Work Text:
Year 2022 —
“We should end this relationship na, Colet.”
“But why, Jho?”
“Hindi na healthy ‘to. Masyado na tay-“
“Paano magiging healthy, hindi ka kumakain ng gulay.”
“Seryoso ako, Colet.”
“Baby, please, ‘wag, Ayusin natin.”
“Colet. Please.”
“May iba na ba, Jho?”
“Wala.”
“Jho. Alam mo namang ikaw lang ang meron ako.”
“Yun nga eh. Ako lang ang meron ka pero ubos na ubos na ako. Wala na akong maibigay pa.”
Year 2023 —
“Ate Colet, tama na yan. Uwi na tayo,”
“Umuwi ka kayo, Sheena, Iwan niyo na ako rito.”
“Hindi ka namin pwede iwan ng lasing ka.”
“Sheena! Sige na, umuwi na kayo. Okay lang ako rito. Ako na bahala sa sarili ko.”
“Ate Colet.”
“Shee, baka bumalik si Jhoanna. Dito nya ako pupuntahan. Hihintayin ko siya.”
“Ate, alam naman natin na nasa America na si Ate Jho”
“Sige na, Sheena. Alis na.”
—
“Hi, okay ka lang?”
“Mukha ba akong okay, ha?”
“Sungit. Hi. I’m Aiah, And you are?”
“Colet.”
“Parang wasted na wasted ka na ha? Hindi ka pa ba uuwi?”
“Umalis ka na kung papauwiin mo lang din ako.”
”Nope. Okay i’ll stay na lang din here. Samahan kita.”
—
From Sheena: Ate Jho, kumusta ka na? Hindi ka pa ba babalik dito sa Pinas? Hindi na po namin alam gagawin kay Ate Colet. Wala na siyang ibang taong hinahanap. Ikaw lang daw kailangan niya.
I tossed my phone in the bed. I am now living my life here sa San Francisco. Aminado ako, mahal ko pa. Pero ano bang mabuting madudulot nitong pagmamahal na ‘to samin? Should I go back to her?
Present Year —
I still have the same question in my mind.. Should I go back? For the past years, hindi nawala ang tanong na ‘yon sa isip ko. Pero nakakatakot bumalik. Hindi ko alam ano na naman ang kailangan ko na i-give up para sa kanya. Sa bawat hakbang ko sa kanya papalapit, laging may humihila sakin na ‘wag ko na ituloy. Should I go back? Or am I too late?
From Mommy: Anak, umuwi ka na. Hindi na maganda ang lagay ni Lolo mo.
—
Ilan years na ang nakalipas, May pamilya na rin kami ni Aiah. Yes, nagkatuluyan kami. Simula noong gabi na yun sa bar, araw araw na kaming nagkasama ni Aiah.
“Baby, si Nicholai, ang taas ng lagnat,”
“Tara na dalhin na sa hosp. I’ll just pack her things.”
We arrived at the emergency room just on time. Papunta na sa convulsion yung lagnat ni Lai.
“Ate Colet?”
“Cream! Anong ginagawa mo rito? Okay ka lang ba?” Si cream ang pinaka close na pinsan ni Jhoanna.
“Si Lolo po sinugod dito ngayon lang.”
“Ha? Nasan siya ngayon?”
“Tara ate, samahan kita sa kanya gusto mo?” Hindi dapat pero hindi ko rin alam bakit ako sumama. Siguro alang alang na ang din sa matanda na hindi naman ako tinuring na iba? I saw Jhoanna’s grand father fighting for his life. Hindi ako makagalaw pero pilit na inaabot ako nito.
“Colet. Apo.”
“Pang.” I made my way to his side.
“Namiss kitang makita, apo.”
“Pang. Laban ha? Kaya po yan. Marami pong nagmamahal sa inyo.”
“Apo, uuwi ba si Jhoanna?” Nilingon ko sila Cream at ilang kapamilya ni Jhoanna. Tumango lang sila sa akin.
“Opo pang. Baka po malapit na po ‘yon kaya magpalakas po kayo.” Nagpaalam na ako agad sa kanila dahil kailangan ko balikan ang mag ina ko. Pag hawi ko pa lang ng Hospital curtain, si Jhoanna na agad ang sumalubong sakin. Hawak hawak pa rin ang kurtina, I just nodded to her and she made her way beside her Lolo and ako naman, I closed it down and went to my child and wife.
I can hear them. We are just literally curtains away from each other.
“Saan ka galing, baby? Okay ka lang ba? Wag ka na mag alala kay Lai, nabigyan na siya ng gamot. Hindi na siya nag chi-chills.” Aiah assured me.
“Huminga lang, baby, okay lang ako.” Yes, I lied.
