko si Vince sa iisang bubong, it was fulfilling. Hindi ako pressured, walang mental exhaustion, at wala akong nararamdaman na anumang negatibong pakiramdam dahil alam kong kahit ano pang mangyari at alam kong mahaba pa ang oras ng pagsasamahan namin.

Alam kong si Vincent ito.

And there’s nothing that Vincent can’t do.

Magdadalawang taon na kami sa condo na ‘yon. We are now both stable and happy. Naalala ko pa noong araw na pinagtapat ko kay Vince na hindi na ako masaya sa trabaho ko. That I am pressured and mentally exhausted sa larangan na dati kong gusto.

I can still remember vividly how Vincent hugged me like he was hugging the whole of me. Like he was embracing someone that was lost. Iba ibang takot at pangamba ang naramdaman ko noon ngunit pinaramdam sakin ni Vince na hindi ko kailangan matakot dahil palagi lang siyang nakaalalay sa likod ko.

That even though people might turn their back against me, he will not. Instead, Vincent will hold my hand and guide me on the runway. 

Hindi naging madali ng umpisa. I had rejections and multiple failures before someone trusted me. Umabot sa punto na humihingi na ako ng tawad kay Vince dahil naubos na ang funds ko para dito. Siya na rin ang nagbabayad ng monthly dues namin.

Umabot yon ng ilang buwan at hiyang hiya na ako kay Vince dahil siya ang gumagastos sa bahay. To the point na gusto ko na lamang itigil iyon at bumalik sa dating trabaho at tanggapin na hindi para sa akin ang pagmomodelo.

But Vince always disagrees. Kahit na araw araw niyang itatak sa utak ko na sundin ko ang gusto ko ay hindi siya nagrereklamo. Kahit araw araw akong umiiyak dahil walang kumukuha o tumatawag sa akin ay hindi niya ako pinabayaan. Ang gagawin niya ay yayakapin ako nang mahigpit at sasabihin ang mga salitang nakakapag pakalma sa akin. Typical Vince. 

That’s why when one brand called me ay lubos lubos ang saya at pasasalamat ko. Naalala ko pa na nasa duty si Vince noon at ako naman ay naglilinis ng condo namin para kahit papaano ay makabawi. Nanginginig ko pang sinasagot ang nasa kabilang linya na hindi ko namalayan na lumuluha na ako sa saya. 

Nasa utak ko noong mga oras na iyon ay matutulungan ko si Vince sa oras na makuha ko ang talent fee ko, pangalawa na lamang yung saya na naidudulot nito sa tuwing ngumingiti ako sa camera.

Pag uwi ni Vince noong araw na ‘yon, kitang kita ko ang pagod sa kanyang mata. Mabigat na ang mga talukap at anumang oras ay bibigay na ngunit ngumiti pa rin ito sa akin nang pagbuksan ko ng pinto. 

That’s when I realized I need to make an effort too. That if Vince could still show his beautiful smile at me despite being tired, physically and emotionally.. ay kaya ko rin. All my previous breakdowns recalled me. Kung paano ako umiyak at sumuko kay Vince nang walang kumukuha sa akin ay bumabalik sa utak ko. 

Kung kaya’t paano ako susuko eh buong buhay ni Vince, lumalaban siya?

Kaya sobra rin ang pasasalamat ko sa unang brand na tumanggap sakin. Since then ay nag tuloy tuloy na ang kumukuha sa akin. Of course, there are still months na walang booking, ngunit hindi na kagaya ng dati ay hindi na ako umiiyak. 

I started cooking at sinimulan rin ibenta ito. Minsan ay nagugulat si Vince kapag bagong dish ang inihahain ko sa kanya at natawa na lang ako dahil siya ang pinageeksperimentuhan ko. Kung magugustuhan niya, tiyak lang ay pasado ito.

Hindi naman ako pinipigilan ni Vince sa mga gusto ko. Basta ang lagi niyang bilin ay dapat masaya at healthy ako rito. 

Nalaman ko rin na may agency ng modeling ang kuya ni Kia kaya naman ng kunin niya kaming dalawa ni Kia bilang talent ay hindi na ako nagdalawang isip pa. 

When I started earning money from it, doon ko mas lalong naramdaman ang saya. Syempre, makakatulong na uli ako kay Vince at masaya pa ako sa ginagawa ko. Hitting two birds with one stone ika nga. 

It was a roller coaster ride for me. But I am glad that I took the risk and Vincent is always on my side. Dahil kung wala siya ay hindi ko na rin alam.

Nang makarating sa location ay nagpaalam na ako kay Vince. He planted a soft kiss on me bago ako tuluyang bumaba. Narinig ko pa ang tatlong busina na ginawa niya bago siya lumayo sa paningin ko.

Nang makarating ay agad akong umakyat sa studio. Naabutan ko roon si Kia at ang talent agent namin, ang kuya niya na si Khalil.

“Lorenz! Andyan ka na pala, ikaw na ang aayusan.” saad nito nang makita ako. Si Kia naman ay tumango lang sa akin dahil inaayusan siya ng buhok. It was a couple themed photoshoot. Napilit ko lang si Kianna sa brand na ito dahil hindi ako komportable sa iba. 

Habang inaayusan ay nakita kong nag message si Vince. Nagsend siya ng picture habang bumibili sa grocery. It was a cute selfie from him, he’s holding a fresh milk at nakangiti ng bahagya. I saved the picture and replied to him.

Nang matapos, nagsimula na rin kami sa photoshoot. It was actually fun, hindi mahirap katrabaho si Kia dahil bukod sa kaibigan ko na siya ng ilang taon ay sa kanya lang talaga ako komportable sa mga ganitong uri ng photoshoot. 

I know Vincent will understand this because this is my job pero nagpapaalam pa rin ako sa kanya sa tuwing ganitong klase ang gagawin namin. It’s just a decent thing to do as a partner. Letting him know and understand, wala kayong pag aawayan.

 

Natapos rin ang shooting ngunit mayroon pa kami mamayang hapon kaya naman nagpahinga na muna kami. Kia and I ate together along with our production team. Tinawagan ko si Vince nang matapos akong kumain, ilang minuto lang ay sinagot niya rin ito.

 

Napansin ko na wala pa rin siya sa bahay kaya naman ay tinanong ko ito kung nasaan ito, maingay rin kasi ang paligid kaya wari ako ay nasa labas siya.

 

“Umuwi muna ko kanina pagkatapos ko mag-grocery, baby. Lumabas lang ulit ako para mag pacarwash. Kamusta dyan?” tanong nya. 

 

Inikot ko ang aking phone para iharap kay Kia at Khalil na nakaupo sa harap ko. “Pahinga lang. Mamaya pa ulit 1 pm continuation. Guys, si Vince.” tawag ko sa atensyon ng dalawa. Mabilis naman silang ngumiti at bumati kay Vince na bumati rin sa kanila pabalik.

 

Nang matapos ang usapan namin dahil tapos na linisin ang kotse ay pinatay ko na rin at nagsend nalang ng ‘Ingat.’ sa message dahil balik na muli kami sa shooting.

 

Panibagong ayos na naman ng buhok at damit ang suot namin. Inabot rin ng gabi bago kami natapos kaya naman ng sunduin ako ni Vince ay madilim na. 

 

Nakita ko agad ang kotse namin na nakaparada sa harap ng building. Pinanood ko kung paano bumaba si Vince at magtungo sa amin. Nakaitim na t-shirt lang ito na plain, army cargo shorts at itim na slides. Nakasuot rin siya ng silver na wristwatch at itim na cap.

 

“Sinundo na ng asawa,” bulong na pang aasar ni Kia ng papalapit samin si Vince. Napailing na lang ako at natawa ngunit biglang nagsalita si Khalil sa gilid namin.

 

“Pabalikin mo na kasi yung may birthmark sa leeg. Bakit ba hindi na yon nabisita?” tanong ni Khalil at natawa naman ako. Si Jules kasi ang tinutukoy niya roon.

 

Hindi ko rin alam anong meron sa kanilang dalawa, maging si Vince. Kaya ngayong hindi na sila nag uusap ay palaisipan talaga sa amin lalo na’t ang sabi ni Kia ay hindi naman raw seryoso ang mayroon sila at kaibigan lang talaga. 

 

“Hi.” bati ni Vince nang makalapit sa amin. Naramdaman ko agad ang kamay niya sa bewang ko bago nakipagfist bump kay Khalil. Hindi naman nakalagpas kay Kia ang kamay ni Vince na nasa bewang ko kaya natatawa ako sa reaksyon niya.

 

“Andyan na pala sundo mo. Uwi na ba kayo, Doc?” tanong ni Khalil na tinanguan ni Vince.