—
Seeing Colet na galing sa loob, honestly, melts my heart. What do you mean na after all these years, nandito pa rin siya sa pamilya ko?
“Jhoanna apo. Nasan si Colet? Bakit siya lumabas?”
“Cream, tawagin mo Ate Colet mo”
“Cream, sige na tignan mo na si Colet sa labas.” Utos ni Mommy sa kanya.
—
I heard them. Thankfully, Aiah is still talking to Nicholai’s doctor. I held Aiah by her waist and whispered na hihinga lang ako ulit. When she nodded, lumabas na ako agad and sinalubong si Cream.
“Pang, nandito po ako. Palakas pang ha?” Bulong ko sa matanda.
“Masaya ako na nakita ko kayong magkasama ulit. Ito lang naman ang hiniling ko sa Panginoon na bago ako bawian ng buhay, makita kayong magkasama.” Dahan dahang pinikit ni Papang ang nga mata niya habang nakahawak sa mukha ni Jhoanna.
Lumuhod ako sa may gawi ni Jhoanna para alalayan ito. Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sa akin. Walang tigil ang pag iyak niya. Hindi ko na napigilang yumakap pabalik. Masama na ba akong asawa nito?
—
From Baby💕: Baby, saan ka na? Balik ka na rito. Nagising si Lai hinahanap ka dahil natatakot sa nag iiyakan sa kabilang curtain. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Jho. Kailangan ko na magpaalam.
“I’m sorry for your loss. I need to go.”
—
Nailibing na’t lahat si Papang pero walang Colet na dumalaw man lang sa burol. Hindi rin naman siya hinahanap nila Mommy. Parang may alam sila na hindi ko alam. Hindi na rin ako nagtanong pa, kasi para saan pa?
“Ate Jho, lalim naman niyang iniisip mo.”
“Hindi na siya bumalik, Cream.”
“Ate, hindi na talaga babalik si Lolo.”
“Si Ate Colet mo”
“Ate.”
“Ewan ko, Cream. Gusto ko humingi ng tawad sa kanya dahil bumitaw ako sa pangarap namin.”
“Hindi mo naman ginusto talaga yun, Ate. Kailangan mo lang gawin ‘yon to save yourself. Wala kang kasalanan doon”
“Meron.”
“Hah?”
“Pumunta ng San Francisco ‘yan. Doon mismo sa apartment ko. Ilang linggo siya doon. Hindi ko siya hinarap. Ewan ko, hindi ko na kasi nakikita yung magandang future with her. Mahal ko siya pero hindi na talaga enough yung mahal niyo lang ang isa’t-isa.”
“Eto number niya ate, it’s up to you kung itetext mo or what. Ikaw na po bahala. Pag isipan mo maigi, Ate Jho,”
—
Lahat ata ng Santo ay tinawag ko na sa gagawin kong pag contact kay Colet. Hindi tumagal ng ilang ring ay sinagot na niya agad ang tawag ko..
“Hello. Who’s this?”
“Colet.”
“Yes speaking, sino po sila?”
“Jhoanna.” after I said my name, there’s this 20 seconds silence.
“Oh. Jho. He-hello.”
“I’m sorry for disturbing you this late, may kailangan lang ako sabihin.” After that word, naramdaman ko na ang pagiging teary eyed ko.
“A-a-ano yon, Jho?” Is she stuttering? Kinakabahan din ba siya?
“Colet.” “Yes, Jho?”
“I just want to say sorry. And gusto ko lang malaman mo na hindi ako tumigil mahalin ka. I’m really sorry. Natakot ako. Nakita ko kasi yung buhay natin noon na baka walang patunguhan. Gusto ko sana maayos ko muna ang buhay ko bago ko sana ayusin ang buhay natin.”
“Jho.”
“Hindi mo kailangan ibalik sakin na mahal mo ako, gusto ko lang talaga humingi ng tawad. And nakokonsensya ako na tayong dalawa ang huling hiling ng lolo ko tapos hindi niya alam na ako ang sumira sating dalawa.”
“Jho, hindi ka naman nawala sakin eh. Pero..” yung salitang pero pa lang ang nasasabi niya eh tuloy tuloy nang tumulo ang mga luha ko.
“Jho. May pamilya na kasi ako. Mahal ko ang mag ina ko. Jho, I’m sorry kung ang laki ng pagkukulang ko sa’yo. Patawarin mo ako kung hindi ako naging sapat. Patawarin mo ako kung naubos kita. Oo, hindi ko maintindihan nung una yung desisyon mo, pero after ko umuwi galing San Francisco, naintindihan na kita. Hindi nga rin biro talaga makipag relasyon sa kagaya ko. I’m really sorry, Jho.”
“Colet.”
“Ibababa ko na yung phone, Jho. Mag iingat kang palagi.”