 

“Oo eh. May lakad pa ba kayo?” tanong ni Vince. Umiling naman si Kia nang bumilis. “Ay naku, Doc! Wala! Sige na umuwi na kayo..” saad ni Kia ng may ngisi sa mukha.

 

Pareho naman kaming natawa roon ni Vince, nakita ko pang namula ang tenga roon ni Vince at nahihiyang napakamot sa kanyang batok. 

 

“Ewan ko sayo. Sige na, mauna na kami. Ingat kayong dalawa.” paalam ko. Tumango naman sila ngunit naroroon pa rin ang mapangasar na ngiti.

 

“Dito na kami.” paalam ni Vince saka kami nagtungo patungo sa kotse. Hanggang sa makapasok ay namumula pa rin ang tenga ni Vince. Halatang halata yon dahil sobrang pula.

 

“Huy, okay ka lang?” tanong ko rito. Nahihiya naman siyang tumingin sa akin at mabilis na tumango. Sunod sunod rin ang paglunok nito at hindi maipirmi ang mata.

 

Natawa ako nang malakas nang mapagtanto kung bakit siya nagkakaganito. “Nahihiya ka?” tanong ko. Umiling naman siya ngunit hindi pa rin natingin sa akin.

 

“Hindi. Bakit naman?” tanong nya at kunwaring inaabala ang sarili sa daan. 

 

“Sige nga kung hindi tumingin ka.” saad ko. 

 

“Nagmamaneho ako, Lorenzo. Baka mapano tayo,” saad niya kaya naman lalo akong natawa dahil mas lalong namula ang tenga niya. 

 

Hanggang sa makauwi ay tahimik lang si Vince, pinapanood ko lang ito habang hindi makatingin sakin. Kahit hanggang pagbuksan niya ako ng pinto ay hindi lumalapat ang mata niya saakin. 

 

Pagpasok ay dumiretso ako sa kwarto upang magbihis. Magtatanggal na sana ako ng makeup nang pumasok rin si Vince sa likod ko at ipinatong ang kanyang baba sa aking kaliwang balikat.

 

Nakatingin lang ako sa kanya sa dahil nakaharap kami sa salamin. I watched how he planted a kiss on the top of my shoulder. Nang matapos ay tumingin rin siya sa akin sa salamin, whispering something..

 

“Sobrang ganda mo,” bulong ni Vince

 

Ngumiti ako at humarap sa kanya bago siya niyakap. Vince hugged me back. Mumunti-munti ang galaw namin na para bang sumasayaw kahit na wala namang kanta.

 

I held both of his cheeks, staring directly into his eyes. Tumingin pabalik si Vince sa akin. I remember all the memories we shared back then. All the hardships and efforts that Vince made back in my college days recalled me. 

 

Bago pa man ako makabalik sa ulirat ay naramdaman ko na ang labi ni Vince sa labi ko. The kiss feels intense but at the same time, soft.

 

As if Vince is taking his time to kiss every part of my lips. I can taste the flavor of my lips with the lip gloss on my face as Vince parted our lips together.

 

He then pulled my waist to bring my lips closer to his. I wrapped my hands around Vince's neck who’s now currently entering my mouth using his tongue. 

 

Hindi naman ito ang paunang beses na umabot kami sa ganito ngunit ibang iba ang pakiramdam na ito. It’s sweet and addicting yet sensual. Tipong pakiramdam ko ay sobrang init sa loob ng kwarto namin kahit bukas naman ang aircon.

 

Bumaba ang halik ni Vince sa aking leeg, causing me to whimper in such pleasure. “Vince…” bulong ko. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang ulo ngunit alam kong iginilid ko ito para bigyan ng mas malaking access si Vince sa leeg ko.

 

Vince groaned nang hawakan ko nang mahigpit ang buhok niya. Patuloy pa rin ito sa paghalik sa aking leeg patungo sa aking dibdib. Kakaibang init sa katawan ang naramdaman ko nang dumampi ang kanyang labi sa aking dibdib.

 

I let out another moaned nang ipasok ni Vince ang kanyang kamay sa loob ng aking damit pang itaas. His cold palm sent shivers all over my body. Bumalik si Vince sa paghalik sa labi ko habang ang kamay ay nasa loob pa rin ng damit ko.

 

While kissing, naramdaman ko ang matigas na pakiramdam sa pagitan ng hita ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang magsimula akong gumalaw sa bagay na iyon. Rinig ko ang munting daing ni Vince sa pagitan ng halikan namin. 

 

“Lorenzo,” Vince whispered as I began to thrust my hips against his hard length. Vince's eyes were full of lust when I looked at him. 

 

“Sige na, Vince…” pagmamakaawa ko kahit hindi ko naman alam kung saan ako nagmamakaawa. Kung para ba tanggalin ang init sa aking katawan o para hindi ako tigilan ng labi niya. Hindi ko alam.

 

Vince didn’t answer. Sa halip ay hinawakan niya ang hem ng top na suot ko bago ito hinubad sa aking katawan. Pakiramdam ko ay exposed na exposed ako kahit na may suot pa rin naman akong pang-ibaba.

 

Vince ran a finger from my chest down to my stomach, his eyes locked onto mine with the same heavy intensity. I felt a strange sensation, causing me to let out a soft moan. “Ah,” bulong ko at agad napatakip sa aking bibig.

 

It was embarrassing. Mukhang napalakas pa but Vince simply removed my hand from my mouth and held my wrist to guide me and lay me down on the bed.

 

Habang nakahiga ay iba ibang sensasyon ang nararamdaman ko. May damit pa rin si Vince nang pumatong siya sa akin para ituloy ang halikan naming dalawa.

 

But unlike earlier, our kisses are now hot, passionate, and intense. It feels as if we’re both drunk and completely intoxicated. “Vince… yung damit mo..” hingal hingal kong saad nang makawala sa pagitan ng halik.

 

Vince immediately removed his shirt before hovering his body on mine. Binibigyan ng basang halik ang aking leeg at wala na akong nagawa kung hindi umungol sa sarap sa pakiramdam.

 

“Ah, Vince..” ungol ko sa ilalim niya. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang sarili sa sarap na nararamdaman. Ramdam na ramdam ko ang labi ni Vince sa aking leeg at ang kanyang naninigas na ari sa gitna ng aming katawan. 

 

I started grinding against him. “Tangina.” Vince cursed under his breath when he felt our hardness together. Hindi niya matuloy tuloy ang paghalik sa leeg ko nang mas bilisan ko ang pag-ulos sa ilalim niya.

 

With my mouth slightly opened because of the sensation, Vince tongue entered my mouth, exploring each part inside me. 

 

He groaned when I moaned between our kisses. Bumalik muli ang halik niya sa panga ko, patungo sa mga tenga at sa aking leeg, leaving wet and sweet marks on it.

 

“Sobrang bango mo,” Vince said while kissing my neck. 

 

Halos mapamura naman ako nang biglaan siyang lumipat sa dibdib ko. Kissing my chest while looking at me. Pinapatakan niya ng halik iyon habang nakatingin sa akin. 

 

So when he finally sucked my left nipple. I let out a loud moan. “Fuck!” Mahigpit na ang kapit ko sa kanyang buhok, hindi ko na rin alam kung saan ikakapit ang isang kamay. 

 

“Vince! Vince! Fuck!” ungol ko ng paglaruan naman niya ang kabila. Ni hindi ko na alam ang nangyayari. Ang tanging alam ko lang sa mga oras na ito ay kung gaano kasarap sa pakiramdam ang ginagawa ni Vince.

 

Ramdam ko ang dila ni Vince sa aking dibdib, umiikot ito at basang basa, pagkatapos ay susupsupin. 

 

Halos manghina na ako sa sarap ng pakiramdam noon. I started thrusting my hips again on him, desperate to feel Vince between me.

 

Rinig ko ang sunod sunod na mura ni Vincent sa tuwing magtatama ang ari namin. Kung sa normal na araw ay iisipin kong nakakahiya ang ginagawa ko ngunit desperado na akong maramdaman siya. 

 

“Tangina, Lorenzo. Stop moving, baby.” Vince groaned when he felt my hardness against his clothed dick. 

 

Umiling ako sa kanya, namumuo na ang luha sa hindi malamang dahilan. I feel like an animal in-heat at kung wala pang gagawin si Vince ay hindi ko na alam.

 

“Vince.. please.. please..” I said to him, pleading to give my whines. Dahil nga sa manipis na trouser ang suot ko ay damang dama ko ang matigas na ari ni Vince sa tuwing uulos ako.

 

“Akong bahala mahal. Hahawakan kita,” saad ni Vince pagkatapos ay saka mahinang nagmura. Kita ko sa mata niya na hindi niya na rin kaya at mukhang nagtitimpi na lang.

 

Tumayo ako sa pagkakahiga at kumandong kay Vince na ngayon ay nakaupo sa kama. He continues sucking my nipples like his life depends on it. 

 

I began to thrust my hips again, desperate to feel back the heat earlier that was lost. Habang patuloy sa pagdila si Vince, ang isang kamay ay nakahawak sa bewang ko— guiding my thrust. At sa tuwing magtatama ay pareho kaming uungol sa sarap. 

 

Few more thrust and I could already feel that I am close. Naramdaman ni Vince yon dahil hinawakan niya ng mahigpit ang aking bewang at siya mismo ang gumalaw roon upang mas mapabilis ang pagulos ko. 

 

Palipat lipat rin ang kanyang ulo. Sucking left and right of my torso. “Ahh! Fuck! Fuck! Vince!” halos mapasigaw na ako nang maramdaman na malapit na akong labasan.

 

Vince didn’t mind how loud I was. Sa halip ay hinalikan niya ako habang dalawang kamay na ang humahawak sa bewang ko, making the friction more hot and sensitive.

 

Lumayo ako sa halikan ng maramdaman na sobrang lapit na. Ang sakit na sa puson at pakiramdam ko ay sasabog na ito anumang oras. Kitang kita ko ang mata ni Vincent na nakatingin lang sakin ng madilim, punong puno ito ng pagnanasa.

 

“Ahhh! M-malapit na.. sige p-pa..” nanginginig kong saad habang pilit ikinikiskis ang sarili sa kahabaan ni Vice.

 

I moaned when I finally reached my climax, still shaking from the sensitivity, Vince hugged me tight at saka hinimas ang likuran ko. 

 

Inabot ni Vince ang tubig sa gilid ng aming kama at inabot sa akin. Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko. 

 

“Mahal na mahal kita, Lorenzo.”

 

It was one of those moments na masasabi kong nasa iisang bahay na talaga kami ni Vincent.

 

Hindi naman araw araw ay magkasama kami ni Vincent. Madalas siyang nakakasama ng mga tao sa hospital at madalas ko namang kasama sila Kianna at Khalil.

 

Ngunit kahit ganoon ay hindi naman kami nawalan ng oras sa isa’t isa. We may have our own duties personally, pero hindi naman nakakalimutan ang duties naming magnobyo.

 

Madalas rin kaming lumabas at magdate. Minsan ay kasama sila Mama at ang kapatid ko, minsan ay sila Chukoy. 

 

Pero madalas ay kaming dalawa lang.

 

It’s like a rest day for us. Spending and feeling each other’s company despite being busy in a week.

 

“Baby, tapos ka na po?” tanong ni Vince nang katukin niya ako sa kwarto. Tinignan ko ang sarili sa salamin bago ako lumabas.

 

“Yup. Okay ba?” tanong ko sa kanya nang buksan ko ang pinto. 

 

Vince smiled and hugged me. “Salamat talaga sa Diyos, sakin ka.” saad niya kaya naman natawa ako. 

 

He’s always been like that. Randomly thanking Him dahil binigay raw ako sa kanya. 

 

Even on the most random day, Vincent will always look at me and smile. Pagkatapos ay titingin ito sa taas at hahampasin ang dibdib ng dalawang beses. 

 

It was a lovely gesture for me though. Having someone that is always thankful for having you in their life. 

 

Tulad ngayon, nakagawian na namin na kahit anong busy sa trabaho ay kailangang sabay kaming magtutungo sa simbahan upang magpasalamat.

 

I watched Vincent as he silently prayed. Tapos na kasi akong magdasal at hinihintay ko na lamang siya. Nagulat ako nang tumingin siya sa akin panandalian at saka binalik ang tingin sa altar.

 

Pagkatapos ng simba ay dumaan kami sa palengke upang bumili ng uulamin. Napatigil pa kami nang makita ang isang ale na nagpupulot ng kanyang paninda na nahulog sa kalsada.

 

Walang kahit sino ang nagtangkang tumulong dito. Everyone is busy on their own lives na hindi na nila napansin na may kailangan ng tulong nila.

 

Sasabihin ko palang sana ito kay Vince ng hilahin niya ang kamay ko at walang sabing nagtungo roon sa matanda.

 

“Baby pakihawak muna,” saad niya at inabot sa akin ang payong na dala dala bago ito lumuhod upang tulungan ang matanda.

 

Mukhang nagulat pa siya nang makita si Vince sa harap ngunit agad din nagpasalamat. “Salamat totoy, ha. Puro kasi kalokahan ang mga batang iyon… yung mga nagsskateboard? Natapon tuloy ang paninda ko..” paliwanag nito.

 

Tinignan ko naman ang grupo ng mga kabataan na abala sa pagpapaandar ng kani-kanilang skateboard at napailing.

 

“Saan nyo ho ba ito itinitinda?” tanong ni Vince habang pinupulot isa isa ang mga kamatis na gumulong. Ang iba at nadurog na dahil naaapakan ng mga dumadaan.

 

“Sa likuran pa nga anak.. naroroon kasi ang pwesto namin ng asawa ko.” saad ng ale. 

 

Malayo pa ang likuran ng palengkeng ito kaya naman nang tumayo si Vince ay bumulong ako sa kanya. “Hatid na natin, mahal.” na siya namang tinanguan ni Vince.

 

Tumanggi pa ang matanda ngunit napapayag rin naman namin. Habang nasa daan ay nagkukwentuhan sila ni Vince ng mga bagay bagay.

 

“Nanlulumo lang ako kanina dahil huling pera na namin ng asawa ko ang pinuhunan namin sa mga gulay na ito. Nasira na nga ang iba, pagkatapos kanina ay nadurog pa. Maaaring masambot namin ang puhunan, pero imposible na kaming kumita.” malungkot na saad ng ale.

 

Nakita ko si Vince na tumango habang nagmamaneho. Ngunit bukod roon, napansin ko rin ang gilid ng mga mata niya na unti-unting napupuno ng luha.

 

Mabilis niyang pinalis ito, takot na baka makita ng kung sino. 

 

I reached out my hand and caressed his back. Tumingin naman siya sakin at ngumiti. Malambot ang puso ko sa mga matatanda ngunit mas malambot ang puso ni Vince. 

 

Nang ibaba namin ang paninda ni nanay ay nakita namin ang maliit nilang pwesto. Naroroon rin ang asawa niya na abala sa pagbabalot ng ibang gulay.

 

“Ayun ang asawa ko.. si Ricardo.. sandali…” saad ni nanay at kita sa mukha niya ang tuwa. 

 

Sumunod kami ni Vince habang hawak hawak niya ang paninda ni nanay at ako naman ang nagpapayong.

 

Nang makalapit ay binaba namin roon ang paninda nila at napag isipan na doon na rin sa kanila bumili ng uulamin.

 

“Isang kilo ho nito nay,” saad ni Vince, hinayaan ko siya na bumili para sa amin habang abala naman ako sa pakikipagkwentuhan sa asawa ni nanay.

 

“May sakit na rin nga ako. Dala na rin ng katandaan ngunit sino ba ang tutulong samin kung hindi mga sarili namin, hindi ba?” saad ni tatay Ricardo at saka pabirong tumawa.

 

Bago umalis ay nagbayad na si Vincent para sa gulay na binili niya. Nag abot siya ng isang libo at saka nagpaalam.

 

“Nay, tay… uuna na ho kami.” paalam ni Vince ngunit nagulat ako ng habulin siya ni tatay Ricardo.

 

“Hijo, ang sukli mo!” sigaw ni tatay Ricardo.

 

“Sa inyo na po. Pandagdag puhunan nyo ni nanay. Mauna na po kami.” saad ni Vince.

 

Hanggang sa makabalik kami sa kotse at tahimik ako. Andaming realizations na nabubuo sa utak ko ngunit alam kong isa don ay ang pasasalamat sa Diyos na binigay sakin si Vincent.

 

Salamat dahil binigyan ako ng taong may busilak na loob, taong matiyaga at taong mapagmahal.

 

Ngayon ay naiintindihan ko na si Vincent sa tuwing nagpapasalamat siya sa Diyos dahil binigay ako.

 

Dahil kahit ako, ay ipagpapasalamat ko ang pagdating niya sa buhay ko.

 

“Vince.” tawag ko habang nagmamaneho siya. Lumingon siya sa akin. “Bakit?”

 

Umiling ako at niyakap siya. “Mahal kita sobra.”

 

Dahil yun naman ang totoo.

 

Mahal kita sobra, Vincent Maceda.

 

Sobra pa sa inaakala mo.

 

At mamahalin pa kita sa pang-araw araw, Doc.